NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Pagbasa
Total questions: 10
Worksheet time: 3mins
1. Ang pananaliksik ay matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag- aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu, o aspekto ng kultura at lipunan.
A. Constantibo (2010)
B. Zafra (2010)
C. Spalding (2015)
D. Lartec (2011)
2. Kailangang maging katanggap - tanggap ang mga pamamaraang
ginagamit sa pananaliksik maging ang mga datos na nakalap.
A. Kontrolado
B. Empirikal
C. Mapanuri
D. Obhetibo, lohikal at walang pagkiling
3. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling
constant at hindi nagbabago.
A. Kontrolado
B. Empirikal
C. Mapanuri
D. Obhetibo, lohikal at walang pagkiling
4. Kailangan itong paglaanan ng panahon, talino at sipag
upang maging matagumpay.
A. Matiyaga at hindi minamadali
B. Pinagsisikapan
C. Maingat na pagtatala at pag-uulat
D. Mapanuri
5. Upang matiyak ang katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang nito.
A. Matiyaga at hindi minamadali
B. Pinagsisikapan
C. Maingat na pagtatala at pag-uulat
D. Mapanuri.
6. Lahat ng datos na nakalap ay kailangang
maingat na maitala.
A. Matiyaga at hindi minamadali
B. Pinagsisikapan
C. Maingat na pagtatala at pag-uulat
D. Mapanuri
7. Ang pananaliksik ay isang ________ at siyentipikong proseso ng
pangangalap, pagsusuri, pag- aayos, pag- oorganisa, at pagpapakahulugan ng mga
datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon, at
pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.
A. Kobtrolado
B. Impirikal
C Mapanuri
D. Sistematiko
8. Ang pananaliksik ay isang masusing
pagsisiyasat at pagsusuri sa mga ideya, konsepto, bagay, tao, at iba pang ibig
bigyang linaw, patunayan, o pasubalian.
A. Spalding (2015)
B. Lartec (2011)
C. Constantibo at Zafra (2010)
D. Wala sa nabanggit
9. Maliban sa historikal na pananaliksik, ang mga datos na
nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa panulat,
tuklas o lathala ng ibang mananaliksik.
A. Orihinal na akda
B. Empirikal
C. Mapanuri
D. Sistematiko
10. _______ sapagkat maaaring makaranas siya ng mga
problema sa kanyang pananaliksik, di-pagsang - ayon ng publiko at lipunan o
di- pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.
A. Matiyaga at hindi minamadali
B. Empirikal
C. Orihinal na akda
D. Nangangailangan ng tapang
