Worksheets4th Mid Exam Grade 7
Total questions: 40
Worksheet time: 30mins
Bakit mahalaga ang bahagi ng alamat sa kulturang Pilipino?
Ito ay nagsasaad kung paano nagsimula ang mga bagay-bagay.
Ito ay nagpapaksa ng karamihan sa mga kaugaliang Pilipino
Ito ay nagpapakita ng respeto ay katapangan ng mga Pilipino
Wala sa mga nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa etiyolohikal na alamat?
Ito ay mga alamat na nagsasalaysay kung bakit taglay ng mga bagay ang mga katangian na mayroon sila.
Ito ay mga alamat na nagsasaad ng nakaraan at kasaysayan at pinagmulan ng isang pook o lugar
Ito ay mga alamat na tumutukoy sa relihiyon, kultura, at tradisyon ng isang pangkat na nagpapahayag ng kasarinlan.
Wala sa Nabanggit
Anong uri ng alamat ang Alamat ng Mangga?
Etiyolohikal
Di-etiyolohikal
Ang Alamat ng Pilipinas ay maituturing na anong uri ng alamat?
Etiyolohikal
Di-Etiyolohikal
Ang araw ay mataas,
ang lupa ay mababa.
Lumipad nang malaya,
Alisin ang problema.
MAY SUKAT
MALAYA
Siya ay masaya,
siya ay malungkot.
Siya ay hindi tao,
Kundi isang panahon.
MAY SUKAT
MALAYA
Ang mga nasa pagpipilian ang 3 uri ng Ponemang Suprasegmental maliban sa isa. Ano ito?
antala
diin
kuwit
tono
Tumutukoy sa taas-baba na iniuukol sa pagbibigkas ng pantig ng isang salita.
antala
diin
tono
Tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig ng salita.
antala
diin
tono
Isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika.
ponema
ponolohiya
polema
ponolihiyo
Siya ay nagpapamalas ng marubdob na pagmamalasakit sa mga Filipino. Si Pangulong Duterte ay halimbawa ng isang pinuno na mapagmalasakit sa kanyang nasasakupan.
Anaporik
Anik-anik
Kataporik
Katambal
May mga ahensiya ng pamahalaan na nais manguna sa pagkakaisang ito sa panahon ng pandemya. Sila ang nangunguna sa pagpapakita ng pagkakaisa at pagtutulungan.
Anaporik
Anik-anik
Kataporik
Katambal
Tayo ay dapat magpamalas ng pagkakaisa at pagtutulungan sa panahon ng pandemya. Sapagkat Filipino tayo na ang dumadaloy sa dugo ay pagmamalasakit sa kapwa at pagmamahal sa bayan.
Anaporik
Anik-anik
Kataporik
Katambal
Ang Covid 19 ay lubhang nagpahirap ng sa mga tao sa buong mundo. Ito ay itinuturing na pandemya na sumira sa maraming pangarap at nagpabaksan sa ekonomiya ng iba’t-ibang bansa.
Anaporik
Anik-anik
Kataporik
Katambal
Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Suriin ang pagkakagamit sa pangngalan.
Ang pamahalaan ay nag-iisip ng paraan kung paano maipararating ang tulong sa mamamayan. Sila ay walang humpay sa pagbuo ng mga gawain na higit na makakatulong sa lahat.
Anaporik
Anik-anik
Kataporik
Katambal
Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.
Sosyolek
Idyolek
Etnolek
Dayalek
Ito ay ang paggamit ng isang tao sa wika at paraan o istilo ng kanyang pananalita.
Hal. "Aha,ha,ha! Nakakaloka! Okey! Darla!" - Kris Aquino
Sosyolek
Idyolek
Etnolek
Dayalek
Usa (isa) ng Cebuano
idyolek
dayalek
register
Bawat tao ay may sariling istilo sa paggamit ng kanyang una at pangalawang wika. Ito’y tumutukoy sa barayti ng wika na:
dayalek
idyolek
sosyolek
Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolingguwistang grupo
creole
etnolek
dayalek
Itinuturing itong unang wika o pangunahing wika ng isang tao na may impluwensiya sa tono, aksent at paraan ng pagsasalita.
dayalek
lingua franca
idyolek
Barayti ng wika na naglalarawan sa mga salitang panamantalang nagagamit lalong-lalo na ng kabataan
dayalek
pidgin
sosyolek
Inumin mo ito 3 beses sa isang araw para mawala ang lagnat mo.
dayalek
idyolek
register
"Ingat!" ni John Lloyd Cruz
idyolek
register
sosyolek
Anyare na sa'yo? Bat di ka na nag-reply?
sosyolek
idyolek
dayalek
Dito pinapanatili ang kawing-kawing na pangyayari.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Ito ang maiiwan sa isipan ng tagapakinig o mambabasa.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Ito ang nakapupukaw sa interes ng tagapakinig o mambabasa upang makinig o magbasa.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Matutunghayan ang katunggaling tauhan at iba pang pangyayari.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Sa pagsisimula ay maaring gumamit ng pandiwa, pang-uri, at pang-abay pagkatapos banggitin ang hudyat sa pagsisimula.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o magpababago sa kalooban at isipan ng lahat.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa isinasalaysay.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Dito aabangan kung paano magtatagumpay o magwawagi ang pangunahing tauhan.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Dito patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanatili ang interes ng mga mag-aaral sa larawan at aksiyong isinasasalaysay.
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Dito maaring gamitin ang pahayag na "sa huli."
PANIMULA
GITNA
WAKAS
Ano ang mga palatandaan ng hinuha?
Senyales o indikasyon na nagpapahiwatig sa isang posibleng konklusyon batay sa mga impormasyon o datos.
Mga haka-haka na walang ebidensya
Mga pangitain na walang batayan
Mga katibayan na walang basehan
Ano ang kahulugan ng hinuha?
Pagsasagawa ng eksperimento para sa pag-aaral ng isang teorya
Pagtutukoy ng mga pangyayari batay sa mga impormasyon
Pagsusuri ng mga datos upang makabuo ng konklusyon
Pagtataya o pagdedesisyon batay sa mga impormasyon o katotohanang mayroon ka.
Paano natutukoy ang mga palatandaan ng hinuha?
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga hindi kaugnayang datos
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga tama at mali na impormasyon
Sa pamamagitan ng pagtanggap ng walang basehang opinyon
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga konteksto, datos, at impormasyon na may kaugnayan sa isang sitwasyon o isyu.
Bakit mahalaga ang paggamit ng hinuha sa pang-araw-araw na buhay?
Ang paggamit ng hinuha ay hindi importante sa pang-araw-araw na buhay.
Ang paggamit ng hinuha ay nakakasama sa pang-araw-araw na buhay.
Ang paggamit ng hinuha ay mahalaga sa pang-araw-araw na buhay upang makapagbigay ng masusing pag-iisip at desisyon batay sa mga impormasyon o katotohanan.
Hindi kailangan ang paggamit ng hinuha sa pang-araw-araw na buhay.
Paano maipapakita ang wastong paggamit ng hinuha?
Maipapakita ang wastong paggamit ng hinuha sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga hindi lohikal na paliwanag
Maipapakita ang wastong paggamit ng hinuha sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga personal na opinyon lamang
Maipapakita ang wastong paggamit ng hinuha sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga walang basehang konklusyon
Maipapakita ang wastong paggamit ng hinuha sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga lohikal na paliwanag o basehan kung bakit ang isang konklusyon ay maaaring maging tama batay sa mga katibayan o impormasyon na mayroon tayo.
