wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsasanay: Basilio

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.
Nagpalaboy-laboy sa mga kalsada sa Maynila si Basilio, walang maawa sa kaniya at makaisip na bigyan ng kahit na kaunting pagkain. Minsan pa nga’y naisipan niyang magpasagasa na lamang sa mabibilis na karwaheng nagdaraan, hanggang sa matagpuan niya sina Kapitan Tiyago at Tiya Isabel, na naghatid ng tuwa sa kaniyang puso. Hatid ng dalawang tauhan sa buhay ni Basilio ang __________.
a)
pag-asang matupad ang kaniyang pangarap
b)
kaligayahan sa pagkaing inaasam ng sikmura
c)
kapayapaan sa pagtulog nang mahimbing sa gabi
d)
kalinawan ng isip sa mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid
2.
Ang sumusunod ay wasto tungkol sa pagbubuod maliban sa isa.
a)
Ito ay siksik at pinaikling bersiyon ng teksto o akda.
b)
Ang buod ay ang unang impresyong makukuha sa unang pagbasa ng akda.
c)
Ang buod ay maikli ngunit malaman; ito ay nagpapahayag ng buong diwa ng orihinal na akda.
d)
Pinipili sa buod ang pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideyang isinusulat sa sariling salita o pangungusap.
3.
Habang nagbabasa ay isinusulat ni Jam ang mga importanteng punto mula sa teksto. Ang kasanayan sa pagbubuod na ipinakita ni Jam ay ang __________.
a)
pagbasa sa akda
b)
pagtukoy sa paksang pangungusap o pinakatema at mga susing salita
c)
pagsulat ng sariling kaisipan gamit ang sariling salita o pangungusap
d)
pag-uugnay-ugnay ng mga detalye upang mabuo ang pangkalahatang kaisipan
4.
Pinatay ng mga guardia civil si Crispin at pinahirapan ang aking ina, mananahimik na lamang ako sapagkat hindi rin naman sila mabubuhay kung igaganti ko sila. Ang tauhan ay __________.
a)
malalim mag-isip
b)
bahag ang buntot
c)
mapaghiganti
d)
mapagpatawad
5.
Madilim, madawag at maraming ugat na nag-usli sa iyong lalakaran. Ang tinutukoy na lugar sa pangungusap ay isang __________.
a)
kagubatan
b)
kalawakan
c)
kapatagan
d)
karagatan
6.
Ano ang pakay ni Basilio sa pagpunta sa gubat?
a)
upang makipagkita kay Simoun
b)
upang dalawin ang libingan ng ina
c)
upang pasyalan si Huli
d)
upang hukayin ang kayamanan
7.
Ito ang natamo niyang marka noong siya ay nagtapos.
a)
may mataas na karangalan
b)
saliente
c)
may karangalan
d)
sobresaliente
8.
Anong kurso ang kinuha ni Basilio?
a)
doktor
b)
abogado
c)
guro
d)
inhinyero
9.
Natuklasan ni Basilio na ang mag-aalahas ay si _________.
a)
Kapitan Tiyago
b)
Alperes
c)
Simoun
d)
Isagani
10.
Anong balita ang ikinalungkot ni Simoun?
a)
ang panghihina ni Kapitan Tiyago
b)
pagpanaw ni Maria Clara
c)
ang pagkahuli sa kapisanan ng mga mag-aaral
d)
ang pagdakip kay Basilio
11.
Nadakip siya dahil nakatala ang kanyang pangalan sa naging kaganapan sa mga paskin.
a)
Simoun
b)
Kapitan Tiyago
c)
Basilio
d)
Kabesang Tales
12.
Ipinagtanggol niya si Basilio sa Kapitan Heneral at nanindigan na dapat palayain ang binata.
a)
Kapitan Tiyago
b)
Isagani
c)
Simoun
d)
Mataas na kawani
13.
Ang kagamitang ito ang gagamitin ni Simoun upang pasabugin ang bulwagan sa araw ng kasal.
a)
maleta
b)
lampara
c)
alahas
d)
aklat
14.
Mga mga sumusunod ay naging kapanalig ni Simoun sa gagawing pag-aalsa maliban kay _____.
a)
Basilio
b)
Kabesang Tales
c)
Quiroga
d)
Isagani
15.
Magaganap ang pag-aalsa sa pagsabog ng bahay ni Kapitan Tiyago sa araw ng ___________.
a)
libing ni Kapitan Tiyago
b)
kasal ng Pelaez at Gomez
c)
kamamatayan ni Maria Clara
d)
kapistahan