wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Prosidyural, Naratibo, Persuweysib

Total questions: 83

Worksheet time: 42mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang inilalarawan ng tekstong prosidyural?

a)
Ang tekstong prosidyural ay naglalarawan ng mga lugar at tanawin.
b)
Ang tekstong prosidyural ay naglalarawan ng mga hakbang o proseso upang matapos ang isang tiyak na gawain o layunin.
c)
Ang tekstong prosidyural ay naglalarawan ng mga tula at kanta.
d)
Ang tekstong prosidyural ay naglalarawan ng mga pangyayari sa nakaraan.
2.

Nakapokus ang tekstong prosidyural sa pangkahalatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.

a)

Tama

b)

Mali

3.

Ano ang halimbawa ng salitang hudyat?

a)

Doon, rito, diyan

b)

Habang, kalaunan, madalas

c)

Ikaw, ako, siya

d)

Kami, Sila, Tayo

4.

Lahat ng naratibo ay may simula, gitna, at wakas

a)

Tama

b)

Mali

5.

Ano ang dalawang uri ng tekstong naratibo?

a)
tula at dula
b)
talumpati at sanaysay
c)

maikling kwento at nobela

d)

kathang-isip at di kathang-isip

6.

Ang tekstong ____, ay isinulat mula sa imahinasyon.

a)

Tekstong kathang-isip

b)

Tekstong di-kathang-isip

7.

Ang tekstong ____, ay mga totoong kuwento at nakapokus sa mga tunay na tao at pangyayari.

a)

Tekstong di-kathang-isip

b)

Tekstong kathang-isip

8.

Ano ang halimbawa ng tekstong kathang-isip?

a)

kuwentong-bayan

b)

anekdota

c)

personal na sanaysay

d)

talambuhay

9.

Ano ang halimbawa ng tekstong di-kathang-isip

a)

talaarawan

b)

maikling kuwento

c)

mito

d)

nobela

10.

Ang "____" na maaaring tawaging paglilikhang-diwa, ay tumutukoy sa proseso ng pagbibigay ng kahulugan sa kolektibong karanasan.

a)
Panghihinuha
b)
Pangangatwiran
c)
Pangangatuwiran
d)

sense-making

11.

Nang tawaging ____ ang mga tekstong di-kathang-isip

a)
likha ng kaluluwa
b)
akda ng tao
c)

creative nonfiction

d)

sense-making

12.

Ano ang nawawalang bahagi ng banghay sa litrato?

a)

Kasukdulan

b)

Suliranin

c)

Denouement

d)

Eksposisyon

13.

Ano ang nawawalang bahagi sa litrato?

a)

Wakas/Denouement

b)

Eksposiyon

c)

Kasukdulan

d)

Solusyon

14.

Ano ang nawawalang bahagi sa litrato?

a)

Pataas na aksiyon

b)

Eksposisyon

c)

Kasukdulan

d)

Denouement

15.

Ano ang nawawalang bahagi sa litrato?

a)

Panimula/Eksposisyon

b)

Denouement

c)

Kasukdulan

d)

Pataas na aksiyon

16.

Ano ang nawawalang bahagi sa litrato?

a)

Pababang aksiyon

b)

Denouement

c)

Eksposisyon

d)

Wakas

17.

Sa ekposisyon o panimula ay sasabihin ang ____

a)

tauhan at tagpuan

b)

suliranin

c)

desisyon/pinaka malaking suliranin/kritikal

d)

solusyon

e)

unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda

18.

Sa Pataas na aksiyon sinasabi ang ____

a)

suliranin

b)

tauhan at tagpuan

c)

Desisyon/pinaka malaking suliranin/kritikal

d)

solusyon

e)

unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda

19.

Sa kasukdulan sinasabi ang ____

a)

desisyon/pinakamalaking suliranin/kritikal

b)

tauhan at tagpuan

c)

suliranin

d)

solusyon

e)

unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda

20.

Sa pababang aksiyon sinasabi ang ___

a)

Tauhan at tagpuan

b)

Desisyon/pinakamalaking suliranin/kritikal

c)

Suliranin

d)

Solusyon

e)

unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda

21.

Sa wakas o Denouement sinasabi ang ____

a)

unti-unting pagbibigay linaw sa mga pangyayari sa akda

b)

tauhan at tagpuan

c)

solusyon

d)

desisyon/pinaka malaking suliranin/kritikal

e)

suliranin

22.

Makakaranas ng dilemma o maiipit sa matinding sitwasyon ang tauhan sa dulo ng episodyo ng isang serye para sagutin sa susunod na labas (Binibitin ang mambabasa)

a)

cliffhanger

b)

comic book death

c)

deus ex machina

d)

ellipsis

23.

waring kamatayan at pagbabalik sa tauhan sa kuwento ng comic books

a)

Comic book death

b)

Deus ex machina

c)

Ellipsis

d)

Flashback

24.

isang di-inaasahang pangyayari, na maaaring gawa ng isang diyos o makapangyarihang nilalang, ang lilitaw upang baguhin ang isang sitwasyong parang wala nang lunas; maaaring panaginip lamang pala ng tauhan ang lahat

a)

Deus ex machina

b)

Ellipsis

c)

Flashback

d)

In media res

25.

pagtatanggal ng ilang bahagi ng pangungusap o kunwento upang punan ang ng mambasasa ("...") (pwedeng may kasunod/hindi important o naulit na)

a)

Ellipsis

b)

Flashback

c)

Foreshadowing

d)

In media res

26.

paglalagay ng ekenang naalala ng tauhan (meron nito upang maintindihan ang nangyayari)

a)

Flashback

b)

Foreshadowing

c)

In media res

d)

Reverse Chronology

27.

paglalagay ng eksenang maaaring magpahiwatig na may susunod na pangyayari sa mga susunod na bahagi ng kuwento

a)

Foreshadowing

b)

In media res

c)

Reverse Chronology

d)

Cliffhanger

28.

Hindi na ito pwedeng dugtungang. Tuldok.

a)

Close plot

b)

Open plot

29.

Pwede pa ito dugtungan

a)

Open plot

b)

Close plot

30.

nasa kasukdulan agad ang simula ng kuwento

a)

In media res

b)

Reverse chronology

c)

Cliffhanger

d)

Comic Book Death

31.

ang takbo ng banghay ay 5-4-3-2-1

a)

Reverse chronology

b)

In media res

c)

Cliffhanger

d)

Comic book death

32.

tinatawag din siyang bida

a)

Protagonista

b)

Deuteragonista

c)

Antagonista

d)

Tritagonista

33.

Maaaring siya ang sidekick ng bida o papalit-palit ng panig

a)

Deuteragonista

b)

Antagonista

c)

Tritagonista

d)

Protagonista

34.

tinatawag din siyang kontrabida

a)

Antagonista

b)

Tritagonista

c)

Protagonista

d)

Deuteragonista

35.

pinaka-di-mahalaga sa daloy ng kuwento; tatakbo pa rin ang kuwento kahit na tanggalin siya

a)

Tritagonista

b)

Protagonista

c)

Deuteragonista

d)

Antagonista

36.

Ang karakter ang nagpapahayag

a)

direkta/tuwiran

b)

di-tuwirang/di-direkta

37.

Salaysay ang nagpapahayag

a)

Di-tuwirang/di-direkta

b)

direkta/tuwiran

38.

Tumutukoy sa taong nagsasalita o kasama ang sarili ("ako")

a)

Unang panauhan

b)

Ikalawang Panauhan

c)

Ikatlong Panauhan

39.

Tumutukoy sa taong kausap o kinakausap ("ka" at "ikaw")

a)

Ikalawang Panauhan

b)

Unang Panauhan

c)

Ikatlong Panauhan

40.

Tumutukoy sa taong pinag-uusapan

a)

Ikatlong Panauhan

b)

Unang panauhan

c)

Ikalawang panauhan

41.

Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi

a)

Tama

b)

Mali

42.

Ang tekstong persuweysib ay anumang sulating may pakay na makakuha ng resulta at humihingi ng tugon o opinyon.

a)

Tama

b)

Mali

43.

Kapag gumagamit ang Tekstong Persuweysib ng mga Telebisyo, radyo, etc, tawag dito ay paggamit sa ____

a)

Mass media

b)

Social media

44.

Kapag gumagamit ang Tekstong Persuweysib ng mga websites at online; tawag dito ay paggamit sa ____

a)

Social media

b)

Mass media

45.

Tinatawag na ____, ang paglalathala ng mga anunsiyo sa anyong balita o editoryal.

a)

Advertisements

b)

Journalism

c)

Advertorial Journalism

d)

Editoryal

46.

paggamit ng magkakatunog na salita, karaniwang katinig, upang lumikha ng musika sa taludtod. Sa pamamagitan nito, napupunta ang pokus sa mga susi o mahalagang salita.
Halimbawa: kahit kabataan kadluan ng kasagutan

a)

Aliterasyon

b)

Analohiya

c)

De-kahong pahayag

d)

Eksaherasyon

47.

pagwawangis ng mga sitwasyon (naghahambing)
Halimbawa: Para tayong mga aliping walang kalayaan

a)

analohiya

b)

de-kahong pahayag

c)

eksaherasyon

d)

pautos

48.

mga gasgas na salita (gamit na), parirala, o idea. Tinatawag din itong cliche
Halimbawa: IIsa ang bituka nating lahat

a)

De-kahong pahayag

b)

eksaherasyon

c)

pautos

d)

personal na pagsamo

49.

pagpapalabis o kalabisan sa katotohanan
Halimbawa: Nagkakaubusan na!

a)

Eksaherasyon

b)

Pautos

c)

Personal na pagsamo

d)

Rehistro ng wika

50.

paggamit ng mga pahayag na pautos
Halimbawa: Bilhin mo na!

a)

Pautos

b)

Personal na pagsamo

c)

Rehistro ng wika

d)

Repetisyon

51.

nangungusap sa paniniwalang pantay-pantay ang lahat
Halimbawa: Dapat ikulong ang mga opisyal na nagnanakaw

a)

Pagsamo sa diwa ng katarungan

b)

Pagsamo sa katapatan sa grupo

c)

Pagsamo sa katwiran at lohika

d)

Pagsamo sa laman ng bulsa

52.

nakatuon sa hangad na mapabilang sa isang partikular na grupo, kaya susunod sa direksyon ng grupo
Halimbawa: kung naka-laptop ang mga kasama mo sa organisasyon, dapat mayroon ka rin.

a)

Pagsamo sa katapatan sa grupo

b)

Pagsamo sa katwiran at lohika

c)

Pagsamo sa laman ng bulsa

d)

Pagsamo sa pagkamakabayan

53.

nakasandig sa ipinapalagay na katwiran at katotohanan
Halimbawa: Hinihingi ng katwiran na mgkaisa ang lahat laban sa ilegal na pagmimina

a)

Pagsamo sa katwiran at lohika

b)

Pagsamo sa laman ng bulsa

c)

Pagsamo sa pagkamakabayan

d)

Pagsamo sa pansariling interes

54.

nauukol sa kapakanan sa pananalapi

Halimbawa: Di magtatagal, magagaya tayo sa mga magsasaka na walang pambili ng palay na kanilang itinanim.

a)

Pagsamo sa laman ng bulsa

b)

Pagsamo sa pagkamakabayan

c)

Pagsamo sa pansariling interes

d)

Pagsamo sa tradisyon at kaugalian

55.

nakasandig sa pagmamalaki at katapatan sa bayan o bansa
Halimbawa: sundan natin ang yapak nina Bonifacio at Rizal

a)

Pagsamo sa pagkamakabayan

b)

Pagsamo sa pansariling interes

c)

Pagsamo sa tradisyon at kaugalian

d)

Pagsamo sa diwa ng katarungan

56.

ipinahihiwatig na dapat unahin ang sarili kaysa sa iba
Halimbawa: Ikaw muna, bago sila

a)

Pagsamo sa sariling interes

b)

Pagsamo sa tradisyon at kaugalian

c)

Pagsamo sa Diwa ng katarungan

d)

Pagsamo sa Katapatan sa grupo

57.

pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa pamilya, sa mga nakagisnan, at pamana ng lahi
Halimbawa: Bago tayo sakupin ng mga Espanyol, may karapatan ang ating katutubong kababaihan sa kanilang sariling katawan.

a)

Pagsamo sa tradisyon at kaugalian

b)

Pagsamo sa diwa ng katarungan

c)

Pagsamo sa katapatan sa grupo

d)

Pagsamo sa katwiran at lohika

58.

pag-aangkop sa wika ng mga mambabasa
Halimbawa: Pak! bagong cell phone! Sanaol!

a)

Rehistro ng wika

b)

Repetisyon

c)

Retorikal na tanong

d)

Tatluhang padron

59.

pag-uulit ng mga salita, parirala, o idea

Halimbawa: Ang bata ay dapat na nasa paaralan. Ang bata ay dapat malayang nakapaglalaro.

a)

Repetisyon

b)

Retorikal na tanong

c)

Tatluhang Padron

d)

Aliterasyon

60.

Pagbanggit ng tanong na hindi humihingi ng sagot, dahil ipinahiwatig na
Halimbawa: Mahilig ka bang mag-shopping?

a)

Retorikal na tanong

b)

Tatluhang padron

c)

Aliterasyon

d)

Analohiya

61.

tatlong magkakasunod na salita, parirala, o idea na bumubuo ng padron
Halimbawa: Sapat na pagkain, trabaho, at pabahay

a)

Tatluhang padron

b)

Aliterasyon

c)

Analohiya

d)

De-kahong pahayag

62.

Ano ang layunin ng tekstong argumentatibo

a)

Ipagtanggol ang teksto

b)

Magpahiwatig ng impormasyon

c)

Manghikayat

d)

Magbigay ng hindi importanteng impormasyon

63.

Ano ang tawag sa isang pagkakamaling nagpapahina sa mga argumento?

a)

fallacy

b)

problema

c)

katangahan

d)

pagsisinungaling

64.

kilala rin bilang "argument to the cudgel" at "appeal to the stick." Gumagamit ng puwersa o awtoridad upang manaig sa argumento.

a)

Argumentum ad baculum

b)

Argumentum ad hominem

c)

Argumentum ad ignorantiam

d)

Argumentum ad misericordiam

65.

kilala rin bilang "atakeng personal." Sa halip na magpokus sa argumento, inaatake ang pagkatao at motibo ng kalaban para manalo. (Atake sa pagkatao)

a)

Argumentum ad hominem

b)

Argumentum ad ignorantiam

c)

Argumentum ad misericordiam

d)

Argumentum ad populum

66.

Totoo ang sinasabi, dahil walang ebidensiyang mali ito. Gayundin, mali ang sinasabi, dahil wala pang nakapagpapatunay na tama ito.

a)

Argumentum ad ignorantiam

b)

Argumentum ad misericordiam

c)

Argumentum ad populum

d)

Argumentum ad verecundiam

67.

Kilala rin bilang sob story. Nagmamakaawa upang kampihan at maipanalo ang argumento.

a)

Argumentum ad misericordiam

b)

Argumentum ad populum

c)

Argumentum ad verecundiam

d)

Non sequitur

68.

Totoo ang sinasabi, dahil maraming tao ang naniniwala rito.

a)

Argumentum ad populum

b)

Argumentum ad verecundiam

c)

Non sequitur

d)

Palsong dilemma

69.

Binabanggit ang pahayag ng isang tao o sangguniang walang siyentipikong batayan o pag-aaral sa argumento.

a)

Argumentum ad verecundiam

b)

Non sequitur

c)

Palsong dilemma

d)

Palsong paglalahat

70.

Kongklusyon na walang koneksiyon sa pinagtambal na mga pahayag

a)

Non sequitur

b)

Palsong dilemma

c)

Palsong paglalahat

d)

Post hoc ergo propter hoc

71.

Kilala rin bilang false dichotomy. Iginigiit nitong dalawa lamang ang kondisyon, walang ibang opsiyon o alternatibo.

a)

Palsong dilemma

b)

Palsong paglalahat

c)

Post hoc ergo propter hoc

d)

Argumentum ad baculum

72.

Kilala rin bilang hasty generalization. Mabilis magbigay ng kongklusyon, kahit walang sapat na datos o batayan.

a)

Palsong paglalahat

b)

Post hoc ergo propter hoc

c)

Argumentum ad baculum

d)

Argumentum ad hominem

73.

Kung nangyari ang A matapos mangyari ang B, samakatwid ang B ang dahilan ang A. (walang batayan)

a)

Post hoc ergo propter hoc

b)

Argumentum ad baculum

c)

Argumentum ad hominem

d)

Argumentum ad ignorantiam

74.

"Ako ang pulis dito. Kung hindi ka magbibigay sa akin, poposasan at ikukulong kita."

a)

Argumentum ad baculum

b)

Argumentum ad hominem

c)

Argumentum ad ignorantiam

d)

Argumentum ad misericordiam

75.

"Hindi siya puwedeng maging senador dahil maitim ang balat niya."

a)

Argumentum ad hominem

b)

Argumentum ad ignorantiam

c)

Argumentum ad misericordiam

d)

Argumentum ad populum

76.

"Wala akong COVID-19. Hindi nga ako nagpapa-swab test."

a)

Argumentum ad ignorantiam

b)

Argumentum ad misericordiam

c)

Argumentum ad populum

d)

Argumentum ad verecundiam

77.

"Puwede po bang taasan ang grado ko? Hindi na po ako natutulog kakaaral. Nalilipasan na rin po ako ng gutom."

a)

Argumentum ad misericordiam

b)

Argumentum ad populum

c)

Argumentum ad verecundiam

d)

Non sequitur

78.

"Gamot sa lahat ng sakit ang herbal supplement na iyan. Kita mo, laging out of stock."

a)

Argumentum ad populum

b)

Argumentum ad verecundiam

c)

Non sequitur

d)

Palsong dilemma

79.

"Ayon kay Linus Pauling, nagwagi ng Nobel Prize in Chemistry at Nobel Peace Prize, araw-araw siyang gumamit ng vitamin C noong may kanser pa siya, kaya epektibong gamot sa kanser ang bitaminang ito."

a)

Argumentum ad verecundiam

b)

Non sequitur

c)

Palsong dilemma

d)

Palsong paglalahat

80.

"Magaling siyang magluto ng sinigang. Puwede na siyang tumakbong mayor."

a)

Non sequitur

b)

Palsong dilemma

c)

Palsong paglalahat

d)

Post hoc ergo propter hoc

81.

"Kontra siya sa mga kapitalista, kaya isa siyang komunista."

a)

Palsong dilemma

b)

Palsong paglalahat

c)

Post hoc ergo propter hoc

d)

Argumentum ad baculum

82.

"May mga estudyante sa pamantasang iyon na sumapi sa NPA. Hindi ba doon nag-aaral ang anak mo? Malamang NPA rin siya."

a)

Palsong paglalahat

b)

Post hoc ergo propter hoc

c)

Argumentum ad baculum

d)

Argumentum ad hominem

83.

"Kumain ako ng adobo kanina. Sumasakit ang tiyan ko ngayon. Sumakit ang tiyan ko dahil sa adobo."

a)

Post hoc ergo propter hoc

b)

Argumentum ad baculum

c)

Argumentum ad hominem

d)

Argumentum ad ignorantiam