NEW
Font size
WorksheetsSi Nyaminyami at Si Liongo
Total questions: 10
Worksheet time: 6mins
Ano ang naging kilos at gawi ni Liongo?
Malupit siya sa kaniyang nasasakupan.
Mahusay siya sa pagsasalita.
Malakas, matapang at madiskarteng mandirigma.
Ano ang suliranin ng tauhan sa mitolohiyang “Liongo”?
Isa siyang higante na malakas at mataas.
Ang karayom na magiging sanhi ng kaniyang kamatayan.
Siya ang nagmamay-ari ng karangalan.
Ano ang ginawang desisyon ni Liongo nang siya na ang namuno sa Pate?
Binago niya ang pamamahala mula sa Matrilinear tungo sa Patrilinear.
Nagtagumpay siya sa pananakop ng Pate na pinamumunuan ni Ahmad.
Siya ang hari ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta.
Ano ang naging bunga ng desisyon ng pamahalaan ng Africa para sa mas nakararaming mamamayan at sa buong bansa?
May mapagkukunan ng kuryente ang mga tao at makatutulong na sa bayan ang kinikita nito mula sa mga turistang dumarayo sa lugar.
Naging pabigat sa mamamayan ang pagbabaha sa mga lugar na dinadaluyan ng Dam ng Kariba na nangyayari taon-taon mula nang maitayo ito noong 1960.
Dumami pa ang dam na itinayo at sumira sa mga kagubatang protektado ng Nature Conservation Act.
Paano laging nalulusutan ni Liongo ang pagkakadakip sa kaniya ng Hari?
Umawit siya ng pagpupuri at bigla siyang nakahulagpos sa pagkakatali.
Nakatulog ang bantay habang siya’y umaawit ng pagpupuri.
Tumigil sa pag-awit ang mga tao nang makita siyang tumakas.
Anong suliranin ang kinaharap ng mga mamamayang Tonga sa akda?
Ang pagsira sa kanilang tahanan upang makapagpatayo ng proyektong makapagdudulot ng pag-unlad sa kanilang lugar.
Ang paniniwala nilang ang pagkakaroon ng isang diyos sa ilog ay magpoprotekta sa kanila.
Ang pakikipaglaban sa mga dayuhan ay siyang naging dahilan ng pagkamatay ng marami nilang kalahi.
Paano naapektuhan ang mga mamamayan ng Tribong Tonga dahil sa naging desisyon ng pamahalaan?
Nagkahiwa-hiwalay ang mga magkakapamilya nang mangibang bansa ang iba.
Naging maayos ang kanilang buhay dahil sa tulong ng mga kinikita na nagmumula sa mga turistang nabibighani sa lugar nila.
Lumipat na sila sa ibang tirahan at nilisan ang naging tahanan na nila sa napakahabang panahon.
Ano ang naging desisyon ng mga pinuno sa epektong idinulot ng mga malalaking pagbaha sa lugar ng Kariba na hindi kayang maipaliwanag ng sinoman?
Sinuspinde na muna nila ang proyektong gagawin sa lugar na ito.
Kinausap nila ang inaakalang may pakana ng ganitong mga kalamidad.
Ipinagpatuloy nila ang proyekto kahit nagdulot ito ng napakalaking pinsala sa kanila.
Ano ang mahalagang aral ang mababatid mo sa kuwento ni Liongo?
Maging kampante sa kapangyarihan na mayroon ka.
Naging makasarili sa kapangyarihan ang hari.
Sa bawat kalakasan ng isang tao ay may katumbas ding kahinaan.
Sa mitolohiya ng diyos ng Ilog Zambezi, paano mo mailalarawan ang ikinilos ng pangunahing tauhan bilang resulta ng suliraning kinaharap niya at ng iba pang tauhan?
Naging mapagkumbaba siya at hinayaan na lang ang mga ipinagpalagay na kamaliang nagawa sa kaniya.
Hindi niya binibigyang halaga ang mga epektong idinulot ng mga suliranin sa kanilang buhay.
Siya’y naging marahas at gumanti sa mga taong nagbigay at nagdulot ng suliraning kinakaharap niya.
