Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Paglalahad ng Sariling Pananaw/Opinyon/Paninindigan/Emosyon

Total questions: 12

Worksheet time: 2hrs 30mins

Name
Class
Date
1.

Naging matunog sa social media simula noong nagsimula ang community quarantine ang mga tinatawag na “Barter Groups” kung saan ibinabalik ang dating kultura ng pagpapalitan ng produkto. Hindi gumagamit ng pera sa palitan na ito kundi produkto sa produkto.

Ayon kay Gel Manalo (2020) “Sa virtual barter community na ito, buhay ang diwa ng bayanihan dahil hinihikayat ang mga miyembro na makipagpalitan ng produkto tulad ng gulay, prutas, mga pampalasa at produktong pampaganda nang hindi gumagamit ng pera.”

            Naniniwala rin siya na nagsimula ang barter dahil umano sa pagsasara ng maraming negosyo at establisimyento. Ito ang naisip ng ilang Pinoy na paraan para makuha ang kanilang mga pangangailangan na siyang natupad sa mga barter groups. (Manalo, 2020). Talaga namang nagkalat na sa buong Pilipinas ang mga grupong ito. Mayroon na sa Las Piñas, Bacolod, Taguig, at sa marami pang lugar sa bansa.

Sa aking palagay, isang magandang inisyatibo ang pagkakaroon ng barter lalo na’t ito rin ang panahon na walang pinagkakakitaan ang mga tao, kaya ibig sabihin, wala ring pera. Barter groups ang naging daan upang magkaroon o makuha ang mga pangangailangan sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng mga pagmamay-aring bagay sa iba. Nagpapakita rin ang gawaing ito ng pagiging malikhain ng mga Filipino sa paglutas sa mga suliranin na kinakaharap nila sa buhay. Gayundin, naipakikita nito ang isa sa pinakamagandang pagpapahalaga ng mga Filipino, at iyon ay ang pakikipagkapuwa. Talagang napaka-kolektibo ng ating kultura na nauunawaan natin ang pangangailangan ng iba dahil nasa pare-pareho tayong sitwasyon.

1.

Basahin ang editoryal na “BARTER: IN o OUT?” ni Nanette Amongol.
Magbigay ng sariling pananaw/opinyon/puna sa nasabing editoryal.

4 lines
2.

Marami ng kuwentong nabasa at narinig tungkol sa mga kabiyak na nabubugbog lalo na kung nalalasing o nalululong sa alak o droga ang kanilang asawang lalaki. Walang awa kung saktan ang noo’y pinangakuan ng wagas na pagmamahal at respeto.

Sa ilalim ng administrasyong Dutuerte ay mas lalong pinalawak ang batas tungkol sa karahasan sa kababaihan. Ito ay ang Republic Act 9262 na naglalahad na ang kababaihan ay dapat pag-ukulan ng pagmamahal at respeto. Batay sa RA 9262, ang sinomang lumabag dito ay may kaukulang kaparusahan. Kahit na ang lipunan natin ay masasabing patriarkal na kung saan ang ama ang siyang haligi ng tahanan ay hindi naman dapat kunsintihin ng batas na magkaroon ng karapatan ang ama na saktan ang kaniyang asawa o maging ang kanilang mga supling dahil labag ito sa karapatang pantao.

Ayon naman sa Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIII, Seksiyon 14, kinikilala nito ang mahalagang papel ng mga kababaihan sa pagkakaroon ng progreso ng isang estado. Kaya masasabi na pantay-pantay ang karapa tan ng mga tao, maging lalaki man o babae.

Sa paniniwala ko, ang pang-aabuso na ginagawa ng isang lalaki ay nagpapakita ng kahinaan. Taliwas ito sa pagiging macho o astig ng isang tunay at responsableng lalaki. Ano nga ba naman ang panama ng babae sa lakas ng isang lalaki? Siyempre, wala. Kaya’t masasabi kong duwag lang ang ganitong mga lalaking, babae at mga bata lang ang kayang saktan. Bakit kaya hindi niya subuking humanap ng katapat niya?

Sa tingin ko, kailangang ipagpatuloy ng pamahalaan ang kampanya laban sa karahasan sa kababaihan. Lalo na ngayong tayo’y nahaharap sa pandemya. Malaki ang epekto ng kahirapan at nakakatakot isipin na imbes ibili ng pagkain, hayun inuuna pa ang alak at droga. Kapag wala nang matira, ang kawawang pamilya ang pagbabalingan ng galit at dusa. Ganito na lang ba? Paulit-ulit lang ang siklo ng karahasan, hangga’t walang kumikilos para ito’y tuldukan. Sugpuin na.

2.

Basahin ang Sanaysay at isulat ang iyong sariling pananaw tungkil sa isyu gamit ang mga pang0ukol na nagbibigay ng pananaw at opinyon.

4 lines
3.

Piliin ang tamang sagot ayon sa tinutukoy.

Ito ay Layunin ng Sanaysay

a)

Magpaliwanag

b)

Ligaya Rubin

c)

Punto-de-vista

4.

Siya ang ama ng Sanaysay

a)

Genoveva Matute

b)

Michael Montaigne

c)

Alejandro Abadilla

5.

Ayon sa kaniya, isang nakasulat na karanasan ng isang sanay ng pagsasakaysay ang sanaysay

a)

Genoveva E. Matute

b)

Ligata Rubin

c)

Michael Montaigne

d)

Alejandro G. Abadilla

6.

Nagtataglay ng sariling pananaw, paniniwala at kaisipan ng sumusulat ang sanaysay.

a)

Diksiyonaryo

b)

Punto-de-vista

c)

Paglalarawan

d)

Paglalahad

7.

Ito ang pinakamahalagang Bahagi ng isang sanaysay

a)

Punto-de-vista

b)

Paglalahad

c)

Pangangatuwiran

d)

Paglalarawan

8.

Nagpapaliwanag, nagbibigay-katarungan at pakahulugan upang makapagbigay-kaalaman sa mambabasa.

a)

Pangangatuwiran

b)

Magpaliwanag

c)

Paglalahad

d)

Paglalarawan

9.

Naglalayong maglahad ng mga katuwiran upang palitawin ang mga katotohanan ng isang bagay o pangyayari.

a)

Diksiyonaryo

b)

Paglalarawan

c)

Magpaliwanag

d)

Pangangatuwiran

10.

Naglalayong ipamalas sa mga mambabasa ang kaanyuan ng isang bagay, tao o pook at ipakita ang mga kaibahan nito sa kniyang mga kauri o katulad.

a)

Paglalarawan

b)

Magpaliwanag

c)

Pangangatuwiran

d)

Paglalahad

11.

Para sa kanya, ang sanaysay ay naglalahad ng mga kontemporaryong usapin at paksain sa nagbabagong mundo.

a)

Ligaya Rubin

b)

Michael Montaigne

c)

Alejandro Abadilla

d)

Genoveva E. Matute

12.



"BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA PUMAPATAY NG WIKA"

Mabuhay!

Kasabay ng aking pagbati ay ang pagkamatay ng aking pagkatao at pagkakakilanlan bilang isang Filipinong nagpapakadalubhasa sa larangan ng Filipinolohiya.

Binanggit sa Wisyo ng Konseptong Filipino ni Bayani Abadilla na mistulang punerarya ng utak ang akademya at ang mga guro ay embalsamador ng talino. Ibig sabihin lamang nito na unti-unting nagiging somnambulistang nilalang ang mag-aaral, tulala at lutang sa mga asignaturang kanilang pinag-aaralan sa loob ng akademya, gayundin nagiging bangkay sila na tinuturukan ng kung ano-anong kemikal nang hindi nila namamalayan.

Sa madaling salita, ang mga mag-aaral ay wala nang kakayahan pang makilala ang kanilang pagkatao, kultura, kasaysayan, at karapatan. Kasabay ng pagpatay na ito ay pagtirik ng kandila sa mga kaluluwang ligaw at tila ba mga dayuhan sa sarili nilang bansa. Tinatanggal ng memorandum na ito ang kaakuhan ng Pilipinas.

Kasabay ng pagpapabansot sa wikang Filipino ay ang pagpapabansot din sa utak ng mga Filipino, hindi sapat na ang asignatura ay limitahan lamang sa elementarya at hay-iskul. Kung tutuusin hindi sapat ang mga kaalaman na itinuturo sa mga antas na ito dahil sa elementarya mula unang baitang hanggang ikaanim na baitang ay nilulunod natin ang mga mag-aaral sa pag-aaral ng bahagi ng pananalita. Wala akong nakikitang mali rito ngunit ano nga ba ang natatandaan ng karamihan? Hindi ba ang panawag pa rin ay sa Ingles? Dahil ito ang unang itinuro sa kanila at ito ang ginagamit na wika ng karamihan?

Hindi sapat ang anim na taon para pag-aralan ang tamang pagbabantas, gramatika, paggamit ng “rin” at “din”, “nang” at “ng”, gayundin mas kilala ng mga kabataan ang consonant at vowel kaysa sa patinig at katinig.

Pagdating naman sa hay-iskul, pinalalamon sa mga kabataan ang iba’t ibang akda na sa tingin ko naman ay hindi masama lalo na’t akda ito ng mga taong nakipaglaban sa bansa ngunit aking napansin na umikot ang pag-aaral sa sekondarya sa pagkuha ng mga tauhan, tagpuan at aral (kahit hindi naman moralistiko ang akda) gayundin sa pagbubuod ng mga akda na matagal nang nakabuod. Hindi naisasapuso ang binabasa dahil iba ang tuon ng pagtuturo, hindi sa pagsusuri ng laman kundi sa paggugutay-gutay ng nilalaman.

Kaya naniniwala ako, sampu ng aking mga kasama na nakikipaglaban sa wika, na ang asignaturang Filipino, panitikan at kasaysayan ay mahalagang ituro sa kolehiyo dahil ito ang may mas malawak na pagtalakay. Hindi ko sinasang-ayunan ang sinasabi nilang pag-uulit ng mga asignatura dahil may kaniya-kaniyang pagkakaiba ang mga ito.

Sa kolehiyo rin nagiging handa ang isipan ng mga kabataan na intindihin, isapuso at mahalin ang sarili nilang pagkakakilanlan at pagkatao. Sa antas na ito rin itinuturo ang pagsasaling-wika na maaaring magamit upang magkaroon ng karunungang bayan mula sa mga sinaliksik ng mga dayuhan kung saan isasalin ang mga ito sa paraang maiintindihan ng mga Filipino, at masusuri niya ito. Nariyan din ang Retorika, Pagsusuri sa Diskurso, Gramatika, Lingguwistika at marami pang iba.

Ang mga asignaturang ito ay may lalim at may dulot sa pagkatao at nagpapabuhay ng diwang makabansa ng isang tao. Sa inihain ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon, lalong nawala ang kalayaan ng isang bansa dahil ang pagtatanggal ng karapatan na aralin at suriin ang sariling wika ay parang pagkitil sa karapatang pantao sa aspektong kultural at espirituwal.

Gayundin, kaakibat nito ang tinatawag na “Cultural Genocide” o pagpatay ng kultura dahil sa pagkawala ng wika na nagbubunsod ng tinatawag na “Alienation” o pagiging deviant ng isang tao sa kaniyang kultura at bansang kinagisnan. Kasabay ng paninindigang ito ay ang pagsuporta sa libo-libong guro sa Filipino na mawawalan ng trabaho dahil sa pagkawala ng mga nasabing asignatura at pagsuporta sa grupo ng Tanggol Wika. Kami ay nakikipaglaban at naninindigan para sa bayan, wika at panitikan.

Wika at Bayan Ipaglaban!

A Luta Continua!

Sumasainyo,

PiloSoPaNTasYa

 Guro at Malaya.

12.

Panuto: Basahin ang editoryal na pinamagatang “Bukas na Liham Para sa mga Pumapatay ng Wika” ng tapatnews.com at sumulat ng isang pananaw o opinyon tungkol dito. Gamitin ang mga hudyat sa pagbibigay ng opinyon/pananaw

4 lines