Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Q4 Quiz #1 - Laurasia

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Ito ang salitang ginagamit upang pormal na tukuyin ang mga mamamayangbumubuo ng lipunan.

a)

Estado

b)

kagalingan

c)

indibiduwal

d)

sibiko

2.

Ang kaisipan na ang bawat isa ay may pananagutan sa kaniyang kapuwa ay nakapaloob sa konsepto ng:

a)

karapatang pantao

b)

gawaing pansibiko

c)

kamalayang pansibiko

d)

aktibong pagkamamamayan

3.

Ang sumusunod ay ang mga pangunahing layunin ng social enterprises maliban sa:

a)

kumita nang malaki

b)

lumikha ng trabaho

c)

mapababa ang antas ng kahirapan

d)

mapabuti at mapalakas ang mga lokal na marginalized na mga pamayanan

4.

Ang panlipunang organisasyon sa anyo ng isang legal na uri ng negosyo na nagsasagawa ng mga gawaing pangkabuhayan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap na tao ay tinatawag na:

a)

social businesses

b)

social enterprises

c)

social organization

d)

corporate social responsibility

5.

Alinsunod sa Social Reform and Poverty Alleviation Act, ang sumusunod ay halimbawa ng disadvantaged sectors maliban sa:

a)

mga biktima ng mga kalamidad at sakuna

b)

indigenous peoples at mga pamayanang kultural

c)

mga manggagawa sa impormal na sektor at mga migranteng manggagawa

d)

mga taong nahihirapang matugunan ang kanilang mga pangangailangan

6.

Saang probisyon ng Saligang Batas ng 1987 nakasulat ang mga karapatan sa halal?

a)

Artikulo II

b)

Artikulo III

c)

Artikulo IV

d)

Artikulo V

7.

Bakit mahalaga ang pagboto?

a)

Naitatakda ng mamamayan ang kinabukasan ng bayan.

b)

Nagagampanan ng mamamayan ang kanyang tungkulin bilang Pilipino.

c)

Nakapipili ang mamamayan ng mga matitino at mahuhusay na opisyal ng pamahalaan.

d)

Naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal.

8.

Ayon sa resulta ng International Social Survey Programme (ISSP) Citizenship Survey na isinagawa noong 2004, alin sa sumusunod ang pangunahing katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino?

a)

pagboto

b)

wastong pagbabayad ng buwis

c)

laging pagsunod sa batas

d)

pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan

9.

Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa Estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga voluntary organizations.

a)

civil society

b)

social enterprises

c)

people's organization

d)

non-governmental organization

10.

Saang bahagi ng Artikulo II o pahayag ng mga simulain at mga patakaran ng Estado kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mgacivil society sa kagalingan ng bansa?

a)

Seksiyon 13

b)

Seksiyon 18

c)

Seksiyon 23

d)

Seksiyon 28

11.

Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong isulong at pangalagaan ang interes ng mga kasapi nito kung saan nahahanay ang mga cause-oriented group at sectoral group.

a)

civil society

b)

social enterprises

c)

people’s organizations

d)

non-governmental organizations

12.

Ang sumusunod ay halimbawa ng people’s organizations maliban sa:

a)

Bantay-Kalikasan

b)

Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas

c)

Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators

d)

Samahan ng mga Magsasaka, Kababaihan at Kabataan sa Burgos

13.

Ito ang uri ng voluntary organization na naglalayong suportahan ang mga programa ng mga sectoral at cause-oriented group.

a)

civil society

b)

social enterprises

c)

people’s organizations

d)

non-governmental organizations

14.

Mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga non-governmental organizations ang pagkonsulta sa kanila ng mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito. Isa ito sa mga mahahalagang probisyon ng:

a)

Saligang Batas ng Pilipinas

b)

Local Government Code of 1991

c)

Social Reform and Poverty Alleviation Act

d)

Poverty Reduction through Social Entrepreneurship

15.

Bakit mahalaga ang mga civil society sa Pilipinas?

a)

Mas napaghuhusay ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.

b)

Binibigyan nito ang mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng bansa.

c)

Nasisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin.

d)

Mas nakatutugon ang pamahalaan sa mga suliranin at problemang kinakaharap ng mga mamamayan sa tulong ng iba’t ibang samahan.

16.

Bantay Kalikasan. P.O o N.G.O?

a)

people’s organization

b)

non-governmental organization

17.

Pambansang Lakas ng Mamamalakaya sa Pilipinas. P.O o N.G.O?

a)

people’s organization

b)

non-governmental organization

18.

Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators. P.O o N.G.O?

a)

people’s organization

b)

non-governmental organization

19.

Kalipunan ng mga Katutubong Mamamayan ng Pilipinas. P.O o N.G.O?

a)

people’s organization

b)

non-governmental organization

20.

Haribon Foundation for the Conservation of Natural Resources. P.O o N.G.O?

a)

people’s organization

b)

non-governmental organization

21.

Si Kim ay isang Pilipino at isang rehistradong nars sa Amerika. Mahigit sampung na taon na siyang naninirahan doon at regular ding nagbabakasyon sa bansa.

To Vote o Not To Vote?

a)

To Vote

b)

Not To Vote

22.

Nasakdal si Arturito sa isang krimen na may kaparusahang reclusion perpetua subalit wala pa ring pinal na desisyon ang hukuman ukol sa kanyang kaso.

To Vote or Not To Vote?

a)

To Vote

b)

Not To Vote

23.

Maglalabing-walong taong gulang si Alex sa darating na eleksiyon sa Mayo.

To Vote or Not To Vote?

a)

To Vote

b)

Not To Vote

24.

Mahigit tatlong dekadang nanirahan sa Europa si Rose bago niya napagdesisyunang manatili na sa Pilipinas. Sa idaraos na halalang lokal sa susunod na taon ay saktong isang taon na siya sa bansa.

To Vote or Not To Vote?

a)

To Vote

b)

Not To Vote

25.

Isa si Ramil sa mga napatunayang nanguna sa rebelyon.

To Vote or Not To Vote?

a)

To Vote

b)

Not To Vote