NEW
Font size
Worksheetsreviewer 2 ap 8 3rd
Total questions: 30
Worksheet time: 21mins
Paano naimpluwensyahan ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at pag-usbong ng nasyonalismo
ang pagbabago sa mundo?
Pagbago sa mga sistemang pang-ekonomiya at pampolitika
Paglaganap ng pandaigdigang kalakalan at komunikasyon
Pag-usbong ng bagong paniniwala at pilosopiya
Paglinang ng mga samahang pandaigdig
Ano ang pangunahing layunin ng mga bansang Europeo sa ikalawang yugto ng kolonyalismo
(imperyalismo)?
Magpalawak ng teritoryo ng mga kolonya.
Itatag ang pambansang kalayaan ng mga kolonya.
Makontrol ang mga ruta ng kalakal at mga mapagkukunan.
Magtayo ng mga misyon at paaralan.
Ano ang tawag sa ikalawang yugto ng kolonyalismo (imperyalismo) sa daigdig?
Age of Exploration
Cold War
Industrial Revolution
Scramble for Africa
Ano ang naging epekto ng pag-usbong ng nasyonalismo sa Europa at iba't ibang bahagi
ng daigdig?
Pagkakaroon ng malawakang rebolusyon
Pagtatag ng mga malalayang bansa at pagkakaroon ng pambansang identidad
Pag-aalsa at paghihiwalay ng mga pampulitikang grupo
Pagbuo ng mga kolonyang pampolitika
Ang pang-aalipin at pang-aabuso ay isa sa mga masamang epekto ng kolonyalismo at imperyalismo. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pang-aalipin at pang-aabuso?
Pinakinggan ang mga inahing ng mga mamamayan.
Binigyan ng pagkakataon na mag-aaral ang mga ilustrado.
Pinagtrabaho ang mga kalalakihan ng walang sahod.
May mga kababaihang minahal ng mga mananakop at bumuo ng pamilya sa bansang sinakop.
Isa sa mga naging mabuting epekto ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo ang pagkakaroon ng Sistema ng edukasyon, alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng
Sistema ng edukasyon?
Nakapagpatayo ng mga paaralang pang-elementarya, sekondarya hanggang tersyarya.
Malayang nakasasali ang sinumang boluntaryong magpari at mag madre sa simula noong unang panahon magpa sa hanggang ngayon.
Naitatag ang mga paaralan na pinamamahalaan ng mga pari at madre, ngunit mga deboto ng Katoliko lamang ang tinatanggap sa paaralan.
Wala sa nabanggit.
Nang naging kolonista ang United States sa China ay nagkaroon ito ng polisiyang Open Door, kung saan naging bukas sa pakikipagkalakalan ang China sa iba pa nitong karatig bansa. Batay sa sitwasyon, paano nakaimpluwensiya ang polisiyang ito sa mga bansa sa United States?
Napanatili nito ang Negosyo ng United States.
Natigil ang laban ng China sa ibang bansa.
Hindi naputol ang suplay ng mga hilaw na materyales.
Lahat ng nabanggit
Sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo ang Siam at Korea ay mga bansang hindi
nasakop sa Asya, maaari bang gawin ang estratehiya nila sa Pilipinas?
Oo, kung ang mga Pilipino ay nagkaisa.
Oo, kung ito ay naisabatas at mahigpit na ipinatupad ang hindi pagtanggap sa mga dayuhan.
Hindi, dahil ang bansang Siam at Korea ay mas madaling maharangan, samantala ang
Pilipinas ay malaki at magkakalayo.
Hindi, dahil matagal na tayong nakipagkalakalan sa iba’t ibang bansa.
Alin sa Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses, ang maaaring ihalintulad sa mga naging Rebolusyon sa Pilipinas?
Parehas na akma ang dalawang rebolusyon sa rebolusyon sa Pilipinas dahil walang pinagkaiba ang mga naging layunin nito.
Sa Rebolusyong Pranses, dahil ang Rebolusyon sa Pilipinas ay nagsimula dahil sa mapagsamantalang pamumuno, pagkagutom at kahirapan.
Hindi maaaring ihalintulad ito sa ibang rebolusyon dahil ito ay natatangi.
Sa Rebolusyong Amerikano, dahil tulad sa Amerika ang Pilipinas ay naging kolonya gayon din pareho itong nakilala sa pagbuo ng konstitusyon.
Sa paanong paraan nakaimpluwensiya ang Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Pranses?
Mula sa ideya ni Baron de Montesquieu na sa isang pamahalaan ay may tagaganap,
tagapagbatas at tagapaghukom.
Pagtanggap sa ideya ni John Locke na ang tao ay ‘tabularasa’ o blangkong isipan at kayang pamahalaan ang sarili
Ang mga ideya ng mga pilosopo ay nakapagbukas ng kaisipan patungkol sa lipunan, pamahalaan at politika na naging patnubay ng mga Pranses.
Wala sa nabanggit
Paano nagkaiba ang Rebolusyong Amerikano sa Rebolusyong Pranses?
A at B
Walang pagkakaiba ang dalawang rebolusyon
Dahil, magkaiba ang naging sitwasyon ng dalawang bansa
Nagkaiba ito ng mga dahilan sa pagsulong ng rebolusyon
Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses.
I. Paglabas ng Asemblea ng Declaration of the Rights of Man
II. Ang pagkasunog at pagbagsak ng Bastille
III. Binuo ng third states ang Pambansang Asemblea
IV. Pagpaparusa gamit ang guillotine
III, II,I,IV
IV,III,I,II
II,III,IV,I
I,II,III,IV
Batay sa naging pangyayari at resulta ng American Revolution, tama ba o mali ang kanilang naging Desisyon sa pagkamit ng kalayaan?
Tama, dahil kung hindi nagkaroon ng kalayaan ang Amerika, walang magiging pag-asa at inspirasyon ang mga bansang sinakop.
Tama, dahil ang tao ay pantay-pantay lamang kaya hindi kailangang pamunuan ng sinuman ang pagkatao o bansa ng iba.
Mali, dahil hindi tama na kalabanin ang awtoridad o pamahalaan sa kabila ng mga batas na ipinatupad nito.
Mali, dahil maraming namatay at nagsakripisyo para lamang sa kalayaan
Bakit kinailangang itapon ng mga Amerikano ang mga tsaa ng Great Britain?
Upang ipakita ang kanilang mahigpit na pagtutol
Upang hindi na mabuwisan at maiwasan ang monopolyo sa tsaa
Pagpapakita ng kanilang simulain sa pagrerebelde
Wala sa nabanggit
Paano nakatulong ang pagkabuo ng Continental Congress sa pagsulong ng Rebolusyon?
Dahil sa pangangailangan ng mga sundalo
Mas maraming kolonyang kasapi ay makakatulong sa labanan
Upang magkaroon ng isang layunin at plano bilang paghahanda sa Rebolusyon
Lahat ng nabanggit
Paano nakaimpluwensiya ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pagtataguyod ng Rebolusyong Amerikano?
Naging dahilan upang ninais na magkaroon ng kalayaan
Ito ang naging matibay na batayan ng kanilang paniniwala
Ang paniniwala ni John Locke na ang tao ay may kakayahang bumuo ng sariling pamahalaan para sa kalayaan at karapatan.
Lahat ng nabanggit
Isa sa mga naging epekto ng unang yugto ng kolonyalismo ay ang pagpapatayo ng mga bangko
dahil sa dumaraming salapi ng mga mangangalakal, kinakailangan nilang may paglagyan ng
kanilang mga salaping barya. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tulong ng mga
bangko sa mga nagdedeposito ng mga pera sa mga mangangalakal?
Nagbebenta ang mga kagamitang pandigma ang mga bangko kung kaya’t dito dinadala ng mga mangangalakal ang kanilang pera.
Pinapalitan ng mga bangko ng ibang materyales ang mga perang pinapasok ng mga mangangalakal.
Pinapautang ng bangko ang pera ng mga mangangalakal sa mamamayan nito.
Naitatago ng bangko ang mga pera ng mangangalakal at napapalaki nila ito.
Sa pag-aaral na ginawa ni Johannes Kepler ay nakabuo siya ng isang pormula sa matematika upang mapatunayan ang pag-ikot ng mga planeta sa araw. Alin sa mga sumusunod na pahayag anng nagpapakita na patuloy na umiikot ang planeta sa araw?
Nag-iiba-iba ang tindi ng sikat ng araw.
Nakakadama tayo ng mahabang gabi kasya umaga
Ang pag-ikot ng mga planeta ay nagdudulot ng climate change.
Posibleng ang planeta ay umiikot ng paribilog na di gumagalaw sa gitna ng kalawakan na tinawag niyang ellipse.
Kursong pagdodoktor ang kinuha ni Marinela at nais niyang pagtuunan ng pansin ang pag-aaral sa
puso ng tao, at upang magkaroon ng malawak na kalaalam tungkol dito ay nagbasa-basa siya
ng mga aklat sa silid-aklatan, nakapili siya ng mga aklat na kanyang babasahin, batay sa
pamagat ng mga ito alin ang higit na makatutulong kay Marinela?
Francois Marie –Arouet sa kanyang Voltaire
Rene Descartes sa kanyang Discourse on Method
William Harvey sa kanyang On the Motion of the Heart and Blood
Andreas Vesalius sa kanyang On the Fabric of the Human Body
Ang bata ay mapagmahal at magalang sa matatanda, sapagkat iyon ang nakikita niya sa kanyang
mga magulang. Alin sa mga sumusunod ang akma sa pag-aaral ng mga siyentista ang sitwasyong
nabasa?
Ang isip ng bata ay tabularasa, napipili niya ang dapat gayahin at hindi.
Ang isip ng tao ay tabularasa, may laman na pagkapanganak at hindi na kailangan pang turuan.
Ang isip ng bata ay tabularasa, kaya niyang kontrolin ang lahat ng nagaganap sa kanyang paligid.
Ang isip ng bata ay tabularasa, kung ano ang nakikita niya sa kanyang paligid ang kanyang gagayahin.
Batay sa kasaysayan naitala sa aklat matagal na namalagi ang mga kolonyalistang Espanyol sa
ating bans ana nagdulot ng pagkawala ng kasarinlan, at pagsamantala sa kanilang likas na yaman.
Gaano nga ba kalaki ang naging epekto nito sa ating bansa?
Kalahati sa populasyon ng Pilipinas ang mga mestiza ay mestizo na bunga pagmamahal ng mga Kastila sa mga Pilipino.
Ipinagmamalaki ng bawat tao na sila ay maraming natutuhan mula sa mga Kastilang mananakop.
Nagbago ang paniniwala at kultura sa pananamit, pagkain at paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Mayroong mga lugar sa Pilipinas na ginamitan ng wikang Kastila
Isa sa mga nakikitang impluwensiya ng pagiging kolonyalista ng Espanya at Portugal ay ang
pagpapakalat ng Kristiyanismo sa mga lugar na kanilang nasasakop. Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang nagpapakita ng epektong dulot ng Kristiyanismo?
Maraming bansa sa mundo ang nagdiriwang ng kapaskuhan bilang pag-alala sa kapanganakan ni Hesus Kristo.
Ang mga Katoliko ay naniniwala sa Langit, Porgatoryo at Impiyerno
Ang pagbuo ng mga pangkat panrelihiyon na may paniniwala at pagsamba ay tanda ng pagyakap sa katuruan ng simbahan.
Ang pagkain ng pansit bilang pampapahaba ng buhay ay isa sa mga ipinagmamalaki ng mga Pilipino.
Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.
Alin sa sumusunod ang namumukod tanging tumutukoy sa salitang kolonyalismo?
Isang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak, may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang bansa
Isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
Isang sistema kung saan ay namumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang
magkaroon ng tubo o interes.
Nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang estado sa aspektong politika, kabuhayan at kultural ng mahina at maliit na estado.
Ang kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa iba pang mahihinang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito tulad ng pagkuha ng mga kayamanan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kolonyalismo?
Tuluyan ng napasa kamay ng Russia ang ilang bahagi ng Ukrain
Naging bukas ang bansang Thailand sa mga turista
Panay pasyal ng mga Kano sa bansang Pilipinas
Ang mga OFW ay tuluyan ng nanirahan sa kanilang bansang pinagtatrabauhan.
Kilalang manunulat na Ingles si Thomas More at naisulat niya ng “Utopia” na naglalahad ng isang
huwarang lipunan na kung saan ang lahat ay pantay-pantay at masaganang namumuhay. Alin sa
mga sumusunod ang nagpapakita ng pagkakapantay-pantay?
Nakaltasan si Lea sa sahod ng mahuli siya ng pasok, ngunit hindi naman binabayaran ang kanyang oras tuwing may overtime siya.
Hindi nakakapag-aral si Josie, dahil tinutulungan niya ang kanyang pamilya sa kanilang Negosyo
Ang mga manggagawa sa isang kompanya ay nakakatanggap ng sahod na minimum wage.
Nabigyan ng ayuda ang mga naghihikahos, ngunit hindi naman ang mga nagbabayad ng buwis.
Mababa ang tingin noong unang panahon sa mga kababaihan kung kaya’t mayroong mga
manunulat na umalma sa ganitong paniniwala kaya naisulat ang “The Book of the City of Ladies”,
na nagbibigay ng direktang reaksiyon sa paniniwala na ang mga kababaihan ay walang kakayahang matuto at walang paninindigan. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paninidigan at
kakayahan ng mga kababaihan?
Naibibigay ng isang ina ang kanyang buong pagmamahal sa kanyang asawa kahit na sinasaktan niya ito sa harapan ng kanyang mga anak.
Nag-aalaga ng anak sa umaga, at nagtatrabaho ito sa gabi upang matustusan ang kanyang nag-iisang anak.
Nagtatrabaho buong maghapon ang isang dalaga at kanyang kita ay pinambibili niya ng kanyang mga luho.
Nakikisali sa mga rebolusyon at ipinaglalaban kahit na hindi na makatuwid ang ipinaglalaban.
Mahilig magbasa ng aklat patungkol sa mga lugar si Rhea at isa sa mga nabasa niya ang ang aklat na isinulat ni Marco Polo, at labis na namangha si Rhea sa nilalaman nito sapagkat naging dahilan ang kanyang aklat upang upang mamangha at mahikayat ang mga adbenturerong Europeo na
makarating at makipagsapalaran sa Asya. Batay sa sitwasyon, bakit kaya malaki ang
impluwensiya ng nabasa ni Rhea sa mga Europeo?
Dahil inilahad niya sa kanyang aklat ang mga nakita niyang magagandang kabihasnan sa mga bansang Asyano lalo na sa Tsina, na inilarawan ang karangyaan at kayamanan nito.
Dahil naglakbay at nanirahan ibinida niya ang kanyang pagtira sa mga lugar sa kanyang aklat.
Dahil kinalugdan siya ng mga Europeo at itinalagang maglakbay sa ibat-ibang bansa sa Asya.
Dahil narating niya ang mga lugar na kanyang sinalaysay
Si Stell ay isang sikat na vlogger, sa kanyang mga video ay naipapakita nito ang kanyang pagiging
bukas sa kanyang personal na buhay. Ano man sabihin ng mga tao sa kanya ay ipinagpapatuloy
niya ang kanyang pagbabahagi ng mga vlog, dahil iyon ang nagpapasaya sa kanya. Sa sitwasyon
ni Stell ay malaya niyang naipapakita ang konsepto ng ________.
Romantisismo
Femenismo
Eksistensyalismo
Humanismo
Ang COVID 19 ay isa sa mga sakit na kumalat at pinangambahan ng buong mundo na siyang mahahalintulad sa naganap noong panahon ng Midyibal na tinawag na Black Death o Bubonic
Plague na nagpasawi ng 24 milyong katao, Paano nakatulong ang panahon ng Renaissance sa pangyayaring ito na hindi lalayo sa ating karanasan sa COVID 19?
Ang unti-unting pagbangon at pagbabago ang nagdulot ng konseptong Renaissance.
Ang patuloy na pakikipaglaban sa pandemya ang siyang nagbigay ng konseptong Rennaisance.
Ang pagpapatiwakal dahil sa labis na takot na mamatay dulot ng Bubonic Plague ang nagdulot sa pagkakabuo ng Rennaisance.
Ang pagsuko at kawalan ng pag-asa ang nagdulot ng konseptong Renaissance.
Si Pablo ay isang mag-aaral ng ika-8 baitang, mahilig siyang magbasa ng mga makasaysayang
aklat at isa sa mga nabasa niya ang isang kawal na tila nagsagawa ng makabayaning mga
pagliligtas o pagsasagip, kabilang ang pagpaslang ng mga kalaban. Paanong naiuugnay ang
isinulat ni Miguel De Cervantes sa kanyang Don Quixote de la Mancha ang kwentong nabasa ni Pablo?
Walang kaugnayan ang nabasa ni Klea sa isinulat ni Miguel de Cervantes.
Magpakareho ito ng pamagat dahil Don Quixote de la Mancha ang nabasa ni Klea ngunit iba ang manunulat.
Magkaparehong kabalyero ang mga karakter sa kwento, ngunit ang isa ay hindi nakikipaglaban.
Magpakapareho ito ng nilalaman, patungkol sa isang tagapagligtas ng bayan ngunit katutuwa ang kanilang ginagawa.
