Font size
WorksheetsQ3 REVIEWER sa Science 3
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Alin sa mga sumusunod na gMasdan ang larawan sa itaas, tukuyin kung sino ang nasa likuran ni Susan?
Alex
Juan
Lito
Lita
Kung ikaw ay nakaupo sa mahabang sofa, ano ang makikita mo sa iyong harapan?
bintana
mesa
plorera
telebisyon
Kung papasok ka mula sa pintuan malapit sa pisara papunta sa harap ng telebisyon ng inyong silid-aralan, sa anong direksyon ka papunta?
kaliwa
kanan
harap
likod
Kung ikaw ay nakatalikod sa bintana, anong pagbabago sa posisyon ng kuwadro? Mula sa ________.
kanan papuntang kaliwa
kaliwa papuntang kanan
harapan papuntang likuran
kaliwa papuntang harapan
Anong pagbabago ang masasabi mo sa mesa?
Nailipat pagitna.
Hindi nagbago ng posisyon.
Mula harapan nailipat ito sa likod.
Nailipat mula kanan papuntang kaliwa.
Kung ikaw ay nakatalikod sa bintana, anong pagbabago sa posisyon ng malaking upuan? Mula sa _____________.
kanan papuntang kaliwa
kaliwa papuntang kanan
harapan papuntang likuran
kaliwa papuntang harapan
Si Matthew ay nagtratrabaho sa bayan. Siya ay bumili ng bisikleta upang magsilbi niyang sasakyan sa araw-araw. Paano pinapagalaw ni Matthew ang nabiling bisikleta?
Takpan at paandarin ang pedal.
Kumuha ng panyo at takpan ang bisikleta sa lahat ng oras.
Pisilin palagi ang bisikleta kung ikaw ay nasa mausok na lugar.
Takpan ang bisikleta ng malinis na panyo kung ikaw ay nasa mausok na lugar.
May pagbabago sa posisyon ng isang bagay kapag ang distansiya nito mula sa reference point ay magpagkakaiba.
tama
mali
di-tiyak
maaari
Alin ang maaaring gawin upang mapatakbo ang kariton?
Itulak ito.
Hipan ito.
Ikutin ito.
Hilahin ang hawakan nito.
Paano napapagalaw ang ginawa mong pin wheel?
araw
hangin
tubig
ulap
Alin sa mga sumusunod na gawain ang ginagamitan ng liwanag?
nagbabasa
naglalaba
namamalantsa
nagdidilig
Paano nakatutulong ang init ng araw sa tao?
I. Nakapagpapatuyo ng mga damit.
II. Nakapagluluto ng pagkain.
III. Nagbibigay bitamina.
IV. Nakakapanood ng telebisyon.
I, II, III
I, III, IV
II, III, IV
I, II, III, IV
Paano tayo makakatipid sa paggamit ng kuryente?
I. Tanggalin ang plug kapag hindi ginagamit.
II. Iwasang gumamit ng sabay-sabay ng kagamitang de-kuryente.
III. Iwasang lagging binubuksan ang refrigerator.
I
II
I at II
I, II, at III
Alin sa mga sumusunod na hayop ang kumikilos ng mabilis?
elepante
kabayo
manok
pagong
Alin sa mga sumusunod ang napapagalaw ng magnet?
baso
pinggan
metal na tinidor
plastik na kutsara
Alin sa mga sumusunod ang madaling mapalipad ng hangin?
bato at bote
balat ng prutas at damo
plastik at papel
lata at nabasag na pinggan
Habang naglalakad si Sabrina sa parke, nabitawan niya ang kanyang lobo at nakita na lamang itong nakasabit sa puno. Ano ang dahilan kung bakit ang lobo ay nasa itaas ng puno?
sa sobrang init nito
may nagsabit nito
natangay ng hangin
inilagay ito ni Samantha doon
Papatawid si Matthew sa may ilog ng biglang nabitawan niya ang kanyang tsinelas at unti-unti itong lumayo. Ano ang maaaring dahilan nito?
lalim ng tubig
daloy ng tubig
ihip ng hangin
bigat ng tsinelas
Nagkaroon ng baha sa inyong barangay, ang mga nasirang bahagi ng mga bahay ay napunta sa ilog at dagat. Paano ito nangyari?
nadala ng ulan
tinangay ng hangin
dinala ng mga taga bundok
natangay ng agos ng tubig
Ang nanay ni Kirsy ay nag-aayos ng kaniyang gamit nang bigla niyang natabig at nahulog ang mga thumbtacks. Kumuha siya ng magnet upang pulutin ang mga ito. Anong kakayahan ng magnet ang nagdudulot ng pagdidikit ng mga bagay dito?
tinutulak nito ang mga bagay
pinapalayo nito ang mga bagay
may mahikang nagpapadikit ng mga bagay
may pwersa itong nagpapadikit ng mga bagay
Ang sumusunod ay nagpapagalaw sa laruang kotse, alin lamang ang HINDI?
hihipan
itutulak
papaypayan
tititigan
Ano ang maaaring idulot ng pagtatapon ng basura sa tabing-ilog?
maiipon sa tabi
makakalason sa tao
mabubulok sa tabing-ilog
magdudumi at babara sa ilog
Ilang pole mayroon ang magnet?
isa
dalawa
tatlo
apat
Magkasabay na itutulak ang dalawang laruang kotse. Ang isa ay marahan at ang isa ay malakas na itutulak. Paano gumalaw ang kotse?
pakaliwa
pakanan
pasulong
paurong
Paano mo naman mapapagalaw ang mga laruang kotse ng paurong?
bubuhatin
itutulak
papaypayan
tatalian at hihilain papalapit
Bakit kailangan tayong gumamit ng sunglasses kapag matindi ang sikat ng araw?
Maging sikat sa ibang tao.
Mapangalagaan ang ating mata.
Magkaroon ng madaming kaibigan.
Maging maganda sa paningin ng ibang tao.
Inutusan ka ng Nanay mo na haluin ang sinangag na niluluto niya. Ano ang gagawin mo sa kawali habang hinahalo mo ang kanin na nasa loob nito?
Hahawakan mo ito na basa ang iyong kamay.
Gagamit ka ng basang basahan na panghawak ng kawali.
Gagamit ng pot holder para hindi mapaso.
Hahawakan habang nakasalang ito sa kalan.
Anong kagamitang pinapagalaw ng kuryente ang ginagamit natin upang tayo ay mahanginan at maibsan ang init sa paligid?
bentilador
kalan
pamaypay
telebisyon
Nagsusulsi ang iyong nanay ng punit na damit ng biglang nahulog ang gamit niyang karayom. Paano niya mahahanap ng mabilis ang nahulog na karayom?
Wawalisin ang mga kalat sa sahig.
Pulutin isa-isa ang mga dumi sa sahig.
Gumamit ng magnet sa paghanap ng malaglag na karayom.
Gamit ang flashlight hanapin ang karayom kung saan ito nalaglag.
Alin sa sumusunod na kagamitan ang napapagalaw ng baterya at kuryente?
flashlight
laptop
telebisyon
washing machine
Paano mababanat ang laruang tirador ni Kierro?
hatakin
itapon
itulak
buhatin
Gumawa ng torotot si Cyrus mula sa dahon ng niyog. Ano ang gagawin niya pagkatapos upang makalikha ng tunog?
hihipan
papaluin
kakalabitin
hahampasin
Ano ang pangunahing pinagmumulan ng init at liwanag sa mundo?
apoy
araw
bituin
buwan
Alin sa mga pangkat ng mga kagamitan ang napapaandar sa pamamagitan ng pagsaksak sa kuryente?
bisikleta, tv, plaslayt
laruang kotse, poso, bisikleta
bentilador, plantsa, rice cooker
aparador, kalan, washing machine
Alin sa mga sumusunod ang nakapagbibigay ng malakas na tunog?
ibon
hangin
torotot
maracas
Ang sumusunod ay halimbawa ng natural na liwanag, alin lamang ang HINDI?
plaslayt
bituin
buwan
araw
Paano tayo magiging ligtas sa paggamit ng kuryente?
Gumamit ng sirang extension cord.
Ugaliing sabay-sabay nakasaksak ang lahat ng gamit sa bahay.
Hayaang nakasaksak ang plantsa kahit hindi ginagamit
Tuyuing maigi ang kamay bago magsaksak ng anumang kagamitang de kuryente
Ano ang pagkakaiba ng natural na liwanag sa artipisyal na liwanag?
Pareho silang may sariling liwanag.
Ang natural na liwanag ay may sariling liwanag, samantalang ang artipisyal ay may bagay na pinagmumulan bago magkaroon ng liwanag.
Ang natural na liwanag ay umaasa sa ibang bagay para magbigay ng liwanag, samantalang ang artipisyal ay may sariling liwanag.
Ang natural at artipisyal na liwanag ay umaasa lamang sa ibang bagay para magkaroon ng liwanag.
Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng tamang paggamit ng tunog?
pagpapatugtog ng malakas
pagbusina ng di kinakailangan
pagtunog ng ambulansya
pagpapaputok tuwing bagong taon
Ang araw ang pangunahing pinanggagalingan ng init sa mundo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI naglalarawan ng paggamit ng init?
Nagluluto ng pagkain
Nag-aalaga ng hayop.
Nagpapatuyo ng mga damit na nilabhan.
Ginagamit ng halaman sa paggawa ng kanilang pagkain.
