NEW
Font size
WorksheetsMga Pang-ugnay
Total questions: 15
Worksheet time: 3mins
Maagang gumising ang aming ___________.
buong pamilya
buo na pamilya
Mabilis kaming nagsipagbihis at dumiretso na sa __________________.
naghihintay na van
naghihintay ng van
___________ bago ang flight, nasa airport na kami.
Isang oras
Isa na oras
Sinalubong kami ng _____________ .
magaling tour guide
magaling na tour guide.
Pinuntahan namin ang Vayang Rolling Hills. Ito ay nagdulot sa min ng ______________.
kakaiba na pakiramdam
kakaibang pakiramdam
Ang kagandahan _______ burol na animo'y mga alon ay napakasarap sa mata.
ng mga
sa mga
______________ bakang nakahilera habang nanginginain sa mga luntiang damuhan, kami ay naaaliw sa kanila.
Para sa mga
Dahil sa mga
_________________ aming tour guide, bukas ay tutungo kami sa bayan ng Basco, Batanes.
Tungkol sa
Ayon sa
___________ paiba-ibang direksyon ng mga alon, walang katig ang bangkang de-motor na sinakyan namin.
Dahil sa
Ayon sa
Ang mga paalala ng aming tour guide ay __________ sa mga paraan kung paano maging ligtas ang aming paglalakbay.
ayon sa
tungkol sa
Busog na busog kami sa mga pagkaing inihanda sa amin _________ ang mg aito ay sariwang-sariwa.
sapagkat
subalit
Ang pamilya ko _______ ang iba pang turista ay namangha rin sa kagandahan ng Batanes.
maging
maliban
Magtatagal pa sana kami sa Vayang Rolling Hills ____________ malapit nang dumilim.
dahil
subalit
Nahilo nang matanaw namin ang isla ________ pumikit muna ako sandali para mawala ang nararamdaman ko.
kaya
sana
Natulog kami nang maaga ________ magising nang maaga kinabukasan.
upang
habang
