WorksheetsEkonomiks Q3 Long Test
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, paano nagkaugnay ang sambahayan at bahay-kalakal?
Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksyon na ginagamit ng bahay-kalakal
Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin ng mga bahay-kalakal
Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipa-utang na kapital sa mga bahay-kalakal
Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa mga bahay-kalakal
Alin sa mga sumusunod ang sakop sa pag-aaral ng pambansang ekonomiya?
Kita ng tindahan ni Aling Nena.
Dami ng ibinibentang saging sa palengke ng Santa Ines
Dami ng bigas na inaangkat ng Pilipinas
Pagbaba ng presyo ng langis sa Gitnang Silangan
Naglalarawan ng positibong economic performance ng bansa kapag
maraming mamamayan ang walang trabaho.
maraming tao ang nagpupunta sa mga mall.
may pagtaas sa growth rate ng GDP.
lumalaki ang utang ng bansa.
Ano ang maaring gawin ng mga konsyumer upang mabawasan ang epekto ng inflation?
Maging matipid at masinop
Bumili ng hulugan
Magtrabaho sa ibang bansa
Sumama sa mga rally at strike
Anong sangay ng pamahalaan ang nagsusuri ng pambansang kita?
National Economic Development Authority (NEDA)
Department of Health (DOH)
Inter-Agency Task Force against COVID-19 (IATF)
Department of Trade and Industry (DTI)
Ano ang dahilan ng demand-pull inflation?
Pagtaas ng demand
Pagbaba ng demand
Pagtaas ng supply
Paglabis ng supply
Ang inflation ay tumutukoy sa pagtaas ng mga bilihin. Ano ang negatibong epekto nito sa ekonomiya?
Pagdami ng perang nasa sirkulasyon.
Paghina ng halaga ng salapi sa pamilihan.
Pagluwas ng mga kalakal sa ibang bansa.
Pagbagsak ng suplay ng mga produkto.
Sinasabing ang buwis ay may napakamalaking tulong sa ekonomiya ng bansa. Bilang isang ordinaryong konsyumer, sa paanong pamamaraan ka makatutulong sa pamahalaan sa wastong pangongolekta ng buwis?
Suportahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa mga tax evader.
Isumbong sa kinauukulan ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Humingi ng resibo kung mamimili sa malalaking tindahan tulad ng department store.
Paalalahanan ang iba pang kakilala hinggil sa wastong pagbabayad ng buwis.
Perang kinokolekta ng pamahalaan na mula sa kinikita ng sambahayan at bahay-kalakal?
Buwis
Kita
Gastos
Ipon
Malaki ang papel ng pondo sa pambansang ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI gamit ng pondo sa pagpapaunlad ng pambansang ekonomiya?
Pambayad sa mga salik ng produksyon
Pambili ng karagdagang kapital
Pampagawa ng mga kalsada at tulay
Pang-abuloy sa mga namatayan
Mahalagang malaman kung may pagtaas sa GDP at GNP upang malaman kung
dapat magpalit ng pangulo.
may laban ang ating bansa sa iba.
dapat mangutang ang pamahalaan.
may dapat baguhin sa patakarang pang-ekonomiya.
Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?
Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
Kalakalan sa loob at labas ng bansa
Kita at gastusin ng pamahalaan
Transaksiyon ng mga institusyong pinansyal
Mahalagang mapataas ang produksiyon at pagkonsumo sa isang bansa upang
hindi na mangutang.
lumago ang ekonomiya ng bansa.
maging kasapi ng mayayamang bansa.
maging sikat ang pangulo.
Bilang isang mamimili, paano ka makakatulong sa paglutas ng suliranin sa inflation?
Bumili lamang kung bagsak ang presyo
Bumili lamang kung kilala at suki
Bumili lamang sa mga supermarket
Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan
Ang Gross National Product (GNP) ay maaring sukatin sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa mga ginastos ng bawat salik ng ekonomiya. Ano ang tawag sa paraang ito?
Income approach
Expenditure approach
Industrial Origin Approach
Value-added approach
Ang pagtamlay ng ekonomiya ay kasalanan ng
sambahayan.
bahay-kalakal.
pamahalaan.
lahat ng sektor.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan sa pagsukat ng GNP?
Expenditure Approach
Economic Freedom Approach
Industrial Origin Approach
Income Approach
Paano inilalarawan ang unang modelo ng paikot na daloy ng ekonomiya (circular flow model)?
Ang pambansang ekonomiya ay bukas.
Ang bahay- kalakal at sambahayan ay iisa.
Ang pamahalaan ay bahagi ng pamilihan.
Ang pamilihan ay may dalawang uri.
Alin sa mga sumusunod ang pinakamasamang epekto ng inflation?
Bababa ang kayang bilhin na kalakal ng mga konsyumer.
Mas liliit ang kakayahan ng dolyar laban sa piso.
Boluntaryong pagtanggi sa pagbili ng produktong mataas ang halaga.
Paghingi ng dagdag na sahod ng mga manggagawa.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dahilan ng cost-push inflation?
Mataas na halaga ng kuryente
Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa
Buwis na ipinapataw ng pamahalaan
Mas mataas na demand ng mamimili
Alin ang higit na nahihirapan kapag mataas ang antas ng inflation?
Mga exporter
Mga nagpapautang
Mga may maliit na kita
Mga may mataas na kita
Mahalagang masukat ang economic performance ng bansa upang...
maging sikat ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong pinansiyal.
makabuo ng mga patakarang magpapabuti sa ekonomiya ng bansa.
makakuha ng malaking boto sa eleksiyon ang mga namumuno sa pamahalaan.
makilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng ekonomiya.
Isang halimbawa ng cost-push inflation ay kapag tumataas ang presyo ng
isda dahil mahal na araw.
bulaklak dahil sa panahon ng undas.
sardinas dahil sa pagtaas ng presyo ng lata.
hamon dahil pasko.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan upang malulutas ang demand-pull inflation?
Palakasin ang lakas paggawa upang mapataas ang produksiyon.
Pagbubukas ng maraming trabaho upang mapasigla ng ekonomiya.
Pagpapautang ng may mababang interes sa mga magnenegosyo.
Pagpataw ng karagdagang buwis sa mga kalakal at serbisyo.
Ang Gross National Product (GNP) ay isang mahalagang sukat ng paglago ng ekonomiya ng isang bansa. Ano ang pinakawastong kahulugan ng GNP?
Sukat ng paglago ng ekonomiya ng bansa.
Halaga ng mga produkto at serbisyong nagagawa sa loob ng bansa.
Dami ng mga produkto na nagawa sa loob ng bansa.
Kabuuang halaga ng mga produkto na nagawa ng pambansang ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod ang layunin ng mga patakarang pang-ekonomiya (economic policies)?
Mapataas ang antas ng produksyon
Mapatatag ang pambansang ekonomiya
Mapatatag ang presyo ng mga bilihin
Mapataas ang bilang ng may trabaho sa bansa
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng sambahayan?
Bumibili ng kalakal sa bahay-kalakal
Nagpapasok ng ipon sa pamilihang pinansiyal
May-ari ng mga salik ng produksyon
Nangongolekta ng buwis
Ang pamahalaan ay nagkakaloob ng mga produkto at serbisyong pampubliko. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa nito?
Sahod sa mga manggagawa
Pakikipagkalakalan sa ibang bansa
Pangangampanya sa eleksyon
Iskolarship sa mga mahihirap na mag-aaral
Alin sa mga sumusunod ang maaring maging dahilan ng inflation?
Pagtaas ng halaga ng piso laban sa dolyar
Pagdami ng nagbebenta ng isang kalakal
Pagbaba ng demand ng isang kalakal
Pagpataw ng dagdag na buwis sa mga kalakal
Ang halaga ng baboy ay Php 200/kilo. Kung ang rate of inflation ay 10%, magkano ang bagong presyo ng karneng baboy?
Php 200
Php 220
Php250
Php210
