wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

SECOND SUMMATIVE TEST 3RD QUARTER

Total questions: 10

Worksheet time: 5mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang halaga ng mga tapos na produkto at serbisyong nagawa sa loob ng bansa sa isang takdang panahon.

a)

GNI

b)

CPI

c)

GNP

d)

GDP

2.

Alin ang hindi kasama sa pagsukat ng Gross National Income?

a)

Kita ng sambahayan

b)

Kita ng mga dayuhan sa bansa

c)

Kita ng mga OFW

d)

Kita ng bahaykalakal

3.

Sa pormula na GNI=C+I+G+(x-m)+SD+NFIFA gamit ang Expendinture Approach, ano ang tinutukoy rito?

a)

Gastos sa pamumuhunan

b)

Gastos ng bahay-kalakal

c)

Gastusing personal

d)

Gastos ng pamahalaan

4.

Sapamamagitan ng pagsukat nito, nalalaman ang kabuuang pampamilihang halaga ng lahat na tapos na produkto at serbisyo na ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng isang bansa maging ito ay pagmamay-ari ng mga dayuhan na matatagpuan sa loob ng isang bansa.

a)

GNI

b)

GNP

c)

GDP

d)

CPI

5.

Ano ang HINDI totoo sa GDP?

a)

Lahat ng produksiyon sa loob ng ating bansa.

b)

Kabilang ang kita ng mga OFWs sa pagkwenta nito.

c)

Ito ay tumutukoy sa mga podukto at serbisyo na ginawa sa loob ng bansa, maging ito ay produksiyon ng isang dayuhan.

d)

Ito ang sumusukat sa kabuuang produksiyon na nagawa ng mga mamamayan ng isang bansa na nagbubuhat sa loob at labas ng bansa.

6.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa Income Approach?

a)

Net Operating Surplus

b)

Net Factor Income from Abroad

c)

Subsidiya

d)

Depresasyon

7.

Bakit mahalagang sukatin ang pambansang kita ng bawat bansa?

a)

Upang magkaroon ng datos ukol dito

b)

Upang malalaman kung may nagaganap na pag-unlad o pagbaba sa kabuuang produksiyon ng bansa

c)

Upang makaiwas sa pagkalugi ang mga negosyante

d)

Upang magsilbing basehan kung sino ang pinakamayaman na bansa

8.

Alin sa mga sumusunod ang nakakaapekto sa Gross Domestic Product ng bansa?

a)

Mataas na remittance ng mga Overseas Foreign Workers (OFW)

b)

Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo

c)

Wala sa mga nabanggit

d)

Maayos na pamumuno ng pamahalaan sa pamumuhunan

9.

Alin sa mga sumusunod ang paraan batay sa income approach na tumutukoy sa pagbaba ng halaga ng yamang pisikal bunga ng pagkaluma at bunga rin ng tuloy-tuloy na paggamit sa paglipas ng panahon?

a)

Sahod ng mga Manggagawa

b)

Depresasyon

c)

Net Operating Surplus

d)

Di-tuwirang Buwis

10.

Ayon sa DTI, dumami ang mga nagtayo ng online business simula ng nagkaroon ng pandemya. Ang kita ng mga online business ay kabilang sa pagsukat ng pambansang kita sa paraan ng_____?

a)

Industrial Origin Approach

b)

Expenditure Approach

c)

Income Approach

d)

Economic Freedom Approach