NEW
Font size
Worksheets3rd PT in Home Economics 4 (LUNA)
Total questions: 40
Worksheet time: 22mins
Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin pagkagising sa umaga?
Kunin ang iyong mga laruan.
Buksan agad ang TV at manood ng paborito mong palabas.
Maligo,magsipilyo ng ngipin at magbihis ng malinis na damit.
Umupo sa isang tabi at panoorin si nanay habang gumagawa
Alin sa sumusunod ang hindi mo dapat gamitin sa pag-aayos sa sarili?
shampoo
sariling sipilyo
sariling twalya
sipilyo ng nanay mo
Si Rico ay naglilinis ng kanyang ngipin araw-araw, alin sa sumusunod ang kagamitan sa paglilinis ng ngipin?
suklay
sipilyo
tuwalya
nail cutter
Ang nail cutter ay ginagamit na panlinis sa anong parte ng ating katawan?
paa
kuko
kamay
tainga
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng wastong paraan ng paliligo?
gumagamit ng sabong panlaba
gumagamit ng tubig lamang
gumagamit ng sabong mabango sa buhok
gumagamit ng sabong mabango sa katawan at shampoo sa buhok
Alin sa sumusunod ang dapat isuot bilang pantulog?
gown
pajama
maong at polo
damit pansimba
Paano mo gagawin ang tamang pag-upo na hindi magugusot ang iyong paldang uniporme?
ibuka ang palda
itikom ang palda
ipagpag ang palda
ayusin ang pleats ng palda bago umupo
Kung ang kasuotan sa pantulog ay panjama. Ano naman ang kasuotan sa paaralan?
pajama
uniporme
damit pantulog
damit panlakad
Kung ang gunting ay ginagamit sa pagupit ng tela. Ano naman ang ginagamit sa pagsukat ng tela?
didal
medida
gunting
emery bag
Ano ang unang hakbang sa pagkakabit ng butones ng damit?
isagawa ang pagtatahing lilip
gupitin ang isang parte ng tela
isara ang tahi sa kabaligtarang panig ng damit
lagyan ng marka ang parte ng pagkakabitan ng butones
Ito ay magkasamang ginagamit sa pananahi.
didal at medida
gunting at lapis
karayom at sinulid
emery bag at didal
Ang mga kasuotan na gaya ng short, sando at t-shirt ay mga damit na pang-bahay. Ano naman ang kasuotan sa espesyal na okasyon?
uniporme
damit na pormal
damit pangtrabaho
damit na pang-araw-araw
Paano isinasagawa ang wastong pag-upo?
Itaas ang paa sa silya
Umupo ng hukot ang likod
Umupo ng nakaunat ang dalawang paa
Umupo ng matuwid at ilapat ang likod sa sandalan
Paano dapat gampanan ng isang bata ang tungkulin sa tahanan?
masaya
pagalit
padabog
malungkot
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng paggalang sa pamilya?
Umalis kapag inuutusan
Sigawan ang nanay kapag aalis na
Magpaalam ng maayos bago umalis ng bahay
Huwag tutulong sa mga gawaing bahay
Kung ikaw ay isang mabuting kasapi ng mag-anak, alin sa mga ito ang hindi mo dapat gawin?
Paggamit ng po at opo
Umuwi pagkatapos ng klase
pagsuway sa mga utos ng magulang
Pumili ng kaibigan na magtuturo ng mabuti
Sa papaanong paraan mo aalagaan ang iyong lolo o lola?
Pagsuotin ng maginhawang damit pambahay
Panatilihing malinis ang kanyang silid at kagamitan
Kausapin ang matanda upang maramdaman ang pagpapahalaga
Lahat ng nabanggit
Ang bisita o panauhin ay nararapat na _________ kung hindi kakilala ng buong mag-anak.
batiin
pakainin
ipakilala
kausapin
Iwasang pag-usapan ang mga ____________ na makapagdudulot ng kalungkutan sa bisita.
tao
usapin
trabaho
pamilya
Marapat lamang na _________________ ang bisita ng maiinom o makakain.
iwasan
iwanan
pabalutan
alukin o hainana
Makipag-usap nang may ___________ sa bisita.
tapang
paggalang
kasungitan
kabastusan
Iwasan pag-usapan ang mga ____________ na makapagdudulot ng kalungkutan sa bisita.
usapin
nakakainis
nakakabagot
nakakalungkot
Araw ng sabado, umalis ang mga magulang mo at mag-isa ka lang na naiwan sa inyong bahay. Biglang may dumating na di-inaaasahang bisita at hindi mo ito kilala dahil ngayon mo lang ito nakita. Ano ang dapat mong gawin?
walang gagawin
hahayaan lamang sila sa labas
kakausapin at sasabihin na mghintay na lamang sila sa labas
kakausapin ng may paggalang at malugod na papapasukin sa loob ng bahay
Ang mga kasangkapan ay madaling maalikabukan, kailangang punasan ng _______________ araw-araw.
retaso o tela
tuyong basahan
basang basahan
malinis na damit
Ang pagwawalis ng sahig ay sinisimulan sa mga ___________ patungo sa gitna.
sulok
baba
taas
gitna
Ano ang kailangang gawin upang gumanda ang haba at hugis ng halaman?
palaguin
gupitan
diligan
pitasin
Ang mga basurang nabubulok ay kailangang ilagay sa _____________.
basurahan
balde
plastic
compost pit
Upang maiwasan ang pamamahay ng mga daga, langaw, lamok at ibang mga hayop, alin sa mga ito ang dapat mong gawin.
tanggalin ang mga ligaw na damo
alisin ang mga tuyong basura
linisin ang daanan ng tubig o kanal
sunugin ang mga basura
Ano ang inyong gagawin upang hindi malanghap ang alikabok habang naglilinis?
talian ang buhok
takpan ang ilong
gumamit ng apron
magdamit ng maluwang
Kung mag-aagiw ka ng kisame, ano ang pinakamagandang gawin?
Gumamit ng walis na may mahabang hawakan
Tumuntong sa silya para maalis ang agiw
Tumayo sa malapit na bintana
umamit ng mesa at doon tumuntong
Kung ang pag-aalis ng agiw ay ginagawa isang beses sa isang linggo, alin naman sa mga gawaing bahay ang ginagawa araw-araw?
paglilinis ng kisame
pagwawalis ng sahig
pagpapalit ng kurtina
pagwawalis ng bakuran
Alin sa sumusunod ang ginagawa ayon sa pangangailangan?
paglilinis ng palikuran
pagpapalit ng kurtina
pagwawalis ng bakuran
paghihiwalay ng basura
Alin sa mga sumusunod na pagkaing nabanggit ang nagbibigay ng enerhiya, lakas o sigla?
puto
baboy
sayote
prutas
Kung ang mga pagkain gaya ng karne ng manok, tocino at isda ay mayaman sa protina. Ano naman ang mga pagkain na mayaman sa bitamina at mineral?
lugaw
itlog
tinapay
talbos ng kamote
Ang dalanghita, suha, bayabas, kamyas ay mayaman sa aling bitamina?
Bitamina A
Bitamina B
Bitamina C
Bitamina D
Ang mga pagkaing galing sa butil tulad ng monggo, mani,sitaw , at iba pa ay mayaman sa ________.
protina
mineral
bitamina
carbohydrates
Ang pag-iingat sa paggamit ng matutulis at matatalas na ______ ay dapat bigyan ng pansin.
kutsilyo
patpat
gunting
lahat ng nabanggit
Ang serbilyeta at tinidor ay inilalagay sa __________bahagi ng plato.
kaliwa
gilid
kanan
dulo
Alin ang unang dapat hugasan sa sumusunod na kasangkapan?
mga baso o glassware
sandok at siyansi
mga kubyertos o silverware
mga plato, platito, at mangkok
Ang baso na naglalaman ng ¾ na tubig ay nakalagay sa bandang itaas ng kutsara, ang plato naman ay
inilalagay sa __________bahagi ng place mat.
dulo
gitna
kaliwa
kanan
