NEW
Font size
WorksheetsAP N-Reviewer
Total questions: 75
Worksheet time: 38mins
Ano ang tawag sa kasunduan na pinagtibay ng Kongreso, kung saan tumanggap ang Pilipinas ng pinansyal na tulong mula sa bansang Amerika na nagkakahalaga ng $620 milyon?
Philippine Trade Act
Philippine Financial Act
Philippine Rehabilitation Act
Philippine Monetary Assistance Act
Sino ang unang "Honorary President" ng Philippine Red Cross. Noong taong 1899, itinatag nya ang "Hijas dela Revolucion" na kinalaunan ay nakilala sa pangalang "Asociacion de la Cruz Roja" na naging Philippine Red Cross.
Trinidad Tecson
Hilaria Aguinaldo
Gregoria De Jesus
Melchora Aquino
Siya ay isang babaeng katipunero sa Maynila. Bumibili siya ng mga pulbura ng baril at mga bala na kanyang dinadala sa kanyang asawa na nasa Kabite. Nang mabyuda napangasawa niya si Hen. Artemio Ricarte.
Agueda Esteban
Agueda Kahabagan
Gregoria Montoya
Gregoria De Jesus
Ito ang nagbibigay puhunan sa mga maliit na Pilipinong mangangalakal.
Austerity Program
Pilipino Muna
Retailer’s Fund Act
National Marketing Corporation
Taon ng Panunungkulan ni Pangulong Carlos P. Garcia
Marso 17, 1957- Disyembre 30 1961
Marso 17, 1956- Disyembre 30 1960
Mayo 17, 1957- Disyembre 30 1961
Mayo 17, 1956- Disyembre 30 1960
Ano ang dating Araw ng Kalayaan ng Pilipinas?
Hunyu 12
Hunyo 21
Hulyo 2
Hulyo 4
Saan humiram ng pondo si Pangulong Marcos para sa kanyang mga proyekto?
Presidential Arm on Community Development
Association of Southeast Asian Nations
International Monetary Fund
Bangko Sentral ng Pilipinas
Ano ang idinaos noong Oktubre 24-25 1966 na dinaluhan ng mga pinuno ng Australia, Timog Korea, New Zealand, Pilipinas, Thailand, Timog Vietnam, at Estados Unidos.
Manila Summit Conference
ASEAN Summit
ASEAN Games
Olympics
Sino siya na tinaguriang "Joan of Arc ng Tagalog" at nag-iisang Henerala sa Himagsikang Pilipino. Isa din siya sa mga nanguna kasama si Heneral Artemio Ricarte sa pagsalakay ng Garrison ng mga Espanyol sa San Pablo, Laguna noong Oktubre 1897?
Agueda Esteban
Agueda Kahabagan
Hilaria Aguinaldo
Matea Rodriguez
Kinupkop niya at pinakain ang maraming Katipunero
Melchora Aquino
Gregoria de Jesus
Gabriela Silang
Josefa Rizal
Sino ang tinaguriang "Lakambini ng Katipunan" at isa sa malaki ang naiambag sa pagiging lihim ng samahan?
Ka Oriang o Gregoria De Jesus
Nanay Isay
Selang Bagsik
Tandang Sora
Alamin kung sinong namumuno ng bansa ang may
sumusunod na kapangyarihan.
1. Paglilipat ng paglilitis sa ibang lugar.
Pangulo
Mambabatas
Korte Suprema
Ano ang layunin ng Farmers Cooperative Marketing Association (FACOMA) ?
kung saan ang mga kasapi ay makauutang sa ACCFA
upang makabili ng kanilang sariling kalabaw sa pagsasaka at sa iba
pangkagamitan
upang matulungan ang mga magsasaka
sa pagbili ng kanilang ani
Paglulunsad ng pananaliksik ukol sa
makabagong sistema ng pagsasaka at bagong
uri ng binhi tulad ng masagana
Sino ang mga kinatatakutan ng mga sundalong Hapones dahil sa kanilang kalupitan?
Bayoneta
Masaharu
Kempeitai
Gerilya
Sa anong bansa napunta ang pagmamay-ari ng Sabah (North Borneo)?
Pilipinas
Malaysia
Indonesia
Thailand
1. Sa batas na ito nakasaad na ipagkakaloob sa Pilipinas ang kalayaan matapos ang sampung taon at ang pagtatayo ng base military sa bansa.
Batas Gabaldon
Batas Jones
Batas Tydings-McDuffie
Batas Hare-Hawes Cutting
Uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-aalsa ng maraming Pilipino.
Pamahalaang Sibil
Komisyong Taft
Pamahalaang Militar
Batas Jones
Ang teritoryo na pinag-aagawan ng bansang Malaysia at Pilipinas, na isa rin sa mga naging dahilan ng pagkakasira ng samahan na MAPHILINDO.
West Philippine Sea
Spratly Island
Kapatagan Shoal
Sabah
Alamin kung sinong namumuno ng bansa ang may
sumusunod na kapangyarihan.
8. Punong Kumander ng Sandatahang Lakas.
Pangulo
Mambabatas
Korte Suprema
1.Sino ang heneral na namatay sa Pasong Tirad habang pinipigilan ang mga Amerikanong tumutugis sa Pangulo ng Republika ng Pilipinas?
Antonio Luna
Miguel Malvar
Vicente Lukban
Gregorio Del Pilar
Ang mga sumusunod ay ang mga problema sa panunungkulan ni Pangulong Diosdado, maliban sa isa.
kakulangan sa pagkain
mataas na presyo ng bilihin
kawalan ng trabaho
pagtaas ng turismo sa Pilipinas
Sa kanyang panunungkulan naidaos ang matagumpay na Manila Summit Conference na dinaluhan ng mga maraming pinuno ng estado.
Elpidio Quirino
Ferdinand Marcos
Ramon Magsaysay
Ramon Magsaysay
Alamin kung sinong namumuno ng bansa ang may
sumusunod na kapangyarihan.
4. Muling pagbabalik-aral sa mga kasong may parusang
kamatayan at habambuhay na pagkabilanggo.
Pangulo
Mambabatas
Korte Suprema
Isa sa suliraning ni Pangulong Manuel A. Roxas ay ang pagbabalik ng kapayapaan sa bansa. Anong pangkat ng mga rebelde ang naging pangunahing suliranin ni Roxas?
Makabayan
Tulisan
HUKBALAHAP
Bandido
Alamin kung sinong namumuno ng bansa ang may
sumusunod na kapangyarihan.
2. Paghirang ng Punong Mahistrado sa Mataas na
Hukuman ayon sa itinatadhana ng batas sa serbisyo
sibil.
Pangulo
Mambabatas
Korte Suprema
Layunin nitong pag-isahin at pagbuklurin ang mga kaanib na bansa sa pamamagitan ng pagtutulungan sa pangkabuhayan at pangkultura.
Association of Southeast Asia
Pilipino Muna
Retailer’s Fund Act
National Marketing Corporation
Sino ang pinuno ng mga Hapones nang mapabagsak ang Bataan at Corregidor.
Edward King
Douglas MacArthur
Jonathan Wainwright
Masaharu Homma
Ano ang bansang sumakop sa Pilipinas noong 1942-1945?
Amerika
Japan (Hapon)
Espanya
1. Unang batas na naglalayong mabigyang-kasarinlan ang Pilipinas at magkaroon ng matatag na pamahalaan.
Batas Jones
Hare-Hawes Cutting Act
Batas Gabaldon
Batas Tydings-McDuffie
Alin sa mga sumusunod ang MABUTING dulot ng lokasyon ng Pilipinas?
May bahagi ng teritoryo ang pinag-aagawan ng ibang mga bansa
Mayaman ang bansa sa mga produktong agrikultural at pangingisda
Kaakit-akit ang lokasyon ng bansa para sa mga gawaing pangterorista
Ano ang tawag sa itinatag ni dating Pangulong Ramon Magsaysay upang makatiyak na ang mga karaingan ay makaaabot sa kanya?
Presidential Complaints and Action Commission
Presidential Speech from People
Presidential Thoughts for Complaints
Pinalaganap ni Pangulong Macapagal ang paggamit ng isang wika sa panahon ng kanyang panunungkulan. Ito ay ginamit sa pag-imprenta ng pasaporte, babala sa trapiko at maging sa pagpapangalan ng mgabagyo. anong wika ito?
Ingles
Filipino
Espanyol
Nihongo
Ano-ano ang mga bansang kasama sa MAPHILINDO?
Maldives, Philippines, Indonesia
Malaysia, Philadelphia, Indonesia
Malaysia, Philippines, India
Malaysia, Philippines, Indonesia
Ang mga sumusunod ay magandang epekto ng pakikilahok ng mga babaeng Pilipino sa Katipunan, maliban sa isa. Alin dito?
Maraming mga taong tumulong sa mga Katipunan
Naging mas matapang ang mga iba pang mga Pilipino
Lumaki ang ulo ng mga babaeng Pilipino
Nagising ang damdaming makabayan ng mga Pilipino
10. Sina Antonio Luna, Gregorio del Pilar, Apolinario Mabini at iba pang mga bayaning Pilipino ay nakipaglaban para sa kalayaan ng bansa. Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong magagawa sa kanilang mga ginawang kabayanihan?
Hamakin ang kanilang nagawa
Pagtawanan ang kanilang nagawa
Hindi kilalanin ang kanilang nagawa
Ipagmalaki at pahalagahan ang kanilang nagawa
1. Ang Asamblea na nagbigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong makisali sa pamamalakad sa pamahalaan.
Pamahalaang Militar
Asemblea ng Pilipinas
Batas Jones
Hare-Hawes Cutting Act
Si ______________ ay kilala bilang "Utak ng Katipunan" at nagsilbing tagapayo ng samahan. Siya din ang patnugot ng "Kalayaan" ang pahayagan ng katipunan.
Emilio Jacinto
Emilio Aguinaldo
Apolinario Mabini
Andres Bonifacio
8. Sa anong taguri na kilala si Apolinario Mabini?
Dakilang Lumpo
Dakilang Pintor
Dakilang Mamamahayag
Dakilang Supremo
Sino ang tinawag na "Joan of Arc ng Visayas" at unang babae sa Panay na lumaban noong digmaan laban sa Amerikano?
Nazaria Lagos
Trinidad Tecson
Teresa Magbanua
Agueda Kahabagan
Anong batas ang nagtatakda ng tuluyang maililipat sa mga magsasaka ang pagmamay-ari ng kanilang lupang-taniman?
Land Tenancy Act
Agricultural Land Reform Act
Land Reform Act
Land Ownership Act
Layunin nito na maging matipid sa paggasta ang pamahalaan upang makapagbigay na mabuting serbisyo sa mga mamamayan.
Austerity Program
Pilipino Muna
Retailer’s Fund Act
National Marketing Corporation
Ano ang layunin ng Agricultural Credit and Cooperative Financing Administration
(ACCFA) ?
upang matulungan ang mga magsasaka sa pagbili ng kanilang ani
upang makabili ng kanilang sariling
kalabaw sa pagsasaka at sa iba pang kagamitan
upang maipamahagi nang hulugan sa mga kasama
Ito ay nagtatadhana na ang makapangangalakal lamang ng tingian ay ang mga korporasyon o samahang ganap na Pilipino.
Bell Trade Act
Nationalization of Retail Trade Act
Parity Rights
Land Tenure Code
Sino ang binansagang "Selang Bagsik", isang manghihimagsik na mula sa Malibay, Pasay na magiting na nakipaglaban sa "Labanan sa Pasong Santol" sa Imus noong Marso 1897?
Gregoria Montoya
Gregoria De Jesus
Marcela Marcelo
Marcela Agoncillo
Edad ni Melchora Aquino ng sumapi sa Katipunan
18
45
84
40
Siya ay 84 taong gulang ng buksan nya ang tahanan sa mga Katipunero. Binigyan niya ng pagkain, gamot at pinamalagi sa tahanan niya ang mga miyembro ng samahan lalo na ang mga sugatan sa pakikipaglaban.
Trinidad Tecson
Melchora Aquino
Marcela Agoncillo
Gregoria De Jesus
Bakit tinanyagan na "Kampeon ng Masang Pilipino at Kampeon ng Demokrasya". Si dating Pangulong Ramon Magsaysay?
Dahil sa kanyang karisma at
pagiging makamasa ay naging idolo
siya ng sambayanang Pilipino
Dahil sa pakikialam niya sa mga dayuhan
Dahil sa kaniyang kakayahan
9. Anong katangian ng mga natatanging Pilipino ang kanilang ipinakita nang ipinaglaban nila ang kalayaan ng ating bansa?
katapatan
kagitingan
lakas ng loob
pakikipagkapwa
Ano ang tawag sa Kapisanan ng Paglilingkod?
KALIBAPI
ALIBATA
KALIBAPA
KALIBIPA
Ano ang tawag sa kasunduan na ito na hindi maaaring litisin sa mga hukuman ng Pilipinas ang sinomang sundalong Amerikano na nakagawa ng kasalanan habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin?
Parity Rights
Tydings Rehabilitation Act
Bell Trade Act
Military Bases Agreement
Kasunduan kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang pamamahala sa Pilipinas.
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Komisyong Schurman
Kasunduan sa Paris
Saan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas?
Naic, Cavite
Kawit, Cavite
Maragondon, Cavite
Ang patakarang ito ay may layunin na magpautang sa mga Pilipino.
Austerity Program
Pilipino Muna
Retailer’s Fund Act
National Marketing Corporation
Pagtatatag ng samahang (MAPHILINDO) Malaysia, Pilipinas at Indonesia
Carlos P. Garcia
Diosdado P. Macapagal
Ferdinand E. Marcos
Sino ang pinarangalan ni Hen. Emilio Aguinaldo bilang "Ina ng Biak-na-Bato". Naging "Commissary of War" din siya noong maitatag ang Republika ng Malolos.
Agueda Kahabagan
Gregoria Montoya
Teresa Magbanua
Trinidad Tecson
Alamin kung sinong namumuno ng bansa ang may
sumusunod na kapangyarihan.
5. Pakikipagkasundo sa ibang bansa.
Pangulo
Mambabatas
Korte Suprema
Ang mga sumusunod ay HINDI magandang dulot ng lokasyon ng Pilipinas sa Asya man o sa mundo.
Kabilang ang Pilipinas sa kinaroroonan ng "Coral Triangle"
May mga dayuhang turista ang nais manirahan sa ating bansa
Kabilang ang Pilipinas sa mga bansang nag-aagawan sa ilang teritoryo
Hindi matatawaran ang ginawang sakripisyo ng mga babaeng miyembro ng Katipunan. Alin dito ang hindi nila ginawa?
Nagsisilbing tagatago ng mga mahahalagang dokumento.
Ginagamot ang mga Katipunero.
Nagluluto at pinapakain ang mga sundalong Pilipino
Nagsisilbing espiya ng mga Espanyol
Sino ang bayaning Pilipino ang inilalarawan bilang:
Tagapayo ni Emilio Aguinaldo
Utak ng Rebolusyon
Dakilang Lumpo/Paralitiko
Apolinario Mabini
Gregorio del Pilar
Emilio Jacinto
Jose Rizal
Bakit kailangang malaman ang tiyak na lokasyon at sukat ng bawat bansa?
Upang matiyak ang teritoryo o nasasakupan ng bawat bansa
Upang magkaroon ng address ang mga naninirahan sa bansa
Upang malaman kung sino ang mayaman at mahirap na bansa
7.Sino ang unang pangulo at nagpahayag ng kalayaan buhat sa mga Espanyol?
Jose Rizal
Emilio Jacinto
Emilio Aguinaldo
Andres Bonifacio
Alin ang UNANG pangyayari sa pananakop ng Hapon?
(isang sagot lamang)
Naganap ang Martsa ng Kamatayan
Pag-atake sa Pearl Harbor
Pagbagsak/Pagsuko ng Bataan
Kailan nanungkulan si Pangulong Diosdado P. Macapagal?
1961
1962
1963
1964
Ano ang tawag sa pinakamalaking kilusang naitatag upang labanan ang mga sundalong hapones. Pinamunuan ito ni Luis Taruc.
KALIBAPI
ROTC
USAFFE
HUKBALAHAP
Sino ang nagbanggit ng mga salita sa ibaba?
"I shall return"
Manuel Quezon
Douglas MacArthur
Franklin Roosevelt
Masaharu Homma
Ang batas na ito ay nagbigay-daan sa pagkakatatag ng pamahalaang Komonwelt at kasarinlan ng Pilipinas.
Kasunduan sa Paris
Komisyong Schurman
Batas Tydings-McDuffie
Batas Gabaldon
Sa ilalim ng batas na ito naitatag ang Unibersidad ng Pilipinas.
Batas Gabaldon
Batas Jones
Batas Tydings-McDuffie
Batas Hare-Hawes Cutting
Ano ang tawag sa wika ng mga Hapones?
Ingles
Filipino
Niponggo
Tsines
Alamin kung sinong namumuno ng bansa ang may
sumusunod na kapangyarihan.
6. Paggawa ng panukalang batas tungkol sa pambansang
badyet.
Pangulo
Mambabatas
Korte Suprema
Anong makasaysayang pahayag ang sinabi ni Heneral Douglas MacArthur?
“We will win.”
“I shall return.”
“We will prevail.”
“We are victorious.”
Anong katangian ng mga natatanging Pilipino ang kanilang ipinakita nang ipinaglaban nila ang kalayaan ng ating bansa?
katapatan
kagitingan
lakas ng loob
pakikipagkapwa
Ano ang tanyag na taguri kay Pangulong Ramon Magsaysay sa kasaysayan ng politika ng Pilipinas?
Kampeon ng Masang Pilipino at
Kampeon ng Demokrasya
Dakila sa mamamayan
Makimasa
Layunin ng unang Komisyong ito ang pakikipagmabutihan ng Estados Unidos sa ating bansa.
Kasunduan sa Paris
Komisyong Taft
Komisyong Schurman
Kasunduan sa Biak-na-Bato
Ano ang ipinakita ng mga Pilipino sa pakikipaglaban sa mga Espanyol at Amerikano?
katapangan
pagmamahal sa bansa
pagtulong sa kapwa
lahat ng nabanggit ay tama
Tawag sa mga kababaihang sinaktan at pinagsamantalahan ng mga Hapones
Costume Women
Crying Women
Tortured Women
Comfort Women
