Font size
WorksheetsAP 7 Q2 Exam
Total questions: 61
Worksheet time: 31mins
Alin sa sumusunod na impormasyon ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kumplikadong pamumuhay.
Ito ay tumutukoy sa pamumuhay na walang maayos na sistema ng pangangasiwa.
Ito ay tumutukoy sa pagkadalubhasa ng mga mamamayan sa isang kulturang kinagisnan o nakasanayan at pinaunlad ng maraming pangkat ng tao.
I-type ang kumpletong pangalan ng inyong GURO sa Araling Panlipunan.
(a)
Alin sa sumusunod na mga impormasyon ang naglalarawan na taglay ng Sinaunang kabihasnang Asyano ang pagkakaroon ng organisadong sistema ng pamahalaan?
Natuklasan ang iba’t ibang kagamitan sa pagsasaka
Gumawa ang mga artisano ng iba’t ibang palamuti sa katawan
Pinamunuan ng pari at hari ang mga lungsod para sa maayos na pangangasiwa
Alin sa sumusunod na impormasyon ang HINDI kabilang sa mga katangian ng pagkakaroon ng kabihasnan?
May mataas na antas ng kaalaman sa sining at arkitektura
Pagkakaroon ng paniniwalang monotheistic at polytheistic sa mga lungsod
May espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at sistema ng pagsulat
Aling sistema ang nagpapakita sa mga katangian ng pagkakaroon ng kabihasnan kung saan nakapaloob ang pagkakaimbento ng maraming uri ng kagamitan sa pagsasaka, iba’t ibang sasakyang pandagat at panlupa para sa kalakalan?
Pampolitika
Panlipunan
Siyensya at Teknolohiya
Kung naranasan ng mga Sinaunang Asyano ang pagkakaroon ng organisado at sentralisadong pamumuno ng mga pari at hari sa kanilang mga lungsod, alin sa mga sumusunod na katangian ng kabihasnang nakapaloob ang naturang paglalarawan?
May maayos na sistema ng edukasyon
May maayos na sistema ng pamahalaan at pangangasiwa
May mataas na antas sa sining at teknolohiya
Isa sa mga nakagawiang gawin ng mga sinaunang Asyano ay ang pagiging abala sa iba’t ibang gawaing pangkabuhayan at pang-agrikultura ang pangunahing ikinabubuhay nila dahil sa matabang lambak-ilog. Alin sa mga katangian ng kabihasnan ang naglalarawan sa naturang sitwasyon?
A. Pagkakaroon ng espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya
Pagkakaroon ng iba’t ibang uring panlipunan sa mga lungsod
Pagkakaroon ng mataas na antas ng kaalaman sa sining at pulitika
Ang mataas na antas ng kaalaman ng mga sinaunang Asyano sa larangan ng sining ay isa sa mga katibayang mayroon silang kabihasnan. Kung ikaw ay isa sa mga Asyanong mag-aaral na may angking galing sa naturang larangan, alin ang HINDI mo dapat gawin bilang pagpapahalaga sa talentong mayroon ka?
Ipagmamayabang ko ang aking angking talento sa kapwa
Sasali ako sa iba’t ibang paligsahan upang lalong malinang ang aking talento
Ibabahagi ko ang talento na mayroon ako
Isa sa mga katangian ng kabihasnan ay ang pagkakaroon ng mataas na antas ng kaalaman sa larangan ng siyensiya at teknolohiya. Paano pinatunayan ng mga sinaunang Asyano ang naturang katangian?
pagsasagawa ng iba’t ibang ritwal
paggamit ng iba’t ibang uri ng metal
pakikipag-alyansa sa ibang lungsod estado
May malaki bang maitutulong kung taglay ng iyong kinabibilangan lungsod ang lahat ng mga katangian ng kabihasnan?
Opo, dahil ang lungsod na may mataas na sistema sa larangan ng sining ay maaari nang ituring na isang maunlad na lungsod.
Opo, dahil lahat ng katangian ng pagkakaroon ng kabihasnan ay mahalaga at maaaring maging daan para makamit ang tunay na kaunlaran ng lungsod.
Ang maayos at organisadong pamahalaan ay isa sa mga katangian ng pagkakaroon ng kabihasnan. Kung isa ka sa magiging lider ng lipunan balang araw, alin ang HINDI mo dapat gawin para maipakita mo na may maayos kang sistema ng pamamahala?
Uunahin ko ang aking pansariling interes sa lahat ng pagkakataon
Isasaalang-alang ko palagi ang interes ng nakararami
Sisikapin kong makatugon sa iba’t ibang hamon bilang lingkod bayan
Tukuyin ang sistema ng kabihasnan: Naimbento ng mga sinaunang Asyano ang paggamit ilang simbolo sa pagtatala ng mga mahahalagang datos.
Pampolitika
Pagsulat
Panrelihiyon
Pang-ekonomiya
Panlipunan
Tukuyin ang sistema ng kabihasnan: Mayroong paniniwalang polytheistic ang mga sinaunang Asyano.
Pampolitika
Pagsulat
Panrelihiyon
Pang-ekonomiya
Panlipunan
Tukuyin ang sistema ng kabihasnan: Agrikultura ang pangunahing hanapbuhay ng mga sinaunang Asyano at nagkaroon din sila ng espesyalisasyon sa iba’t ibang gawain
Pampolitika
Pagsulat
Panrelihiyon
Pang-ekonomiya
Panlipunan
Tukuyin ang sistema ng kabihasnan: Karaniwan sa mga sinaunang kabihasnan ay napamunuan ng mga pari at nang lumaon ay napalitan ito ng mga pinunong militar at hari.
Pampolitika
Pagsulat
Panrelihiyon
Pang-ekonomiya
Panlipunan
Tukuyin ang sistema ng kabihasnan: Ang uri ng gawain ng mga tao sa sinaunang kabihasnan ang batayan sa pagbubuo nito.
Pampolitika
Pagsulat
Panrelihiyon
Pang-ekonomiya
Panlipunan
Ang lambak-ilog ng Tigris at Euphrates ay kilala sa tawag na “Mesopotamia” nagmula sa wikang Greek na nangangahulugang______________.
sa tabing ilog
sa pagitan ng dalawang ilog
sa paanan ng bundok
sa pagitan ng dalawang bundok
Alin sa mga sumusunod na kabihasnan ang itinuturing na pinakamatanda at pinakaunang kabihasnan sa buong daigdig?
Aztec
Indus
Sumer
Shang
Alin sa mga templo ang nagsisilbing tahanan ng diyos ng mga Sumerian?
Kapilya
Mosque
Ziggurat
Simbahan
Ang mga Sumerian ay maraming kontribusyon sa kabihasnang pandaigdig. Isa sa mga pinakamahalagang ambag nito ay ang sistema ng pagsulat na tinawag na _______________.
Calligraphy
Clay tablet
Pictogram
Cuneiform
Alin sa mga sumusunod ang may planado at organisadong lungsod ang matatagpuan sa kabihasnang Indus?
Mohenjo-Daro at Harappa
Indus at Mergah
Jericho at Catal Huyuk
Yangshao at Longshan
Sa sistemang panlipunan, masasabing ang kabihasnang Indus ay may hirarkiya ng uring panlipunan. Ayusin ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng uri ng tao sa kabihasnang ito mula sa pinakamataas na uri hanggang sa pikamababang uri ng tao dito.
I.paring-hari, eksperto
II. Mangangalakal, artisano
III. Magsasaka
I, II, III
I, III, II
II, I, III
III, II, I
Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang mga mangangalakal ang unang gumamit ng sistema ng pagsulat sa kabihasnang Indus. Alin sa mga sistema ng pagsulat ang ginamit ng kabihasnang ito?
Pictogram
Cuneiform
Clay tablet
Calligraphy
Alin sa mga lambak-ilog ang pinagusbungan ng kabihasnang Shang?
Ganges
Euphrates
Huang Ho
Tigris
May pitong lungsod ng Shang ang nahukay ng mga arkeologo. Bakit sinasabing ang butong orakulo ang pinakamahalagang ebidensyang nahukay ng mga iskolar sa labi ng kabihasnang Shang?
dahil ito ng unang ebidensya ng pagsulat ng China at mahalagang labi upang mabuo ang kasaysayan ng Shang
dahil magagamit din ito sa panghuhula sa kasalukuyan
dahil mahal ang halaga ng mga butong ito
Sa kabihasnang Shang, Paano naipakita ang paghahati ng lipunan?
batay sa laki ng tirahan
batay sa labi ng tirahan at libingan
batay sa ganda ng disenyo ng libingan
batay sa yaman na nahukay sa libingan
Ang pagsusulat na ito ay naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino at iniangat pa ng isang sining ng pagsulat na tinawag na _____________.
Calligraphy
Clay tablet
Cuneiform
Pictogram
Paano naipapakita ng mga sinaunang kabihasnan ang kanilang pagkakatulad?
umusbong sa parehong taon
umusbong sa mga baybayin
umusbong sa mga lambak-ilog
umusbong sa mga bundok
Ang kabihasnang Indus ay nagpakita ng kahusayan sa larangan ng inhenyeriya sa pamamgitan ng kanilang ____________.
citadel
grid pattern
chariot
kalendaryo
Umusbong ang mga Kabihasnang Sumer, Indus at Shang sa halos magkakaparehong katangian, MALIBAN sa isa:
Heograpikal
Pulitikal
Panrelihiyon
Pagsulat
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na pinahahalagahan natin sa kasalukuyan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano sa paglipas ng panahon?
patuloy na kinikilala at pinangangalagaan bilang mahalagang bahagi ng kasaysayan.
nakagagawa sa kasalukuyan ng mga pabahay na may pare-parehong disenyo o plano.
naglaho ang mga kaalaman kasabay ng paglaho ng mga unang kabihasnan.
walang bakas na naiwan ang mga sinaunang kabihasnan.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na pinahahalagahan natin sa kasalukuyan ang mga ambag ng sinaunang kabihasnang Asyano sa paglipas ng panahon?
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Ayon kay Confucius, magkakaroon ng kaayusan sa lipunan kung bibigyang tuon ang pagpapabuti ng sarili at ugnayan sa lipunan.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Pagpapatayo ng Great Wall of China sa panahon ng Dinastiyang Qin.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Pagpapasailalim sa mga kakabaihan sa tradisyon ng footbinding.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Paniniwala ng Relihiyong Buddhism na maalis ang pagnanasa kung susunod sa Walong Wastong Landas
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Ang Bibliya na banal na aklat ng mga Kristiyano.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Bawal ang paggamit ng dahas at pananakit sa anumang may buhay na tinatawag na Ahimsa o non-violence.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Ang Guru Granth Sahib na banal na aklat ng Relihiyong Sikhism.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Paniniwala ng mga Hudyo sa iisang Diyos at tagapaglikha na si Yahweh.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Ayon sa legalism, kailangan ng istriktong batas at mabigat na kaparusahan upang mapasunod ang lahat ng estado.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Paniniwala sa Santisisma Trinidad ng mga Kristiyano
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Pagdiriwang o paggunita sa banal na buwan na tinatawag na Ramadan.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Pinaniniwalaan ng mga Taoist na ang kalikasan ay binubuo ng iba’t ibang diyos na tagapangalaga nito na pinangungunahan ni Yu-huang na kung tawagin ay Jade Emperor.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Pagsamba ng mga Shinto sa kami o mga banal na espiritu na nananahan sa kalikasan.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Sa pamamagitan ng Islam ay nabuo at nagkaisa ang Saudi Arabia.
KALAGAYANG
PANLIPUNAN
SINING
KULTURA
Sa paanong paraan naging maunlad ang mga estado at imperyo hanggang sa kasalukuyan?
Ang mga pinuno ng iba’t ibang imperyo noon ay may maayos na pamumuno sa kanilang nasasakupan na taglay rin ng ilan sa mga pinuno sa kasalukuyan.
Nakabatay sa mga prinsipyo ng mga pinuno o hari
Dahilan sa kasipagan at katalinuhan ng mga tao
Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan ukol sa mga kaisipang Asyano?
Ang mga hari at pinuno sa Timog-Silangang Asya ay pinaniniwalaang anak ng langit.
Isa sa mga batayang prinsipyo ng mga Tsino ay ang ipinagkaloob ng langit ang karapatang mamuno.
Ang mga Caliph at Sultan ay may banal na pinagmulan.
Noong sinaunang panahon, tinawag ng mga Tsino ang kanilang imperyo na Zhongguo na nangangahuluganng Middle Kingdom o Gitnang Kaharian, naniniwala sila na ang kanilang imperyo ang sentro ng daigdig at superyor sila sa lahat. Ang paniniwalang ito ay tinatawag na __________.
Confucianismo
Banal na Pinagmulan
Anak ng Langit
Sinocentrismo
9. Tawag ng Japan, Korea at China sa kanilang pinuno.
Hari
Caliph
Emperador
7. Diyos ng Araw ng Hapon.
Dangun
Hwaning
Amaterasu
Hindi mahalaga ang kaisipang asyano dahil hindi naman ito nakatutulong sa pagkakakilanlan ng isang nasyon
Tama
Mali
Ang mga kaisipang asyano ang nagsilbing gabay sa pagkabuo ng mga sinaunang kabihasnan sa asya na uminog sa relihiyon at pamumuno.
Tama
Mali
Ang emperador ay tinuring na anak ng langit (Son of Heaven).
Pinaniniwalaang pinili siya ng langit na maging pinuno sa kalupaan.
Tama
Mali
Sa india ang mga hari ay tinatawag na Devaraja.
Tama
Mali
Ang mga dayuhan ay kailangan magpugay sa emperador sa pamamagitan ng Kowtow bilang paggalang at pagkilala sa kapangyarihan ng pinuno.
Tama
Mali
Sa alamat ng India, ang unang hari nila ay si Manu na nabuo sa pamamagitan ng pagsamasama ng mga bahagi na sinisimbolo ng iba't ibang diyos.
Tama
Mali
Hindi naniniwala ang mga koreano na banal ang pinagmulan ng kanilang emperador.
Tama
Mali
Sa relihiyong Hinduismo o Budhismo, ang hari ay kinikilala bilang Cakravartin o hari ng sansinukob o daigdig
Tama
Mali
Ang isang emperador ay maaring mamuno hangga't may basbas ng langit o tinatawag na Mandate of Heaven.
Tama
Mali
Sa ngayon, bagamat hindi na diyos ang pananaw ng mga hapones sa kanilang emperador, nanatili ang kanilang paggalang at pagmamahal dito.
Tama
Mali
