wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Filipino Language Quiz

Total questions: 22

Worksheet time: 11mins

Name
Class
Date
1.

Nagsasagawa ng proyekto ang inyong pangkat upang maipaalam sa mga mag-aaral sa ikawalong baitang ang mga dapat gawin, alin sa mga sumusunod ang may pahayag ng pagsalungat?

a)

Kaisa ako sa proyektong isasagawa ng ating pangkat.

b)

Paumanhin, subalit iba ang aking naiisip na gawin.

c)

Suportado ko ang mga balakin ninyo, isandaang por syento!

d)

Simulan na natin ang ating mga dapat gawin.

2.

Ang mga pantulong na kaisipan ay maaaring walang kinalaman sa pangunahing kaisipan.

a)

A. Tama

b)

B. Mali

3.

Anong pahayag ang nagpapahayag ng pagtanggap, pagpapayag, o pakikiisa sa isang ideya?

a)

pagsang-ayon

b)

pagsalungat

c)

pagmamahal

d)

wala sa pagpipilian

4.

Ito ay literal na pagpapakahulugan sa isang salita o pahayag. Anong uri ito ng pagpapakahulugan?

a)

denotatibo

b)

komparatibo

c)

konotatibo

d)

tayutay

5.

Alin sa mga sumusunod ang pangunahing kaisipan sa talata?

a)

Namulaklak ang sarsuwela noong panahon ng mga Amerikano.

b)

Ang sarswela ay dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo.

c)

Ito ay pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at tugtugin, at may paksang mitolohikal at kabayanihan.

d)

Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang dumating ang 'bodabil' (vaudeville) o 'stage show'.

6.

Ito ay pagpapakahulugang batay sa kung paano ginamit ang salita sa isang pangungusap.Anong uri ito ng pagpapakahulugan?

a)

denotatibo

b)

konotatibo

c)

komparatibo

d)

tayutay

7.

Ang mga sumusunod ay mahalagang tanong para sa panitikan sa panahon ng Amerikano maliban sa isa. Alin ito?

a)

Anu-anong uri ng panitikan ang lumaganap sa panahon ng Amerikano?

b)

Paano nakatulong ang sarswela sa pagpapalaganap ng kamalayang Pilipino?

c)

Anu-ano ang naging paksa ng mga tulang naisulat sa panahon ng mga Amerikano?

d)

Anu-ano ang naging impluwensya ng mga Amerikano sa pamumuhay ng mga Pilipino?

8.

Alin ang hindi pantulong na kaisipan para sa pahayag?

a)

Ang tula ay isang uri ng panitikang nagpapahayag ng damdamin ng manunulat tungkol sa isang paksa.

b)

May tulang tradisyunal at malayang taludturan.

c)

Gumagamit ng hayop ang mga pabula bilang tauhan upang higit na maging mabisa ang paglalarawan sa katangian nila.

d)

Ang mga akdang ito ay ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw. Sa tulong ng tula, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.

9.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng pagsalungat?

a)

Hindi ako sumasang-ayon sa iyong sinabi.

b)

Totoong lahat ang iyong nabanggit.

c)

Iyan din ang aking palagay.

d)

Tamang lahat ang narinig mo.

10.

Ang mga sumusunod ay mga pahayag na tumutukoy sa sarswela maliban sa isa. Alin ito?

a)

Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog tungkol sa mga damdamin ng tao o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o pampolitika.

b)

Ayon sa kasaysayan, hinango ang sarswela ng mga Espanyol sa opera ng Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginagamit dito - patula at pasalita.

c)

Isinasalaysay ng sarswela ang tungkol sa pinagmulan ng isang bagay, lugar, o pangyayari.

d)

Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang makilala sa bansa ang bodabil o stage show.

11.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamakabuluhang tanong para sa paksang 'Ang Problemang Nilikha ng COVID 19 sa Edukasyon'?

a)

Anu-ano ang mga sintomas ng COVID 19?

b)

Paano tinugunan ng pamahalaan ang mga hamon ng COVID 19 sa pag-aaral ng mga kabataan?

c)

Anu-ano ang mga sanhi ng pagkahawa ng COVID 19?

d)

Sinu-sino ang pinakamadaling tamaan ng COVID 19?

12.

Kung ikaw ay isa sa mga kabataang naghahanda para sa pagdating ng isang likas na sakuna, alin sa mga sumusunod ang pahayag na sasabihin mo upang sumangayon sa isang hakbang?

a)

Maling-mali ang mga binanggit na hakbangin upang maging ligtas tayo sa sakuna.

b)

Hindi makatutulong ang mga naihayag na hakbang sa paghahanda sa mga sakuna.

c)

Talagang kailangang paghandaan ang mga mungkahing ibinigay ng ating pinuno.

d)

Huwag mo akong ibilang sa mga makikisa sa mga nais mong gawin.

13.

1.     A. Ang mga pantulong na kaisipan ay maaaring walang kinalaman sa pangunahing kaisipan.

B. Ang pangunahing kaisipan ay kilala rin bilang pamaksang pangungusap

a)

Ang pangungusap A ay tama at ang pangungusap B ay mali.


b)

Ang pangungusap A at B ay parehong mali.

c)

Ang pangungusap A ay mali at ang pangungusap B ay tama.

d)

Ang pangungusap A at B ay parehong tama.

14.

1.     A. Tinatawag na pangunahing kaisipan ang mga pangungusap na nagbibigay ng paliwanag o detalye na isinasaad sa punong kaisipan.

B. Ang pangunahing kaisipan ay laging matatagpuan sa unang pangungusap.

a)

Ang pangungusap A ay tama at ang pangungusap B ay mali.

b)

Ang pangungusap A at B ay parehong tama.

c)

Ang pangungusap A ay mali at ang pangungusap B ay tama.

d)

Ang pangungusap A at B ay parehong mali.


15.

A. Isinasaad ng pantulong na kaisipan ang pinakabuod ng talata.


B. Pinalalawak ng mga pantulong na kaisipan ang pamaksang pangungusap.

a)

Ang pangungusap A ay tama at ang pangungusap B ay mali.

b)

Ang pangungusap A at B ay parehong tama.

c)

Ang pangungusap A ay mali at ang pangungusap B ay tama.

d)

Ang pangungusap A at B ay parehong mali.


16.

Ang tula ay isang uri ng panitikang nagpapahayag ng damdamin ng manunulat tungkol sa isang paksa.

Alin ang hindi pantulong na kaisipan para sa pahayag?

a)

May tulang tradisyunal at malayang taludturan.

b)

Gumagamit ng hayop ang mga pabula bilang tauhan upang higit na maging mabisa ang    

      paglalarawan sa katangian nila.

c)

Ang mga akdang ito ay ipinahahayag sa pananalitang may angking aliw-iw.

d)

Sa tulong ng tula, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.

17.

Paano nakatulong ang sarswela sa pagmulat ng kamalayan ng mga Pilipino sa panahon ng Amerikano?

Alin sa mga sumusunod ang paksa ng tanong?

a)

sarswela

b)

kamalayan ng mga Pilipino

c)

panahon ng Amerikano

d)

wala sa pagpipilian

18.

Sa akdang “Walang Sugat”, bagamat pinaglayo ng himagsikan, sinikap ni Tenyong na makaisang-dibdib pa rin ang kanyang kasintahang si Julia.

Ano ang ipinahihiwatig nito?

a)

Ang mga Pilipino ay hindi sumusuko para sa minamahal.

b)

Ang mga Pilipino ay mapagmahal sa bayan.

c)

A at B

d)

Wala sa pagpipilian

19.

Ang mga kalamidad tulad ng baha, lindol, pagguho ng lupa, tsunami at buhawi ay nag-iiwan ng napakalaking pinsala sa ating lahat. Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa pangungusap?



a)

A.    pagbibigay ng sanhi at bunga

b)

B.    pagbibigay-halimbawa

c)

C.    paghahambing

d)

D.    pagsusuri

20.

Maaari tayong maghanda bago pa man dumating ang sakuna. Ilan sa mga paghahanda na maaari nating gawin ay ang mga sumusunod: pag-iimbak ng maraming pagkain, malinis na inuming tubig, malinis na mga damit, powerbank para sa mga cellphone at mga kandila o lampara kung sakaling mawalan ng kuryente. Anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa pangungusap?

a)

A.    pagbibigay ng sanhi at bunga

b)

B.    pagbibigay-halimbawa

c)

C.    pag-iisa-isa

d)

D.    pagsusuri

21.

“Bakit nais ata ni ama na magmukha akong basahan? Ako ba’y isang ampon?”


 

a)

A.    Maging marumi


b)

B.    Maging mahirap at walang pakinabang

c)

C.    Hindi magtagumpay sa buhay

d)

D.    Maging pulubi sa lansangan

22.

Sabi nga sa isang kasabihan, “Ang dugo ay dugo” kaya kahit na may edad na ang ina ay dinadalaw pa rin niya ang anak.

a)

A.      Anuman ang mangyari, ang anak ay anak pa rin.

b)

B.      Ang ina ay mananatiling ina.

c)

C.      Magkatulad ang dugo na dumadaloy sa inyong mga ugat.

d)

D.      Kahit anong mangyari, ang kamag-anak ay kamag-anak pa rin.