wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

KELLY'S REVIEWER-2ND TERM-GRADE 2

Total questions: 77

Worksheet time: 57mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay ang mga katangian at paraan ng pamumuhay ng mga grupo ng tao sa isang komunidad. kasama rito ang paraan ng paggawa ng mga bagay at ang kanilang mga paniniwala at tradisyon o kaugalian.

a)

kultura

b)

tradisyon

c)

kaugalian

2.

Ito ay ang mga natatangi o kakaibang katangiang pangkultura ng mga tao sa isang komunidad. Ito rin ay ikinatatangi at ikakikilala sa isang komunidad.

a)

kultura

b)

pagkakakilanlang kultural ng komunidad

c)

pagkain

3.

ito ay isang putaheng karne na tinitimplahan ng suka, toyo, bawang, at paminta. karaniwang karne ng baboy o manok ang ginagawa dito.

a)

sinigang

b)

Lechon

c)

adobo

4.

Ito ay masarap na ulam na masabaw ng mga Pilipino. Ito ay karaniwang pinaasim ng sampalok, bayabas, o kalamansi. May ibang komunidad na gumagamit ng ibang pampaasim tulad ng kamias at pakwan.

a)

sinigang

b)

Lechon

c)

adobo

5.

Inihahanda ito sa pamamagitan ng ng pagbababad dito sa ibat ibang sangkap tulad ng asin, paminta, at toyo. Sa ibang komunidad nilalagyan ito ng tanglad, bawang, sampalok, at sibuyas.

Ito rin ay iniihaw nang mabagal sa loob ng maraming oras.

a)

sinigang

b)

Lechon

c)

adobo

6.

ito ay isa pang ulam na madalass makita sa mga handaan ng mga Pilipino. karaniwang kambing ang ginagamit na karne para rito ngunit may mga komunidad na karne ng baka o baboy ang ginagawa nito.

a)

Sinigang

b)

Adobo

c)

kaldereta

7.

ito ay isa ring sikat na lutuing Pilipino. Ito ay karneng nilaga sa peanut butter. Karaniwang karne ng baka, tuwalya ng baka, o pata ng baboy ang iniluluto nito.

a)

Kare-kare

b)

Adobo

c)

kaldereta

8.

ito ay tanyag na ulam sa Pilipinas. ito ay sinasabing orohinal na lutuin ng mga kapampangan, aksidenteng naimbento ito ni Aling Lucing Cunanan na tinagurian sisig queen. Karaniwang sangkap nito ang inihaw na tenga at ulo ng baboy. Pinipigaan ito ng kalamansi at n ilalagyan ng sibuyas, toyo, at sili. inihahain ito gamit ang sizzling plate kasama ang mainit na kanin.

a)

Kare-kare

b)

Sisig

c)

Bulalo

9.

Ang pangunahing sangkap nito ay dahon ng gabi. ito ay sinasamahan ng karne o seafood at niluluto sa gata ng niyog.

a)

Laing

b)

Tinolang manok

c)

Bulalo

10.

ito ay pinakuluang biyas o mabutong parte ng baka. karaniwang nilalagyan ng sibuyas, bawang, paminta at asin. Sa Batangas ay matatagpuan ang maraming bersiyon ng lutuing ito. Kilala rin ito sa Tagaytay kung saan sinasabing masasarap ang mga baka.

a)

Laing

b)

Tinolang manok

c)

Bulalo

11.

Ito ay kilalang ulam na masabaw at bahagi na ng kultura ng mga Pilipino. Gawa ito sa mga piraso ng manok na ginisa sa bawang, luya, sibuyas, at patis. Ang mga ito ay pakukuluan sa mahinang apoy at nilalagyan ng papaya na gulay, dahon ng sili o dahon ng malunggay.

a)

Laing

b)

Tinolang manok

c)

Bulalo

12.

Ito ay karaniwang handa at mahalagang bahagi ng mga okasyon ng mga Pilipino. Malaki ang impluwensiya ang mga Tsino sa lutuing ito ng mga Pilipino. May iba't ibang uri ito na naging bahagi na rin ng kulturang Pinoy.

a)

Laing

b)

Tinolang manok

c)

Pansit

13.

Sa Rehiyon ng mga Ilokano, kilalang-kilala ito. ito ay pinagsama-samang mga gulay na nilalagyan ng bagoong. Ang karaniwang sangkap nito ay talong, okra, ampalaya,sili, at kalabasa.

a)

Pinakbet o pakbet

b)

Tinolang manok

c)

Pansit

14.

ito ay ang pinakamahabang bulubundukin sa Pilipinas.

a)

Mount Apo

b)

Sierra Madre

c)

Mt. Pulag

15.

Ito ang pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

a)

Mount Apo o Bundok Apo

b)

Sierra Madre

c)

Mt. Pulag

16.

Ito ang pinakamataas na bundok sa Luzon. Ito ay nasa Pagitang ng mga lalawigan ng Benguet, Ifugao, at Nueva Vizcaya. Ito ay ikatlong pinakamataas na bundok sa Pilipinas.

a)

Mount Apo o Bundok Apo

b)

Sierra Madre

c)

Mt. Pulag

17.

Ito ang pinakatanyag na grupo ng mga burol sa bansa at matatagpuan sa sa lalawigan ng Bohol. Ang bilang nito ay tinatayang isang libo. Kung tag-ulan ito ay kulay luntian at kung tag-araw ay nagiging tsokolate, kaya tinawag itong _____________.

a)

Chocolate Hills

b)

Bulkang Mayon

c)

Bulkang Taal

18.

Ito ay kilala sa buong mundo dahil sa kahanga-hanagang halos perpektong hugis apa (cone) nito. Matatagpuan ito sa Albay. itinuturing din itong pinakaaktibong bulkan.

a)

Chocolate Hills

b)

Bulkang Mayon

c)

Bulkang Taal

19.

Ito ay pinakamaliit na bulkan sa Pilipinas. ito rin ang pangalawang pinakaaktibong bulkan sa bansa. Sa bayan ng Batangas ito matatagpuan at nasa loob ito ng isang lawa ng Taal.

a)

Chocolate Hills

b)

Bulkang Mayon

c)

Bulkang Taal

20.

Ito ang pinakatanyag at pinakamalawak na kapatagan sa Pilipinas. Ito ay binubuo ng mga probinsya ng Aurora, Bataan, Tarlac, at Zambales. Nagsisilbi itong taniman ng iba't ibang mga pananim

a)

Kapatagan ng Gitnang LUzon

b)

Boracay Island

c)

Bulkang Taal

21.

Ito ay kinikilalang isa sa pinakamagandang isla sa mundo. ito ay matatagpuan sa Malay, AKlan, sa Visayas. Ipinagmamalaki nito ang puti nitong buhangin sa dalampasigan.

a)

Kapatagan ng Gitnang LUzon

b)

Boracay Island

c)

Bulkang Taal

22.

Ito ang pinakamahaba, pinakamalaki, at pinakamalawak na ilog sa Pilipinas. ito rin ay tinatawag na Rio Grande de Cagayan.

a)

Ilog Cagayan

b)

Golpo ng Lingayen

c)

Talon ng Maria Cristina

23.

Dito matatagpuan ang tanyag na Hundred Islands National Park. Ito rin ay pinaliligiran ng mga probinsya ng Pangasinan at La Union, at mga bulubunduking Cordillera at Zambales.

a)

Ilog Cagayan

b)

Golpo ng Lingayen

c)

Talon ng Maria Cristina

24.

Ito ay binubuo ng mga pulo na makikita sa golpo.

a)

Hundred Islands

b)

Golpo ng Lingayen

c)

Talon ng Maria Cristina

25.

Ito ay pangalawa sa pinakamataas na talon sa bansa. Matatagpuan ito sa Ilog Agus sa Lungsod ng Iligan, sa lalawigan ng Lanao del Sur sa Mindanao. Tinatawag din itong "kambal na talon" dahil pinaghihiwalay ng isang malaking bata ang daloy nito. Ito ay pangunahing pinagmumulan ng kuryente sa Mindanao sa pamamagitang ng Agus IV Hydroelectric Plant.

a)

Hundred Islands

b)

Golpo ng Lingayen

c)

Talon ng Maria Cristina

26.

Ito ay malikhaing gawain na bunga ng mahusay na imahinasyon o kasanayan ng isang tao. Isa sa halimbawa nito ay iskultura, pagpinta, panitikan, musika, at sayaw.

a)

sining (arts)

b)

pagkain

c)

anyong lupa

27.

Siya ang kinilalang "Ama ng Sining ng Pilipinas". Siya rin ay isang iskultor mula sa Malolos, Bulacan.

a)

Napoleon Abueva

b)

Fernando Amorsolo

c)

Guillermo Estrella Tolentino

28.

Siya ay isa ring sikat na Pilipinong Iskultor. Siya ay tinaguriang "Ama ng Makabagong Iskultura ng Pilipinas". Kabilang sa kanyang mga tanyag na gawa ay ang Sandugo (Blood Compact Shrine) sa kaniuyang bayan sa Tagbilaran, Bohol.

a)

Napoleon Abueva

b)

Fernando Amorsolo

c)

Guillermo Estrella Tolentino

29.

Siya ang pinaunang tumanggap ng pinakaunang Gawad Pambansang Alagad ng SIning sa Sining Biswal. Siya ay pintor ng mga larawan ng taon at tanawing pambaryo ng bansa. Siya ay mula sa Maynila. Ipininta niya ang sikat na "The Making of the Philippine Flag."

a)

Napoleon Abueva

b)

Fernando Amorsolo

c)

Guillermo Estrella Tolentino

30.

Siya ang pangunahing pintor ng mural ng Pilipinas. Siya ay isang Pambansang alagad ng Sining mula sa Angono, Rizal. Siya ang nagpinta ng maraming makasaysayang pangyayari tulad ng First Mass at Limasawa, The Martyrdom of Rizal, at the Invasion of Limahong.

a)

Napoleon Abueva

b)

Fernando Amorsolo

c)

Carlos "Botong" Francisco

31.

Siya ang pambansang bayani mula sa Calamba, Laguna. Siya ay isang mahusay na manunulat na mula pagkabata ay kinakitaan na siya ng galing sa pagsulat.

a)

Jose P. Rizal

b)

Francisco Baltazar

32.

Siya ay mula sa Bulacan at kilala bilang si Balagtas. siya ay kilalang makatang Pilipino noong panahon ng pananakop ng Kastila sa Pilipinas. Siya ang may akda ng tanyag na epikong Florante at Laura.

a)

Jose P. Rizal

b)

Francisco Baltazar

33.

Siya ay isang kompositor mula sa Tondo, Manila. Itinuturing siyang isang Pambansang Alagad ng Sining sa Musika ng Pilipinas.

a)

Lea Salonga

b)

Levi Celerio

34.

Isa siyang mang-aawit at artista na nakilala sa kaniyang pagganap sa Miss Saigon.

a)

Lea Salonga

b)

Levi Celerio

35.

Siya ay isang folk dancer. Tinawag siyang "Mother of Philippine Dancing"

a)

Francisca Reyes-Aquino

b)

Lisa Macuja-Elizalde

36.

Siya ang kauna-unahang Filipinong ballerina na nanalo ng silver medal sa 1987 Asia-Pacific Ballet Competition sa Tokyo.

a)

Francisca Reyes-Aquino

b)

Lisa Macuja-Elizalde

37.

SIya ay Pilipinang weightlifter o nagbubuhat ng mga barbel sa kompetisyon. Siya ang unang atletang nagwagi ng medalyang ginto sa Olympics para sa Pilipinas noong 2021 sa Tokyo, Japan.

a)

Hidilyn Diaz

b)

Manny Paquiao

38.

Siya ay isang World Boxing Champion. Siya ay itinuturing na isa sa mga pinakamahusay na propesyonal na boksingero sa lahat ng panahon sa buong mundo.

a)

Hidilyn Diaz

b)

Manny Paquiao

39.

Siya ay isang Filipino bowler. Anim na beses siyang naging World Bowling Champion.

a)

Rafael "Paeng" Nepomuceno

b)

Efren "Bata" Reyes

40.

Siya ay isang Pilipinong propesyonal na manlalaro ng billiards.

a)

Rafael "Paeng" Nepomuceno

b)

Efren "Bata" Reyes

41.

Siya ang unang Pilipina na nanalo ng titulong Miss Universe. Siya ay labingwalong (18) taong gulang lamang ng manalo bilang Binibining Pilipinas.

a)

Catriona Elisa Magnayon Gray

b)

Gloria Diaz

42.

Siya ay isang Filipino-Australian beauty queen. Isang babaeng napili bilang pinakamganda sa isang patimpalak sa kagandahan (beauty contest)

a)

Catriona Elisa Magnayon Gray

b)

Gloria Diaz

43.

Ito ay pagkilala o pag-alala sa makabuluhang araw o okasyon. Ito ay ginagawa sa pamamagitang ng pagtitipon o ng kasiya-siyang mga aktibidad o gawain.

a)

Tradisyon

b)

Pagdiriwang

c)

Kultura

44.

Ipinagdiriwang ito tuwing sasapit ang Enero 1, na siyang unang araw ng taon.

a)

Bagong Taon

b)

Araw ng Rebolusyong Edsa

c)

Araw ng Kagitingan

45.

Ito ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 25. Ang rebolusyong ito ay tinatawag ding People's Power Revolution. Ito ay isang mapayapang protesta na isinasagawa sa EDSA.

a)

Bagong Taon

b)

Araw ng Rebolusyong Edsa

c)

Araw ng Kagitingan

46.

Ginugunita ito tuwing sasapit ang Abril 9. Ang pagdiriwang na ito ay okasyon upang parangalan ang mga sundalong Pilipino na namatay o nagtanggol sa bansa laban sa mga Hapones noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

a)

Bagong Taon

b)

Araw ng Rebolusyong Edsa

c)

Araw ng Kagitingan

47.

Tuwing sasapit ang Mayo 1 ito ay ipinagdiriwang bilang pagkilala sa mga serbisyo o paglilingkod ng mga manggagawa sa komunidad.

a)

Araw ng Manggagawa

b)

Araw ng mga Ina

c)

Araw ng mga Ama

48.

Itinakda ang pagdiriwang na ito tuwing ikalawang Linggo ng Mayo. Ito ay pagpaparangal para sa ating mga kani-kaniyang ina

a)

Araw ng Manggagawa

b)

Araw ng mga Ina

c)

Araw ng mga Ama

49.

Ipinagdiriwang ito tuwing darating ang ikatlong linggo ng buwan ng Hunyo. Isa itong pagdiriwang na naglalayong magbigay parangal sa ating kani-kaniyang ama.

a)

Araw ng Manggagawa

b)

Araw ng mga Ina

c)

Araw ng mga Ama

50.

Ginugunita ito tuwing ika-12 ng Hunyo taon-taon. Ito ay pag-alala sa makasaysayang araw ng Pamamahayag ng Kalayaan ng ating bansa mula sa pananakop ng Espanya.

a)

Araw ng mga Bayani

b)

Araw ng Kalayaan

c)

Buwan ng Wika

51.

Ipinagdiriwang ito tuwing buwan ng Agosto. Layunin nitong gunitain, kilalanin, panatilihin, at lalong paunlari ang Wikang Filipino.

a)

Araw ng mga Bayani

b)

Araw ng Kalayaan

c)

Buwan ng Wika

52.

Ipinagdiriwang ito tuwing huling Lunes ng Agosto. Ginugunita ng okasyong ito ang mga bayaning Pilipino na nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para sa bayan.

a)

Araw ng mga Bayani

b)

Araw ng Kalayaan

c)

Buwan ng Wika

53.

Isa itong pang-isang buwang pagdiriwang na nagsisimula mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Ito ay pagpaparangal sa mga guro dahil sa kanilang malaking sakripisyo para sa kabutihan ng mga mag-aaral

a)

Araw ni Rizal

b)

Araw ni Bonifacio

c)

Pambansang Buwan ng mga guro

54.

Isa sa mga piyesta opisyal (official holiday) na ipinagdiriwang sa bansa ito. Isinasagawa ito tuwing ika-30 ng Nobyembre.

a)

Araw ni Rizal

b)

Araw ni Bonifacio

c)

Pambansang Buwan ng mga guro

55.

Ang araw na ito ay isang pambansang holiday sa ating bansa. ito ay paggunita sa buhay at mga gawa ni Jose Rizal. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 30, ang anibersaryo ng pagbitay kay Rizal noong 1896 sa Bagumbayan sa Manila (Luneta Park)

a)

Araw ni Rizal

b)

Araw ni Bonifacio

c)

Pambansang Buwan ng mga guro

56.

Ito ay isang pista sa Pilipinas na ginaganap taun-taon sa buwan ng Enero sa ilang bayan sa Aklan. Ito ay bilang parangal nila sa Sto. Nino. Kabilang sa pagdiriwang ang paglalagay ng mga tao ng uling sa mukha at buong katawan at pagsusuot ng makukulay na damit.

a)

Ati-atihan Festival

b)

Araw ng mga Puso

c)

Mahal na Araw

57.

Ang araw na ito ay isang pambansang holiday sa ating bansa. ito ay paggunita sa buhay at mga gawa ni Jose Rizal. Ito ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre 30, ang anibersaryo ng pagbitay kay Rizal noong 1896 sa Bagumbayan sa Manila (Luneta Park)

a)

Araw ni Rizal

b)

Araw ni Bonifacio

c)

Pambansang Buwan ng mga guro

58.

Ang araw na ito ay ipinagdiriwang tuwing Pebrero 14.

a)

Araw ng mga Puso

b)

Mahal na Araw

c)

Flores de Mayo

59.

Ito ay tinatawag ding Biyernes Santo, ang paggunita ng ilang relihiyon sa araw kung kailan ipinako sa krus si Hesus ayon sa nakaugalian o tradisyon.

a)

Araw ng mga Puso

b)

Mahal na Araw

c)

Flores de Mayo

60.

Ito ay tinatawag ding Biyernes Santo, ang paggunita ng ilang relihiyon sa araw kung kailan ipinako sa krus si Hesus ayon sa nakaugalian o tradisyon.

a)

Araw ng mga Puso

b)

Mahal na Araw

c)

Flores de Mayo

61.

Ito ay pagdiriwang ng mga taga Quezon tuwing Mayo 15. Ito ay ipinagdiriwang upang magpasalamaat sa santong Katoliko ng mga magsasaka na si San Isidro Labrador sa masaganang ani.

a)

Pahiyas

b)

Pista ng Penafrancia

c)

Ramadan

62.

Tuwing ikatlong Linggo ng Steyembre, ang imahen niya ay inilalabas sa Basilica ng Penafrancia at dinadala sa prusisyon sa Ilog Naga.

a)

Pahiyas

b)

Pista ng Penafrancia

c)

Ramadan

63.

Ito ay ang ikasiyam at pinakamahalagang buwan sa kalendaryong Muslim. Sa buwang ito, ang mga Muslim ay nag-aayuno. Hindi sila kumakain o umiinom mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog ng araw.

a)

Araw ng mga Patay

b)

Eid ul-Fitr

c)

Ramadan

64.

Maraming katoliko at miyembro ng iba pang relihiyon ang pumupunta sa sementeryo. Sila ay nag-aalay ng bulaklak at pagkain at nagtitirik ng kandila sa puntod ng kanilang mga mahal sa buhay na nakalibing doon.

a)

Araw ng mga Patay

b)

Eid ul-Fitr

c)

Ramadan

65.

Ipinagdiriwang ito bilang pagtatapos ng isang buwang pag-aayuno sa Ramadan. Ito ay tinatawag din na Hari Raya Puasa. Ang salitang "Hari Raya" ay nangangahulugang "araw ng pagdiriwang"

a)

Araw ng mga Patay

b)

Eid ul-Fitr

c)

Ramadan

66.

Ipinagdiriwang ito ng maraming relihiyon tuwing ika-25 ng Disyembre bilang paggunita sa pagsilang ng Panginoong Hesus.

a)

Pasko

b)

Bagong Taon

c)

Araw ng mga Puso

67.

Ito ay ang mga kaugalian at paniniwalang namana natin na nagmula pa sa mga taong matagal na nauna sa atin.

a)

Tradisyon

b)

Paniniwala

c)

Pagdiriwang

68.

Ang diwa nito ay pagkakaisa ng mga tao sa isang komunidad. ipinakikita ito sa pamamagitan ng sama-samang pagtulong sa miyembro ng komunidad nang hindi umaasa sa gantimpala. Halimbawa nito ang pagtutulungan ng mga tao sa isang komunidad sa probinsya kapag mayroong maglilipat ng bahay.

a)

Paggalang sa Matatanda

b)

Bayanihan

c)

Malugod na Pagtanggap sa Kapwa Tao o (Hospitality)

69.

Naipakikita ito sa pamamagitan ng pagmamano at pagsagot ng "po" at "opo" sa mga matatanda.

a)

Paggalang sa Matatanda

b)

Bayanihan

c)

Malugod na Pagtanggap sa Kapwa Tao o (Hospitality)

70.

Ipinakikita sa pamamagitan ng malugod na pagtanggap sa bisita. Tinatanggap natin sila ng maayos sa ating tahanan kapag bumubisita.

a)

Pagiging Relihiyoso

b)

Bayanihan

c)

Malugod na Pagtanggap sa Kapwa Tao o (Hospitality)

71.

Dumadalo ang maraming Pilipino sa mga gawaing pangrelihiyon gaya ng simba o samba, pista at iba pa.

a)

Pagiging Relihiyoso

b)

Bayanihan

c)

Malugod na Pagtanggap sa Kapwa Tao o (Hospitality)

72.

Taong marunong tumupad sa kanyang sinabi. Tinutupad niya ng may paninindigan ang kaniyang pangako anuman ang mangyari.

a)

Pagiging Relihiyoso

b)

Palabra de Honor (Word of Honor)

c)

Malugod na Pagtanggap sa Kapwa Tao o (Hospitality)

73.

Ito ay tradisyon sa mga probinsya lalo na noon. Ang lalaki ay pupunta sa tahanan ng kaniyang nililigawan at idadaan sa pag-awit na may kasamang pagtugtog ng instrumento ang kanyang panliligaw.

a)

Panghaharana

b)

Pamamanhikan

c)

Pagsasalo-salo

74.

Isa sa mga tradisyon ng Pilipino na bago magpakasal ang isang lalaki at babae ay pupunta ang lalaki kasama ang kaniyang mga magulang, sa tahanan ng babae. Magalang na hihingin ng lalaki ang pahintulot ng mga magulang ng babae na mapakasalan ang kanilang anak.

a)

Panghaharana

b)

Pamamanhikan

c)

Pagsasalo-salo

75.

ito ay paghahanda ng mga pagkain at sama-samang pagkain ng mga magkakamag-anak o magkakaibigan.

a)

Panghaharana

b)

Pamamanhikan

c)

Pagsasalo-salo

76.

Taong marunong makitungo, makibagay, at makipagkasundo sa kapwa tao.

a)

pakikisama

b)

pakikiramay

c)

Pagsasalo-salo

77.

Ito ay ang pakikidalamhati, pakikisimpatiya at pagtulong sa mga taong nasa matinding kalungkutan, gaya ng mga namatayan.

a)

pakikisama

b)

pakikiramay

c)

Pagsasalo-salo