NEW
Font size
WorksheetsReviewer sa AP3 Q2
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Siya ang nagtatag na “Open City” ang Manila upang maiwasan ang pagdanak ng dugo sa panahon ng digmaan.
Ferdinand Marcos
Arsenio Lacson
Manuel L. Quezon
Hen. Douglas Mc Arthur
kalakhang Maynila ay binubuo ng ilang lungsod at bayan?
15 na lungsod at 1 bayan
16 na lungsod at 1 bayan
17 na lungsod at 1 bayan
18 na lungsod at 1 bayan
Nangangahulugang “butas na nayon” o “butas”
Navotas
Mandaluyong
Marikina
Pasay
Siya ay anak nina Prinsesa Pasay at Prinsipe Maytubig. Siya rin ay kilala sa katawagang Ingga.
Pasay
Dominga
Lakan Takhan
Wala sa Nabanggit
Bilang isang batang mag-aaral sa ikatlong baitang. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa kasaysayan, pinagmulan ng lungsod ng Pasay?
Pagpapakita ng pagmamahal sa mga simbolo o labi na may kinalaman sa
kasaysayan ng Pasay.
Pagbibigay pansin ng mga babasahin na may kinalaman sa kasaysayan ng lungsod
ng Pasay
Pagmamalaki ng kasaysayan ng Pasay sa mga kaibigang dayuhan.
Lahat ng nabanggit ay tama.
Alin ang mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa kasaysayan ng Lungsod ng Pasay?
Pagtatawanan ang mga kwento ng pinagmulan ng ibang lungsod.
Ipagmamalaki ang kasaysayan sa mga kaibigang dayuhan ang kasaysayan ng
Lungsod ng Pasay.
Ipinagwawalang bahala ang kasaysayan ng Lungsod ng Pasay.
Ikinakahiya ko ito sa aking mga kaibigan.
Ang pangunahing ikinabubuhay ng karaninwang mga tao sa CAMANAVA ay __________?
pagsasaka
pangingisda
pananahi
pagmimina
Ano-ano ang mga lungsod sa CAMANAVA?
Caloocan. Makati, Navotas at Valenzuela
Caloocan. Manila, Navotas at Valenzuela
Caloocan. Malabon, Navotas at Valenzuela
Caloocan. Marikina, Navotas at Valenzuela
Naapektuhan ang ikinabubuhay ng mga tao sa CAMANAVA kapag ________________.
mainit ang panahon
mahangin ang panahon
maalinsangan ang panahon
malakas at maulan ang panahon
Tignan ang mapa. Anong grupo ng mga lungsod ang ipinapakita nito?
CAMANAVA
MUNTIPARLAS
PAMAMASAN
PAMAMAZON
Ano- ano ang mga lungsod sa MUNTIPARLAS?
Marikina, Pasay, at Las Pinas
Mandaluyong, San Juan at Las Pinas
Muntinlupa, Paranaque at Las Pinas
Caloocan.,Marikina, Navotas at Valenzuela
Dahil napapalibutan ang Lungsod ng Pasig ng ilog, nakagagawa ang mga taga Pasig ng ganitong produkto tulad ng basket at bayong mula__________?
dahon
kahoy
plastic
water lily
Kilala sa buong mundo ang Lungsod ng Marikina dahil sa industriya ng paggawa ng matitibay at dekalidad na sapatos, ano ang maaaring maging hanapbuhay ng mga karaniwang mga tao na nakatira malapit dito.
pagtatanim
pangingisda
pag-oopisina
sapatero
Ito ay lugar kung saan binaril si Dr. Jose Rizal noong ika- Disyembre 1896.
Rizal Park
Fort Santiago
Look ng Maynila
Andres Bonifacio Shrine
Ito ang pinakamatandang pamantasan sa Pilipinas. Naitatag ito noong 1611.
Rizal Park
Fort Santiago
Andres Bonifacio Shrine
Unibersidad ng Sto. Tomas
Ang Bahay ni Pio Valenzuela ay nagsilbing tagpuan ng mga katipunero. Ito rin ay ginawang headquarters ng mga sundalong Hapon. Sa anong lungsod ito matatagpuan?
Caloocan
Malabon
Maynila
Valenzuela
Ano ang makasaysayang pangyayari na sumisimbolo ng payapang pakikipaglaban ng mga Pilipino noong 1986 laban sa diktaturya upang makamit ang pagbabago sa pamamahala?
EDSA People Power
Dambana ng Alaala
Sigaw ng Pugad Lawin
Dambana ng Pinaglabanan
Anong makasaysayang pangyayari kung saan ipinahayag ng Katipunan ang simula ng pakikipaglaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagpunit ng kanilang sedula?
EDSA People Power
Dambana ng Alaala
Sigaw ng Pugad Lawin
Dambana ng Pinaglabanan
Ito ang pangunahing paliparan sa ating bansa na matatagpuan sa Lungsod ng Pasay. Ano ito?
Parola
Ayala Museum
Libingan ng mga Bayani
Ninoy Aquino International Airport
Ito ay isang pambansang sementeryo kung saan nakahimlay ang mga bayaning sundalo na nakipaglaban para sa ating kalayaan. Ano ito?
Parola
Ayala Museum
Libingan ng mga Bayani
Ninoy Aquino International Airport
Ito ang simbolo na makikita sa Lungsod ng Malabon na ang ibig sabihin ay “Ugat ng Kagandahang-asal, moral ng ninuno sa Kasaysayan”.
bituin
watawat
simbahan
walong sinag ng araw
Ano ang simbolo na sumasagisag sa kalayaan at kapayapaan na makikita sa logo ng Lungsod ng Mandaluyong?
laurel
kalapati
pakikibaka
mga dahon at sanga
Ito ang sagisag sa matayog at dakilang layunin ng Marikina na linangin ang yamang tao tungo sa maayos na pamumuhay. Ano ang simbolong ito?
sulo
gulong
sapatos
kawayan
Ano ang simbolo na makikita sa logo ng Lungsod ng Pasay na ang ibig sabihin ay “Aim High Pasay“?
bituin
gulong
pakpak
bandila
Ano ang simbolo na makikita sa logo ng Lungsod ng Taguig na kung saan ito ang nagsisilbing kuta ng pagpupulong ng mga katipunero na nanguna para sa kalayaan ng Pilipinas?
Mapa ng Lungsod ng Taguig
Parola ng Napindan
kalabaw
agila
Ito ang kumakatawan sa barangay ng Bayan ng Pateros na nahahati sa politika at sumasagisag din sa industriya ng balut.
pato
agila
kalabaw
10 itlog ng pato
Anong simbolo ang sumasagisag sa pagiging bantog sa buong mundo ng Lungsod ng Las Piñas na gawa sa kawayan, kahoy at metal dahil sa natatanging kaibahan at malambing na tunog?
Bamboo Organ
2 bituin
korona
araw
Anong lungsod na kabilang sa CAMANAVA ang hindi kakikitaan sa simbolo ng taon kung kailan ito naitatag?
Caloocan
Malabon
Navotas
Valenzuela
Makikita sa simbolo ng lungsod ng Pasig ang sagisag na anyong tubig na sumasagisag sa pag-uugnay ng Ilog Pasig sa Lawa ng Laguna at Look ng Maynila. Anong anyong lupa naman ang makikita sa simbolo ng Marikina?
bundok
burol
kapatagan
talampas
Basahin ang mga sumusunod. Alin sa mga ito ang nagpapahayag ng tamang paghahambing ng dalawang lungsod na tinuran sa bawat pangungusap?
Ang lungsod ng Pasig at San Juan ay kakikitaan ng babae sa kanilang simbolo.
Ang lahat ng mga lungsod na kabilang sa PAMAMASAN ay may petsa ng pagkakatatag nito
sa kanilang mga simbolo.
Sa simbolo ng Marikina at Mandaluyong ay parehong makikita ang kalapati na sumasagisag
sa Kalayaan at kapayapaan.
May makikitang pagawaan sa lungsod ng Pasig at San Juan na nagpapahayag ng kasaganaan
at kaunlaran.
Anong lungsod ang kabilang sa PAMAMAZON ang naiiba ang hugis ng simbolo nito?
Pasay
Makati
Manila
Quezon
Ano ang makikita sa simbolo ng bayan ng Pateros na siyang pinagkukunan ng pangunahin nitong
produkto?
agila
isda
kalabaw
pato
Makikita na nakatala sa lahat ng simbolo ang pangalan ng mga lungsod at bayan sa Kalakhang Maynila.
Mali
tama
Di nakatitiyak
walang kasiguraduhan
Narinig mo ang isa sa iyong kamag-aral na nagsasabi na tanging simbolo lamang ng sariling ninyong lungsod ang maganda at ang sa iba ay pangit. Ano ang iyong mararamdaman?
gulat
lungkot
saya
takot
Ano ang pamagat ng himno ng NCR?
Bayang Mahal nating Lahat Tampok ng NCR
NCR, NCR, Dangal nitong Bayan
Mga Lungsod sa NCR
Ano ang pamagat ng himno ng Pasay?
Mabuhay Ka Pasay
Pasay Mabuhay Ka
Pasay Pasay Mabuhay
Pasay, Dakilang Bayan
Ang tunay na Pasayeno ay makadiyos, makabansa, __________, masinop at mapagmahal
makatao
mapagmahal
masipag
matapang
Sa anong lungsod ipinangalan ang La Jota Manileña?
Makati
Mandaluyong
Maynila
Pasay
Saan lungsod nagmula ang sayaw na Lerion?
Marikina
Maynila
Muntinlupa
Malabon
Anong patron ang dinadasalan ng mga deboto sa Quiapo?
Birheng Maria
Itim na Nazareno
San Juan Bautista
Sta. Clara
