WorksheetsESP 4 Q3 LESSON 1
Total questions: 7
Worksheet time: 23mins
Gumuhit ng bulaklak (🌸) sa sagutang papel kung nagpapakita ng pagpapanatili ng tahimik, malinis at kaaya-ayang kapaligiran bilang paraan ng pakikipagkapwa-tao at gumuhit naman ng puno (🌳)kung hindi.

Nagtatapon ng basura kung saan-saan

Nakikiisa ako sa mga nagsasagawa ng Clean Up Drive sa aming barangay.

Itinatali o ikinukulong ang mga alagang hayop upang hindi ito magkalat ng dumi sa kalsada.

Itinatapon na lamang sa bakanteng lote ang mga basura kapag hindi ito nakuha o nadaanan ng trak ng basura.

Binubuhusan ang pampublikong palikuran pagkatapos gamitin.

Ang Baybayin Ang baybayin ay binubuo ng labing apat na katinig at mga patinig na a, e/i, o/u na may pagkakahawig sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Karaniwang ginagamit ito ng mga ninuno natin sa paggawa ng liham, tula, o mga awitin o sa pagtatala ukol sa kanilang mga pang-araw- araw na gawain. Inuukit nila ang mga baybayin sa kawayan. Binabasa ang mga ito nang kaliwa papuntang kanan, mula sa unang hanay pababa. Katulad ito ng paraan ng ating pagbabasa ngayon gamit ang ating alpabeto Ginagamit pa rin ang baybayin ng ilang katutubong pangkat tulad ng mga Hanunuo at Bujid. Gayon din naman, maraming Pilipino ang kinakikitaan ng kawilihang pag-aralan ito at gamitin. Nararapat lamang sapagkat ito ay bahagi ng ating kultura. Pinatutunayan nito na ang mga Pilipino ay may kabihasnang hindi nahuhuli sa mga katabing bansa sa Asya noong sinaunang panahon pa man.
Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at pagsulat na sinasabing umiral na sa Pilipinas bago dumating ang mga Espanyol?
Alpabeto
Baybayin
Mandarin
Paano ito binabasa?
Binabasa ang mga ito nang kaliwa papuntang kanan, mula sa unang hanay pababa.
Binabasa ang mga ito nang pabaligtad
Binabasa ito nang malakas upang mauanawaan ng lahat
Saan ito isinusulat at ginagamit?
Iniuukit nila ito sa kawayan, ginagamit nila ito sa pagsulat ng liham, tula o mga awitin at pagtatala ng kanilang pangaraw-araw na gawain.
Iniuukit nila ito sa kanilang mga kamitang gawa sa ginto, ginagamit nila ito sa pagsusulat ng mga pangalan ng mga bumibili sa kanila ng ginto.
Iniuukit nila ito sa isang makapal na papel, ginagamit nila ito sa pagsusulat ng mga pangngalan ng mga ka tribu nila.
Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga sinaunang Pilipino ng sariling baybayin?
Bago pa man dumating ang mga dayuhan sa ating bansa ay may mayaman ng kultura ang ating mga ninuno
Bago pa man dumating ang mga dayuhan sa ating bansa ay mahusay na sa pakikidigma ang ating mga ninuno
. Bago pa man dumating ang mga dayuhan sa ating bansa ay mayroon na silang mga makabagong kagamitan.
Paano mo mapahahalagahan ang mga katutubong Pilipino na may mayamang kultura noon pa mang sinaunang panahon?
Ipamamalita ko ito sa mga kamag-anak ko na nasa ibang bansa.
Sisikapin kong magamit ito upang maipagpatuloy ang bahagi ng kultura.
Hindi ko ito pahahalagahan, dahil mahirap itong intindihin
