WorksheetsEkonomiks: Mahabang Pagsusulit - Ikaapat na Markahan
Total questions: 33
Worksheet time: 25mins
Alin sa mga sumusunod ang kabutihang dulot ng impormal na sektor ng ekonomiya?
Ang impormal na sektor ay kinabibilangan ng mga ________________?
a. uri ng paghanapbuhay sa mga bansang papaunlad pa lamang.
b. regular na hanapbuhay para sa bansang maunlad na.
c. solusyon sa problema ng hanapbuhay sa mga bansang apektado ng kahirapan.
d. mahihirap na mamamayan sa mga bansang walang pag-unlad.
Maliban sa paggamit ng GDP at GNI, ginamit ang HDI bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ano ang ibig sabihin ng HDI?
Human Development Integrity
Human Development Intensity
Human Development Income
Human Development Index
Tawag sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa.
Export
Import
Kalakalan
Barter
Alin sa mga sumusunod ang magpapatunay dito?
Nagtutustos ng hilaw na sangkap sa mga pabrika.
Nagkakaloob ng hanapbuhay sa mga manggagawang Pilipino.
Nagpoproseso ng mga produkto ang dalawang sektor na ito.
Dinadagsa ng mga mangangalakal na banyaga ang dalawang nabanggit na sektor.
Kung nais mong magkaroon ng patunay ng kasanayan, kailangan mong maipasa ang NC II o National Certificate Assessment Examination. Saan ka dapat kumuha nito?
CHED
TESDA
POEA
PRC
Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon din tayong dapat gawin upang makatulong sa pag-abot ng kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang maari mong gawin upang makatulong sa bansa?
Maging mapagmasid sa mga nangyari sa lipunan.
Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Pilipino.
Tangkilikin ang mga produktong nanggaling sa ibang
Mahalaga ang ginagampanan ng mga sub-sektro ng agrikultura sa ating ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga subsektor nito?
Paggugubat
Paghahalaman
Pagmimina
Pangingisda
Alin sa mga sumusunod ang hindi suliranin ng sektor ng agrikultura?
Pagliliit ng lupang sakahan.
Paggamit ng teknolohiya.
Pagbibigay ng sapat na suporta.
Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal.
Ang mga kasapi sa underground economy ay ang mga taong naghahanap o nagnenegosyo na hindi inirehistro sa pamahalaan. Saang sektor sila nabibilang?
Sektor ng Paglilingkod
Sektor ng Agrikultura
Sektor ng Industriya
Impormal na Sektor
Ang mga produkto tulad ng bigas, mais, gulay, at mga prutas, ay nabibilang sa uri ng produkto ng ________.
Pinansiyal
Agrikutura
Panteknolohiya
Pagmimina
Ano ang maari mong gawin upang makatulong sa bansa?
Maging mapagmasid sa mga nangyari sa lipunan.
Tangkilikin ang mga produktong gawa ng mga Pilipino.
Tangkilikin ang mga produktong nanggaling sa ibang bansa.
Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pang-kaunlaran sa paaralan at komunidad.
Ang Human Development Index o HDI ay mahalagang panukat ng pag-unlad at pagsulong ng isang bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang komprehensibong dahilan nito.
Nasusuri ang mga pag-aaral sa pamamagitan ng HDI ang mga bansang angat kaysa sa iba.
Nasusukat ng HDI ang aspektong pangkalusugan sa mga iba't-ibang bansa na kasapi ng United Nations.
Pinag-aaralan nito ang kalagayan ng pinakamataas na edukasyon na natapos ng mamamayan.
Tumutukoy ito sa pangkalahatang kakayahan na matugunan ang mahalagang aspekto ng kaunlaran.
Ang pangunahing sektor na nagsusuplay ng pagkain at mga hilaw na kagamitan sa industriya ay ang sektor ng ________________.
agrikultura
impormal
panlabas
paglilingkod
Isa sa mga hakbang ng pamahalaan ang pagpapalakas ng programa ng edukasyon upang masolusyonan ang mga suliranin sa impormal na sektor. Isa rito ang pagpapatatag at pagpapalawak ng mandato ng TESDA. Ano ang mga programang nakapaloob dito?
Magkaloob ng libreng matrikula sa kolehiyo.
Magbigay ng suporta sa edukasyong teknikal at bokasyunal.
Tumulong sa mga nais pumasok sa Senior High School.
Wala sa nabanggit.
Alin sa bahagi ng awit na 'Mabuting Pilipino' ni Noel Cabangon ang madaling isabuhay ng isang simpleng mag-aaral na naghahangad ng pag-unlad ng sarili at ng bansa?
Di ako nangongotong o humihingi ng lagay
Minamahal ko ang bayan ko
Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan
Kaya't pag-aaral ay aking pinagbubutihan
Alin sa mga sumusunod ang tunay na naglalarawan ng pambansang kaunlaran?
Mga makabagong teknolohiya.
Mataas na Gross National Income.
Nagtataasang gusali at naglalakihang kalsada.
Pagbabago sa buhay ng bawat mamamayan ng isang bansa.
Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod?
Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan.
Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal.
Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang bansa.
Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.
Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na sa panahon ng globalisasyon. Alin sa mga sumusunod na pangugusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan?
Madaragdagan ang pagtugon sa mga panustos para sa pangangailangan ng local na ekonomiya.
Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaring gahayin.
Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.
Alin sa mga sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang ito ay maging isang ganap na produkto?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Kalakalang Panlabas
Isa sa mga suliraning kinahaharap ng sub-sektor ng pagsasaka bilang bahagi ng sektor ng agrikultura ay ang patuloy na pagliit ng lupang pansakahan o "agricultural land". Alin sa mga ito ang HINDI dahilan ng mga suliraning ito?
Mataas na demand ng mga lupang residensiyal na pinagtatayuan ng mga subdibisyon.
Pag-unlad ng mga negosyong kaugnay ng konstruksiyon ng komersyal na mga gusali.
Mabilis na pagdami ng populasyon na nangangailangan ng mapagtatayuan ng kanilang matitirhan.
Kakulangan ng mga imprastraktura, modernong makinarya at pasilidad sa larangan ng pagsasaka.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat ugaliin upang makatulong sa sub-sektor na ito?
Wastong paggamit ng tubig.
Pagtitipid sa paggamit ng koryente.
Tamang pagkonsumo ng gas o LPG na gamit sa pagluluto.
Pagtitipid sa pamamagitan ng illegal na pamamaraan.
Alin sa mga sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at porma na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor
Alin ang HINDI kabilang sa sektor ng agrikultura?
Pagsasaka
Pagtitinda
Paghahayupan
Paggugubat
Isa sa mga salik na maaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ay ang mga yamang lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Saang salik kabilang ang mga nabanggit?
Likas na Yaman
Yamang-Tao
Kapital
Teknolohiya at Inobasyon
Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng pamahalaan sa sektor ng ekonomiya?
Ang pamahalaan ang nagtatakda sa buwis.
Ang pamahalaan ang nangongolekta ng buwis.
Kumikita ang ating bansa mula sa mga kalakal ng mga mamamayan.
Ang pamahalaan ang napapatupad ng mga patakaraan at programa para sa kaayusan ng ating ekonomiya.
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang contactualization sa kabila-kabilang protesta ng mga manggagawa?
Mas makakatipid ang mga kompanya kung ang manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.
Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya.
Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaring tumanggi sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas.
Lahat ng nabanggit.
Ang yamang-tao ay mahalagang salik sa pag-unlad at pagsulong ng bansa. Anong katangian ng lakas paggawa ang magpapatotoo sa pahayag na ito?
Ang pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan.
Pagkakaroon ng mataas na literasiya ng mga Pilipino.
Pagiging produktibo at manggagawang may kasanayan sa paggawa.
Pagkakaroon ng mataas na bilang ng lakas-paggawa.
Paano maipamamalas ang kahalagahan ng sama-samang pagkilos tungo sa minimithing pambansang kaunlaran?
Ang pagtatapos ng pag-aaral at pagpasok sa Malalaking korporasyon o kumpanya.
Ang paghahangad ng paglabas at paghahanapbuhay sa ibang bansa kapag propesyunal na.
Ang pakikilahok sa mga kilusan na makapagsusulong ng kapakanan at Karapatan ng mga kabataan.
Ang pagboto ng mga kandidato batay sa popularidad o taglay na kayaman at katanyagan.
Ang pambansang kaunlaran ay matatamo ng isang bansa o lipunan kung magiging mapanagutan ang mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang magpapatunay dito?
Paglahok sa mga samahan tulad ng kooperatiba.
Pagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaan.
Pagtutol sa mga tiwaling gawa ng mga nanunungkulan.
Pagbatikos sa mga politikong umaabuso sa kapangyarihan.
Alin sa mga sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga sebisyong pampamayanan, panlipunan, at personal?
Agrikultura
Industriya
Paglilingkod
Impormal na Sektor
Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultura. Sa anong dahilan ito nangyayari?
Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
Kawalan ng mamimili sa pamilihan.
Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market-road).
Likas sa mga Pilipino ang maaksaya sa pagkain.
Alin sa mga sumusunod na hanapbuhay ang hindi kabilang sa impormal na sektor?
Tindero ng Sorbetes
Guro
Sidewalk Vendor
Barker
