Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 6 Q3 Reviewer

Total questions: 35

Worksheet time: 31mins

Name
Class
Date
1.

Mayroong mga batas na naipanukala ang Pamahalaang Komonwelt na naglalayong tulungan na maibahagi ng patas ang lupa sa mga karaniwang magsasaka.

a)

TAMA

b)

MALI

2.

Naging matagumpay ang mga batas na naglalayong tumulong sa mga magsasaka.

a)

TAMA

b)

MALI

3.

Mayroon nang karapatang bumoto ang mga kababaihan bago pa man itinatag ang Pamahalaang Komonwelt.

a)

TAMA

b)

MALI

4.

Nakamit ng mga kababaihan ang karapatang bumoto dahil sa mga kalalakihan.

a)

TAMA

b)

MALI

5.

Tumakbo si Pangulong Manuel Quezon sa ilalim ng platapormang katarungang panlipunan.

a)

TAMA

b)

MALI

6.

Nais ng mga Sakdalista ng Cavite na ibalik sa mga maralita ang karapatang hindi nila nakamit noong pamamahalang sibil ng mga Amerikano.

a)

TAMA

b)

MALI

7.

Ang pansariling interes ng mga mayayaman at mga panginoong maylupa pa rin ang namayagpag noong Pamahalaang Komonwelt.

a)

TAMA

b)

MALI

8.

Maayos naipatupad ang programang homestead

a)

TAMA

b)

MALI

9.

Nabaluktot ng mga panginoong maylupa ang pagsasatupad ng mga batas para sa mga magsasaka.

a)

TAMA

b)

MALI

10.

Kasama sa mga batas na ipinatupad ng Pamahalaang Komonwelt ang pangangalaga sa karapatan ng mga manggagawa.

a)

TAMA

b)

MALI

11.

Alin sa sumusunod ang batas na nagbigay daan sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt?

a)

Batas Cooper

b)

Batas Hare-Hawes-Cutting

c)

Batas Jones

d)

Batas Tydings-McDuffie

12.

Sino ang nahalal na Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?

a)

Manuel L. Quezon

b)

Claro M. Recto

c)

Manuel A. Roxas

d)

Sergio Osmeña

13.

Aling lupon ang naatasang magsaliksik at pumili ng batayang wika na hihiranging Pambansang Wika ng Pilipinas?

a)

Surian ng Wikang Pambansa

b)

Komisyon sa Wikang Filipino

c)

Pambansang Asamblea

d)

Partido Nacionalista

14.

Ano ang nalantad na suliranin ng paghihimagsik ng mga Sakdalista?

a)

Nadaranas na kahirapan ng mga manggagawa sa kabukiran

b)

Kawalan ng disiplina ng mga magbubukid sa kanayunan

c)

Paglawak ng impluwensiya ng mga Hapon sa usaping pampulitika

d)

Hindi pagtitiwala ng karaniwang Pilipino sa katapatan ng mga Amerikano

15.

Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagsisikap ng mga babaeng lider sa panahon ng Komonwelt?

a)

Pagrespeto sa mga kababaihan

b)

Pagboto sa halalan

c)

Pag-aaral ng mabuti

d)

Pagkandidato sa mga halalan

16.

Ano ang naging hudyat ng pakikidigma ng Hapon sa Estados Unidos?

a)

pagbomba sa Pearl Harbor

b)

paglusob sa Pilipinas

c)

Death March

d)

pagsakop sa Manchuria

17.

Sino ang kumander ng hukbo ng Estados Unidos sa Asya-Pasipiko?

a)

Douglas MacArthur

b)

Manuel Quezon

c)

Theodore Roosevelt

d)

Jonathan Wainwright

18.

Saan unang lumapag ang mga sundalong Hapones sa Pilipinas upang sakupin ang bansa?

a)

Luzon

b)

Palawan

c)

Visayas

d)

Mindanao

19.

Anong bansa sa Asya ang unang sinakop ng Hapon upang simulan ang pagpapalawig ng kaniyang teritoryo?

a)

Korea

b)

Rusya

c)

Pilipinas

d)

Tsina

20.

Ano ang propagandang ginamit ng Hapon upang mapaniwala ang mga Asyano na mabuti ang kaniyang layunin sa likod ng mga pagsalakay?

a)

Greater East Asia Co-Properity Sphere

b)

Ang Asya ay para sa Asyano

c)

Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas

d)

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

21.

Ito ay ang batas na nagpapataw ng parusang kamatayan sa sinumang nagtatatag ng samahang lumalaban sa mga pamahalaang Amerikano.

a)

Batas sa Watawat (Flag Law)

b)

Batas Rekonsentrasyon (Reconcentration Act)

c)

Batas Panunulisan (Brigandage Act)

d)

Batas Sedisyon (Sedition Law)

22.

Ito ang komisyong ipinadala ng Estados Unidos upang mangasiwa sa itatag na pamahalaang sibil at ihanda ang mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan?

a)

Komisyong Taft

b)

Komisyong Schurman

c)

Komisyong Magellan

d)

Komisyong Villalobos

23.

Ano ang pinakamalaking kilusang naitatag upang labanan ang mga sundalong hapones. Pinamunuan ito ni Luis Taruc?

a)

KALIBAPI

b)

USAFFE

c)

HUKBALAHAP

d)

AFP

24.

Sino ang pinunong Amerikanong nakilala sa binitiwan niyang pangakong "I shall return" nang tumulak ito patungong Australia?

a)

Franklin Roosevelt

b)

Douglas MacArthur

c)

Jonathan Wainwright

d)

Edward Jones

25.

Alin sa mga sumusunod na digmaan kung saan ito ang naging sanhi ng malawakang pagbagsak ng ekonomiya at pamumuhay ng mga Pilipino?

a)

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

b)

Labanang sa Bataan

c)

Labanan sa Corregidor

d)

Unang Digmaang Pandaigdig

26.

Siya ang unang pangulo ng Pilipinas sa IKatlong Republika

a)

Manuel L. Quezon

b)

Manuel Roxas

c)

Jose P. Laurel

d)

Jose Abad Santos

27.

Lugar kung saan sorpresang binomba ng mga Hapon ang kuta ng Amerikano.

a)

Corregidor

b)

Death March

c)

Pearl Harbor

d)

Tarlac

28.

Tawag sa ginawang pagpapahirap sa mga sundalong Pilipino at Amerikano.

a)

Death March

b)

Labanan sa Bataan

c)

Labanan sa Corregidor

d)

USAFE

29.

Taon kung kailan na ideneklara ang kalayaan ng Pilipinas.

a)

Hunyo 12, 1998

b)

Hunyo 12, 1898

c)

Hulyo 12, 1898

d)

Hunyo

30.

Tama o Mali: Walang pinsalang natamo ang Pilipinas pagkatapos ng digmaan.

a)

Tama

b)

Mali

31.

Tama o Mali: Nagdulot ng matinding kahirapan sa mga Pilipino ang digmaan sa panahon ng Komonwelt.

a)

Tama

b)

Mali

32.

Tama o Mali: Pinagkalooban ng Amerika ang Pilipinas ng karapatang panatilihin ang mga kanilang mga base militar sa iba’t ibang panig ng bansa.

a)

Tama

b)

Mali

33.

Ano ang naging pambansang wika ng Pilipinas?

a)

Tagalog

b)

Filipino

c)

Kapampangan

d)

Bisaya

34.

Ano ang kahulugan ng salitang Komonwelt?

a)

makabayan

b)

kagalingang panlahat

c)

malayang bansa

35.

Paano pinipili ang pununo ng pamahalaan?

a)

Kinilala ng mga Amerikano

b)

Halalan

c)

Paramihan ng ari-arian

d)

Antas ng edukasyon