WorksheetsReviewer sa MTB-MLE 3
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
_________ ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso?
Ano
Sino
Saan
Kailan
__________ang laman ng bag mo?
Ano
Saan
Sino
Kailan
_________ang bago mong kaibigan?
Ano
Saan
Sino
Kailan
_________ang gusto mong kainin?
Ano
Saan
Sino
Kailan
________ang namuno sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan?
Ano
Saan
Sino
Kailan
__________ ikaw ay makarating huwag mong kalimutang magdasal sa
Panginoon.
Saanman
Anuman
Kailanman
Alinman
__________ ng alaga kong pusa ay mahilig kumain ng tuna.
Saanman
Anuman
Lahat
Alinman
Higit ____________, ang ating Diyos ang siyang nagbibigay sa atin ng proteksiyon.
Saanman
Kaninoman
Gayonman
Alinman
Walang _____________ ang makakapigil sa akin sa pag-abot ng aking mga
pangarap..
Saanman
Kaninoman
Lahat
Sinoman
___________ sa mundo, narito lng ako para sa iyo.
Saanman
Kaninoman
Lahat
Sinoman
Ikaw at ako ay binigyan ni nanay ng premyo. ___________ kasi ay mababait na
bata.
Ako
Kami
Tayo
Siya
Anika ang pangalan ko. ________ ay pitong taong gulang.
Tayo
Ako
Sila
Kami
Si Sandra ay magaling kumanta. ________ ang kakanta bukas.
Siya
Ako
Kami
Sila
Sina Sopia, Ella at Luisa ay magkakapitbahay. ___________ ay nakatira sa Fourth
Street.
Tayo
Kami
Ako
Sila
Ikaw, si Anna at ako ay kakanta. Dapat _______ ay mag-ensayo.
Tayo
Kayo
Sila
Kami
Maagang dumating si Sarah.
pataas na tono
pababang tono
Saan ka nanggaling?
pataas na tono
pababang tono
Siya ba ay nahuli sa klase?
pataas na tono
pababang tono
Maari ko bang makita ang iyong takdang-aralin?
pataas na tono
pababang tono
Nakita ko ang iyong notbuk.
pataas na tono
pababang tono
Tulungan mo akong ______(luto) ng ulam.
mag-
nag-
ni-
-an
“Halina’t sabay-sabay nating (basa)___ ang kuwento” ,ang sabi ng guro.
-in
-hin
mag-
-an
“Maaari mo bang (banlaw)___ang mga nilabhan ko?”, ang tanong ni Inay
sa akin.
-in
-an
mag-
-han
Nais kong ___(simba) bukas. Piliin ang angkop na panlapi sa pangungusap.
nag-
mag-
-hin
-an
Magaling ___(gawa) ng bahay ang tatay kong karpintero.
mag-
nag-
-hin
-in
Umiiral na naman ang taingang kawali ni Elna nang tawagin siya ng
kaniyang ina para maghugas ng pinggan.
nagagalit
matigas ang tainga
nagbingi- bingihan
kasinlaki ng kawali ang tainga
Nagbunga na rin ang kaniyang mahabang taon na pagsusunog ng
kilay sa kolehiyo.
pagpupuyat
pagtitiis
pagsusunog ng kilay
pag-aaral nang mabuti
Ang pulubi sa kalye ay buto’t balat na dahil sa kawalan ng kinakain.
mahirap
payat na payat
marumi
maitim na ang balat
Palibhasa’y hawak sa leeg ng kanyang amo kaya kahit anong iutos ay
sinusunod ni Inday.
masayahin
kinakatakutan
sunud-sunuran
mahaba ang leeg
Ilang buwan ng nagbibilang ng poste si Angel mula nang matapos
ang kanyang kontrata.
walang pera
nananahimik
walang trabaho
nagpapahinga
Laging malinis ang aso kong si Bantay. Ang wastong kahulugan ng
salitang may salungguhit ay_____.
usok
kaibigan
kayamanan
alagang hayop
Maraming tanim na puno sa aming bahay.
labis ang laman
kulang ang laman
pinagkukunan ng kahoy
pinagkukunan ng pagkain
Si Alma ay masipag mag-aral. Sinisiguro niyang nagagawa niya lahat
ng kaniyang takdang- aralin at mga proyekto sa paaralan. Bago
matulog ay binabasa niya ang kaniyang mga aklat.
Siya ay makakatapos ng pag-aaral.
Siya ay pagagalitan ng kaniyang ina.
Siya ay magkakaroon ng pag-asa sa buhay.
Siya ay magkakaroon ng maraming kaibigan.
Maagang naulila sa ina ang tatlong magkakapatid. Nasa ikatlong
baitang ang panganay. Palaging malungkot ang itay. Hatinggabi na
kung umuwi at lasing pa.
Matutuwa ang magkakapatid.
Magagalit ang kanilang kapitbahay.
Makakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
Magkakaroon ng problema ang kanilang pamilya.
Kapag nauuhaw si Lorna ay bumibili siya ng softdrinks. Umiinom
lamang siya ng dalawang basong tubig araw-araw. Anong maaaring
mangyari sa kanya?
Siya ay magiging malusog.
Siya ay magiging matalino.
Siya ay maaaring magkasakit.
Siya ay magiging masayahin.
Malapit na ang uwian ng mga bata. Pinagliligpit na sila ng kanilang
guro. Habang nasa labas na ng pila ay nagtulakan sina Lito at Myrna
sa labas. Ano ang maaaring kahihinatnan ng kuwento?
Uuwi silang masaya.
Matutuwa ang guro.
Papaluin sila ng kanilang guro.
Maaaring may masaktan at madapa.
Nakita ni Paz na tumutulo ang kanilang gripo kahit ito ay kaniyang
isinara na. Ano ang gagawin niya?
Sasabihin sa tatay.
Sasabihin sa kapitbahay.
ipapaayos niya sa nanay.
Pupukpukin niya ng martilyo.
Magaling sumayaw si Mercy. Lagi siyang nag-eensayo. Siya ay___.
magiging malusog
magiging mahiyain
magiging malungkutin
magiging magaling na mananayaw
May inilunsad na proyektong “ Pera sa Basura” ang paaralan upang
maging malinis ang kapaligiran at kumita ng pera buhat sa basurang
itinatapon ng mga mag-aaral. Ano ang angkop na reaksiyon ayon sa
pangyayari?
Luminis ang paligid ng paaralan.
Nagkaroon ng negosyo ang mga mag-aaral.
Yumaman ang kanilang paaralan dahil sa mga basura.
Nalutas ang suliranin sa maruming kapaligiran at kumita pa ng salapi.
Ang anunsiyo ay tungkol sa _____.
Pagpupulong ng mga guro.
Gaganaping pagpupulong ng lahat ng mag-aaral.
Gaganaping pagpupulong ng mga guro at mag-aaral.
Gaganaping Parents Orientation sa mga magulang ng mga
mag-aaral sa Ikatlong Baitang.
