Font size
WorksheetsSummative
Total questions: 45
Worksheet time: 43mins
pinagmumulan ng pagkain
Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng ating pamahalaan ang sektor ng agrikultura?
Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng ating bansa?
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto ng kakulangan sa makabagong kagamitan at teknolohiya sa Sektor ng Agrikultura?
Salamin ng maunlad na ekonomiya ang sektor ng paglilingkod na nagtataglay ng malawak na kakayahan. Ano ang maaaring mahinuha sa pahayag na ito?
Ang pormal na pagsisimula ng paggamit ng terminong 'impormal na sektor' ay pinasimulan ni Keith Hart noong 1973.
Ang International Labour Organization (ILO) ay nagpalabas ng pandaigdigang batayan ng paglalarawan ng impormal na sektor.
Paano malalaman ang balance of trade ng isang bansa?
Ano ibig sabihin ng WTO?
World Trade Organization
World Trucking Organization
Ito ay itinuturing na bunga ng isang proseso na nagpapakita ng pagbabago sa isang ekonomiya?
pag-usad
pag-angat
pag-unlad
pagsulong
Kailan mapapadali ang pagkilos para sa pambansang kaunlaran?
Kapag magtutulungan ang bawat isa.
Kapag mayaman ang lahat ng mamamayaan.
Kapag nakapagtapos ng pag-aaral ang mga anak.
Kapag ang mga kasapi ng isang samahan ay maabilidad, makabansa at maaalam.
Anong ahensiya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa sektor ng agrikultura?
Bureau of Customs
Department of Agriculture
Department of Labor and Employment
Department of Environment and Natural Resources
Aling pahayag ang nagsaad ng Absolute Advantage?
Ang isang bansa ay dapat damihan ang mga iniluluwas na produkto.
Ang isang bansa ay dapat mas efficient sa paglikha ng produkto at serbisyo.
Ang isang bansa ay dapat damihan ang mga iniluluwas na produkto.
Ang isang bansa na makalikha ng maraming bilang ng produkto gamit ang kaunting sangkap ng produksiyon at sa mas mababang halaga ng mga salik nito kumpara sa isang bansa dapat pagbutihin at damihan ang mga produktong iniangkat at iniluluwas.
Limang araw na may bayad na ipinagkaloob sa manggagawang nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang taon.
Service Charges
Service Incentive Leave
Wage Rationalization Act
13th Month Pay
Alin ang kinikilala na namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member state.
Association of Southeast Asian Nations
World Trade Organization
Asia Pacific Economic - Cooperation
ASEAN Free Trade Area
Ibinibigay sa mga manggagawang nagdadalang-tao, kasal man o hindi.
Special leave for Women
Maternity Leave
Parental leave for Solo Parent
Paternity Leave
Alin sa mga ito na kinokolekta ang mga hotel, restaurant, night club at iba pa na ang 85% ay ipinamahagi ng pantay sa lahat ng manggagawa nito?
Bonus
Service Charges
Holiday Pay
Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang pandemya sa pag-unlad ng isang bansa sa kasalukuyan?
Hindi, dahil marami ang nagkasakit at namatay.
Oo, dahil mas lalong nagkakaisa ang bawat mamamayan.
Oo, dahil mas lumiit ang gastusin ng bawat mamamayan.
Hindi, dahil marami ang nawalan ng trabaho at nagsarang mga negosyo.
Ang batas na ito ay pinagpatibay upang malabanan ang mga gawaing hindi patas pagdating sa kalakalan, maiwasan ang kartel at monopolyo, at maparusahan ang mga opisyal ng mga kompanyang hindi sumusunod sa patas na pagnenegosyo.
anti-trust/competition law
Barangay Micro Business Enterprises
Intellectual Property Code
Copyright Act
Ibinibigay nang hindi lalagpas sa ika-24 ng Disyembre bawat taon sa mga manggagawang nakapaglingkod ng hindi bababa sa isang buwan sa isang taon.
13th Month Pay
PAG-IBIG Benefits
Service Charges
SSS Benefits
Ang patakarang ito ukol sa reporma sa lupa na naglalayong ipamahagi ang lahat ng pampubliko at malalaking pribadong sakahan sa mga magsasakang walang sariling sakahan?
Republic Act 3844
Republic Act 1400
Republic Act 6657
Presidential Decree 2
Anong uri ng pangingisda ang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa pagnenegosyo?
aquaculture
thrawl fishing
munisipal na pangingisda
komersyal na pangingisda
Sa anong sub-sektor napabilang ang pagniniyog, maisan at palayan?
pagtotroso
pangingisda
paghahalaman
paghahayupan
Paano tayo makatutulong sa pag-unlad ng ating bansa?
Dapat makibahagi sa anumang negosyo
Dapat tayong maging maabilidad, makabansa at maalam.
Dapat tayong sumama sa agos ng panahon
Dapat tayong kumilos nang tama at naaayon bilang isang Pilipino.
Alin sa mga sumusunod ang pinaka akmang dahilan ng pakikipagkalakalan ng mga bansa sa daigdig?
Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal.
Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa.
Maipagmalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.
Ano ang pinakaangkop na anyo ng pambansang kaunlaran na binanggit sa ibaba?
Pagdagsa ng mga dayuhan upang mamuhunan sa bansa
Pagkakaroon ng mga gusali at magagandang tanawin sa bansa
Pangingibang bansa ng mga Pilipino upang maghanapbuhay at matulungan ang pamilya.
Abilidad at kakayahan ng isang bansa na suportahan ang mga pangangailangan ng mamamayan
Ang bansang Pilipinas ay sagana sa mga produktong agrikultural gaya ng mais, gulay, at mga prutas, subalit salat naman sa mga produktong langis at petrolyo, kung kaya't umaasa tayo sa produksiyon sa ibang bansa. Anong sistemang kalakalan ang ipinapahiwatig ng sitwasyon?
market trading
kalakalang panlabas
free enterprise system
liberasyon ng pakikipagkalakalan
Ano ang pangunahing gampanin ng sektor ng paglilingkod?
Magkaloob ng buwis sa pamahalaan
Magkaloob ng mga hilaw na materyales para sa produksyon
Magkaloob ng serbisyo na tutugon sa pangangailangan ng tao
Magproseso ng mga hilaw na sangkap upang makalikha ng kalakal
Paano nakakasama sa isang manggagawa ang lipunang may pagtatangi sa isang kasarian sa larangan ng paggawa?
Magdudulot ito nang higit na di-pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Labag ito sa pagkakapantay-pantay ng tao.
Magdudulot ito ng kahirapan
Nalilimitahan nito ang kakayahan at dignidad ng isang tao.
Bakit sinasabing ang yamang-tao ay isang mahalagang salik sa pagsulong ng ekonomiya?
mas marami ang gastusin
mas marami ang awtput na nalilikha
madaling matapos ang mga produkto
mabilis uunlad ang isang lugar o bansa
Paano malalaman ang balance of trade ng isang bansa?
Ang balance of trade (BOT) ay makukuha sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inangkat sa halaga ng kalakal na iniluluwas.
Ang balance of trade (BOT) ay makukuha kapag mataas ang iniluluwas na produkto kaysa inaangkat.
Ang balance of trade (BOT) ay makukuha kapag mataas ang iniangkat na produkto kaysa iniluluwas.
Ang balance of trade (BOT) ay makukuha kapag pareho ang daming iniluluwas at inaangkat na produkto.
Ang ekonomiya ng isang bansa ay uunlad kapag mababa ang bilang ng krimeng nagaganap. Ang pahayag ay _________________.
mali, dahil ang krimen ay mangyayari sa ayaw at gusto ng tao.
tama, dahil walang mamamatay na taong maabilidad at maalam.
mali, dahil nagiging kriminal ang isang tao sa kapabayaan ng gobyerno.
tama, dahil magkakaroon ng kalayaan ang mga tao na kumikilos, mag-isip at magpahayag
Ano ang palatandaan ng isang maunlad na bansa?
maraming tao
malaki ang pagtaas ng income
madaling makapagtayo ng mga gusali
mas lalong dumami ang bawat miyembro
Anong sub-sektor ng agrikultura ang saklaw ng aquaculture?
pagsasaka
paggugubat
pangingisda
paghahayupan
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng kalakalang panlabas?
Ang mga mamamayan ay nagkakaroon ng pag-uugaling mas tinatangkilik nila ang mga produktong banyaga kaysa sa mga produktong lokal.
Nasisiyahan ang mga mamamayan dahil nagkakaroon na sila ng mga gamit na galing sa ibang bansa na umaaayon sa kanilang kagustuhan.
Dumarami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring pamilian o tangkilikin ng mga tao upang matugunan ang kanilang pangangailangan at kagustuhan.
Maaaring palaasa ang mga mamamayan sa produktong banyaga at humihina ang mga lokal na produkto sa isang bansa.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI tumutukoy sa kahalagahan ng sektor ng industriya sa ekonomiya ng ating bansa?
Pangunahing pinagkukunan ng pagkain
Nagpapasok ng dolyar sa pamamagitan ng pakikipagkalakalan sa labas ng bansa
Nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang makagawa ng mga produkto sa makabagong anyo
Nagbibigay ng empleyo sa maraming mga manggagawa
Ang sektor ng industriya ay isa sa mga sektor na nagpapakilos ng ekonomiya ng bansa. Ito ay nahahati sa apat na pangunahing gampanin. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang HINDI kabilang sa gampanin ng sektor ng industriya?
Pagmimina
Konstruksyon
Transportasyon
Utilities
Sa anong sub-sektor ng paglilingkod kabilang ang serbisyong ipinagkakaloob ng mga bangko, sanglaan, kooperatiba at iba pang institusyong pampinansyal?
Pampublikong Paglilingkod
Pananalapi
Transportasyon, komunikasyon at imbakan
Bakit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa?
Hindi kumikilos ang mga likas na yaman.
Nagdudulot ng masamang polusyon ang mga likas na yaman.
Ang mga likas na yaman ay maaari ring dahilan ng kalamidad.
Kung wala ang yamang-tao, wala ring mangyayari sa mga likas na yaman.
Ang sumusunod ay mga palatandaan ng pambasang kaunlaran MALIBAN sa isa.
Mayroong kaayusang panlipuan.
Lumulubo ang populasyon ng isang lugar.
Pagkakaroon ng pagsulong ng isang bansa.
Mababa ang bilang ng mga krimen na nagaganap.
Ano ang pangunahing gampanin ng sektor ng industriya sa ekonomiya ng isang bansa?
Nagsisilbi bilang tagapangasiwa ng mga hilaw na materyales
Nagbibigay ng mga hilaw na materyales
Nangangasiwa sa IBON Foundation na itinatag ng mga lokal na pamahalaan
Nagpoproseso ng mga hilaw na materyales upang gawing makabagong produkto na ginagamit ng tao
Alin sa mga pahayag ang hindi nagpapakita ng katuturan tungkol sa sektor ng agrikultura?
nagbibigay ito ng kita
nagbibigay ito ng trabaho sa mga tao
nagpoproseso ng mga hilaw na materyal
ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain
Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng samahang pandaigdigang pang-ekonomiko?
Dahil layunin nitong sumigla ang kalakalang pandaigdig.
Dahil layunin ng bawat bansa na makilala ang kanilang mga lokal na produkto.
Dahil layunin nitong magkakilala ang mga namumunuan at mangangalakal bawat bansa.
Dahil pareho sila ng mga layunin na naglalayong palawakin ang ugnayan ng mga bansa sa larangan ng kalakalang panlabas.
Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real state, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal?
Sektor ng Industriya
Sektor ng Paglilingkod
Sektor ng Agrikultura
Impormal na Sektor
Ang mga bansa ay nakinabang sa isa't isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang?
sabwatan at kartel
trade embargo at quota
espesyalisasyon at kalakalan
