NEW
Font size
WorksheetsMga Paraan ng Pananakop ng mga Espanyol
Total questions: 15
Worksheet time: 8mins
Ano ang ibig sabihin ng cedula?
Ito ang buwis na ipinapataw sa mga produkto tulad ng alak.
Ito ang buwis na ibinabayad para sa kaban ng bayan.
Ito ang buwis ng identipikasyon o pagkakakilanlan ng mga Pilipinong nasa edad 18 taong gulang pataas.
Ito ang buwis na suporta para sa simbahan na may katumbas na tatlong reales.
Paano ipinakilala ng mga Espanyol ang sistema ng encomienda sa Pilipinas?
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lupain at mga katutubong tao sa mga Kastila upang pamahalaan at pangasiwaan ang mga ito.
Sa pagpapalaganap ng relihiyon ng mga Kastila sa mga Pilipino
Sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga Kastila at mga Pilipino
Sa pagtuturo ng mga Kastila sa mga Pilipino kung paano mamuhay ng maayos
Ano ang layunin ng mga Espanyol sa pagpapatupad ng polo system sa Pilipinas?
Ang layunin ng mga Espanyol sa pagpapatupad ng polo system ay para sa pagpapalakas ng kanilang militar na puwersa sa Pilipinas.
Ang layunin ng mga Espanyol sa pagpapatupad ng polo system ay para sa pagpapalakas ng ekonomiya ng mga Pilipino.
Ang layunin ng mga Espanyol sa pagpapatupad ng polo system ay para sa pagpapalakas ng edukasyon sa bansa.
Ang layunin ng mga Espanyol sa pagpapatupad ng polo system sa Pilipinas ay upang magkaroon sila ng libreng lakas-paggawa para sa mga proyektong pampubliko tulad ng pagpapagawa ng mga kalsada at simbahan.
Ano ang tawag sa bayad na ibinibigay upang hindi maging bahagi ng polo?
Tributo
Buwis
Real
Falla
Ano ang tumutukoy sa sapilitang paggawa ng kalalakihang nasa 16 hanggang 60 taong gulang?
Polo y servicio
Bandala
Reduccion
Polista
Alin ang hindi naging hadlang sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo?
Nag-alsa na ayaw kumilala sa pinuno ng mga Espanyol
Mga pangkat ng mga katutubo sa bulubunduking lalawigan
Muslim na may sarili nang sistema ng pamahalaan at relihiyon
Mga katutubong naniwala sa mga espiritu ng mga yumao at sa isang panginoon
Paano nabago ng Katolisismo ang mga Pilipino?
Naiiba ang kanilang paniniwala.
Nagkaroon sila ng higit na kalayaan.
Umunlad ang kanilang pamumuhay.
Nagbago ang kanilang pananamit at anyo.
Ano ang papel ng mga prayle sa patakarang pangkabuhayang ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Nagpapalaganap ng kultura at wika ng mga Espanyol sa mga Pilipino
Nagpapalakas ng ugnayan sa iba't ibang bansa para sa kalakalan
Nagpapalakas ng kapangyarihan ng mga lokal na pinuno sa mga komunidad
Nagpapatakbo ng mga misyon at paaralan na nagtuturo ng mga kasanayan sa pagsasaka at iba pang trabaho.
Bakit madaling tinanggap ng mga Pilipino ang Katolisismo?
Dahil sila ay dati nang Kristiyano
Dahil sila ay dating walang relihiyon
Dahil sila ay binigyan ng mga salapi at regalo
Dahil sila ay dati nang naniniwala sa mga diyos
Ano ang tawag sa pagtitipon-tipon o pagbubuklod ng mga tao sa isang lugar na itinalaga ng mga Espanyol kung saan sila ay nagpatayo ng mga simbahan, paaralan, munisipyo, plasa o liwasan, libingan o sementeryo, at pamilihan?
Encomienda
Reduccion
Pueblo
Bandala
Ano ang tawag sa sapilitang kontribusyon na ibinabayad ng mga sinaunang Pilipino sa pamahalaang Espanyol bilang pagkilala sa kapangyarihan nito?
Tributo
Reduccion
Pueblo
Bandala
Ano ang naging epekto ng sapilitang paggawa sa mga Pilipino?
Marami ang namatay sa hirap at gutom.
Napagyaman ang mga lupang sakahan.
Lumaki ang bilang ng mga katutubo.
Napagbuklod ang mga pamilya.
Anong uri ng batas ang ipinatupad ng pamahalaang kolonyal ng Espanya?
Naaayon sa pangangailangan ng mga katutubong Pilipino.
Naaayon sa kalagayan ng mga mamamayang Espanyol.
Naaayon sa mga patakaran ng Simbahang Katoliko.
Naaayon sa mga mithiin ng mga taong-bayan.
Bakit pinagbayad ng tributo o buwis ang mga katutubong Pilipino sa pamahalaang kolonyal ng Espanyol?
Para makakuha ng mga serbisyo mula rito
Para tiyakin ang pagkilala nila sa kapangyarihan nito
Para may panustos sa iba pang ekspedisyon ng Espanya
Para magkaroon ng pondo para sa pagpapagawa ng mga daan, sasakyan, at barko
Bakit lumaban ang mga katutubong Pilipino sa mga Espanyol?
Ibig tumutol sa pananakop ng mga ito
Ibig nilang subukin ang kahusayan ng kanilang armas
Ibig nilang kunin ang barko at ari-arian ng mga Espanyol
Ibig nilang patunayan ang kanilang kahusayan sa pakikidigma
