Font size
WorksheetsPRELIMINARYONG PAGSUSULIT SA AP8_MAM NIKKI
Total questions: 40
Worksheet time: 59mins
1. Ang pagkakaroon ng digmaan ay may mabuting epekto at masamang epekto sa mga bansang sangkot dito. Isa sa mga dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig ang nasyonalismo kung saan mayroong pagmamahal sa sariling bansa. Paano mo maipakikita ang nasyonalismo?
A. Pagbili ng mga produkto sa isang tindahang pag-aari ng Pilipino bagama’t ang ibinebenta ay yari sa Europa
B. Pagtigil sa paglalakad habang inaawit ang Lupang Hinirang matapos bumili ng sapatos na gawa sa Italya
C. Pagtatanggol sa bansa dahil sa pananalakay ng mga dayuhang ibig manakop at luminang ng likas na yaman
D. Pagtuturo ng kabayanihan nina Andres Bonifacio at George Washington sa kanyang kababayanan
2. Maraming mga dahilan kung bakit bumabangon ang digmaan sa pagitan ng mga bansa. Ang pagsusukatan ng lakas at militarismo ay isa rin sa mga dahilan kung bakit sumisiklab ang sigalot sa pagitan ng mga bansa. Kung ikaw ay isang militar, ano ang nararapat mong gawin?
A. Agad na sumuporta sa anumang gagawing pananalakay ng iyong bansa sa kalapit nitong bansa
B. Mag-organisa ng mga sundalo upang lihim na salakayin ang isang bansang mayaman sa langis
C. Magiting na ipagtanggol ang bansa upang hindi ito tuluyang masakop ng dayuhan
D. Gumawa ng mga dahilan kung sakaling nababalot ng takot kapag planong ipadala sa isang magulong bayan
3. Kabilang sa mga dahilan kung bakit sumiklab ang Unang Digmaan na tinaguriang Great War ay ang imperyalismo o ang pagsakop ng makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa. Kung ikaw ay nakakita ng isang malakas na tao na inaapi ang isang mahinang tao, ano ang nararapat mong gawin?
A. Agad ipagbigay-alam sa kinauukulan ang nagyaring insidente
B. Sugurin agad ang taong nang-aapi upang makaganti
C. Harangan ang mga suntok upang hindi masaktan ang taong inaapi
D. Agad kunan at i-upload sa social media at sa kaibigan sa facebook
4. Nagkaroon kayo ng talakayan tungkol sa pinagmulan ng digmaan.Naatasan ka ng iyong guro na mag-ulat sa klase ng mga dahilan kung bakit nag-aaway away o nagkakaroon ng digmaan sa daigdig, Paano mo ito ipepresent sa klase?
A. Mag interview sa mga taong naninirahan sa iskwater na madalas na nag-aaway
B. Magsasaliksik sa dahilan ng digmaan at ipeperesent sa pamamagitan ng dialogo
C. Mangalap ng impormasyon at gumawa ng Power Point at Video Presentation
D. Magsagawa ng seminar at magimbeta ng pari upang magbigay aral sa mga tao.
5. Sinasabing nalalaman lamang ang epekto ng digmaan kung ito ay tapos o naganap na. Pabor ka ba na magkaroon ng digmaan ang dalawang bansa bago magkaroon ng kapayapaan?
A. Oo, sapagkat mahirap makamit ang kapayapaan kung walang magaganap na labanan
B. Oo, dahil mabuting matamo ang kapayapaan kapag marami nang tao ang nabiktima ng digmaan
C. Hindi, sapagkat maaring makamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapang paraan
D. Hindi, dahil ang digmaan ay magiging dahilan ng pagbagsak ng pandaigidigang ekonomiya
6. Ibat-iba ang naging sanhi ng Unang Digmaang Pandaigdig. Alin sa mga sumusunod na sanhi ang tumutukoy sa pagpapahusay at pagtatatag ng malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan, gayundin ang pagpaparami ng armas noongUnang Digmaang Pandaigdig?
A. Imperyalismo
B. Militarismo
Nasyonalismo
Pagbuo ng mga alyansa
7. Alin sa sumusunod na pangyayari ang naging hudyat ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigidg?
A. Paglusob ng Germany sa Belgium
B. Pagpapalabas ng Labing-apat na Puntos ni Pangulong Woodrow Wilson
C. Pagwawakas ng mga imperyo sa Europe tulad ng Germany, AustriaHungary, Russia at Turkey
D. Pagpaslang sa tagapagmana ng trono ng Austria-Hungary na si Archduke Francis Ferdinand
8. Sa kasalukuyang ang isyu sa Pilipinas ay ang pag-aagawan sa West Philippine Sea. Bawat isa ay nagbabantay sa isla sa iyong palagay ano mas mabuting gawin upang maiwasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa?
A. Alamin sa kasaysayan kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng isla
B. Gawing batayan sa teritoryo ng bawat bansa
C. Pag-aralan kung alin bansa ang higit na malapit sa islang pinag-aagawan
D. Alamin kung sino ang mga nakatira sa islang pinag-aagawan
9. Isa sa dahilan ng pinagsimulan ng unang digmaang pandaigdig ay ang pagkakapatay kay Archduke Franz Ferdinand at sa asawa nitong si Sophie ni Gavrilo Princip. Dahil dito bumangon ang damdaming nasyonalismo ng Hungary-Austria at lumusob ito sa Belhika. Kung ikaw ay mamamayan ng Belhika ano ang gagawin mo?
A. Aalis ako sa Belhika upang di makasali sa gulong kainasasangkutan ng Belhika
B. Makikipagdigma ako sa Hungary –Austria dahil ito ay para sa aking bayan
C. Makikipagkasundo ako at makikipagdiplomatiko sa mga Pinuno ng Hungary- Austria
D. Makikidigma na ako para sa kasiguruhan ng kaligtasan ng aking pamilya
10. Ang pagkakaiba-iba ng kultura, ideolohiya ay ilan lamang sa pinagmumulan ng digmaan. Maging sa mga lugar sa bawat bansa ay nangyayari ito. Bilang isang mamamayan ano ang maaaring gawin upang maiwasan ito?
A. Manalangin parati upang malampasan ang mga pagsubok ng inyong bansa;
B. Humingi ng payo sa mga may katungkulan sa bayan para sa ikabubuti ng bansa;
C. Pag-usapan ng dalawang bansa ang suliranin at kung paano sila magkakasundo;
D. Pagdisiplina UN sa bansang di sumusunod sa mga batas na napagkasunduan.
11. Ang isa sa mga naging dahilan ng paglala ng digmaan ay ang pag-aalyansa ng mga bansa. Sa ating kasalukuyang panahon ito ay tumutukoy sa pagkakampi-kampihan. Kung ikaw ay kabilang sa isang grupo na may ganitong kalagayan ano ang gagawin mo?
A. Hihikayat pa ako ng ibang grupo na sasapi sa grupo upang lalong lumakas ang puwersa
B. Aalamin ko muna kung tama ba ang prinsipyong ipinaglalaban ng aking grupo
C. Susuporta ako sa aking grupo tama man ito o mali ang kanilang ipinaglalaban.
D. Lulusubin naming ang kalabang grupo upang malaman nila ang lakas ng aming puwersa.
12. Sa Panahon ng Digmaan maraming mga mamamayan ang nagpamalas ng pagiging makabayan. Bilang isang mamamayan paano mo maipakikita ang pagkamakabayan sa panahon ng Digmaan.
A. Pagtangkilik sa produkto gawa sa ating bansa
B. Paggamit sa sariling wika sa pakikipag-ugnayan sa kapwa
C. Paggalang sa mga bayani at simbolo ng ating bansa.
D. Pagtatanggol sa bansa kahit buhay ang maging kapalit
13. Maraming digmaan ang natala sa kasaysayan. Ang ilan ay nag-iwan ng ilang aral sa mga mamamayan nito. May mabuti at mayroon ding hindi. Isa sa mabuting epekto ng Digmaan ay ang paglaya ng mga bansa sa mga bansang nanakop sa kanila. Kung ikaw ay isang mamamayan nanaisin mo bang magkaroon ng digmaan?
A. Oo, dahil ito ang magbibigay sa bansa ng kapayapaan
B. Oo, dahil ito lamang ang paraan upang tayo ay makalaya
C. Hindi, dahil magdudulot ito pagkasawi ng buhay
D. Hindi, dahil tataas ang kriminalidad at imoralidad
14. Sadyang nabago ang mapa ng Europe dahil sa digmaan. Nag-iba ang kalagayang pulitika sa buong daigdig. Ang imperyo ay nagwakas. Lubhang naging marahas din ang pagpaparusa sa Germany. Kung ikaw ay mga bansang nanalo sa digmaan ganoon din ba ang gagawin mo sa Germany?
A. Oo, dahil naging malupit at marahas sila sa kanilang mga naging kalaban
B. Oo, dahil hindi sila sumunod sa kasunduan na naganap sa Versailles
C. Hindi, dahil dapat isipin ang kalagayan ng Germany pagkatapos ng digmaan.
D. Hindi, dahil dito magsisimula ang pagkakaroon ng magandang samahan
15. Alin sa mga sumusunod ang mga naging pagbabago na hatid ng digmaan?
I. Ang mga kababaihan ay nagtatrabaho sa mga pabrika
II. Hinahayaan ng Pamahalaan ang iba’t ibang uri ng balita ukol sa digmaan
III. Maraming kalalakihan ang nasawi sa digmaan
IV. Mahigpit na pinangangasiwaan ng pamahalaan ang pamamalakad ng ekonomiya
A. I,
B. I, II
C. I, II, III
D. I, III, IV
16. Nasaksihan mo ang naging epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa pamumuhay ng mga tao at sa bansa. Kung ikaw ay isang lider na nakaligtas sa Unang Digmaang Pandaigdig, alin ang nararapat unang bigyang-pansin?
A. pagsali sa iba’t ibang pandaigdigang samahan
B. payagan ang lahat ng dayuhang mamumuhunan na papasok sa bansa
C. palawakin ang teritoryo upang madagdagan ang mga hilaw na sangkap at mapabilis ang pag-unlad
D. pagpapatupad ng mga programang pang-ekonomiya na nakatuon sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga tao.
17.Alin sa mga sumusunod ay naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig.
A. Naantala ang mga gawaing pangkabuhayan
B. Sa digmaan walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot ay apektado.
C. Maraming tao ang namatay, nagkasakit, naghirap, maraming ari-arian ang nawasak.
D. Lahat ng nabanggit.
18. Ang Liga ng mga Bansa ay naglalaman ng sumusunod na probisyon
I Maiwasan ang digmaan
II Ipagtanggol ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba
III Lumutas sa mga usapin at mga hindi pagkakaunawaan ng mga kasapi
IV Pandaigdigang pagtutulungan
V Binawasan at pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany
A. I, II, III, IV
B. I, II, III, V
c. . II, III, IV, V
D. I, III, IV, V
19. Ang pamahalan ang unang nagpapasan kung ano ang naiwang suliranin ng Digmaan.Kung isa kang pinuno ng bansa, paano mo maiiiwas ang bansa sa pagkakasangkot sa digmaan?
A. Pakikiisa at makikilahok sa mga layuning pangkapayapaan
B. Magtatalaga ng mga mandirigma sa mga hangganan
C. Pakikipag-ugnayan sa mga pinuno ng ibang bansa
D. Kakaibiganin ang mga mamamayan na iyong nasasakupan
20.Di napigilan ang pagbangon ng digmaan sa pagitan ng mga bansa. Ang pagkabigo ng Liga ng mga Bansa sa pagpapanatili ng kapayapaan ay naging hudyat ng muling pag-igting ng hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Ano ang karaniwang sanhi ng pagsiklab ng malalaking digmaan?
A. Kakulangan ng pagpapanatili ng kapayapaan
B. Kakulangan sa Likas na pinagkukunang yaman
C. Suliraning pang-ekonomiya at kabuhayan
D. Suliraning sa pamamahala at pulitikal
21.Magastos ang masangkot sa digmaan . Marami ang namamatay, nasisirang imprastraktura at laganap din ang imoralidad at kahirapan. Ang labing apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson ang pinagbatayan ng Kasunduang Pangkapayapaan. Tama ba ang ginawa ng apat na pinuno?
A. Oo, dahil naging mabilis ang pagkakasundo ng mga bansa
B. Oo, dahil nabuo ang Kasunduang Pangkapayapaan
C. Maaari dahil wala naming tumutol sa mga bansa
D. Maaari dahil pare-pareho sila ng hangarin para sa kanilang bansa
22.Nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng isang kasunduan na tinawag na Treaty of Versailles. Bakit naging daan ito sa pagkakaroon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
A. Hindi ito sinuportahan ng United States.
B.Hindi naging makatwiran sa Germany ang naging kasunduan.
C.Dahil ang Treaty of Versailles ay isa ring daan upang hindi magkasundo.
D.Ito ay nagsasaad ng Kasunduan ng pansamantalang itigil ang labanan
23. Ang paggamit ng mga sandata ay nag-iiwan ng mga kemikal na nakasasama sa mga kalusugan.Alin sa mga sumusunod ang pinakamatinding epekto nito sa kasalukuyang panahon?
A. Kanser sa dugo (Leukemia)
B. Kanser sa baga
C. Thyroid Cancer
D. Mental Retardation
24. Alin sa mga sumusunod na mga sanhi ng Ikalawang Digmaang pandaigdig ang mga naganap sa Europe?
I. Digmaang Sibil ng Spain
II. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia
III. Pag-agaw ng Japan sa Manchuria
IV. Pagsasanib ng Austria at Germany
A.
I, III, IV
B. I,II,III
C. II, III, IV
D. I, II, IV
25. Malaki ang naging pagbabago sa daigdig sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga sumusunod ay naging epekto nito maliban sa?
A. Paglaya ng maraming bansa
B. Pagbagsak ng Allied Powers
C. Pagbagsak ng ekonomiya
D. Pinsala sa buhay at Ari-arian
26. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang mga naglalarawan sa kinalabasan ng pandaigdigang ekonomiya matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
I. Marami ang namatay sa digmaan
II. Kaunti ang produksyon ng pagkain
III. Naantala ang kabuhayan ng mga tao
IV. Bumagal ang pag-unlad ng mga bansa
A. I,II, IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. II, I, IV
27. Alin ang mga kabilang sa Epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
I. Marami ang namatay at nasirang ari-arian
II. Lumago ang ekonomiya ng mga bansa sa daigdig
III. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa
IV. Bumagsak ang pamahalaang Totalitarismo nina Hitler, Mussolini at Hiroshimo.
A. I, III, IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. II, I, IV
28. Maraming mga aspeto sa buhay ng tao ang naaapektuhan kung nasangkot ang mga bansa sa digmaan. Alin sa mga epekto ng digmaang pandaigdig ang may kinalaman sa usaping pang-ekonomiya o pangkabuhayan?
A .Naitatag ang nagkakaisang bansa o United Nations para sa kapayapaan
B. Nahati ang daigdig sa ibat-ibang patakarang pangkabuhayan at ideolohiya
C. Isinulong ng mga bansa sa Europa ang kapitalismo at pamumuhunan
D. Umabot sa 50 milyon ang namatay sa ikalawang digmaang pandaigdig
29. Mahalaga ba ang pagkakaroon ng organisasyon o samahan sa pagitan ng mga bansa sa mundo?
A. Opo, dahil nagdudulot ito ng pagkakaroon ng maraming pagkakakilanlan
B. Hindi, dahil maari pa rin namang tumakbo ang isang bansa o lipunan kahit walang mga organisasyon
C. Opo, dahil nagkakaroon ng pagkakataon ang mga bansa na magkaisa sa iisang layunin
D. Hindi, dahil hiram na Kanluraning konsepto ang pagkakaroon ng pandaigdigang Organisasyon
30. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng mga maaring maging solusyon sa mga hamong kinahaharap ng mga samahang pandaigdig?
I. Sama-samang pagkilos
II. Maayos at mabuting ugnayan
III. Laging pagbatikos sa mga polisiya at panukala
IV. Pagpapalaganap ng pandaigdigang pagkakaunawaan
A. I at III
B. I at II
C. I, II, at III
D. I, II, at IV
31. Alin sa mga sumusunod ang mga maituturing na haligi ng UN?
I. Kapayapaan at seguridad
II. Pananaig ng batas
III. Mga karapatang pantao
IV. Impluwensiyang politikal
A. I at III
B. I at II
C. I, II, at III
D. I, II, III at IV
32. Kailan opisyal na naitatag ang United Nations?
A. Oktubre 24, 1945
B. Enero 10, 1942
C. Enero 10, 1920
D. Enero 16, 1920
33. Ang digmaang pandaigdig ay nagbigay daan sa pagbagsak ng mga kabuhayan ng maraming bansa na nagdulot ng pagtaas ng presyo sa mga pamilihan. Ano ang gagawin mo kung may pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa pamilihan ngayon?
A. Hindi na muna ako bibili ng aking pangangailangan
B. Titipirin ko kung anuman ang makakaya kong tipirin
C. Magrereklamo ako sa pamahalaan ukol sa pagtaas ng presyo sa pamilihan.
D.Uunawain ko na lamang ang mga nagtititnda ukol sa pagmahal ng bilihin
34. Binagsak ng mga Amerikano ang bomba atomika sa Hiroshima at isa pang bomba atomika sa Nagasaki.
A. Binasa ni Emperador Hirohito ng Japan ang pagsuko ng kanilang bansa.
B. Paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon
C. Naitatag ang Greater East AsiaProsperity.
Sumapit ang VE Day
35. Nakamit ng bansang Hapon ang tagumpay sa pananakop sa Pasipiko.
A. . Sumapit ang VE Day
B. Paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon
C. Binasa ni Emperador Hirohito ng Japan ang pagsuko ng kanilang bansa.
D. Naitatag ang Greater East
Asia Prosperity.
36. Hunyo 1944, tinalo ng pinagsamang puwersa ng Britanya, Amerikano, Pransya, at
Canadian ang mga Nazi sa Normandy, Pransya.
A. D-Day
B. Sumapit ang VE Day
C. Paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon
D. Pagbagsak ng Germany
37. Pagbabalik ni Heneral Douglas MacArthur sa Pilipinas
A. Binasa ni Emperador Hirohito ng Japan ang pagsuko ng kanilang bansa.
B. Paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon
C. Naitatag ang Greater East Prosperity
D. Sumapit ang VE Day
38. Nabihag ng mga Ruso ang Berlin.
A. Naitatag ang Greater East
AsiaProsperity
B. Paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon
C. Binasa ni Emperador Hirohito ng Japan ang pagsuko ng kanilang bansa
D. Sumapit ang VE Day
39. Sa huling araw ng Abril 1945, Umatake ng Allies sa Kanluran at Russia sa Silangan.
A. Paglaya ng Pilipinas sa mga Hapon
B. Naitatag ang Greater East Asia Prosperity
C. D-Day
D. Pagbagsak ng Germany
40. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalahad ng naging layunin ng pagkakatatag ng United Nations?
I. Mapaunlad ang mabuting pagsasamahan ng mga bansa.
II. Mapanatili ang pandaigdigang kapayapaan at seguridad.
III. Magkaroon ng kanya-kanyang solusyon sa problema ang mga bansa
IV. Maging sentro ng pagkakasundo para matugunan ang mga gawain ng mga bansa sa pagtamo ng layunin.
A. I, III, IV
B. I, II, III
C. II, III, IV
D. I, II, IV
