NEW
Font size
WorksheetsSecond PT in ESP 7
Total questions: 60
Worksheet time: 3600secs
Alin sa sumusunod ang may kapangyarihang humusga, sumuri, mag-alaala at umunawa ng kahulugan ng mga bagay?
Dignidad
Isip
Kalayaan
Kilos-loob
Alin sa sumusunod ang itinuturing na kapangyarihan ng tao upang pumili, magpasya at isakatuparan ang napili?
Dignidad
Isip
Kalayaan
Kilos-loob
Ano ang pangunahing gamit ng isip?
Kumilos
Magdesisyon
Magpasya
Umunawa
Ano ang pangunahing gamit ng kilos-loob?
Kumilos
Magdesisyon
Magpasya
Umunawa
Ano ang tunguhin ng isip?
Kabutihan
Kalinawan ng isip
Karangyaan
Katotohanan
Ano ang tunguhin ng kilos-loob?
Kabutihan
Kalinawan ng isip
Karangyaan
Katotohanan
Ano ang kailangang gamitin ng tao upang makapag-unawa?
Kamay
Katawan
Pandama
Puso
________ ang magsasabi kung ano ang higit na mabuti upang ito ay mapiling gawin ng
_________.
Bibig; Kamay
Isip; Katawan
Isip; Kilos-loob
Kilos-loob; Isip
Tulad ng katawan ng tao, kailangan ding ________ at
_______ ang isip at kilos-loob upang magamit ang mga ito sa maling mabuting paraan at
layunin ng mga ito.
Gamitin; Isakatuparan
Sanayin; linangin
Tuklasin; linangin
Tuklasin; sanayin
Upang magamit nang lubusan ang isip ayon sa tunguhin nito, kailangan itong
linangin at gamitin sa tamang paraan sa pamamagitan ng mga sumusunod MALIBAN sa;
Pagsusuri ng sanhi at epekto ng mga pasiya at pag-uugali.
Paglutas ng mga problema nang may katwiran
Pagsasaliksik at pagtatanong
Pagkontrol ng mga emosyon.
Ang tao ay bukod-tangi sa lahat ng mga nilikhang may buhay sa mundo. Ang pahayag ay:
Tama, dahil ang tao lamang ang nilikhang may isip at kilos-loob, kaya kawangis siya ng Diyos.
Mali, dahil tanging ang Diyos lang ang bukod-tangi sa lahat at Siya ang lumikha sa atin.
Tama, dahil tao lamang ang may isip kumpara sa ibang nilikhang may buhay.
Mali, dahil lahat ng nilikha ay pantay-pantay sa mata ng Diyos
Bakit walang katapusan ang paghahanap ng tao sa katotohanan?
Hindi perpekto ang isip ng tao kaya wala siyang kakayahang malaman ang katotohanan.
May limitasyon ang isip ng tao kaya siya nakadarama ng kakulangan.
Patuloy ang hilig ng tao na matuklasan ang kaniyang kapaligiran.
Walang katapusan ang pag-aaral ng tao hanggat siya ay buhay.
Kailangan nating gamitin ang isip para sa pagkalap at pagtuklas ng mga kaalaman na ayon sa katotohanan, upang makapili ang kilos-loob ng mga kilos na may kabutihan.
Hindi inintindi ni Thelma ang deskripsyon ng gamot na pinabili sa kanya ng kanyang nanay sa botika, kaya pinapalitan ito sa kanya.
Tinulungan ni Eden ang kaniyang mga kaklase sa research project, kahit hindi siya sinali sa pangkat para rito
Binati pa rin ni Sonya ang kanyang kaibigan kahit nagpahayag ito ng sama ng loob sa Messenger.
Hindi sinagot ni Liza ang text message ng taong hindi niya kilala.
Sobra ang sukli sa iyo ng tindera ng bumili ka ng pagkain sa kantina ninyo.
Naalala mo na may babayaran ka sa iyong kaklase para sa inyong proyekto.
Ano ang gagawin mo at bakit?
Isasauli ko ang sobrang sukli dahil magiging kawawa ang tinderang
nagkamali dahil siya ang magbabayad ng kulang.
Ibabayad ko sa kaklase ko ang sobrang sukli dahil mas makakatipid
ako kaysa humingi ng pera sa aking magulang.
Sasabihin ko sa kaibigan ko ang nangyari at paghahatian naming
ang pera.
Hindi ko isasauli dahil hindi naman ako ang nagkamali.
Nahuli ng gising si Julie sa umaga at mahuhuli na siya sa kaniyang unang
klase sa paaralan. Napuyat siya sa kanonood sa telebisyon. Nagalit siya sa
kaniyang ina dahil hindi siya ginising nang maaga. Ano ang dapat gawin
ni Julie?
Dapat niyang isipin na may kakayahan siyang pumili ng kilos niya at
hindi kasalanan ng kaniyang ina kung siya ay napuyat.
Dapat hihingi siya ng paumanhin sa ina dahil hindi niya ito kasalanan at
sisihin ang sarili niya sa paggising ng huli.
Dapat ay magsilbing aral sa kaniya ito at ibilin nang mas maaga sa
kaniyang ina ang paggising sa kaniya.
Dapat siyang magalit sa kaniyang sarili dahil hindi siya sanay gumising
nang maaga.
Ano ang nagsisilbing batayan ng konsensiya sa pagpapasiya kung ano ang mabuti at masama sa konkretong sitwasyon?
Kultura ng tao
Pangkalahatang batas moral
Personal na karanasan
Relihiyosong doktrina
Ano ang dapat gawin ng kilos-loob sa pagpapasiya tungo sa kabutihan?
KabaitanSumunod sa pribadong opinyon
Karapat-dapatSundin ang kapritso ng konsensiya
Magdesisyon ng walang pangangatuwiran
Piliin ang mabuti ayon sa pangkalahatang batas moral
Itinalaga ng Diyos na may pinakamataas na antas ng pagkakalikha
dahil ito ay mula sa kanyang wangis.
Halaman
Hayop
Tao
Lahat ng nilikhang may buhay
Ano ang itinuturing na "praktikal na moral na paghuhusga" ng isip?
Dignidad
Kilos-loob
Konsensya
Moral
Ang bawat kilos ng tao ay may katambal na __________.
Kalayaan
Kapalit
Responsibilidad
Resulta
Saan nagmula ang salitang "konsensiya" at ano ang ibig sabihin nito ayon sa Latin?
Cum - "with" o mayroon, Scientia - "knowledge" o kaalaman
Kona - "conscience" o kamalayan
Koni - "conclude" o konklusyon, Sentia - "sense" o pang-amoy
Konsenya - "consciousness" o kamalayan
Ano ang pangunahing kamalayan sa mabuti at masama, ayon kay Santo Papa Juan Pablo II?
Isip
Kilos-loob
Konsensiya
Pagpasiya
Ano ang kilos ng isip na nagbibigay ng hatol kung ang isang pasiya o kilos ay mabuti o masama?
Isip
Kilos-loob
Konsensiya
Pagpasiya
Saan dapat nakabatay ang paghatol kung ang isang kilos ay mabuti o masama sa isang sitwasyon?
Likas na Batas Moral
Personal na karanasan
Personal na kapritso
Pribadong opinyon
Ano ang nagiging resulta ng pagpapasiya batay sa Likas na Batas Moral?
Aksyon ng kilos-loob
Kabutihan
Masamang reputasyon
Pagkakaroon ng personal na kapritso
Ano ang ginagampanan ng konsensiya sa pagpapasiya kung ang isang kilos ay mabuti o masama?
Nagtuturo ng kultura
Nagbibigay direksiyon
Nagdidesisyon sa kultura
Nagpapasya sa halip ng tao
Ano ang nangangahulugang ang Likas na Batas Moral ay walang hanggan?
May katapusan
Temporaryo lang
Walang katapusan
Paminsang nagbabago
Ano ang katangian ng Likas na Batas Moral na naglalayong isaklaw ang lahat ng tao?
Limitado (Limited)
Pangkalahatan (Unibersal)
Partikular (Specific)
Pribado (Private)
Anong katangian ng Likas na Batas Moral ang nagsasaad na ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan?
Hindi nagbabago
Obhektibo
Pangkalahatan
Walang Hanggan
Hindi nagbabago ang Likas na Batas Moral dahil hindi nagbabago ang pagkatao ng tao.
Hindi nagbabago
Obhektibo
Pangkalahatan
Walang Hanggan
Ano ang nagsisilbing gabay sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagbibigay hugis at direksiyon dito?
Kultura ng lipunan
Likas na Batas Mora
Pananampalataya
Personal na karanasan
Ano ang kalayaang magnais o hindi magnais?
Kalayaang gumusto
Kalayaang tumukoy
Panlabas na kalayaan
Panloob na kalayaan
Ano ang kalayaang na tukuyin kung ano ang nanaisin?
Kalayaang gumusto
Kalayaang tumukoy
Panlabas na kalayaan
Panloob na kalayaan
Sino ang may sabing nakasalalay sa kilos-loob ng tao anng kaniyang kalayaan?
Santo Tomas de Aquino
Father Joseph M. de Torre
Sr. Felicidad C. Lipio
Paul Ricoeur
Sino ang may sabi na ang Likas na Batas Moral ang nagbibigay hugis sa paggamit ng tunay na kalayaan at nagtatakda ng hangganan nito?
Santo Tomas de Aquino
Father Joseph M. de Torre
Sr. Felicidad C. Lipio
Paul Ricoeur
Ang __________ay pagbabalik sa nagawang masama na may paghusga at pagtanggap sa nagawang kasalanan.
pagpapakumbaba
pagpapatalo
pagsisisi
pagpapatawad
Ang tao ay maaring mahikayat, maganyak o maakit subalit hindi maaring puwersahin o _______,
baguhin
insultuhin
pigain
pilitin
Habang kumukuha ng pagsusulit sa klase, bumulong sa iyo ang katabi mo at humihini ng pabor na pakopyahin mo siya ng mga sagot mo. Ano ang gagawin mo?
Sasabihin mo ang mga maling sagot sa kaniya.
Hihingi ka ng pasensiya at tatanggihan mo siya.
Pagbigyan momng makita ang ilan lamang sa mga sagot mo.
Magpanggap kang hindi mo siya naririnig at hindi mo na lang papansinin.
Ang pagiging handa sa pagharap ng anumang kahihinatnan ng iyong pagpapasiya ay ang paggamit ng kalayaan ng may kaakibat na tungkulin. Ang pahayag ay:
Tama, dahil nagiging mapanagutan ka sa pagpili ng iyong ikikilos,
Tama, dahil kahihinatnan ng pasiya mo ay hindi na magbabago pa.
Mali, dahil walang nakakaalam ng kahihinatn ng kilos ng tao.
Mali, dahil ang kasamaan ay mahirap lamang kapag may ibang nakakaalam.
Nagsisisi ako dahil nagawa ko ang masama na hindi ko dapat ginawa. Ano ang kahulugan ng pangungusap na ito?
Nagsisis ang tao dahil ginawa niya ang hindi dapat.
Ang tao ay may tungkuling iwasan ang tukso sa paligid niya.
Tungkulin ng tao ang umiwas sa gawaing masama at gawin ang mabuti.
Hindi dapat magsisi ang gumagawa ng masama dahil kalayaan natin ito
Itinalaga ng Diyos na may mataas na pagkakilala dahil ito ay kanyang wangis.
Halaman
Hayop
Tao
Lahat ng nilalalng na may buhay
Hanggang kailan dapat ibigay ang dignidad sa isang tao?
Kung matanda na
Kung nakapag-asawa na
Habang siya ay nabubuhay
Kapag nakatapos na ng kolehiyo
Sino sa mga sumusunod ang hindi lumalapastangan ng kanyang
sariling dignidad?
Si Sachi na puro pagbabasa ng libro ang gusto.
Si Dindo na mahilig manguha ng bagay na hindi kanya.
Si Kiko na hindi sinusunod ang mga utos ng magulang
Si Marlon na nahuhumaling sa paggamit ng bawal na gamut.
Isang dahilan kung bakit higit ang tao sa lahat ng nilalang.
Ang tao ay marespeto sa kapwa.
Dahil sa siya ay may dignidad.
Siya ay may kakayahan na magpalago o magpaunlad ng
kanyang pagkatao.
Dahil sa kanya ibinigay ang kapamahalaan ng lahat ng hayop
maging ng halaman.
Nakakita ka ng isang pulubi na pinalalayas ng tao dahil sa humihingi
ito ng makakain, ano ang marapat mong gawin?
Balewalain
Pagtawanan
Palayasin din
Bigyan ito ng pagkain at inumin
Saan nagkapantay-pantay ang mga tao?
Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
Sa pagmamahal sa kani-kanilang pamilya
Sa pagdating ng huling yugto ng kanilang buhay
Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
Kailan maaaring mawala ang dignidad ng isang tao?
Kapag siya ay naging masamang tao
Sa sandaling nalabag ang kanyang karapatang pantao
Sa oras na niyapakan ng kapwa ang kanyang pagkatao
Wala sa nabanggit
Ang telos ay salitang Griyego na ang ibig sabihin ay _____________.
layunin
kabutihan
kasamaan
tagumpay
Sino ang nagsasabi na, nilikha ang tao na kawangis ng Diyos at pinagkalooban ng isip at kalayaan?
Sto. Tomas de Aquino
Dr. Manuel Dy
Immanuel Kant
Max Scheler
Sino ang nagsasabi na ang tao ay naiiba sa lahat ng nilalang?
Sto. Tomas de Aquino
Dr. Manuel Dy
Immanuel Kant
Max Scheler
Sino ang hindi tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kanyang kapwa?
Isang pilantropong laging nakahandang magbigay ng tulong sa kapwa na
nangangailangan ng kanyang tulong
Isang negosyante na nagbibigay ng malaking halaga bilang puhunan ng
isang empleyado na tumatanda na
Isang politikong labis ang katapatan sa kanyang panunungkulan sa
pamahalaan
Isang taong may pagdama at pag-unawa sa damdamin ng iba
Paano mapananatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao?
Kumilos bilang kagalang-galang na indibidwal.
Panatilihin ang kabutihan sa sarili at sa kapwa.
Palaging iangkop ang sarili sa pangkat na kinabibilangan.
Isabuhay ang pagpapahalaga hindi sa kung anong ari-arian mayroon kundi
sa karangalan bilang tao.
Paano mo maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Pahalagahan mo ang tao bilang tao. Ibig sabihin, hindi siya isang bagay o
behikulo upang isakatuparan ang isang bagay na ibig mangyari.
Ang paggalang at pagpapahalaga sa dignidad ng tao ay ibinibigay hangga’t
siya ay nabubuhay.
A at B
Wala sa nabanggit
“Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo.” Ano ang tunay
na mensahe ng gintong aral (Golden Rule)?
Sapagkat siya ay iyong kapwa tao, kung ano ang makabuti at makasama sa
kanya ay ganon din sa iyo.
Ang ating kapwa ay natatanging nilikha ng Diyos na may taglay na isip at
kilos-loob.
Magkatulad ang inyong pagkatao bilang tao na taglay ang dignidad.
Lahat ng nabanggit
Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
Pahalagahan ang tao bilang tao hangga’t siya ay nabubuhay.
Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapwa kahit hindi pa ito kakilala.
Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapwa at sa pakikitungo sa mga
ito.
Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.
Paano mo matutulungan ang isang pulubi na maiangat ang kanyang dignidad bilang
tao?
Humanap ng isang institusyon na maaaring kumalinga sa kanya at
mabigyan siya ng disenteng buhay.
Palagi siyang bigyan ng pagkain at pera sa araw-araw.
Tulungan siyang hanapin ang kanyang pamilya.
Lapitan siya at kausapin sa araw-araw.
Bakit nilikhang hindi pantay-pantay ang lahat ng tao sa mundo?
Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa iilang mga tao.
Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong
magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kanyang kapwa dahil sa kanila
natin matatanggap ang ating mga pangangailangang materyal at ispiritwal.
Dapat tumulong ang lipunan upang maiangat ang dignidad ng lahat ng tao dahil sa
lipunan ito nagmumula. Ang pangungusap ay:
Tama, dahil itinatadhana ng saligang batas ang paggalang sa
pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao sa lipunan.
Tama, dahil ang tunay na diwa ng pagiging isang bansa ay nasa pagkilala
sa karapatan at dignidad ng lahat ng tao.
Mali, dahil kailangang igalang ng mamamayan ang katayuan ng mga tao na
mas mataas ang katungkulan sa pamahalaaan.
Mali, dahil sa Diyos nagmumula ang dignidad ng tao.
Ang mga sumusunod ay mga pananagutan ng tao batay sa kanyang dignidad
Maliban sa:
Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapwa.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapwa bago kumilos.
Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
Pakitunguhan ang kapwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa
iyo.
Ano ang pinakamahalagang maitutulong ng pagkakaroon ng dignidad sa tao?
Mapananatili ang damdamin ng pagmamalaki sa lahat ng tao.
Magiging malaya ang tao na ipakita ang kanyang totoong sarili.
Masisiguro na magagawa ng tao ang lahat ng kanyang nais nang walang
pag-aalinlangan.
Ang lahat ay nagkakaroon ng karapatan na umunlad sa paraang hindi
makasasakit o makasasama sa ibang tao.
