Font size
WorksheetsIkalawang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan
Total questions: 50
Worksheet time: 30mins
Anong uri ng klima ang may kalahating taon ang tag-araw at tag-ulan?
A. Unang Uri
B. Ikalawang Uri
C. Ikatlong Uri
D. Ika-apat na Uri
Ito ay isang anyong tubig na mas malawak kaysa sa isang kipot. Ito ay nagdurugtong sa dalawang malaking katawan ng tubig tulad ng tubig dagat o karagatan.
A. Lawa
B. Kipot
C. Tsanel
D. Ilog
Sila ang ating mga Ninuno na palipat lipat ng tirahan.
A. Amerikano
B. Negrito
C. Tsino
D. Hindu
Itinuro nila sa mga kabayan natin ang pag-ukit sa metal at kahoy.
A. Negrito
B. Tsino
C. Arabe
D. Español
Alin ang dahilan ng pagkakaroon ng mga Pilipino ng ginintuang buhoK
A. Nakapag asawa ng Amerikanong may malagintong kulay ng buhok
B. Namana nila ito sa mga Hapones
C. Sumusunod sa uso ang mga Pilipino
D. Kinulayan lamang ng malaginto
Sino ang ating ninuno na maitim, kulot ang buhok at nakabahag?
A. Malay
B. Negrito
C. Indones
D. Gaddang
Saang Lungsod nakapagtala ng pinkamataas na temperatura?
A. Lungsod ng Baguio
B. Lungsod ng Tagaytay
C. Metro Manila
D. Lungsod ng Tuguegarao
Sino ang walang permanenteng tahanan?
A. Malay
B. Negrito
C. Indones
D. Hindu
Ano ang tawag sa anyong tubig na napapaligiran ng lupa sa lahat ng gilid maliban sa isang maliit na daang-tubig na nag-uugnay dito sa karagatan?
A. Lawa
B. Ilog
C. Look
D. Kipot
Saan matatagpuan ang pinakamalalim na bahagi ng karagatan sa Pilipinas?
A. Philippine Trench
B. Manila Trench
C. Palawan Trench
D. Mindanao Trench
Ano ang tawag sa anyong lupa na binubuo ng napakalawak na lupain at mayroong maraming bundok at talampas?
A. Bulkan
B. Lambak
C. Bundok
D. Tangway
Kailan inilalagay sa babala 3 ang isang bagyo?
A. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 100 hanggang 185 kilometro bawat oras sa loob ng 18 oras.
B. Kapag ang bilis ng hangin ay hindi bababa sa 185 kilometro bwat oras sa loob ng 12 oras.
C. Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 40 hanggang 60 kilometro bwat oras sa loob ng 36 na oras.
Kapag ang bilis ng hangin ay nasa 60 hanggang 10 kilometro bwat oras sa loob ng 24 oras.
Ang ____ _______ ang pinakamalaki at pinakamahabang ilog sa Pilipinas
(a)
Ang ____ ng ______ ang pinaka malaking lawa sa Luzon.
(a)
Ang (a) o kataasan ng isang lugar ang dahilan kung bakit malamig sa Lungsod ng Baguio.
Ang Pilipinas ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitud kaya’t (a) ang klimang nararamdaman dito.
Ang Pilipinas ay isang kapuluan na binubuo ng (a) na malalaki at maliliit na mga pulo.
Maraming Arabe ang nakapag asawa ng Pilipino kaya naikalat nila ang kanilang kultura, ang Relihiyong (a) .
(a) ang pangunahing hanapbuhay sa kapatagan.
Ang Ilog (a) ang pinakamakasaysayang Ilog sa Pilipinas.
Ito ay isang anyong tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato.
A. Batis
B. Ilog
C. Lawa
D. Bukal
Ito ay malawak na anyong tubig na mas maliit kaysa sa karagatan.
a. dagat
b. lawa
c. ilog
d. talon
Saang lalawigan ng bansa ang hindi nakararanas ng ika-apat na uri ng klima?
a. Camarines Norbe
b. Camarines Sur
c. Bohol
d. Catanduanes
Ito ang anyong tubig na napaliligiran ng anyong lupa.
a. talon
b. bukal
c. lawa
d. dagat
Ano ang pamayanan?
a. maliit na bayan
b. malaking lalawigan
c. isang lungsod
d. isang bansa
Tama o Mali. Madalas daanan ng bagyo ang Pilipinas dahil ito ay nasa Typhoon Belt.
(a)
Tama o Mali. Ang Pagsanjan Falls sa Laguna ay isa sa mga tanyag na talon sa
buong bansa.
(a)
Ang disenyong sarimanok ay impluwensya ng mga Malay
(a)
Tama o Mali. Ang pagtotroso ay isang paraan ng pagsasalit-salit ng mgamateryal gaya ng buli o pira-pirasong papel o banig na iniaanyo pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo.
(a)
Tama o Mali. Ang mga Español, Amerikano, Hapones, Hindu, Arabe at Tsino ay kabilang sa mga dayuhang nakarating sa Pilipinas.
(a)
Ang mga salitang pansit, siopao, at tokwa ay natutunan natin sa mga (a)
Itinuro nila sa mga kababayan natin ang pag-ukit sa metal na kahoy
(a)
Tama O Mali. ang mga Hindu ay may makapal at maitim na labi, matangos na ilong, malalim at mabilog na mata.
(a)
34. Ang m,ga babalang hatid ng (a) tungkol sa bagyo ay mahalaga upang makapaghanda ang mga mamamayan.
35. Ang (a) ang pinaka malawak at pinaka malalim na anyong tubig.
Sila ang nagpalaganap ng edukasyong pampubliko.
a. Hapones
b. Indones
c. Tsino
d. Amerikano
Ito ay bahagi ng karagatan na karaniwang nasa bukana ng dagat. Ito ay naliligiran ng lupa ngunit mas malawak ito kaysa look.
a. Golpo
b. Lawa
c. Look
d. Dagat
Ito ay hindi pangkaraniwang pangyayari sa kalikasan.
a. klima
b. polusyon
c. climate change
d. topograpiya
Sila ang mga dayuhang nagturo sa atin ng pagaalaga ng bibe.
a. Hindu
b. Español
c. Amerikano
d. Hapones
Alin ang hindi nagtataglay ng katangian ng mga Negrito?
a. pandak
b. maitim ang balat
c. matangos ang ilong
d. kulot ang buhok
Sino sa ating mga ninuno ang nagtatattoo ng kanilang mga katawan bilang palamuti?
a. Malay
b. Indones
c. Negrito
d. mga taong tabon
Ano ang ibig sabihin ng katangiang pisikal?
a. ugali
b. kaugalian
c. panlabas na anyo
d. tradisyon
Ano ang tawag sa mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungo sa dagat?
a. lawa
b. look
c. ilog
d. karagatan
kapag nagpatuloy ang biglang pagbagyo o pagbaha sa panahon ng tag-init,
a. magkakaroon ng maaliwalas na panahon
b. maapektuhan ang ating kabuhayan
c. tataas ang temperatura ng isang lugar
d. wala sa nabanggit.
Anong uri ng klima ang nararanasan ng mga tao sa lalawigan sa kanlurang bahagi ng Cagayan at Silangangang Palawan.
a. Unang uri
b. ikalawang uri
c. ikatlong uri
ika-apat na uri
Sila ang mga ninuno ng mga Muslim sa Mindanao.
a. Igorot
b. Maranao
c. Indones
d. Malay
Alin sa mga nabanggit ang hindi nagpapakita ng karaniwang katangiang pisikal ng isang Pilipino?
a. katamtaman ang taas
b. kayumanggi ang balat
c. mabilog at maitim ang mga mata
d. matangos ang ilong
Alin sa mga nabanggit ang hindi nagpapakita ng pangunahing hanapbuhay ng isang Pilipino?
a. pagsasayaw
b. pagsasaka
c. paghahabi
d. paghahayupan
Ano ang tawag sa relihiyon ng mga Amerikano?
a. Budismo
b. Protestante
c. Islam
d. Katoliko
Tama o Mali. Ang pisikal na anyo ng mga Pilipino ay naimpluwensiyahan ng mga dayuhang tumigil sa ating bansa.
(a)
