NEW
Font size
WorksheetsAng Papel ng Nasyonalismo sa Pagbuo ng mga Bansa sa Timog at Kan
Total questions: 25
Worksheet time: 12mins
Anong pangkat ang naglayong maitaguyod ang karapatan at kalayaan ng mga Indiano anuman ang kanilang katayuan?
Indian National Congress
Tamil United Liberation Front
All Indian Muslim League
Arab League
Anong pangkat ang naglayong bumuo ng sariling bansa para sa mga Muslim?
Indian National Congress
Tamil United Liberation Front
All Indian Muslim League
Arab League
Anong batas ang maaaring magpakulong ng mga Indiano nang walang paglilitis?
Government of India Act
Rowlatt Act
Salt Act
Act for the better government of India
Sino ang nagtataglay ng damdaming makabayan?
Gusto ni Nika na manatili na sa kanilang bansa ang mga dayuhan.
Mas pinili pa ni Osmel na manirahan sa ibang bansa kaysa sa sariling bayan.
Kakaibang damdamin ang nadarama ni Pia tuwing naglalakbay sa Asya.
Nais ni Mel na mapalayas na ang mga dayuhan sa kanilang bansa.
Alin sa sumusunod ay mga halimbawa ng pasibong nasyonalismo?
Ramadan
ahimsa
jihad
massacre
Alin sa sumusunod ang hindi salik na nagbunsod sa pagsibol ng nasyonalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
usapin sa Kashmir
pagtatag ng Palestina
paglipol sa Amritsar
Batas Rowlatt
Bakit mahalagang pag-aralan ang pakikipaglaban tungo sa kalayaan ng Timog at Kanlurang Asya?
Ito ay nararapat lamang na malaman ng mga Asyano bilang bahagi ng ating kasaysayan.
Ito ay humihikayat sa atin upang isagawa sa kasalukuyang panahon ang mga pakikipaglabang isinagawa sa nasabing mga rehiyon.
Ito ay nagsisilbing gabay upang higit nating maunawaan ang kasalukuyang estado ng mga bansa sa nasabing mga rehiyon.
Ito ay nagsisilbing babala upang hindi natin tularan ang mga desisyong isinagawa nila.
Alin sa sumusunod na pamamaraan ang higit na nagpapakita ng nasyonalismo?
paggamit ng sariling wika
pagtatalaga ng lokal na mga pinuno
pakikiisa sa mga pakikibaka
pakikisangkot sa lahat ng usaping pulitikal
Makatuwiran ba ang panghihikayat ni Gandhi sa mga Indiano na huwag na lamang sumunod sa mga patakarang ipinatutupad ng Britanya? Bakit?
Hindi po, dahil lalo lamang itong nagpasiklab ng kaguluhan na higit na nagpahirap sa mga Indiano.
Hindi po, dahil nararapat lamang sundin kung sinuman ang namamahala sa isang bansa.
Opo, dahil ninais niyang itaguyod ang kasarinlan ng mga Indiano sa paraang hindi kinakailangang magbuwis ng buhay.
Opo, dahil para sa kaniya, itinuturing niyang kalaban ang mga Ingles.
Alin sa sumusunod na pangyayari ang maihahalintulad sa satyagraha?
Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Rebolusyon sa EDSA noong 1986
Pagpapatupad ng Batas Militar
Sigaw sa Pugad Lawin
Anong hakbang ang isinagawa ng mga Indiano bilang pagtutol sa batas ukol sa asin?
Satyagraha
Pag-aalsang Sepoy
Salt March
Sea March
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga nakapagpalala ng usapin sa Kashmir?
pagtatalaga ng United Nations ng line of contro
pagiging Hindu ni Haring Singh
pagiging Muslim ng mas nakararaming populasyon
pagnanais ng Pakistan na mapabilang ang Kashmir sa teritoryo nito
Alin sa sumusunod ang higit na nakapagpalala sa sigalot sa pagitan ng Silangan at Kanlurang Pakistan?
pagkakaiba ng relihiyon
pagkakaiba ng lipunang kinabibilangan
pagkakaiba ng kultura at gawaing panlipunan
pamamagitan ng India sa dalawang teritoryo
Ano ang naging daan upang tuluyang mapahiwalay ang Silangang Pakistan sa Kanlurang Pakistan?
sa ginawang pagpanig ng India sa Silangang Pakistan
mga gawaing terorismo na pinasimulan ng Silangang Pakistan laban sa Kanlurang Pakistan
agkapanalo ng Awami League sa nakararaming posisyon sa Pambansang Asamblea
tuluyang pagtanggap ng Kanlurang Pakistan sa kaibahan nila sa Silangang Pakistan
Ang pagkapanalo ba sa mga digmaan na bunga ng mga sigalot ay maituturing na epektibong batayan ng kagalingan ng isang bansa? Bakit?
Opo, dahil ang bawat labanan ay nangangailangan ng magaling na taktika.
Opo, dahil sinasalamin ng bawat labanan ang tunay na kultura at katatagan ng isang bansa.
Hindi po, dahil mababanaag lamang sa bawat labanan ang tunay na kawalan ng pagpapahalaga ng mga bansa sa kaniyang mamamayan.
Hindi po, dahil ang tunay na kagalingan ng bansa ay nasusukat sa antas ng kaayusan at pamumuhay ng bawat mamamayan nito.
Bakit mahalagang masuri at maunawaan ang mga sigalot etniko sa Asya?
para matukoy natin ang mga bagay na nakaaapekto sa sigalot-etniko na umusbong at naaapektuhan ng nasyonalismo o diwang makabayan
upang mas maunawaan at magkaroon tayo ng kaalaman hinggil sa mga salik na nakapagpapalala lamang ng sigalot-etniko, at makabuo tayo ng pamamaraan upang matugunan ito
upang malaman natin kung bakit humantong sa sigalot-etniko ang ilang mahahalagang salik at kaganapan noon sa Asya sa kabila ng pagtataglay ng nasyonalismong Asyano
para maunawaan natin ang mga bagay na nararapat na iwasan at isagawa upang mapigilan ang paglala ng mga hindi pagkakaunawaan
Alin sa sumusunod na bansa ang hindi kasapi ng Allied Powers?
Britanya
Pransya
Switzerland
Greece
Paano sinubukang makamit ng mga Indian ang kasarinlan sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Idineklara nila na ititigil ang suporta sa Britanya kung hindi nito ibibigay ang kanilang kasarinlan.
Nakipag-alyansa sila sa iba pang mga bansang kabilang sa digmaan upang pabagsakin ang Britanya.
Ipinagpatuloy nila ang pagsuporta sa Britanya kapalit ng kasarinlan na nararapat igawad sa kanila.
Nakibahagi sila sa digmaan upang pabagsakin ang mga Ingles.
Paano naapektuhan ng Unang Digmaang Pandaigdig ang Imperyong Ottoman?
Naging daan ang digmaan sa pagpapatalsik sa monarkiya ng imperyo.
Lumakas ang impluwensiya ng Imperyong Ottoman.
Tuluyang bumagsak ang Imperyong Ottoman.
Tuluyang naging bahagi ng Kanluranin ang Imperyong Ottoman
Paano masasabi na ang isang bansa ay sosyalista?
kung ang mahahalagang industriya at sektor ay pag-aari ng pamahalaan
kung ang lahat ng negosyo ay nasa pagmamay-ari ng mga korporasyon
Kung tuluyang natanggal ang mga social class sa lipunan
kung ang lahat ng mga sektor at negosyo ay pagmamay-ari ng mamamayan
Alin sa mga sumusunod ang hindi naging tuon ng unang yugto ng mga samahang pangkababaihan sa Timog at Kanlurang Asya?
pagbibigay ng karapatan para sa ilang porsiyento ng posisyon sa pamahalaan
pagpapatigil sa ilang tradisyon na nagdudulot ng kapahamakan sa mga kababaihan
pagkakaloob ng libreng edukasyon sa mga kababaihan
pagbibigay oportunidad na makapagtayo ng sariling kabuhayan ang kababaihan
Alin sa sumusunod ang higit na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mas malawak na karapatan ng mga kababaihan?
pangangalaga sa kanila sa loob ng tahanan
pagtangkilik sa kanilang mga opinyon hinggil sa mga gawain sa bahay
paggalang sa kanila bilang ilaw ng tahanan
pagbibigay ng karapatan na makilahok sa usaping pulitikal at pang-ekonomiya
Alin sa sumusunod ang pangunahing layunin sa pagsasama-sama ng mga bansang Arabo?
makiisa bilang isang samahan sa pamamalakad ng mga Kanluranin sa rehiyon
apusin ang kapitalismong Kanluranin sa rehiyon
higit na itaguyod ang kani-kanilang personal na interes sa mga mamamayan sa rehiyon
makipag-anib sa iba pang mga bansang Asyano
Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa higit na pagsiklab ng nasyonalismo sa Timog Asya?
diskriminasyon laban sa mga sundalong Sepoy
pagpapatupad ng Salt Act
pagpapatupad ng edukasyong Kanluranin sa rehiyon
pagpapatupad ng Rowlatt Act
Ano ang naging mahalagang gampanin ng pagsasayaw sa lipunan ng India?
Ito ay naging salamin ng kanilang higit na mataas na kultura kaysa sa iba.
Ito ay naging paraan nila upang mapasaya ang kanilang mga diyos at diyosa.
Ito ay naging daan upang humingi sila ng kapatawaran sa kanilang mga kasalanan.
Ito ay naging simbolo ng kaunlaran ng kanilang pamumuhay.
