WorksheetsQ4 Kabanata 11- 15 El Filibusterismo
Total questions: 16
Worksheet time: 7mins
Si Pecson ay laging may baka, paano kung, at iba pang pag-aalangan sa kanyang mga iniisip.
Si Pecson ay likas na mapagduda sa lahat ng bagay dahil mahina ang isip.
Siya ay laging kumokontra kapag alam niyang di galing sa kanya ang panukala.
Siya ay palaisip ngunit pesimista.
Ang mga mag-aaral sa Escuela Municipal o Paaralang Normal ay simbolo ng mga kababaihang palaasa at mahihina dahil sa...
abaniko at panyo ang mga dala sa halip na mga aklat.
laging nasa karwahe at ayaw maglakad.
pagdating na may mga alalay pa o utusang tagadala ng gamit o tagaayos ng kanilang mga damit.
Si Tadeo ay isang mag-aaral na pumapasa pa rin sa klase kahit na...
alam niya ang kiliti ng kanyang mga guro.
pumapasok lang siya upang magtanong kung may pasok o wala.
baston lang ang hawak niya at wala siyang dalang mga libro.
Si Placido ay matalino ngunit ayaw nang mag-aral dahil...
hindi nakikilala ang galing niya dahil sa maling sistema ng edukasyon sa Uniberdidad.
ayaw niya sa kanyang mga guro at kaklaseng mayayaman.
tinatamad na siya dahil malayo siya sa kanyang pamilya
Kanino humingi ang mga mag-aaral ng tulong upang mapapayag si Don Custodio sa itatayong akademya?
Simoun
Quiroga
Pepay
Ginoong Pasta
Ano ang hininging kapalit ni Simoun sa Kapitan Heneral kung sakaling siya’y manalo sa paglalaro ng tresilyo?
bahay at lupa
ang posisyon nito sa pamahalaan
magpapakulong ng kahit na sino sa limang araw
wala sa nabanggit
Mula sa kabanata 11, kaya lamang pinagbibigyan ng dalawang prayle ang Heneral dahil nais nilang pag – usapan
ang ukol sa ____________.
Pilipinas
armas de salon
gawing sabungan ang paaralan
akademya
Anong mabuting katangian ni Placido ang dapat tularan ng Pilipinong mag-aaral?
may sariling paninindigan
may sariling pasya
tahimik
matalino
“Tama na Padre! Tama na! Maaari nang lagyan ng guhit ang aking pangalan hanggang ibig ninyo, ngunit wala kayong karapatang umalipusta ng kapuwa.” -Placido Penitente. Ano ang higit na pinaniniwalaan ng tauhan sa kaniyang pahayag?
Mas mahalaga ang pananaw niya kaysa pananaw ng iba.
Mas mahalaga ang pagkatao niya kaysa sa kahit na anomang bagay.
Kapag nasa katwiran ipaglaban mo
Matutong sumagot sa mataas ang katungkulan.
Si Placido Penitente ay isa sa pinakamatalinong mag-aaral ni Padre Valerio sa Tanauan, Batangas. Ang kanyang pangalan ay nangangahulugang _____.
matiising mag-aaral
tahimik at walang imik
tahimik na nagdurusa
mahinahong matalino
Sinabi ni Simoun, " Ang kasamaan ay wala sa kabundukan-- nasa mga tulisan sa bayan at mga siyudad." Ang mga sumusunod na tinutukoy ni Simoun ay mga tulisan, maliban sa _____
siya mismo o ang kanyang sarili
mga estudyante gaya nina Basilio, Isagani, at Macaraig
Padre Camorra, Padre Irene, at iba pang prayle
kapitan Heneral at iba pang pinuno
" Ang pagtuturo ng Kastila ay walang panganib. Upang hindi lumabas na natalo ang Unibersidad, tayong mga Dominiko ang unang pumuri... Hangga't maaga matuto tayong mamulitika." ---Padre Fernandez
Ang pagsang-ayon niya sa kahilingan ng mga estudyante ay _____.
tunay at matapat ang hangarin niyang matuto ang Pilipino
nais niyang mamulitika at magustuhan siya ng maraming estudyante
pagliligtas dahil nasa panganib ang kapangyarihan nilang mga Kastila
nais niyang kontrahin ang opinyon nina Padre Camorra at iba pa.
Si Isagani ay inilalarawan bilang_____.
walang galang o bastos sa matanda
hindi makasarili at iniisip ang kapakanan ng bayam
magiging isang bayani
may kataasan ng pag-uugali dahil sa talinong taglay
Marahil angkop ang pangalang G. Pasta sa tauhang abogado dahil _____.
tinakpan niya ang bulok na sistema
makatuwiran ang kaniyang payo
ayaw malagay sa masalimuot na buhay
maligoy sa pagsasalita upang malito ang kausap
“Kung puti na lahat ng buhok ko ginoo at sa paglingon ko sa lumipas ay makita kong wala akong nagawa para sa aking bayan, bawat uban sa aking buhok ay nagsisilbing tinik na sa halip ipagmalaki ay aking ikahihiya.” --Isagani
Anong kaisipan ang nangibabaw sa pahayag?
A. Isang kahiya-hiyang bagay na wala kang nagawang mabuti para sa bansa hanggang sa iyong pagtanda.
A. Sa kaniyang pagtanda ay kalilimutan ng kaniyang mga kababayan ang sakripisyong nagawa sa bansa.
Maipagmamalaki niya ang magagandang naidulot niya sa bayang sinilangan.
A. Ipagmamalaki siya ng kaniyang kapuwa sa dami ng kontribusyon niya sa lipunan.
Nagpanting ang tainga ni Placido. “Tama na, Padre. Maaaring markahan ninyo ako ng anumang marka ngunit wala kayong karapatang umaglahi sa akin! Inyo na ang inyong klase!” At ang estudyante ay umalis nang walang paalam. Anong pangyayari sa ating lipunan ang nagpapatunay sa pahayag na ito ni Placido?
A. May mga taong patuloy pa ring nagsisikap upang umangat sa buhay.
A. May ilang taong patuloy na lumalaban sa kabila ng panghahamak ng kapuwa.
A. Maraming kilalang tao sa lipunan ang ginagamit ang posisyon upang manlamang ng kapuwa.
A. Mataas ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa kanilang pag-aaral dahil ito ang susi sa kanilang ikatatagumpay.
