NEW
Font size
WorksheetsPanuntunan sa Pagbibigay ng Pangunang Lunas
Total questions: 20
Worksheet time: 40mins
1. Ang __________ ay ang pagbibigay ng pangunahing tulong, kalinga at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.
A. pangunang lunas
B. pagpapanatili ng buhay
C. pagtaguyod sa paggaling
D. pananggalang sa sarili
2. Sino sa mga sumusunod ang maaring magsagawa ng first aid o pangunang lunas?
A. doktor na may aparato
B. nars na may mga dalang gamot
C. guro na may sapat na kasanayan
D. karaniwang tao na may wastong kaalaman
3. Alin sa mga sumusunod ang dapat unahing suriin bago magsagawa ng pangunang lunas?
A. pagdaloy ng dugo sa katawan
B. daanan ng hangin
C. buga ng hangin
D. pagdurugo
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa dapat bigyan ng pangunang lunas?
A. natutulog
B. nasugatan
C. nawalan ng malay
D. nabalian ng buto
5. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong may balinguyngoy o nagdurugo ang ilong?
A. imasahe ang ilong ng pasyente
B. painumin ng maraming tubig
C. takpan ang ilong nga bendahe
D. painumin kaagad ng gamot
6. Mahalaga ang pagbibigay ng pangunang lunas sa taong nangangailangan upang __________?
A. maging sikat
B. maisalba ang buhay
C. makatulong sa mga doktor
D. masigurado ang bisa ng gamot
7. Kung ang panlunas sa nagtatae na ABC ay Abocado Bayabas Caimito, sa first aid ito ay nangangahulugang __________?
A. Animal Bite Center
B. Anemia Blood Causes
C. Airway Breathing Circulation
D. All Body Masses
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang HINDI nagsasaad ng tama ukol sa pangunang lunas?
A. Ang pangunang lunas ay maari ding ibigay sa mga hayop
B. Ang pangunang lunas ay ibinibigay sa mga taong nais maisalba ang buhay
C. Dapat na unahing suriin ang daanang hangin sa pagbibigay ng pangunang lunas
D. Kinakailangang gamitan ng natatanging aparatong panggamot ang pagbibigay ng pangunang lunas
9. Ang mga sumusunod ay ang tatlong pangunahing layunin ng pangunang lunas maliban sa isa?
A. Pagbigay ng gamot
B. Pagpapanatili ng buhay
C. Pagtaguyod sa paggaling
D. Pag-iwas sa paglala ng pinsala
10. Alin ang pangunang lunas ang nararapat ibigay sa taong nalason ng pagkain?
A. painumin ng maraming tubig at magpahinga
B. kumain ng isang kutsarang pulot o honey na may katas ng luya
C. painumin ng maligamgam na tubig na may lemon o kalamansi at asukal
D. Lahat ng nabanggit
11. Humingi ng tulong sa iba upang makatawag agad ng ambulansya para sa mga biktimang may malalang kondisyon.
A. Tama
B. Mali
12. Kung walang malay ang biktima, tingnang mabuti ang mahahalagang palatandaan ng pagkabuhay ng tao tulad ng tibok ng puso at paghinga.
A. Tama
B. Mali
13. Upang malaman na humihinga ang biktima, tingnan ang dibdib kung ito ay gumagalaw.
A. Tama
B. Mali
14. Sa panahon ng aksidente, isaisip muna ang kaligtasan ng iba bago ang sarili.
A. Tama
B. Mali
15. Kung walang makitang kagamitan gumawa ng pansamantalang kagamitan tulad ng bandage na gawa sa malinis na damit.
A. Tama
B. Mali
16. Kaagad na ilipat sa ibang pwesto o lugar ang biktima.
A. Tama
B. Mali
17. Upang mas mapadali ang pagbibigay ng pangunang lunas dalhin kaagad sa ospital ang biktima.
A. Tama
B. Mali
18. Humingi ng pag-alalay mula sa iba kung kinakailangan.
A. Tama
B. Mali
19. Kapag may biktima mula sa banggaan, maghintay sa pagdating ng mga pulis bago maglapat ng unang lunas.
A. Tama
B. Mali
20.Kung may malay ang biktima, maaari siyang kapanayamin tungkol sa nangyari.
A. Tama
B. Mali
