wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Reviewer sa Fil8-Ikatlong Markahan

Total questions: 31

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1-10.
1.

Tumutukoy ito sa bahagi ng akda o pangungusap na binibigyan ng pokus o tuon sa akda o pangungusap. Tinatawag din itong tema.

a)

Paksa

b)

Layon

c)

Pananaw

d)

Tono

2.

Ito ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo, kwento, larawan, anunsyo at iba pa.

a)

Magasin

b)

Dagli

c)

Tabloid

d)

Komiks

3.

Ito ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento.

a)

Dagli

b)

Broadsheet

c)

Komiks

d)

Obitwaryo

4.

Ito ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga kaganapan na nangyayari sa lipunan.

a)

Komiks

b)

Obitwaryo

c)

Magasin

d)

Pahayagan

5.

Ang magasin tungkol sa balitang showbiz ay tinatawag na Metro samantalang ang T3 ay isang magasin para lamang sa mga gadget. Ano ang kahulugan ng T3?

a)

Today Tomorrow Technology

b)

Tomorrow’s Technology Today

c)

Today’s Technology Tomorrow

d)

Technology Tomorrow Today

6.

Siya ang namamahala sa mga patakaran sa editoryal; o isang tao na nagpapasya kung anong tinig at tindig ang dapat palitawin ng editoryal o tudling ng pahayagan.

a)

Copy Reader

b)

Editor

c)

Writer

d)

Dibuhista

7.

Ang Good Housekeeping ay uri ng magasin para sa mga abalang ina, tungkol saan naman ang magasin na Yes!?

a)

Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan.

b)

Naglalaman din ito ng mga balita na may kaugnayan sa labas ng bansa

c)

Magasing pangkababaihan

d)

Magasin tungkol sa balitang showbiz

8.

Ito ang magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan.

a)

T3

b)

Men’s Health

c)

FHM

d)

Cosmopolitan

9.

Ang pahayagan o newspaper na kilala rin sa tawag na diyaryo o peryodiko ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon at patalastas. Ang sumusunod ay halimbawa ng pahayagan maliban sa isa

a)

Manila Bulletin

b)

Mar’s Ravelo

c)

Bulgar

d)

Philippine Star

10.

Ito ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya noong 1922 hanggang 1924. Ang pangunahing editor sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado.

a)

Lipang Kalabaw

b)

Talembang

c)

Cosmopolitan

d)

Liwayway

11.

Ang mga akdang popular gaya ng komiks, dagli at iba pang uri nito ay halimbawa ng

______________________.

a)

kontemporaryong panitikan

b)

kontemporaryong paksa

c)

tradisyonal na panitikan

d)

sinaunang kuwento

12.

Alin ang mga halimbawa ng print media?

a)

Facebook at youtube                         

b)

Pahayagan, magasin

c)

Radio at telebisyon                                  

d)

Dula at nobela

13.

Headline: “Pulis may body camera na” saan nababasa ang ganitong pahayag?

a)

Dagli        

b)

Komiks

c)

Magasin  

d)

Pahayagan

14.

Anong estratehiya ang tinutukoy sa pagmamasid ng mga bagay-bagay, tao, pangkat

o pangyayari at mga katangian na kaugnay sa pangyayari.

a)

Imersiyon   

b)

Pagsarbey

c)

Obserbasyon  

d)

Brainstorming

15.

 Ang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan o pakikisalamuha sa isang

grupo ng tao. Anong estratehiya ang tinutukoy dito?

a)

Imersiyon  

b)

Pagsasarbey

c)

Brainstorming   

d)

Obserbasyon

16.

Alin sa sumusunod ang kahulugan ng Pagtatanong o Questioning?

a)

Ito ay ang paglalatag ng mga katanungan na nais masagutan hinggil sa paksa

b)

Ito ay ang sadyang paglalagay sa sarili sa isang karanasan sa isang grupo

c)

Sa pamamagitan ng pakikipanayam

d)

Magagawa ito sa pamamagitan ng pagsagot sa tanong

17.

Ito ay ang pagtatala sa mga mahalagang pangyayari upang hindi makalimutan.

a)

Sounding – out friends

b)

Pagsulat ng Journal

c)

Pag-eeksperimento   

d)

Imersiyon

18.

Nais mong magsaliksik ng mga impormasyon tungkol sa epektibong pamamaraan sa pag-

aaral ng mga mag-aaral sa baitang walo sa asignaturang Filipino sa tulong ng pagbibigay ng

talatanungan sa bawat seksyon. Anong estratehiya ang maaari mong gamitin?

a)

Sounding – out friends    

b)

Pagsulat ng Journal

c)

Pag-eeksperimento   

d)

Pagsasarbey

19.

Pumunta ang magkakaibigang Jose, Flor at Ina sa parke upang magmasid ng mga

pangyayaring nabago matapos ang pandemya. Anong estratehiya ang ginamit?

a)

Pagsasarbey

b)

Interbyu   

c)

Obserbasyon    

d)

Pagsasarbey

20.

Ito ay isang mapanuri at makaagham na imbestigasyon o pagsisisiyasat ng isang bagay,

paksa, o kaalaman sa pamamagitan ng pangangalap, pagpapakahulugan, pagbubuo, at pag-

uulat ng mga ideya nang obhektibo, matapat, at may kalinawan

a)

Pag-eeksperimento  

b)

Pagkalap ng datos       

c)

Pananaliksik

d)

Pakikipanayam

21.

Ang sumusunod ay hakbang sa  pagsasagawa ng isang pananaliksik MALIBAN sa isa

a)

Pagpili ng Paksa      

b)

Bumuo ng Tesis na Pahayag        

c)

Basahin nang malakas at orasan  

d)

Isulat ang Unang Burador

22.

Alin sa sumusunod na mga pangungusap ang hindi layunin ng pananaliksik?

a)

Makakalap ng mga impormasyon na makapagpapagulo sa mga dati ng impormasyon.

b)

Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o interpretasyon sa dati nang ideya.

c)

Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema.      

d)

Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto.

23.

Ito ang antas ng wika na may pinakamayamang uri. Madalas itong ginagamitan

ng mga salitang may iba pang kahulugan.

a)

Pambansa   

b)

Pampanitikan  

c)

Kolokyal

d)

Balbal

24.

“Mangan Tayon!,” yaya ni Anna sa kanyang mga kapatid. Ang salitang nakahilis

ay halimbawa ng anong antas ng wika?

a)

Banyaga                

b)

Balbal    

c)

Lalawiganin

d)

Kolokyal

25.

Sa bahay na tayo manood para hindi na tayo mapagalitan ni ermat. Ang salitang

may salungguhit ay halimbawa ng anong antas?

a)

Kolokyal

b)

Balbal    

c)

Lalawiganin

d)

  Banyaga    

26.

In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.

Ang salitang may salungguhit ay halimbawa ng anong antas?

a)

Kolokyal

b)

Balbal    

c)

Lalawiganin

d)

Banyaga    

27.

_______________ ang saya ko nang ibili ako ng bagong iPhone ni Tatay.

a)

Hanep

b)

Lodi 

c)

werpa

d)

Kilig to the bones

28.

Masasabi nating positibo ang pahayag kapag nagsasabi ng kaaya-aya o may kagandahan

ang hatid sa mambabasa. Ang pahayag ay nagsasaad ng ___________.

a)

  Tama       

b)

Mali        

c)

Pananaw      

d)

Opinyon   

29.

Ito ay mga pahayag na may diwang negatibo o salungat o hindi pagkiling sa diwa ng

nakararami.

a)

Positibong Pahayag 

b)

Katotohanan     

c)

Negatibong Pahayag

d)

Personal na Interpretasyon

30.

Ang mga sumusunod ay negatibong pahayag MALIBAN sa isa

a)

Walang makikitang kagandahan sa kanyang pag-uugali kahit ano pa ang kaniyang gawin   

b)

Totoong mas maganda si Ana kaysa kanyang kapatid.

c)

May punto ang kaniyang iminungkahi ngunit ito’y hindi kapakipakinabang.

d)

Depektibo ang nabili kong bagong cellphone.    

31.

Ang mga positibong pahayag ay karaniwang ginagamitan ng mga sumusunod na pananda

MALIBAN sa isa

a)

  Totoo 

b)

Tunay 

c)

Talaga   

d)

Hindi

32.

Masaya ang simpleng pamumuhay sa probinsya. Malayo ito sa ingay at gulo ng lungsod. Anong

uri  ng pahayag ang pangungusap?

a)

Positibong Pahayag     

b)

Katotohanan 

c)

Negatibong Pahayag

d)

Personal na Interpretasyon

33.

Ang taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting. Ito ay

nakatitik na bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin. 

a)

Audio Visual Material

b)

SFX    

c)

Iskrip 

d)

Broadcast Media

34.

Ito ay nababasa at naririnig ng mga taong binabahagian ng diskusyon. Ito ay ang mga

ginagamit na props ng mga guro o ng mga taong nagdidiskusyon para madaling maintindihan ng

a)

Broadcast Media Audio 

b)

AM at FM 

c)

Print Media            

d)

Audio Visual Material

35.

Ito ay isang paraan ng paghahatid ng impormasyon sa nakararami. Ang pagpapakalat ng

impormasyon sa telebisyon, radyo at pahayagan ay isang halimbawa nito.

a)

Broadcast Media Audio      

b)

Social Media    

c)

Print Media    

d)

Radio Broadcasting

36.

Ang komunikasyon ng mga tunog sa pamamagitan ng mga alon o waves upang maghatid ng

musika, balita, at iba pang uri ng programa ng isang istasyon sa maraming indibiduwal na

tagapakinig.

a)

Social Media  

b)

Radio Broadcasting   

c)

Broadcast Media   

d)

Audio Visual Material

37.

Ang halimbawa nito ay “Basta Radyo, Bombo!”. 

a)

BIZ   

b)

SFX   

c)

Chord

d)

Standard Chord 

38.

Itinuturing ito na una sa pinakapinagkakatiwalaang pinagkukunan ng pampolitikang

impormasyon sa Pilipinas. Sa kasalukuyan ay pumapangalawa sa pinakaginagamit na media sa

bansa.

a)

Telebisyon     

b)

Social Media 

c)

Radyo

d)

Pahayagan

39.

May iba’t ibang programang panradyo sa bansa at may mga layunin MALIBAN sa isa

a)

Nagbibigay kasiyahan   

b)

Naghahatid kaalaman    

c)

Maaring libangan  

d)

Nagbabahagi ng maling impormasyon

40.

Naglipana ngayon ang mga fake news, bilang isang kabataan, paano mo susuriin ang mga

impormasyon at mga balita kung ito man ay katotohanan o hindi.

a)

Icheck ang pinanggalingan ng balita o source.

b)

Humanap ka ng dalawa o tatlo pang sources na sumasang-ayon o ine-explore pa ang same    

    topic para makasigurong totoo ang balita o impormasyon.

c)

Bago mo paniwalaan ang mga post tungkol sa class suspension, lockdown, o announcement

mula sa gobyerno, i-check mo muna kung kailan ba ito originally pinost o sinulat.

d)

Lahat ng nabanggit.