wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Araling Panlipunan V_Review

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang naging bunga ng pagkakaroon ng edukasyon ng mga kabataan noong panahon ng kolonyalismo?

a)

A. Ginamit nila ito upang makilala sa lipunan.

b)

B. Naging mulat o bukas ang isipan ng mga Pilipino at naghangad ng pagbabago.

c)

C. Napabilang sila sa mga pinuno ng pamahalaan at namuno ngmarahas sa mga kapwa Pilipino.

d)

D. Nanatili silang tahimik sa nagaganap sa bansa dahil sa takop na patayin ng mga Espanyol.

2.

Nagsimula ang kanyang pag-aalsa nang hindi tuparin ni Gobernador Heneral Lavezares ang naunang pangako ni Legazpi na hindi siya sisingilin ng tributo at mga kaanak niya.

a)

A. Juan Ponce Sumuroy

b)

B. Tamblot

c)

C. Lakandula

d)

D. Apolinario dela Cruz

3.

Dulang nagpapakita ng paglalaban ng mga Kristiyano at Muslim at ang wakas nito ay ang pagkagapi ng Muslim o pangtaggap sa relihiyong Kristiyanismo.

a)

A. Korido

b)

B. Moro-Moro

c)

C. Awit

d)

D. Karilyo

4.

May mga Pilipino na likas na makasarili upang makuha ang pansariling kagustuhan. Anu ang kanilang ginawa para maka libre sila sa mga patakarang ipinapatupad ng mga Espanyol?

a)

A. Nagtago sila sa mga Espanyol upang malibre sa mga patakarang Espanyol.

b)

B. Nagbayad sila ng mga kapwa Pilipino upang sila ang gumawa ng mga gawaing nakatakda sa kanila.

c)

C. Nakipagsabwatan sila sa mga Espanyol para malibre sa mga patakaran.

d)

D. Naging tapat sila sa kapwa Pilipino.

5.

Paano ipinamalas ng mga sinaunang Pilipino ang nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?

a)

A. Pagsasagawa ng mga pag-aalsa o pakikipaglaban sa mga Espanyol

b)

B. Pagsunod sa mga patakaran ng mga Espanyol.

c)

C. Pagbabayad ng buwis sa mga Espanyol.

d)

D. Paggalang sa mga pinunong Espanyol.

6.

Ano ang tawag sa isang paraang ginamit ng mga Pilipino upang maipagtanggol ang bansa laban sa mga Espanyol?

a)

A. pag-aalsa

b)

B. paniningil

c)

C. pamumuno

d)

D. pananahimik

7.

Ito ay tulang pasalaysay na binubuo ng labing-dalawang pantig sa bawat linya. Halimbawa nito ang “Florante at Laura: na likha ni Francisco Balagtas. Anong uri ng panitikan ito?

a)

A. Korido

b)

B. Sarsuela

c)

C. Awit

d)

D. Karilyo

8.

Relihiyong pamana ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Ano ang tawag dito?

a)

A. Kristiyanismo

b)

B. Islam

c)

C. Budhismo

d)

D. Paganismo

9.

Siya ang anak ni Lakandula na nagpatuloy nang pakikipaglaban sa mga Espanyol at nagtatag ng lihim na samahan.

a)

A. Tamblot at Bancao

b)

B. Magat Salamat

c)

C. Diego Silang

d)

D. Apolinario dela Cruz

10.

Si Jose Rizal ay naglayon na mamulat ang mga katutubo sa malupit na pamamahala ng mga Espanyol. Anong paraan ang ginamit ni Rizal para mahikayat ang mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang Karapatan bilang mamamayan ng Pilipinas?

a)

A. Nagtatag siya ng pangkat na magmamanman sa mga sundalong Espanyol

b)

B. Naghikayat at namuno siya sa pagsasagawa ng mga lihim na pagaalsa.

c)

C. Sinulat niya ang librong Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang tuligsain ang dayuhan.

d)

D. Nagpagawa siya ng maraming sandata upang ipamigay sa mga katutubo.

11.

Ito ay isang malawak na bulubundukin sa gitnang hilaga ng Luzon sa Pilipinas na napabalitang may deposito ng ginto.

a)

A. Sulu

b)

B. Mindanao

c)

C. Cordillera

d)

D. Leyte

12.

Asawa ng isang namatay na pinuno ng rebelyon na nagpatuloy sa pakikipaglaban at tinagurian siyang “Joan of Arc ng Ilocos”

a)

A. Francisco Maniago

b)

B. Gabriela Silang

c)

C. Lakandula

d)

D. Apolinario dela Cruz

13.

Sino sa mga sumusunod ang nagpapamalas ng nasyonalismo sa bansa?

a)

A. Si Maria na pinili ang karapat-dapat na pinuno ng bayan.

b)

B. Si Pedro na ginawa ang lahat nang magpapasaya sa kanya.

c)

C. Si Jose na binalewala ang mga batas na ipinatutupad ng barangay.

d)

D. Si Juan na sumasali sa mga rally na bumabatikos sa pamahalaan.

14.

Isa siyang Waray na nag-aklas laban sa sa polo y servicio sa Samar at ipinadala ang mga Waray sa Cavite para gumawa ng barko.

a)

A. Tamblot at Bancao

b)

B. Magat Salamat

c)

C. Diego Silang

d)

D. Juan Ponce Sumoroy

15.

Ang namuno sa pinakamahabang rebelyon na ang dahilan ay ang pagtanggi ng isang pari na basbasan ang bangkay ng kanyang kapatid?

a)

A. Francisco Dagohoy

b)

B. Fancisco Maniago

c)

C. Lakandula

d)

D. Juan Ponce Sumuroy

16.

Sino ang may katungkulang magpamalas ng nasyonalismo o pagmamahal sa bansa?

a)

A. pinuno at empleyado ng pamahalaan

b)

B. manggagawa sa komunidad

c)

C. ordinaryong mamamayan

d)

D. lahat ng nabanggit

17.

Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang nasyonalismo sa loob ng paaralan?

a)

A. Pagbili sa canteen ng masustansiyang pagkain.

b)

B. Paglalagay ng mga vandalism o guhit sa mga pader ng paaralan.

c)

C. Paglalagay ng mga nakakatawang guhit sa mga larawan na nasa aklat

d)

D. Pangangalaga sa mga silid-aralan at kagamitan na ari ng pamahalaan at pagtapon ng basura sa tamang lagayan.

18.

Ang mga sumusunod ay naghudyat sa mga Pilipino na magsagawa ng mga pakikipaglaban sa mga Espanyol, maliban sa isa, alin ito?

a)

A. malupit na pamamalakad ng mga pinunong Espanyol

b)

B. di-makataong patakaran ng kolonyalismong Espanyol

c)

C. Ang pagpatupad sa sapilitang paggawa

d)

D. makilala bilang mamamayan ng Pilipinas at bigyan ng posisyon sa pamahalaan.

19.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapamalas ng kaisipang nasyonalismo?

a)

A. Pagtatanggol sa kalayaan ng bansa sa laban sa mga mananakop.

b)

B. Pangangalaga sa taglay na likas na yaman ng bansa.

c)

C. Pagsunod sa mga batas na umiiral sa bansa.

d)

D. Pagtangkilik ng mga produktong imported.

20.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa konsepto ng nasyonalismo?

a)

A. Ang pagkakakilanlan ng isang tao ay ibinabatay o ibinabahagi sa bansang pinagmulan o sinilangan.

b)

B. Ang pagsunod sa mga maling patakaran upang mapanatili ang kapayapaan ng bansa

c)

C. Ang paggawa ng maraming batas na kailangang sundin ng mga mamamayan.

d)

D. Ang pagbubuwis ng sariling buhay upang makamit ang katanyagang hinahangad.