NEW
Font size
WorksheetsEsP9_2Q_Mahabang Pagsusulit
Total questions: 25
Worksheet time: 50mins
1. Ang karapatan ay dapat nating ingatan at ipaglaban. Ito ay kilala rin bilang
“kapangyarihang moral”. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay nito?
A. Hindi nito naaapektuhan ang buhay-pamayanan.
B. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na
kilos.
C. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kanyang kapwa na
igalang ito.
D. Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya
nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
2. Hindi sapat ang pagkakaroon lamang ng karapatan. May kaakibat itong tungkulin na may obligasyong moral ang tao na gawin o hindi gawin ang isang gawain. Alin sa mga sumusunod ang ibig sabihin nito?
A. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
B. Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
C. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas na Moral.
D. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi
pagtupad ng mga tungkulin.
3. Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas. Ano ang buod ng talata?
A. Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.
B. Kailangang magbigay ng serbisyo ng pamahalaan o lipunan bago mahubog
ng indibidwal ang sarili.
C. Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi
tumutupad ng tungkulin.
D. Kailangang tuparin ng bawat tao ang kanyang tungkulin upang
magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.
4. Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninilbihan bilang porter sa isang homeless shelter. Namumuhay siya nang simple gamit ang isang jacket, isang damit at bulsa. Tuwing matatanggap niya ang kanyang pensyon mula sa Social Security, naglalakad siya ng higit sa isang milya upang ibigay niya ang kanyang regular na kontribusyon sa simbahan. Anong karapatan ang ipinapahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?
A. Karapatan sa buhay
B. Karapatang maghanapbuhay
C. Karapatan sa pribadong ari-arian
D. Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar
5. Saan mang dako ng mundo ay may batas tayong dapat sundin. Ano ang tawag sa pangkalahatang pamantayang moral lumipas man ang panahon?
A. Likas na Batas Moral
B. Likas na Batas Kalikasan
C. Likas na Batas Pandaigdigan
D. Likas na Batas Pangkalahatan
6. Pinanghahawakan ng Likas na Batas Moral ang pangkalahatang pamantayang moral. Ano ang hindi maaaring magkasalungat?
A. tama at mali
B. mali at masama
C. tama at mabuti
D. mabuti at masama
7. Ang likas na batas moral ay nagpapakita ng pagiging rasyonal ng isang nilalang dahil ang lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa. Dahil dito, ano ito na iniisip at ninanais ng tao maging ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. sikat
B. mabuti
C. mayaman
D. dalubhasa
8. Ang batas ng tao ay kailangang nakabatay sa Likas na Batas Moral para sa pagkamit ng tama at mabuti. Bakit totoo na “ang tama ay pagsunod sa mabuti”?
A. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam
B. Angkop sa pangangailangan at kakayahan
C. Umaayon sa lahat ng pagkakataon at panahon
D. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang
9. Ang batas moral ay walang hanggan at hindi mababago. Sa paanong paraan natututuhan ang Likas na Batas Moral?
A. Naiisip na lamang
B. Ibinubulong ng anghel
C. Itinuturo ng bawat magulang
D. Sumisibol mula sa konsensya
10. Batas ang batayan upang matiyak na ang naging gawi o pag-uugali ay tama at mabuti. Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?
A. May pagsaklolo sa iba
B. Pagiging matulungin sa kapwa
C. Kinakampihan ang mga kakilala
D. Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos
11. Layunin ng batas na mabigyang proteksyon ang karapatan ng bawat mamamayan. Paano nagbibigay ng proteksyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa mga medikal na doktor?
A. Gawin lagi ang tama
B. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba
C. Pagbutihan ang panggagamot sa mga pasyente
D. Anuman ang kalagayan ng isang tao, ingatan na huwag makapanakit lalo
12. Ang tao ay may rasyonal na pag-iisip dahil kaya nating makilala ang tama o mali, at masama o mabuti. Paano masasabi na tama ang isang pagpapasya o desisyon ng isang tao?
A. Walang nasasaktan
B. Ito ay ayon sa mabuti
C. Makapagpapabuti sa tao
D. Magdudulot ito ng kasiyahan
13. Ang halaga ng isang paggawa ay maaari mag-iba depende sa kung anong pananaw ang tinitingnan. Ano ang kahulugan ng obhetibong paggawa?
A. mga bagay na dapat nating gawin
B. mga bagay na malaya nating gawin
C. anumang gawain ng tao bilang buhay na nilalang
D. kabuuan ng mga gawain upang makabuo ng bagay
14. Ang tao ang bukal at rurok ng anumang paggawa. Ano ang kahulugan ng subhetibong paggawa?
A. mga bagay na dapat nating gawin
B. mga bagay na malaya nating gawin
C. anumang gawain ng tao bilang buhay na nilalang
D. kabuuan ng mga gawain upang makabuo ng bagay
15. Sa paggawa, natutugunan ng tao ang kaniyang pangangailangan upang patuloy niyang maitaguyod ang kaniyang dignidad. Bukod sa pagkakaroon ng pansariling aspeto ng paggawa, ano pa ang tinutukoy na kahalagahan nito?
A. Makatao
B. Pangkapwa
C. Panlipunan
D. Pangkalahatan
16. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan na kanyang kinabibilangan at sa bansa. Aling pahayag ng sumusuporta dito?
A. Kapag tinatapos niya ang nakaatang na gawain sa huli.
B. Kapag iniisip lamang niya ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
C. Kapag kinakailangang isama sa layunin ng tao sa paggawa ang
makatutulong sa kaniyang kapwa.
D. Kapag hindi kinakailangang ng tao na maghanap ng hanapbuhay na
ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.
17. Kailangang ibigay ng tao ang lahat ng kanyang makakaya sa paggawa upang matamasa ang bunga ng kanyang pinaghirapan. Saan makikita ang tunay na halaga ng paggawa?
A. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
B. Sa prosesong pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
C. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
D. Sa haba ng panahong ginugol para malikha ang isang produkto
18. Isa sa mga kalakasan nating mga Pilipino ay ang pagiging masipag sa anumang gawain na iniatang sa atin. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na paggawa?
A. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kanyang panahon ay inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
B. Si Renato ay isang bata na nagpupunta sa mga kapitbahay upang mangolekta ng basura. Ang kaunting barya na ibibigay sa kanya ang ginagamit niyang baon para makapagtapos ng pag-aaral.
C. Si Mang Sonny ay matagal ng karpintero at kilala siya sa kanilang komunidad dahil sa pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyo ng arkitekto o inhinyero kung hindi nagbibigay din siya ng mungkahi kung paano mas mapapatibay at mapapaganda ang paggawa ng isang bahay.
D. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kanyang mga magulang sa lugar na ito dahil mayroon itong naiwang utang at hindi kayang mabayaran. Bilang kapalit si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
19. Hindi mabubuhay nang maginhawa ang tao kung hindi siya magtatrabaho. Anong layunin sa paggawa ang ipinapakita rito?
A. Upang tulungan ang mga nangangailangan.
B. Upang higit na magkaroon ng kabuluhan ang pag-iral ng tao.
C. Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang
kinabibilangan.
D. Upang kitain ng tao ang salapi na kanyang kailangan upang
matugunan ang kanyang mga pangunahing pangangailangan.
20. Ang gawain ng tao ay likas na nakaugnay sa gawain ng kanyang kapwa. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
A. Ang paggawa ay paggawa para sa sarili lamang.
B. Ang paggawa ay para sa kapwa, tanging sa kapwa lang.
C. Ang paggawa ay pagmamalaki sa mga nilikha ng kapwa.
D. Ang paggawa ay pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot
sa kapwa.
21. Nagbibigay ng kasiyahan sa ating puso ang pagtulong sa mga nangangailangan. Bilang isang mamamayan na nagnanais ng tunay na pagbabago, ano ang maaaring maging paraan mo ng pagtulong?
A. Magbigay ng pera sa mga pulubi.
B. Isama ang kanilang pangalan sa mga 4P’s.
C. Dalhin sila sa DSWD para bigyan sila ng ayuda.
D. Turuan sila kung paano kumita ng pera sa malinis na paraan.
22. Ang tao ay ipinanganak na isang panlipunang nilalang na may kakayahang makilahok sa kanyang lipunang kinabibilangan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pakikilahok?
A. Pagdadamayan dahil sa nararamdamang awa.
B. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
C. Sapilitang pagbabahagi ng tulong para sa kabutihang panlahat.
D. Pagpilit sa tao para sumali sa mga gawaing hatid ay
magandang serbisyo.
23. Ang bolunterismo ay pagsasabuhay ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa. Alin ang maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
A. Nagkakaroon ng mataas na pagtingin sa sarili.
B. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
C. Nagkakaroon ang tao ng bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.
D. Nagkakaroon ng pagkakataong makabuo ng suporta at
ugnayan sa kapwa.
24. Ang tao ay may pananagutan na makilahok sa lipunang kanyang kinabibilangan. Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
A. Natutugunan ang pangangailangan ng lipunan.
B. Naipapakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.
C. Nagagampanan ang mga gawain o proyekto na mayroong
pagtutulungan.
D. Naibabahagi ang sariling kakayahan na makatulong sa pagkamit
ng kabutihang panlahat.
25. “Sa bolunterismo - kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado ; kundi yaong iba na hindi mo tinulungan”. Sumasang-ayon ka ba sa pahayag na ito, bakit?
A. Opo sapagkat ito ay responsibilidad mo bilang isang tao.
B. Opo sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng
iyong tulong.
C. Hindi po, dahil hindi maaaring pilitin ang tao sa kanyang
gagawin.
D. Hindi po sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang
bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
