WorksheetsParabula at Elihiya
Total questions: 21
Worksheet time: 11mins
Name
Class
Date
1.
NAME (LAST NAME, FIRST NAME):
4 lines
2.
Ang may-ari ng ubasan ay lumabas upang maghanap ng manggagawa para kanya. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatunay na nangyayari ito sa tunay na buhay?
a)
A. Maraming naghahanap ng trabaho sa kasalukuyan
b)
B. Nangangailangan ng 20,000 OFW ang ibang bansa.
c)
C. Maraming nakikitang nag-aalok ng pagkakakitaan sa kalye.
d)
D. Naglabas ng pahayag ang may-ari ng pagawaan ng asukal na kailangan nito ang karagdagang manggagawa.
e)
3.
“Bakit tatayo-tayo lang kayo rito sa buong maghapon?” “Kasi po’y walang magbigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Ang tagpong ito sa parabula ay nangyayari sa tunay na buhay sa kasalukuyan dahil maraming tao ang walang .
a)
opisina
b)
pasok
c)
sahod
d)
trabaho
e)
4.
Nang magkasundo ang mga manggagawa at ang may-ari sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga mangggawa ay pinapunta nya sa kaniyang ubasan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang sumasalamin nito sa kasalukuyan?
a)
A. Nakalagay sa kasunduang oral kung magkano ang sahod ng manggagawa sa isang araw
b)
B. Maraming kasunduan nang pinag-uusapan ng may-ari ng kompanya at mga manggagawa.
c)
C. May kasunduang pinipirmahan ang mga mangggawa bago sila magtrabaho.
d)
D. Nagkasundo ang may-ari ng kompanya at ang tanggap na aplikante kung magkano ang sahod nito sa isang araw. Pinayuhan siyang mag-umpisa bukas.
e)
5.
“Kayo ba’y naiinggit dahil ako’y nagmagandang loob sa iba?” Ang sinabing ito ng may-ari ng ubasan ay nangyayari sa buhay dahil may mga taong hindi natutuwa kapag umaangat ang iba. Tinatawag ito _________.
a)
bayanihan
b)
crab mentality
c)
katapatan
d)
ningas kugon
e)
6.
“Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang tagpong ito ay nangyayari sa kasalukuyan tuwing kinsenas at katapusan ng _______.
a)
araw
b)
buwan
c)
linggo
d)
taon
e)
7.
Para sa bilang 6-9. Piliin ang pangungusap na nagsasaad ng wastong gamit ng matatalinghagang pahayag sa bawat bilang.
butas ang bulsa
a)
A. Mabigat ang pitaka ni Mang Dolo kaya naging butas ang bulsa niya.
b)
B. Hindi marunong manahi si Mang Luis kaya laging butas ang bulsa niya.
c)
C. Butas ang bulsa ni Mang Lando kaya hindi siya nakabayad agad ng kuryente.
d)
D. Nakasalubong ni Ka Selo ang magnanakaw kaya tuloy naging butas ang bulsa niya.
e)
8.
isang kahig, isang tuka
a)
A. Isang kahig, isang tuka ang buhay ng mayamang pamilya sa lungsod.
b)
B. Isang kahig, isang tuka na buhay ang sinapit ng nasunugan ng bahay kagabi.
c)
C. Nasisiyahan ang lalaki dahil isang kahig, isang tuka ang kinasasadlakan niya.
d)
D. Masaya ang nanalo sa loterya kanina dahil mamumuhay siya na isang kahig, isang tuka.
e)
9.
nagbibilang ng poste
a)
A. Ang hanapbuhay niya ay nagbibilang ng poste.
b)
B. Napakarami ng poste sa bayan kaya nagbibilang ng poste si Philip
c)
C. Si Becky na may-ari ng kumpanya ng telebisyon ay nagbibilang ng poste
d)
D. Ayon sa sarbey ng barangay, parami nang parami ang nagbibilang ng poste dahil sa pandemya
e)
10.
maghigpit ng sinturon
a)
A. Sa panahon ng kagipitan ay dapat maghigpit ng sinturon.
b)
B. Kailangang maghigpit ng sinturon sa oras ng pagsasayaw.
c)
C. Dapat na maghigpit ng sinturon upang hindi madukutan sa kalye.
d)
D. Maghigpit ng sinturon ang nararapat gawin sa pagsusuot ng pantalon
e)
11.
Batay sa nabasa mong elehiya "ELIHYA SA KAMATAYAN NI KUYA", sino ang sumulat ng tula?
a)
kaibigan
b)
kapatid
c)
kasintahan
d)
magulang
e)
12.
Alin sa mga sumusunod ang ibig sabihin ng pahayag na “Walang imahe, walang anino at walang katawan?”
a)
kaluluwa
b)
multo
c)
Poong Maykapal
d)
tao
e)
13.
Ang damdaming nangingibabaw sa elehiya ay
a)
galit.
b)
hinanakit.
c)
panghihinayang.
d)
pagdadalamhati.
e)
14.
Batay sa pahayag na “Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit, poster at larawan, aklat, talaarawan at iba pa.” Ang namatay sa tula ay marunong .
a)
magpinta
b)
umawit
c)
umarte
d)
sumayaw
e)
15.
Nainis ang aming guro dahil sa maingay ang klase. Nagbigay siya ng babala ngunit hindi pa rin nakinig ang aking mga kaklase, dahil dito ang guro namin ay .
a)
nagalit
b)
naiinip
c)
nainis
d)
nasuklam
e)
16.
Hindi namalayan ni Juan na siya ay nasugat. Nakaramdam siya ng hapdi at kalaunan nito ay sakit. Tuwing gabi siya ay nakakaramdam ng .
a)
kirot
b)
kiliti
c)
sakit
d)
lungkot
e)
17.
Ang mga taong may pananampalataya sa Diyos kahit na dumadaan sa pagsubok ay nananatiling masaya. Ang patuloy na pagsamba at pagiging masaya ay maaaring magdulot ng .
a)
maligaya
b)
luwalhati
c)
kaluwalhataian
d)
kapangyarihan
e)
18.
Ang aksidente noong nakaraan ang nagbigay sa kaniyang kapatid ng pangamba. Kaya ngayon ang kaniyang ate ay sa tuwing sila ay babyahe.
a)
nag-aalala
b)
nangamba
c)
nabahala
d)
natakot
e)
19.
Lubha siyang pinipigilan ng kaniyang mga magulang sa lahat ng kaniyang mga galaw kaya naman umalis siya sa bahay ng kaniyang magulang sa kaniyang___________.
a)
galit
b)
hinanakit
c)
inip
d)
inis
e)
20.
Kilalanin ang uri ng tunggalian na naayon dito.
“Kung ako sa iyo ay iiwan ko si Quintin. Masamang tao ‘yan, lider siya ng sindikato na pumapatay sa mga tao na ipinapatay ng mga mayayamang tao! Gusto mo bang mapasama sa mga masamang ginagawa niya?’’ Umaalingaw sa utak ni Johnny ang mga sinabi ni Elmo sa kaniya. Iniisip din ni Elmo na paano niya iiwan si Quintin samantalang mabait ito sa kaniya at tinulungan pa siya nito noong nagkaroon siya ng mabigat na problema.
a)
tao laban sa sarili
b)
tao laban sa kalikasan
c)
tao laban sa lipunan
d)
tao laban sa tao
e)
21.
“Sa akin ang lupain na ito. Minana ko pa sa aking mga magulang. Ipapamana ko rin ito sa aking mga anak. Walang dapat mangahas na agawin sa akin ang kapirasong lupa na ito!” Ito ang mga sigaw ng magsasakang si Mang Bastian sa mga grupo na dumayo sa tirahan niya.
a)
tao laban sa tao
b)
tao laban sa lipunan
c)
tao laban sa sarili
d)
tao laban sa kalikasan
e)
100 %
