wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4_EL FILI

Total questions: 30

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Mula sa kabanata 15: Si Senyor Pasta- Ano ang trabaho ni Senyor Pasta?

a)

kabesa

b)

abogado

c)

guro

d)

propesor

2.

Nagpunta si (a)   kay Senyor Pasta upang humingi ng tulong sa pagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.

3.

Sino ang intsik na naghahangad na magkaroon ng konsulado ang kanyang sariling bansa sa Pilipinas?

a)

Simoun

b)

Padre Camorra

c)

Quiroga

d)

Ben Zayb

4.

Naroon sa hapunan ang ilang panauhin kabilang ang kilalang mangangalakal, mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, at ang kaniyang mga suki. Nang dumating si Simoun ay kinausap niya ang mga mangangalakal na nagsisidaing sa takbo ng kanilang negosyo.

Si Quiroga man ay dumaing din nang singilin siya ni Simoun sa utang na siyam na libong piso. Ayon kay Simoun babawasan niya ng dalawang libong piso ang utang ni Quiroga kung papayag ito na itago sa kanyang bodega ang mga dumating na armas.

Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a)

nagrereklamo

b)

nagdamdam

c)

nagdadrama

d)

nagagalit

5.

Magkano ang utang ni Quiroga kay Simoun mag-aalahas?

a)

dalawang libong piso

b)

anim libong piso

c)

siyam na libong piso

d)

isang libong piso

6.

Ano ang dahilan ni Simoun upang bawasan niya ang utang ni Quiroga?

a)

kung papayag si Quiroga na itago sa kanyang bodega si Kabesang Tales

b)

kung papayag si Quiroga na itago sa kanyang bodega ang mga dumating na mga tulisan

c)

kung papayag si Quiroga na itago sa kanyang bodega ang mga dumating na pagkain

d)

kung papayag si Quiroga na itago sa kanyang bodega ang mga dumating na armas

7.

Ang dominikanong pari na si Padre Millon ang siyang propesor sa pisika. Tungkol sa salamin ang diskusyon sa araw na iyon. Una niyang tinawag ang isang antuking estudyante ngunit nang hindi makasagot ay tinawag ng propesor si Juanito Pelaez.

Nang walang mabulong na sagot sa kaniya si Placido Penitente ay inapakan nito ang kanyang paa dahilan kung bakit napasigaw si Placido dahilan naman kung bakit ito sunod na tinawag.

7.

Ano ang nais ipahiwatig ng pangayayaring ito?

a)

nais ni Padre Milon na ipahiya si Juanito Pelaez

b)

nais ni Padre Milon na ipahiya si Juanito Placido Penitente

c)

nais ni Padre Milon na ipahiya ang antuking mag-aaral

d)

nais ni Padre Milon na magising ang antuking mag-aaral

8.

Marami ang humanga nang ilabas ni Simoun ang mamahaling hiyas. Marami ang nagsibili. Inalok ni Simoun na bilihin ang agnos ni Maria Clara na napunta kay Huli, ngunit kailangan munang puntahan ni Kabesang Tales si Huli upang isangguni ang tungkol dito. Nangakong babalik ito bago mag takipsilim ngunit hating gabi na ay di parin bumabalik si Tales. Nakatulog si Simoun sa kakaintay. Nang magising kinaumagahan ay wala na ang dala niyang rebolber ngunit may isang liham na mula kay Tales. Ano ang ipinalit ni Tales sa rebolber ni Simoun?

(a)  

9.

Araw ng Pasko, marami ang dumalaw na kamag-anak ni Selo. Ngunit marami ang nagtaka dahil hindi makapagsalita si Selo kahit isang kataga. Ano ang nangyari kay Tandang Selo?

a)

Siya ay napipi.

b)

Siya ay nabulag.

c)

Siya ay napilayan.

d)

Siya ay nalungkot.

10.

Siya ang pinakamamahal na apo ni Tandang Selo.

a)

Maria Clara

b)

Simoun

c)

Paulita Gomez

d)

Juli

11.

Kanino nagpaalila si Juli upang mabayaran ang perang ginamit pantubos kay Kabesang Tales

(a)  

12.

Magkano ang hinihinging perang pantubos ng mga tulisan mula kay Juli?

a)

P250

b)

P500

c)

P1000

d)

P1500

13.

Binalak ni Simoun na patayin si ______ upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam niyang parehas lang sila na nais makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun dito ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila. Sino ang taong tinutukoy nito?

a)

Isagani

b)

Basilio

c)

Kapitan Basilio

d)

Ben Zayb

14.

Sabi ni Basilio, "Ang Kastila ang siyang magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan." Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabi ni Basilio. Ani Simoun ang wikang Kastila ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito. Ang (a)   ang sagisag ng isang bayan.

15.

Nagtangka si Basilio na magpasagasa sa dumadaang sasakyan mabuti’t nakita siya ni Kapitan Tiago. Dito ay pumasok siya bilang alila nang hindi binabayaran. Pinahintulutan ni Kapitan Tiago na mag-aral si Basilio sa_______.

a)

Ateneo Municipal

b)

Unibersidad ng Santo Tomas

c)

San Juan de Letran

d)

Unibersidad ng Maynila

16.

Kabanata 14: Nagpunta ang mga mag-aaral sa bahay ni Makaraig upang pag-usapan ang tungkol sa akademya ng wikang Kastila. Sino ang hindi nakapunta sa pagtitipon?

a)

Pecson

b)

Isagani

c)

Pelaez

d)

Basilio

17.

Sila ang tatlong paring martir na naging inspirasyon para kay Rizal na isulat ang nobelang El Filibusterismo MALIBAN sa isa.

a)

Mariano Gomez

b)

Jose Gomez

c)

Jose Burgos

d)

Jacinto Zamora

18.

Ilang taon si Rizal nang isulat niya ang tulang "Sa Aking mga Kababata"?

a)

7 taong gulang

b)

8 taong gulang

c)

9 na taong gulang

d)

10 taong gulang

19.

Ang ina ni Rizal na si Teodora Alonzo ay nabilanggo dahil sa salang pakikipagsabwatan diumano nito upang lasunin ang asawa ng isang tiyuhin. Ano ang naging kaparusahan sa kanya?

a)

pinalakad nang nakayapak

b)

sinuntok ng guwardiya sibil

c)

ginarote kasama ang tatlong paring martir

d)

wala sa nabanggit

20.

Sa pag-aaral ni Rizal ay nagtamo siya ng markang sobresaliente. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a)

maayos

b)

matalino

c)

mas matalino

d)

napakahusay

21.

Isa sa pinag-aralan ni Rizal ay ang espesyalisasyon sa optalmolohiya. Anong bahagi ng katawan ang ginagamot ng isang optalmolohiya?

a)

ilong

b)

mata

c)

pisngi

d)

tainga

22.

Ibigay ang taon ng kapanganakan ni Rizal.

(a)  

23.

Alin sa mga ito ang nasaksihan ni Rizal at naging rason upang isiwalat ang mga pangyayari sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsulat ng nobela?

a)

pang-aapi ng mga mananakop sa kapwa Pilipino

b)

paghagupit ng guwardiya sibil sa isang bata dahil nakalimutan nitong sumaludo

c)

paggarote sa tatlong paring martir

d)

lahat ng nabanggit

24.

Isang alamat ang napag-uusapan habang lulan ng bapor Tabo sina Simoun. Ito ay ang alamat tungkol sa isang babaeng umibig sa isang lalaking naging arsobispo. Ano ang pangalan ng babae?

a)

Juli

b)

Hermana Penchang

c)

Donya Victorina

d)

Donya Geronima

25.

Iniiwasan ang salitang ito na banggitin ng mga tao noon dahil natatakot sila na bitayin at mahatulan ng kamatayan. Ang salitang ito ang ipinambansag diumano sa mga taong nagtatangkang magpabagsak sa pamahalaan. Ano ang salitang ito?

a)

filibustero

b)

tangere

c)

garote

d)

sobresaliente

26.

Ano ang nangyari sa asawa ni Kabesang Tales at ng anak nilang si Lucia?

a)

nabaril

b)

lumayas

c)

kinuha ng mga tulisan

d)

namatay sa malaria

27.

Ano ang ipinapahiwatig/sinisimbolo ng mabagal na pag-usad ng bapor Tabo?

a)

mababaw ang tubig sa ilog

b)

maraming sakay kaya nabibigatan

c)

mabagal na pag-asenso ng bansa

d)

luma na ang bapor Tabo

28.

Ano ang naging panukala ni Don Custodio upang lumalim ang ilog Pasig?

a)

pilitin ang lahat ng naninirahan malapit sa ilog na mag-alaga ng itik

b)

sirain ang mga bahay malapit sa ilog Pasig

c)

ipahukay ang ilog Pasig sa mga indio

d)

wala sa nabanggit

29.

Batay sa nabanggit na mga alamat, ayon sa Intsik, sino ang santo na tumulong sa kanya upang hindi siya mapatay ng buwaya?

a)

San Jose

b)

San Protacio

c)

San Nicholas

d)

San Pedro

30.

Hindi sinang-ayunan ni Don Custodio ang paraang iminungkahi ni Simoun dahil maaari itong magsimula ng himagsikan. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit?

a)

papunta

b)

nagsalaysay

c)

pagpuna

d)

pag-uusap