Font size
WorksheetsESP 8 WEEK 1-4
Total questions: 26
Worksheet time: 26mins
Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit at pangunahing yunit ng lipunan?
a. paaralan
b. pamilya
c. pamahalaan
d. barangay
2. Sinasabi na ang pamilya ay isang natural na institusyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan?
a. Ang bawat pamilya ay kasapi ng iba’t ibang institusyon ng lipunan.
b. Ang mga institusyon sa lipunan ay naitatag dahil sa pagdami ng pamilya.
c. Nabuo ang pamilya dahil sa pagmamahalan ng dalawang taong nagpasiyang magpakasal at magsama nang habambuhay.
d. Sa pamilya nahuhubog ang mabuting pakikipag-ugnayan at pagpapahalaga sa kapwa.
3. “Kapag matatag ang pamilya matatag din ang isang bansa.” Ano ang ibig sabihin nito?
a. Ang pamilya ang salamin ng isang bansa, kung ano ang nakikita sa loob ng pamilya ganoon din sa lipunan.
b. Ang pamilya ang pundasyon ng lipunan.
c. Kapag matatag ang pamilya, matatag din ang bansa, dahil ito ang bumubuo sa lipunan.
d. Kung ano ang puno siya rin ang bunga. Kung ano ang pamilya siya rin ang lipunan.
4. Sinasabi na ang mabuting pakikipagkapwa ay nagmumula sa pamilya. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatunay nito?
a. Ang pamilya ang unang nagtuturo ng mabubuting paraan ng pakikipagkapwa tao
b. Kung paano nakikitungo ang magulang sa kaniyang anak, gayundin ang magiging pakikitungo nito sa iba.
c. Sa pamilya unang natututuhan ang kagandahang-asal at maayos na pakikitungo sa kapwa.
d. Kapag wala ang magulang, ang paaralan ang siyang pangalawang tahanan na gagabay sa mga bata.
5. Hindi nakakaligtaan ng pamilyang Santos ang manalangin nang sama-sama higit sa lahat ang pagsisimba ng magkakasama tuwing Linggo. Ano ang ipinakikita ng pamilyang ito na dapat mong tularan?
a. Buo at matatag
b. May disiplina ang bawat isa
c. Nagkakaisa sa paraan ng pagsamba sa Diyos
d. Hindi nagkakaroon ng alitan kailanman
6. Ang karapatan para sa _____________ ng mga bata ay orihinal at pangunahing karapatan.
a. kalusugan
b. edukasyon
c. buhay
d. pagkain at tahanan
7. Bahagi ng buhay ng isang lalaki at babae na nagpasiyang magpakasal ang magkaroon ng mga anak. Ito ay___________________.
a. bunga ng kanilang pagtugon sa tawag ng Diyos na magmahal.
b. makapagpapatatag sa ugnayan ng mag-asawa.
c. susubok sa kanilang kakayahan na ipakita ang kanilang pananagutan bilang magulang.
d. pagtugon sa kagustuhan ng Diyos na maparami ang tao sa mundo.
8. Ang sumusunod ay nagpapakita ng tunay na pagiging mapanagutan ng magulang MALIBAN sa:
a. pagharap sa anumang hamon sa lahat ng pagkakataon na ginagabayan ng prinsipyong moral
b. pag-agapay sa mga anak sa lahat ng pagkakataon lalo na sa panahon ng mga hamon upang ang mga ito ay matagumpay na malampasan
c. pagkakaroon ng pananagutan sa Diyos, sa kanilang konsensiya at sa lahat ng mga taong ibinigay sa kanila ng Diyos upang paglingkuran at alagaan
d. malayang pagganap sa kanilang mga tungkulin kakambal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan ng kanilang mga pagganap at hindi pagganap sa mga ito.
9. Sino sa sumusunod na magulang ang tunay na gumaganap ng kanilang tungkulin sa kanilang mga anak?
a. Si Leonardo at Rose na nagpapaplano at nagpapasiya para sa katiyakan ng magandang buhay para sa kanilang mga anak.
b. Sina Edith at Jojo na pinag-aaral ang kanilang mga anak sa mamahaling unibersidad upang matiyak ang magandang buhay para sa kanilang hinaharap
c. Si Mario at Andrea na namumuhay nang simple kasama ang mga anak, katuwang ng mga ito sa kanilang mga gawain, pangangailangan, at gumagabay sa kanila sa mundong kanilang gagalawan lalo na sa hinaharap.
d. Sina Anita at Melduard na parehong nagsasakripisyo na magtrabaho sa ibang bansa upang matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak, tinitiis ang hirap ng kalooban dahil malayo sila sa kanilang pamilya.
10. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga maliban sa:
a. pagtanggap
b. pagmamahal
c. katarungan
d. pagtitimpi
11. Ang diyalogo ay nagsisimula sa sining ng _________.
a. pag-intindi
b. pakikinig
c. pagsasalita
d. pagsagot
12. Ang dalawang tao ay dumudulog sa ________ nang may
lubos na pagbubukas ng sarili at tiwala sa isa’t isa.
a. pakikipag-usap
b. survey
c. pakikipag-away
d. diyalogo
13. Binaha ang aming lugar noong bagyong Ondoy at sa awa ng Panginoon aymay mabuting loob na nag-alok na patuluyin kami sa kanilang tahanan.Anong aral ang mapupulot sa sitwasyon?
A. pagiging madasalin
B. pagkakaroon ng pag-asa
C. pagiging maramot sa iba
D. pagiging matulungin sa kapuwa
14. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon o sektor. Alin sa mga institusyon sa lipunan ang itinuturing na pinakamaliit na unit.
a. paaralan
b. pamahalaan
c. pamilya
d. barangay
15. “Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay
magiging buo at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan4
A. Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
B. Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
C. Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
D. Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.
Ilan sa mga negatibong pagbabago sa isang pamilya ay ang pagkakaroon
ng mga kasapi nito ng kamalayan tungkol sa kanilang
kalayaan bilang tao, kamalayantungkol sa kanilang
pakikipagkapwa, mapanagutang pagmamagulang.
TAMA
MALI
Ang pamilya ay nahaharap sa maraming pagbabago.
Ang mga pagbabagong ito ay nakaaapekto sa daloy
ng komunikasyon at sa uri ng ugnayan ng mga
kasapi ng pamilya.
TAMA
MALI
18. Pakikilahok sa mga samahan na boluntaryong naglilingkod sapamayanan o kaya'y tumutulong sa mga kapus palad. Ang papel napanlipunan at pampolitikal ng pamilya.
TAMA
MALI
19. Ang papel na panlipunan ng pamilya ay dapat ding
maipahayag sa pamamagitan ng di pakikialam sa politika.
TAMA
MALI
20. Ang pamilya ay may pananagutan sa pagbuo ng
mapanagutang lipunan sa pamamagitan ng
pagganap sa mga papel na panlipunan at papel na pampolitikal.
TAMA
MALI
21. Nararapat na manguna ang pamilya sa pagtiyak na
ang mga batas atang mga institusyong panlipunan ay
hindi taliwas, sa halip ay nagsusulong at nangangalaga
sa mga karapatan at tungkulin ng pamilya.
TAMA
MALI
22. Karapatan ng isang pamilya na magkaroon ng isang tirahan/tahanan na angkop sa maayos na buhay pamilya.
TAMA
MALI
23. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay
orihinal at pangunahing karapatan.
TAMA
MALI
24. Ang pagsisisi ay bunga ng tamang pagpili
TAMA
MALI
25. Sabi ni Stephen Covey sa kaniyang aklat na 7 Habits of Highly Effective Families, may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang pakikibahagi ng isang tao sa mga gawaing pangrelihiyon ay mahalaga upang magkaroon ng pangkaisipan at pandamdaming kalusugan at katatagan lalo na kung ito ay ginagawa ng tao nang may pagkukusa o bukas puso.
TAMA
MALI
26 - 30. Ano ang pinakamahalagang gampanin ng magulang sa kanilang anak?
