WorksheetsEdukasyon sa Pagpapakatao 9
Total questions: 53
Worksheet time: 34mins
Ang mga layunin sa paggawa ay ang mga sumusunod maliban sa;
39. Dahil dito ay nawawalan na ng malawak na kontribusyon ang tao sa paggawa,
42. Sino sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig na ang paggawa ay makatutulong upang Maiangat ang kultura ng lipunan?
Nangangahulugang mga bagay o gawain na inaasahang matapos o maisakatuparan para sa pansariling kapakanan.
Karapatan
tadhana
tungkulin
pangarap
Ang deklarasyong ito ay naglalayong mapaigting sa pamamagitan ng edukasyon ang karapatan at kalayaan ng bawat nilalang.
United Nations
Commission on Human Rights
Universal Declaration of Human Rights
United Nations Declaration of Human Responsibilities
Ito ay isang paraan ng paglilingkod at pagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa at sa lipunan. Marami itong katawagan tulad ng bayanihan,damayan,kawanggawa o bahaginan.
bolunterismo
pakikilahok
obligasyon
lahat ng nabanggit
Ang mga sumusunod ay uri ng Karapatan maliban sa;
Karapatan sa buhay
Karapatan magpakasal
Pagtitiwala sa sariling kakayahan
Karapatang pumunta sa ibang lugar
Ang tunay na pinakamataas na layunin ng paggawa ay ang;
pagkamit ng kaganapan bilang tao.
mapatunayan ang kahusayan sa paggawa
makilala sa ibat't-ibang larangan ng paggawa
magkaroon ng malawak na koneksyon sa lipunan
Magkaroon ng mga ari-arian, mag -asawa at maging malaya at sumamba ay mga halimbawa ng :
Karapatan ng mga bata
karapatan sa pag-aaral
pangunahing karapatan
lahat ng nabanggit
Ang sumusunod ay mga pangunahing karapatang pantao maliban sa;
buhay
dignidad
lahat ng nabanggit
wala sa nabanggit
Ito ang batayan ng karapatan;
dangal ng tao
kayamanan ng tao
lahat ng nabanggit
wala sa nabanggit
Ang lahat ng tao'y isinilang na malaya at pantay-pantay sa karangalan at mga karapatan, ito ay nakasaad sa UDHR;
artikulo 1
artikulo 2
artikulo 3
artikulo 4
Tumutukoy sa dignidad ng tao;
dangal at papuri
pagbuo ng pamilya
edukasyon
matatag na asosasyon
Ang salitang "karapatan" na sa wikang ingles ay;
right
righteous
justice
judgement
31. Ang dalawang larangan ng paggawa ay ang;
pangkaisipan o manwal
manomano o ideya
letrang a at c
wala sa mga nabanggit
Ang katungkulan ng estado sa pagpapatibay sa dangal ng tao;
paghihigpit sa mga batas
pagbabago sa mga batas
pagpaparami sa karapatang pantao
pangangalaga sa mga karapatang pantao sa tulong ng mga batas
40. Ang de-kalidad na serbisyo at produkto mula sa paggawa ay malaking ambag sa pag-angat ng
ekonomiya
ekonomiya at teknolohiya
ekonomiya at kultura
ekonomiya,kultura at teknolohiya
Ang halaga ng tao ay nakabatay sa kanyang;
talion
konsensya
yaman
dignidad
Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang konsepto ng mga pangunahing karapatang pantao?
Lahat ng karapatan ay nagbibigay-tugon sa pangangalaga ng dignidad ng tao.
Ang mga Karapata
Walang ano mang uri ng pagtatangi, gaya ng lahi, kulay, kasarian, wika, relihiyon, kuro-kurong pampulitika o iba pa, pinagmulang bansa o lipunan, ari-arian, kapanganakan o iba pang katayuan, ito ay nakasaad sa UDHR ;
artikulo 1
artikulo 3
artikulo 2
artikulo 4
34. Ang nakagisnan ng tao na uri ng paggawang ginagamitan ng kamay, pagod, at pawis ay unti-unti nang nagbabago dahil sa pagtulong ng mga makabagong makinarya, na tao rin naman ang nagdisenyo at gumawa, ang pangungusap ay;
tama
mali
nabago na
depende sa sitwasyon
Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang konsepto ng mga pangunahing karapatang pantao?
Lahat ng karapatan ay nagbibigay-tugon sa pangangalaga ng dignidad ng tao.
Ang mga Karapatan ay ginagamit ng tao upang mapaunlad at mapaayos ang lipunan at bansa.
Ang mga Karapatan ay dapat matamasa ng isang tao saanman at anuman ang lipunang kanyang kinabibilangan.
Ang iba't ibang lipunan ay may magkatulad na kalipunan ng Karapatan na Ipinagkakaloob.
Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:
Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.
Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.
Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.
Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat;
bolunterismo
pakikilahok
obligasyon
lahat ng nabanggit
kapangyarihang moral na gawin,hawakan,pakinabangan at angkinin ang mga bagay na kailangan ng tao sa kaniyang estado sa buhay.
karapatan
tadhana
tungkulin
pangarap
Ang mga batas ng lipunan ay nilikha upang:
protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
ingatan ang interes ng marami.
itaguyod ang karapatang-pantao.
pigilan ang masasamang tao.
41. Alin ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensyon ng paggawa?
magsakripisyo sa gawain sa ikatatahimik ng loob
kumita ng salapi para sa mga pangangailangan
maipamalas ng tao ang kanyang husay at talent
maitaguyod ang kabuhayan ng pamilya
Tumutukoy sa pagiging karapat - dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kanyang kapwa.
dignidad
titulo
pangalan
imahe
Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may pananagutan (Esteban, S. J. 2009).
talion
paggawa
talent
asignatura
Isang aktibidad ng tao, maaari itong mano-mano o larangan ng ideya.
talino
kakayanan
talent
paggawa
Ang sumusunod ay mga nagpapahayag ng kahalagahan ng batas. Alin ang hindi?
para sa sarili at pamilya
para sa pamilya, lipunan at bansa
para sa sarili,barangay at pamayanan
para sa sarili, pamilya at lipunan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na nag Karapatan ay may katapat na pananagutan?
Karapatang gawin ang mga bagay na nais gawin
Karapatang magbigay ng opinyon sa pamahalaan
Karapatang magsalita at magamit ito sa tamang paraan
Karapatang makilahok nang Malaya sa buhay pangkalinangan
Ang karapatan ay mga bagay na nararapat sa bawat nilalang. Ang pangungusap ay ;
tama
hindi palagi
mali
depende sa sitwasyon
Sino sa mga sumusunod ang nagpapahiwatig na ang paggawa ay makatutulong upang Maiangat ang kultura ng lipunan?
Si Rodrigo ay mahirap lamang ,kaya siya ay nakipagtulungan sa mga may kaya at ipinagpaliban muna ang pakikipangkat sa mga mahihirap.
Si Wena ay magaling kumanta at nananalo siya sa mga patimpalak sap ag-awit ng mga kantang Koreano at Hapon
Si Danny ay tumulong sa pagdidisenyo ng mga malalaking paso na ipinagbibili sa mga malalaking hotel sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Ang tiyahin ni Lory ay magaling magsalita ng Ingles nang dumating mula sa Amerika at Hindi hirap siyang magsalita sa katutubong wika.
Maraming kabutihang dulot ang batas. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita nito?
Nagagawa ng batas na mapangalagaan ang ating mga karapatan.
Nagkakaroon ng kapayapaan at kaayusan ang lipunan .
Nagsisilbing pagpigil sa sobrang kalayaan ang mga batas na pinatutupad.
Siniseguro ng batas ang pagkakaloob ng benepisyo sa mga mamamayan .
30. Ang mga layunin sa paggawa ay ang mga sumusunod maliban sa;
Upang tulungan ang mga nangangailangan.
Upang maiangat ang kultura at moralidad ng lipunang kinabibilangan.
Upang higit na magkaroon ng kabuluhan(meaning) ang pag-iral ng tao.
Upang makasiguro sa pagkita ng marami sa iba't-ibang pamamaraan.
38. Napadadali nito ang trabaho ng tao at naitataas ang kaniyang produksiyon.
panahon
salapi
teknolohiya
karunungan
Ang pakikilahok ay makakamit lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang _________
Pananagutan
Dignidad
Tungkulin
Karapatan
Ang paggalang sa karapatan ng kapwa at maayos na paggamit ng kagamitang pambayan ay parehong pagpapakita ng:
karapatan
tungkulin
batas
alituntunin
36. Ang sumusunod ay mga kabutihang naidudulot ng paglilingkod o bolunterismo sa isang Indibidwal maliban sa
pagkakaroon ng kasiyahan
pagkakataon para sa personal na paglago
pagkakaroon ng katanyagan at kapangyarihan
pakikibahagi at pamumuno sa pagpapaunlad ng lipunan
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng aktibong pakikilahok maliban sa :
kampanya para sa pagkalap ng pondo para sa proyektong pangkomunidad
pagtulong sa makabuluhang gawain sa barangay o pamayanan
paglahok sa organisasyon na makatutulong sa pamayanang kinabibilangan
pagdalo sa patimpalak na magpapamalas sa taglay na husay at talento
Ang kahulugan ng Karapatan sa payak na pangungusap,
Pangangalaga sa dignidad ng tao.
Ang dignidad at Karapatan ng tao ay pantay.
Pagkakaroon ng buhay na kapakipakinabang
Parang titulo na ipinagkaloob sa tao na may layuning moral.
Ang sumusunod ay mga paglalarawan ng Karapatan maliban sa isa.
Ang Karapatan ay may malaking ugnayan sa katarungan.
Ang Karapatan ay likas sa tao para sa kaganapan ng kaniyang pagkatao.
Ang Karapatan ng isang tao ay para lamang sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya.
Ang Karapatan ay pagsaalang-alang sa dangal ng pangkat, pamayanan o sangkatauhan.
Ang pakikilahok ay magagampanan lamang kung kinikilala ng tao ang kanyang pananagutan. Alin ang nagpapakita ng kahulugan ng pangungusap na ito?
Ang dapat kinikilala ng lahat na gawain ay ang paggalang sa dignidad ng tao.
Karapatan ng ta ang makilahok sa anumang gawain at ito ay dapat niyang panagutan.
Dapat matanggap ng tao na may pananagutan siyang makilahok sa mga gawaing para Sa kabutihang panlahat.
Ang pangangailangan ng tao na makilahok sa mga gawain ay malinaw na pananagutan ng bawat mamamayan.
37. Ang bolunterismo ay gawaing hindi nangangailangan ng komplikadong kakayahan. Alin sa mga sumusunod ang ililista mong pinakahuling kinakailangan?
kagustuhang makapaglingkod sa pamayanan
pusong may pagmamahal sa kapwa
pagtugon sa lubhang pangangailangan ng mamamayan
pagiging malikhain, matalino at mapanuri
Paano natututunan ang likas na batas moral?
binubulong ng anghel
tinuturo ng magulang
basta alam mo lang.
sinisigaw ng konsensya
33. Alin ang nagpapakita ng higit na malalim na moral na kahalagahan ng paggawa?
Ang paggawa ay daan upang mapaunlad ang mga kasayanan.
Ang paggawa ay maaring pagmulan ng kaligayahan at kayamanan.
Ang paggawa ay paraan upang matugunan ang mga sariling pangangailangan.
Ang paggawa ay tungkulin upang makapagsilbi sa kapwa at pamayanan,
Si Marilyn ay isang responsableng mamamayan. Alin ang nakikitang ginagawa ni Marilyn?
Siya ay nag-aatubiling magbahagi ng kanyang mga kasanayan.
Siya ay nagkukusang lumahok sa kapaki-pakinabang na proyekto ng samahan.
Siya ay nagsasabing tutugon sa pangangailangan ng lipunan pero hindi pa handa.
Siya ay mapanuri sa mga isyu at ipinagpapaliban ang kanyang pasyang kumilos.
32. Ang mga sumusunod ay mahahalagang layunin ng paggawa;
upang kitain ang kinakailangang salapi
upang sumikat o maging tanyag ang pangalan
makapag-ambag sa pag-unlad ng teknolohiya
letrang A at C lamang
Ang pagiging makatao ay ;
pagpanig sa tao.
pagsaklolo sa iba.
pagsunod sa utos ng Diyos.
ang pagiging matulungin sa kapwa.
Bilang Kabataang tulad mo,kung nais mo ng maunlad at maayos na lipunan at bansa, Nararapat na;
gampanan ang iyong pananagutan
magkaroon ng partisipasyon sa lipunan
lahat ng nabanggit
wala sa nabanggit
Ang pangungusap na "Sa isip lamang nakaugat ang kalayaan at katwiran ng tao," ito ay;
tama
hindi palagi
mali
depende sa sitwasyon
35. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong upang matiyak ang katagumpayan ng planong makapaglingkod?
Huwag pansinin ang mga nagsasabing huwag nang ituloy ang nais mong gawin.
Huwag pumayag na malamangan ka ng iba pagdating sa kakayahang maglingkod
Huwag mag-atubiling tanungin ang pangangailangan ng pamayanan na pinaglilingkuran.
Huwag pabayaang lumaki pa ang mga suliraning panlipunan bago ito tugunan.
