NEW
Font size
WorksheetsSir Ed LT2.2 Review
Total questions: 40
Worksheet time: 29mins
Alin sa mga sumusunod na salita ang kasingkahulugan ng liberasyon?
Malayang Pag-iisip
Kalayaan
Malaya
Malamalaya
Ito ang propaganda ng Imperyong Hapon na papaunlarin at papalakasin ang kapwa mga Asyanong bansa sa ilalim ng kanilang pamumuno.
Mandate of Heaven
Manifest Destiny
Benevolent Assimilation
Greater East Asia Co-Prosperity Sphere
Anong lungsod ang binuksan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga Hapon?
Cebu
Davao
Manila
Puerto Prinsesa
Bakit binuksan (Open City) ni Hen. Douglas MacArthur ang Maynila sa pagsalakay ng mga Hapon?
Ito ay upang maiwasan ang pagdanak ng dugo at pagkasira ng mga ari-arian sa lungsod
Ito ay upang maging mapayapa ang pagpasok ng mga Hapon sa Maynila
Ito ay dahil natatakot ang mga Amerikano sa mga Hapon
Ito ay dahil walang pakialam ang mga Amerikano sa mga mamamayan ng lungsod ng Maynila
Alin sa mga sumusunod na pamahalaan ang pinamahalaan ni Pangulong Manuel Luis Quezon?
Pamahaaang Diktaturyal
Pamahalaang Puppet
Pamahalaang Takas sa Hong Kong
Pamahalaang Commonwealth
Ito ang planong inihanda ni Hen. Douglas MacArthur sa oras na may bantang pananakop sa Maynila.
Planong Pag-urong
Oplan Atras
Oplan Saguitarius
War Plan Orange
Alin sa mga Batas Pangkalayaan ang nagtakda ng Pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas?
Batas Gabaldon
Batas Hare-Hawes-Cuttings
Batas Tydings-McDuffie
Batas Jones
Bakit tinawag na Pamahalaang Puppet ang Ikalawang Republika?
Ito ay dahil ang pamahalaan ay ___________________
sunud-sunuran lamang sa mga Hapon
may paninindigan laban sa mga Hapon
puppet ng bansang Estados Unidos
mahilig sa puppet bilang uri ng libangan nito
Sino sa mga sumusunod ang naging Pangulo ng Pamahalaang Puppet sa ilalim ng Ikalawang Republika?
Manuel Luis Quezon
Jose P. Laurel
Manuel Roxas
Sergio Osmena Sr.
Siya ang dating Punong Mahistrado (Chief Justice) noong panahon ng Pamahalaang Commonwealth na hindi nakipagtulungan sa mga Hapones sa Pilipinas.
Jose P. Rizal
Jose P. Laurel
Jose Tanchionco
Jose Abad Santos Sr.
Sila ang mga Pilipinong nagpapahamak sa kapwa nila Pilipino noong panahon ng mga Hapon sa Pilipinas.
Makabayan
MakaHapon
Makapili
MakaKano
Bakit guerilla warfare ang naging paraan ng HukBaLaHap para labanan ang mga Hapones sa Pilipinas?
Ito ay dahil _________________________ .
konti lamang ang kanilang mga miyembro at mga armas
kakampi nila ang mga gorilya sa kabundukan
tinuruan sila ng mga Vietnamese sa ganitong pakikidigma
takot ang mga Hapon sa guerilla warfare
Ito ang pangkat ng mga magsasaka at ilang mga sundalong Pilipino na bumuo ng kilusan para ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Hapones sa Pilipinas.
Kamikaze
Kempeitai
Makapili
HukBaLaHap
Siya ang nagtatag ng Girl Scouts of the Philippines na pinatay ng mga Hapon matapos mapaghinalaang miyembro ng kilusang gerilya.
Josefa Rizal
Gregoria De Jesus
Josefa Llanes Escoda
Marcela Agoncillo
Ito ang saligang batas na gumabay sa Pamahalaang Commonwealth.
1935 Constitution
1943 Constitution
1973 Constitution
1987 Constitution
Ito base militar ng Estados Unidos na sinalakay ng mga Hapon na naging sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pasipiko.
Zablan Airbase
Camp John Hay
Camp Capinpin
Pearl Harbor
Bakit ginawaran ng Silver Distinguish Medal sa Capt. Jesus Villamor?
Ito ay dahil sa __________________________
kanyang tapang matapos mapasabog ang tatlong sasakyang pandagat ng Hapon
kanyang husay sa dog fight matapos niyang makapagpabagsak ng mga Japanese Zeroes
kanyang katapangan na pigilan ang pag abante ng isang tangkeng Hapon
kanyang pamumuno na hulihin si Hen. Masaharu Homma at Hen. Tomoyuki Yamashita
Sino ang Pangalawang Pangulo ng Pamahalaang Commonwealth?
Elpidio Quirino
Claro M. Recto
Manuel Roxas
Sergio Osmena Sr.
Bakit si Sgt. Mess Jose Calugas lamang ang ginawaran sa Pilipinas ng pinakamataas na parangal noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na binigay ng US Congress ang Congressional Medal of Valor?
Ito ay dahil ______________________________ .
matapang niyang pinigilan ang pag-abante ng isang tangkeng Hapon
naipagtanggol niya ang Pearl Harbor laban sa mga pilotong Kamikaze Hapon
nakapagpabagsak siya ng mga pilotong Hapon sa kanilang dog fight
napigilan niya ang agad na pagbagsak ng Bataan
Bakit tinawag na Death March ang naging paglakad ng mga sundalong Pilipino-Amerikano na sumuko sa Bataan?
Ito ay dahil ______________________ .
nangyari ito sa buwan ng Marso
nagdulot ng kamatayan ang paglakad ng mga sundalong Pilipino-Amerikano mula Bataan patungong San Fernando, Pampanga
binitay ang mga sundalong Pilipino-Amerikano pagdating ng buwan ng Marso, 1942
inabot ng buwan ng Marso ang naging paglakad ng mga sundalong Pilipino-Amerikano mula Bataan patungong San Fernando, Pampanga
Bakit tinawag na "last stand" ng mga sundalong sundalong Pilipino-Amerikano ang kabundukan ng Bataan?
Ito ay dahil ___________________ .
dito huling nagbigay ng talumpati si Pangulong Manuel Luis Quezon bago siya tuluyang itakas ng mga Amerikano patungong Australia
dito huling nakitang nakatayo si Hen. Douglas MacArthur bago niya sinabi ang sikat na linyang "I Shall Return"
dito hinintay ng mga sundalong Pilipino-Amerikano ang kanilang mga kakampi mula sa Allied powers na mga bansa
dito huling ipinangtanggol ng mga sundalong Pilipino-Amerikano ang labanan sa mga Hapon
Ano ang importansya ng Pearl Harbor, bakit ito ang unang sinalakay ng mga Hapon?
Ito ay dahil ___________________ .
sa nandirito ang base-himpilan ng USAFFE
nandirito ang pinakamalaking himpilang pandagat ng Estados Unidos sa Pasipiko
dito nagtatago ang Pangulong ng Estados Unidos noong Ikalawang Digmaang pandaigdig
sa lugar na ito nakahimpil ang mga pandigmang eroplano ng Estados Unidos sa Pasipiko
Sino si Hen. Vicente Lim?
Siya ang kauna-unahang Pilipinong graduate ng West Point.
Siya ang bayani Battle of the Points
Siya ang recipient ng US Congressional Medal of Valor
Siya ang recipient ng US Silver Distinguish Medal of Honor
Dito sa isla na ito itinakas at pansamantalang nagtago ang Pamahalaang Commonwealth.
Isla ng Corregidor
Isla ng Batanes
Isla ng Boracay
Isla ng Tawi Tawi
Kung may SS at mga Brown Police ang Germany, ano naman ang meron ang Imperyong Hapon sa Pilipinas?
Kamikaze
Katana
Kempeitai
Kurenai
Ito ang tanging partido pulitikal na pinayagan ng mga Hapones sa Pilipinas.
KaliBaPi
HukBaLaHap
Kempeitai
Kamikazer
Sino ang Hapones na Heneral na inatasang pasukuin ang Pilipinas sa loob ng 50 araw?
Hen. Masaharu Homma
Hen. Tomoyuki Yamashita
Hen. Kazumoto Machijiri
Hen. Masao Maruyama
Anong uri ng pamahalaan ang naitayo ng mga Amerikano bilang paghahanda sa mga Pilipino para sa kanilang kasarinlan?
Pamahalaang Takas
Pamahalaang Reboluyonaryo
Pamahalaang Commonwealth
Pamahalaang Diktaturyal
Bakit nadismaya si Pangulong Manuel Quezon sa Estados Unidos?
Ito ay dahil __________________ .
kulang ang dami ng mga armas pandigmang ipinadala nito para matulungan ang Pilipinas laban sa mga Hapon
kulang ang dami ng mga sundalong ipinadala nito para matulungan ang Pilipinas laban sa mga Hapon
inunang tulungan ng Estados Unidos ang Britanya kaysa sa Pilipinas
ginamitan ng bomba nukleyar ng Estados Unidos ang Bataan na ikinamatay ng maraming sundalong Pilipino
Ito ang pinakamalaking digmaang pandagat na naganap sa kasaysayan.
Labanan sa Look ng Maynila
Labanan sa Dagat ng Sibuyan
Labanan sa Golpo ng Leyte
Labanan sa Sulu Sea
Lahat ng aspeto sa Pamahalaang Commonwealth ay pinamumunuan na ng mga Pilipino, maliban sa _________________________ .
Ehekutibong Sangay ng Pamahalaan (Executive Department)
Lehislatibong Sangay ng Pamahalaan (Legislative Department)
Hudikaturang Sangay ng Pamahalaan (Judiciary Department)
Sandatahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines)
Bakit kinakailangan ang tulong ni Hen. Tomoyuki Yamashita sa Pilipinas ng mga sundalong Hapones?
Dahil siya ang itinuturing na pinakamahusay na tactician ng Imperyong Hapon
Dahil magaling siyang gumawa ng mga pampasabog na kailangan nila upang talunin ang mga Amerikano
Dahil takot sa kanya ang mga sundalong Amerikano
Dahil kaya niyang kumbinsihin na kumampi ang mga sundalong Pilipino sa mga sundalong Hapon
Alin sa mga alyansa sa ibaba ang tumulong upang ganap na mapalaya ang Pilipinas mula sa mga Hapones?
International Police
NATO
USAFFE
United Nations
Bakit sa isla ng Corregidor napiling itago pansamantala ni Heneral Douglas MacArthur ang Pamahalaang Commonwealth?
Ito ay dahil ang isla ay _________________________
kilalang tahanan ng mga makakamandag na cobra na kinatatakutan ng mga sundalong Hapones
malayo at hindi kayang hanapin ng mga sundalong Hapones
may sapat na mga armas upang ipagtanggol ang Pamahalaang Commonwealth habang naghihintay ng dagdag pwersa ang mga sundalong Amerikano
banal at tiyak hindi paghihinalaan ng mga sundalong Hapones na pinagtataguan ng Pamahalaang Commonwealth
Sino ang tinaguriang "Tiger of Malaya"?
Emperor Hirohito
Hen. Tomoyuki Yamashita
Hen. Masaharu Homma
Hen. Jonathan Wainwright
Anong uri ng pamahalaan ang unang itinatayo ng isang mananakop na bansa?
Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Commonwealth
Pamahalaang Rebolusyonaryo
Pamahalaang Militar
Alin sa mga sumusunod na saligang batas ang ginamit ng Ikalawang Republika?
1935 Constitution
1943 Constitution
1973 Constitution
1987 Constitution
Bakit nanatiling banta ang hukbong pandagat ng Hapon sa mga Amerikano?
Ito ay dahil _______________ .
sa mga naglalakihang barkong pandigma ng Hapon gaya ng Yamato at Musashi
sa mga submarinong Hapon sa Pasipiko
sa mga aircraft carriers ng bansang Hapon na puno ng mga sasakyang pamhimpapawid nito
sa husay ng kanilang hukbong pandagat
Bakit nakipagtulungan sina Jose P. Laurel at ang iba pang mga Pilipinong collaborators sa mga Hapon?
Ito ay dahil _________________ .
gusto nilang magkaroon ng posisyon sa Pamahalaang Puppet
gusto nilang iwasan pa ang walang habas na pagpatay ng mga Hapon sa mga Pilipino
sila ay pinilit ng mga Hapon at wala silang magawa
sa pabuyang ibinigay ng mga sundalong Hapon
Ano ang ginugunita natin tuwing Abril 9?
Araw ng mga Bayani
Araw ng Kagitingan
Araw ng Kasarinlan
Araw ng mga Patay
