wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review Material n Araling Panlipunan 7

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa paraan ng pananakop kung saan ginagamit ng mga mananakop ang likas na yaman ng bansang sinakop para sa kanilang sariling interes?

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Protektorado

d)

Sphere of Influence

2.

Anong prinsipyong pang-ekonomiya na nagsasaad na ang tunay na kayamanan ng bansa ay batay sa dami ng ginto at pilak nito?

a)

Merkantilismo

b)

Nasyonalismo

c)

Pilosopiya

d)

Relihiyon

3.

Ano ang tawag sa sitwasyon na pinahihintulutan ang mga lokal o katutubong pinuno ng mas mahinang bansa na mamahala ngunit kontrolado ng mas malakas na bansa ang mga pinuno na kanilang binigyan ng kapangyarihan?

a)

Concession

b)

Kolonyalismo

c)

Protektorado

d)

Sphere of Influence

4.

Ang pakikipagkalakalan ang naging unang ugnayan ng mga Europeo at Asyano bago pa man ang pananakop. Ano ang isla na kilala sa dami ng mga pampalasa at isa sa naging dahilan ng pagtungo ng mga Kanluranin sa Timog-Silangang Asya?

a)

A. Constantinople

b)

B. Moluccas

c)

C. Myanmar

d)

D. Pilipinas

5.

Ano ang tawag sa ng panahon sa kasaysayan ng Europa kung saan naging aktibo ang mga bansa na maglayag sa iba't-ibang lugar upang tumuklas ng mga bagong lupain?

a)

Panahon ng Pananakop

b)

Panahon ng masaganang kalakalan

c)

Panahon ng Paggagalugad at Pagtuklas

d)

Panahon ng pag-angkin ng mga lupain

6.

Ano ang pangunahing pagkakaiba ng unang yugto sa ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin?

a)

A. Ang unang yugto ay pinangunahan ng mga bansang Kanluranin, samantalang ang ikalawang yugto ay pinangunahan ng Asya.

b)

B. Ang unang yugto ay nakatuon sa hilaw na materyales, habang ang ikalawang yugto ay nakatuon sa kalakalan.

c)

C. Ang unang yugto ay tungkol sa eksplorasyon, habang ang ikalawang yugto ay may layuning ekonomiko.

d)

D. Ang unang yugto ay mas mapayapa kaysa sa ikalawang yugto.

7.

Alin sa mga sumusunod ang patakarang ipinatupad sa Vietnam noong panahon ng kolonyalismo?

a)

Sistemang tributo

b)

Pagbibigay ng libreng edukasyon

c)

Pag-aalis ng mga paniniwalang lokal

d)

Pagtatanim ng kape at goma para sa pandaigdigang kalakalan

8.

Anong pagkakatulad ng mga patakarang kolonyal ng Pilipinas, Indonesia at Malaysia?

a)

Pinalaganap ang demokrasya mula pa noong simula.

b)

Ipinatupad agad ang sistemang pamilihan.

c)

Lahat ng bansa ay tuwirang ginawang kolonya ng Espanya.

d)

Pinagsamantalahan ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa.

9.

Aling mga bansa ang nanguna sa unang yugto ng imperyalismo?

a)

A. England at France

b)

B. Italy at Russia

c)

C. Spain at Portugal

d)

D. Germany at Netherlands

10.

Maraming mga naging dahilan upang magtungo ang mga Kanluranin sa Asya noong unang yugto ng Imperyalismo. Ano ang kilusan na inilunsad ng mga Kristiyanong Hari upang mabawi ang banal na lugar na Jerusalem?

a)

Kapitalismo

b)

Krusada

c)

Merkantilismo

d)

Renaissance

11.

Anong anyo ng pagtutol ang ipinakita ng mga Pilipino noong kolonyalismo?

a)

Pag-angkin ng kulturang banyaga.

b)

Pakikipagtulungan sa mga mananakop.

c)

Pagtutol sa pamamagitan ng mga pag-aalsa.

d)

Pagyakap sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop.

12.

Sa ilalim ng patakarang kolonyal ng Espanya, ano ang pangunahing relihiyong ipinalaganap sa Pilipinas?

a)

Buddhism

b)

Hinduismo

c)

Islam

d)

Kristiyanismo

13.

Ano ang pangunahing patakarang kolonyal sa Myanmar?

a)

Pagpapakilala ng demokrasya

b)

Pagpapatayo ng sapilitang paggawa

c)

Pagbibigay ng karapatang makaboto

d)

Pagpapatayo ng mga paaralang pampubliko

14.

Ano ang pangunahing layunin ng pag-alsa sa Vietnam laban sa mga French?

a)

Pagtatamo ng Kalayaan

b)

Pagpapakilala ng demokrasya

c)

Pagtatatag ng sistemang kapitalista

d)

Pagpapakilala ng edukasyong Kanluranin

15.

Ano ang tawag sa sistemang pang-ekonomiya na pinairal ng mga Dutch sa Indonesia kung saan pinilit ang mga mamamayan na magtanim para sa interes ng mga dayuhan?

a)

Culture/Cultivation System

b)

Encomienda System

c)

Patakarang Liberal

d)

Polo y Servicios

16.

Paano naging bahagi ng imperyalismo ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga kolonya?

a)

Bilang pangunahing layunin ng imperyalismo.

b)

Upang makontrol ang mga paniniwala ng mga lokal na mamamayan.

c)

Upang mapanatili ang mapayapang ugnayan sa mga sinakop na bansa.

d)

Bilang paraan ng pagpapalakas ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa.

17.

Paano naapektuhan ng kolonyalismo ang kalagayan ng ekonomiya sa Indonesia?

a)

Nagkaroon ng patas na oportunidad para sa lahat.

b)

Lumago ang lokal na industriya dahil sa kalakalan.

c)

Naubos ang likas-yaman dahil sa sapilitang paggawa.

d)

Nalimitahan ang kalayaan ng mga mamamayan sa negosyo.

18.

Ano ang karaniwang layunin ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog-Silangang Asya?

a)

Pagpapayaman ng bansang sinakop.

b)

Pagtuturo ng makabagong teknolohiya.

c)

Pagkuha ng hilaw na materyales at yamang likas.

d)

Pagpapakilala ng modernong sistema ng edukasyon.

19.

Ang mga sumusunod ay naging epekto ng kolonisasyon sa Asya, alin ang HINDI kabilang dito?

a)

Pagtatag ng mga organisasyon ukol sa paglaban sa mga mananakop

b)

Naging pamilihan ng mga hilaw na materyales

c)

Pagpapatayo ng mga paaralan

d)

Pagsasarili

20.

Sinasabing ang aklat ni Marco Polo ang siyang gumising sa kuryosidad at imahinasyon ng mga Europeo upang makipagsapalaran sa ibayong dagat para marating ang Asya. Ano ang pinakaangkop na mensahe ang nais na ipahiwatig nito?

a)

Naging masaya ang buhay ng mga Europeo.

b)

Lahat ng Europeo ay nakarating sa Asya.

c)

Naging daan ito nang pananabik ng mga Europeo sa Asya.

d)

Ginawang inspirasyon ng ilan ang aklat ng Europeong aklat sa kanilang pamumuhay.

21.

Paano mo magagamit ang natutunan mo tungkol sa iba’t ibang pagtugon sa kolonyalismo upang maipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagharap sa mga hamon?

a)

Sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga mananakop.

b)

Sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga kilusang mapagpalaya

c)

Sa pamamagitan ng pag-aalsa at pagtutol sa mga sinakop na bansa.

d)

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop.

22.

Suriin ang epekto ng kolonyalismo sa ekonomiya ng Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng

       pagsusuri ng mga patakaran tulad ng sistemang sapilitang paggawa. Alin sa mga sumusunod ang

       pinakamalaking epekto nito?

a)

.  Naubos ang likas-yaman ng mga kolonya.

b)

Lumago ang kalayaan ng mga manggagawa.

c)

Napabilis ang modernisasyon ng agrikultura.

d)

Nabawasan ang populasyon ng mga lokal na magsasaka.

23.

Ano ang tawag sa sistema ng pananakop kung saan ang isang makapangyarihang estado ay sapilitang kinokontrol ang mas maliliit at mahihinang estado?

a)

Economic Imperialism

b)

Imperyalismo

c)

Kolonyalismo

d)

Protektorado

24.

Ano ang pangunahing epekto ng kolonyalismo sa kultura ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya?

a)

Paghalo ng mga lokal na kultura sa mga dayuhang impluwensiya.

b)

Pagkawala ng lahat ng tradisyonal na gawi.

c)

Pagbabali sa mga sinaunang pamahiin.

d)

Pagkawala ng edukasyon at kalakalan.

25.

Kung ikaw ay isang mag-aaral na isinilang noong panahon ng imperyalismong Hapon, paano mo isasabuhay ang mga aral ng kanilang pananakop para sa ikauunlad ng iyong bansa?

a)

Magpokus sa pag-aaral ng agham at teknolohiya.

b)

Maging bahagi ng hukbo upang ipagtanggol ang bayan.

c)

Magsulong ng mga samahan para sa edukasyon at kultura.

d)

Magtrabaho upang suportahan ang ekonomiya ng kolonya.

26.

Suriin ang epekto ng kolonyalismo sa ekonomiya ng Timog-Silangang Asya sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga patakaran tulad ng sistemang sapilitang paggawa. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking epekto nito?

a)

Naubos ang likas-yaman ng mga kolonya.

b)

Lumago ang kalayaan ng mga manggagawa.

c)

Napabilis ang modernisasyon ng agrikultura.

d)

Nabawasan ang populasyon ng mga lokal na magsasaka.

27.

Suriin ang mga kilusang pag-aalsa sa Pilipinas, Vietnam at Indonesia. Ano ang kanilang pagkakatulad sa layunin ng paglaban?

a)

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo

b)

Pagsulong ng makabagong edukasyon

c)

Pagpapatibay ng ugnayan sa mga Kanluranin

d)

Pagtaamo ng kalayaan mula sa mga mananakop

28.

Ano ang pangunahing layunin ng Pranses sa kanilang pananakop sa Vietnam?

a)

Pagsupil sa komunismo

b)

Pagtatag ng bagong relihiyon

c)

Pagkontrol sa kalakalan ng palay

d)

Pagpapalawak ng ekonomiya at impluwensiyansa rehiyon

29.

Alin sa sumusunod ang patakarang ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas upang gawing sentralisado ang pamahalaan?

a)

Kolonyalismo

b)

Pagtatag ng Konstitusyon

c)

Reduccion

d)

Sistemang Kastila

30.

Batay sa mga epekto ng unang yugto at ikalawang yugto ng imperyalismong Kanluranin, alin sa dalawang ito ang mas may malaking kontribusyon sa pag-unlad ng transportasyon at kalakalan sa Timog-Silangang Asya? Ipaliwanag ang sagot.

a)

Unang yugto dahil sa pagpapalaganap ng sistemang barter.

b)

Unang yugto dahil sa pagpapakilala ng pampublikong daungan.

c)

Ikalawang yugto dahil sa pag-aangkat ng mga produktong Europeo.

d)

Ikalawang yugto dahil sa pagtatayo ng mga riles ng tren at infrastruktura.

31.

Alin sa mga sumusunod ang di mabuting epekto ng imperyalismong Hapon?

a)

Paglago ng mga industriya na bayan.

b)

Pag-unlad ng teknolohiya at imprastruktura.

c)

Pag-usbong ng sistemang edukasyong teknikal.

d)

Pagdurusa ng mga mamamayan sa ilalim ng sapilitang paggawa.

32.

Ano ang layunin ng mga patakarang kolonyal sa pagpapasulong ng sistemang transportasyon sa Timog-Silangang Asya?

a)

Upang mapaunlad ang sistema ng edukasyon.

b)

Upang gawing modernisado ang mga sinakop na bansa.

c)

Upang mapanatili ang ugnayan ng mga kolonya sa Europa.

d)

Mapabilis ang pagkuha at pagluwas ng mga likas na yaman at produkto ng mga kolonya patungo sa mga bansang mananakop.

33.

Suriin ang epekto ng imperyalismong Hapon sa edukasyon sa Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin nito?

a)

Pagtuturo ng modernong agham at teknolohiya.

b)

Pagpapakilala ng internasyonal na kalakalan.

c)

Pagsusulong ng kulturang Kanluranin sa mga Pilipino.

d)

Pagpapatatag ng nasyonalismo sa ilalim ng pamumuno ng Hapon.

34.

Surin ang mga patakarang kolonyal na ipinatupad sa Malaysia, Pilipinas, at Indonesia. Ano ang pangunahing layunin ng mga ito?

a)

Pagkontrol sa likas-yaman ng kolonya.

b)

Pagpapalalaganap ng sistemang edukasyon.

c)

Pagpapalaganap ng kalayaan sa mga kolonya.

d)

Pagbibigay ng oportunidad sa lokal na liderato.

35.

Sino ang prinsipe na namuno sa Rebelliong Javanese laban sa mga mananakop na Dutch sa bansang Indonesia?

a)

Diponegoro

b)

Douglas McArthur

c)

Ho Chi Minh

d)

Jose P. Rizal

36.

Ano ang pangunahing dahilan ng pag-aalsa ni Andres Bonifacio at ng Katipunan laban sa kolonyal na pamahalaan ng Espanya sa Pilipinas?

a)

Kawalan ng kalayaan sa rehiyon

b)

Pagpapalit ng wika ng edukasyon

c)

Pag-aalis ng sistemang encomienda

d)

Pagpapataw ng mabigat na buwis at kawalang-katarungan

37.

Anong Kanluraning bansa ang nanakop sa Cambodia na nagbigay din ng proteksyon sa bansa laban sa anumang intrusyon ng Siam o ng Vietnam kapalit nito ang ilang kalayaan?

a)

France

b)

Great Britain

c)

Italya

d)

Netherlands

38.

Paghambingin ang mga estratehiya ng Pilipinas, Vietnam, at Thailand sa pagtugon sa kaayusang kolonyal sa kanilang rehiyon. Alin sa mga bansa sa tingin mo ay nagkaroon ng pinaka-epektibong paraan? Ipaliwanag ang batayan ng iyong sagot.

a)

Pilipinas dahil sa direktang rebolusyon at pagkamti ng kalayaan.

b)

Lahat ng nabanggit dahil sa kani-kaniyang tagumpay sa iba't ibang aspeto.

c)

Vietnam dahil sa matagumpay na pakikidigmang gerilya laban sa mga kolonyalista.

d)

Thailand dahil sa kakayahang mapanatili ang soberanya sa pamamagitan ng diplomatikong kasunduan.

39.

Bumuo ng isang patakaran na maaaring ipatupad sa kasalukuyan upang maiwasan ang negatibong epekto ng kolonyalismo sa mga bansa sa pangkontinenteng Timog-Silangang Asya. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na patakaran?

a)

Pag-angkat ng mga produktong kanluranin para sa modernisasyon.

b)

Pagpapanatili ng mga tradisyunal na kolonyal na sistema ng ekonomiya.

c)

Pagtatalaga ng mga dayuhang tagapayo upang pamahalaan ang lokal na ekonomiya.

d)

Pagpapalakas ng lokal na industriya upang mabawasan ang pagdepende sa dayuhang kalakalan.

40.

Magdisenyo ng isang programa na magpapakita ng positibong impluwensiya ng imperyalismong Hapon sa edukasyon ng Pilipinas noong ika-20 siglo. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-akmang programa?

a)

Pagtuturo ng wikang Hapon sa lahat ng paaralan.

b)

Pagpapakilala ng mga kulturang Asyano sa mga lokal na kurikulum.

c)

Pagpapatibay ng sistemang edukasyon batay sa Kanluraning modelo.

d)

Pagkakaroon ng libreng edukasyon sa agham at teknolohiya sa lahat ng antas.