wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Kabihasnan sa Egypt

Total questions: 30

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Sinakop ni Menes upper Egypt na nagbigay daan sa pag-isa ng dalawang kaharian sa Egypt. Isa sa mga ginawa pagkatapos nito ay ang paggamit ng double crown. Ano ang sinisimbolo ng kaniyang paggamit nito?

a)

Pagiging emperador ng buong Egypt.

b)

Kaisahan ng Upper at Lower Egypt.

c)

Pagiging isa sa mga diyos sa Egypt.

d)

Pamumuno na walang alinlangan.

2.

Hindi lahat ay lalaki ang naging pharaoh sa Egypt. Ayon sa kasaysayan, may isang babae ang naging pharaoh at itinuring na isa pinakamagaling na babaeng pinuno sa kasaysyan. Sino ang babaeng pharaoh na ito?

a)

Thutmose III

b)

Hatshepsut

c)

Amenhotep IV

d)

Menes

3.

Kung ang Bagong Kaharian ay itinuturing na panahon ng imperyo, ano naman ang tawag sa Lumang Kaharian?

a)

Panahon ng Pagkakaisa

b)

Panahon ng Digmaan

c)

Panahon ng Pyramid

d)

Panahon ng Obelisk

4.

Bakit maituturing na 'Gift of Nile' ang kabihasnan sa Egypt?

a)

Dahil dito sila ginawa ng kanilang mga diyos

b)

Kung wala ang ilog na ito ay tuyo at hindi sila makakapagtanim.

c)

Maraming isda ang kanilang nakukuha taon-taon.

d)

Naging pangunahing daungan ito ng mga nakikipagkalakalan sa Aprika at Asya.

5.

Bakit itinuturing na isa sa mga pinakadakilang pharaoh si Rameses II?

a)

Dahil marami siyang natulungan na tao.

b)

Marami siyang naipanalong mga digmaan.

c)

Marami siyang ipinagawa na mga templo at iba pang imprastraktura.

d)

Pinalawak niya ang teritoryo ng Ehipto hanggang sa Kanlurang Asya.

6.

Ayusin ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Ehipto batay sa pagkasunud-sunod nito:

I. Ipinatayo ni Khufu ang piramide sa Giza

II. Pinahalagahan ni Akhenaten ang pagsasamba sa iisang diyos.

III. Pinag-isa ni Menes ang Ehipto

IV. Sinakop ng mga Hyksos ang Ehipto

V. Nagpatayo ng mga templo at iba pang imprastraktura si Rameses II

a)

III, I, IV, II, V

b)

I, II, III, IV, V

c)

II, I, V, IV, III

d)

IV, II, I, V, III

7.

Ipinagawa ang Abu Simbel.

a)

Nefertiti

b)

Rameses II

c)

Ahmose I

d)

Tutankhamen

e)

Cleopatra VII

8.

Ang asawa ni Akhenaton na naging makapangyarihan ang impluwensiya sa pamumuno sa Ehipto

a)

Nefertiti

b)

Rameses II

c)

Ahmose I

d)

Tutankhamen

e)

Cleopatra VII

9.

Pinalayas niya sa Ehipto ang mga Hyksos

a)

Nefertiti

b)

Rameses II

c)

Ahmose I

d)

Tutankhamen

e)

Cleopatra VII

10.

Batang Pharaoh na nakilala dahil sa mga kayamanan na natagpuan ni Howard Carter sa kaniyang libingan.

a)

Nefertiti

b)

Rameses II

c)

Ahmose I

d)

Tutankhamen

e)

Cleopatra VII

11.

Huling pharaoh na namuno sa Ehipto bago ito sakupin ng Rome.

a)

Nefertiti

b)

Rameses II

c)

Ahmose I

d)

Tutankhamen

e)

Cleopatra VII

12.

Alin sa mga sumusunod ang ilog na nagbigay buhay sa sinaunang Ehipto?

(Which of the following rivers enabled the rise of ancient Egypt?)

a)

Ilog Amazon

b)

Ilog Nile

c)

Ilog Mississippi

d)

Ilog Ganges

13.

Ito ang tawag sa sinaunang papel na naimbento at ginamit ng mga Ehipsiyo sa kanilang mga dokumento

(Refers to a type of paper created by ancient Egyptians)

a)

papyrus

b)

paper

c)

scroll

d)

hieroglyphics

14.

Alin sa mga sumusunod ang tawag sa sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Ehipsiyo?

(Which of the following is the ancient form of writing of the Egyptians?)

a)

hieroglyphics

b)

cuneiform

c)

hieratic script

15.

Ito ang tawag sa Batong nadiskubre na naging dahilan upang ma"decode" ang sulat ng mga sinaunang Ehipsiyo

(Refers to the stone discovered that allowed scientists to decode the ancient writing of Egypt)

a)

Egyptian Stone

b)

Rosetta Stone

c)

Pharaoh Stone

16.

Ito ang tawag sa sinaunang paraan ng pag-eembalsamo ng mga Ehipcio sa kanilang Pharaon para ipreserba ito.

(refers to the embalming process done by Egyptians to preserve the body of their pharaoh)

a)
Mummification
b)

Embalming

c)

Cremation

17.

Sino ang Pharaoh na nagpatayo ng Great Pyramid of Giza?

(Who is the Pharaoh that started the building of the Great Pyramid of Giza?)

a)

Khafre

b)

Menkaure

c)

Khufu

18.

Sino ang itinuturing na kauna-unahang babaeng pharaoh sa Egypt?

(Who among the following is considered as the first female pharaoh?)

a)

Si Hatshepsut ang itinuturing na kauna-unahang babaeng pharaoh sa Egypt.

b)

Si Cleopatra ang itinuturing na kauna-unahang babaeng pharaoh sa Egypt.

c)

Si Nefertiti ang itinuturing na kauna-unahang babaeng pharaoh sa Egypt.

19.

Sa proseso ng mummification, ito ang pinakamahalagang lamang loob na hindi inaalis sa katawan.

(In the process of mummification, which organ is not removed from the body?)

a)

utak

b)

mata

c)

puso

20.

Ano ang tawag sa mga sinaunang pinuno ng kaharian ng ehipto?

a)

Anunnaki

b)

Pharaoh

c)

Lugal

d)

Rajah

21.

Tulad ng ibang mga sinaunang kabihasnan sa mundo, ang mga Egyptians ay naniniwala at sumasamba sa maraming diyos. Ano ang tawag sa uri ng paniniwalang ito?

a)

Monotheism

b)

Agnosticism

c)

Polytheism

d)

Theism

22.

BAKIT MAKAPANGYARIHAN ANG MGA PHARAOH?

a)

DAHIL SA PANINIWALANG SILA AY HINDI LAMANG PINUNO, KUNDI ISANG DIYOS.

b)

DAHIL SA PANINIWALANG SILA ANG NAMAMALA SA BUONG EHIPTO.

c)

DAHIL SILA AY MALULUPIT AT PUMAPATAY

23.

MGA TAONG MAY KASANAYAN SA PAGSUSULAT NG HIEROGLYPICS

a)

SCRIBE

b)

MANUNULAT

c)

MANG-UUKIT

24.

BAKIT GINAWA ANG PYRAMID SA MGA EHIPTO?

a)

UPANG MAGSILBING SAMBAHAN NG MGA TAO

b)

UPANG MAGSILBING LIBINGAN NG KANILANG MGA PHARAOH

c)

UPANG MAGSILBNG IMBAKAN NG PAGKAIN

25.

ANG LIBRONG ITO ANG PINAGKUKUNAN NG KAALAMAN SA PANINIWALA SA “AFTERLIFE” NG MGA SINAUNANG EHIPTO

a)

BOOK OF THE DEAD

b)

BOOK OF THE AFTERLIFE

c)

BOOK OF THE EGYPTIAN

26.

Ito ay isang lalagyan na gawa sa bato na ginagamit para sa mga mummy ng Ancient Egyptian.

a)

Sawdust

b)

Canopic Jar

c)

Sarcophagus

d)

"Ut"

27.

Pangunahing opisyal o "Mata ng Hari"

a)

Nobles

b)

Priestly Class

c)

Nomarchs

d)

Vizier

28.

Sa kaniyang pamumuno, sinubukan niyang baguhin ang paniniwala sa Egypt sa pamamagitan ng pagsamba lamang sa iisang diyos na si Aton. Sino ang pharaoh na ito?

a)

Tutankhamen

b)

Rameses III

c)

Rameses II

d)

Amenhotep IV

29.

Ang mga pharaoh ay huminto sa pagtatayo ng mga pyramid sa panahon ng Bagong Kaharian dahil sa iba't ibang mga dahilan. Isa na rito ay upang magbigay ng mas mahusay na seguridad laban sa mga magnanakaw ng libingan. Sa panahon ng Bagong kaharian, ang mga pharaoh ay inililibang sa anong lugar?

a)

Abu Simbel

b)

Obelisks

c)

Valley of the Kings

d)

Rosetta

30.

Ang bagong Kaharian ay tinatawag ding Panahon ng mga Pramide dahil sa panahong ito nagsimula ang pagpapatayo ng mga piramide sa Ehipto na nagsisilbing libingan ng mga paraon.

a)

Tama

b)

Mali