wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Grade 9. Kabanata 21-30

Total questions: 20

Worksheet time: 19mins

Name
Class
Date
1.

Isa siyang masintahing ina at mapagmahal sa kanyang pamilya ngunit kalaunan nang mawala ang kanyang mga anak, nawala rin siya sa katinuan. Sino siya?

(a)  

2.

Sino ang pinaghahahanap ng mga guwardiya sibil sapagkat nanakit daw ito ng isang pari? Siya ang piloto o bangkero ng bangkang lulan ang langkay ng mga kababaihan at kabinataan ng San Diego.



(a)  

3.

Siya ang taong hiningan ng payo ni Ibarra tungkol sa ipatatayong paaralan.

(a)  

4.

Siya ang arkitekto ng ipagagawang paaralan ni Ibarra.

(a)  

5.

Humingi siya ng tulong kay Ibarra sapagkat dalawang araw ng nawawala ang kanyang mga anak at nawala sa katinuan ang kanyang asawa.

(a)  

6.

Maraming kilalang TAHUR ang nagtungo sa bayan ng San Diego. Ano ang kasingkahulugan ng salitang TAHUR?

a)

Bangkero

b)

Magsusugal

c)

Magdadasal

d)

Prayle

7.

Binigay ni Maria Clara ang AGNOS sa ketongin dahil wala siyang maibigay na kahit ano. Ano ang kasingkahulugan ng salitang AGNOS?

a)

Pera

b)

Porselas

c)

Kwintas

d)

Tinapay

8.

Itinarak ni Ibarra ang PUNYAL sa dibdib ng Buwaya. Ano ang kasingkahulugan ng salitang PUNYAL?

a)

Kutsilyo

b)

Kawit

c)

Baklad

d)

Espada

9.

Nakadukmo si Sisa sa loob ng KWARTEL. Ano ang kasingkahulugan ng salitang KWARTEL?

a)

Kuwarto

b)

Kulungan

c)

Kumbento

d)

Gubat

10.

Dumating sa salusalo ang LANGKAY ng mga kabinataan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang LANGKAY?

a)

Lider

b)

Pagkain

c)

Libro

d)

Pangkat

11.

Ang Bisperas ng Pista ng San Diego ay ginaganap tuwing ika-11 ng Nobyembre.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Kumubli si Padre Salvi sa isang puno upang mapagmasdan ang mga dalagang nagtatampisaw. Namilog ang kanyang mga mata sa mapuputi't mabibilog na bisig ni Maria Clara.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Gustong-gustong imbitahin ni Maria Clara si Padre Salvi sa gaganaping salusalo sa kagubatan sapagkat giliw na giliw siya sa pari.

a)

Tama

b)

Mali

14.

Nagulat ang mga kaibigan ni Maria Clara nang ibig nito ang agnos sa ketonging mang-aawit.

a)

Tama

b)

Mali

15.

Ayon kay Tasyo, dapat na sa makapangyarihan humingi ng opinyon at payo si Ibarra kung nais niyang matuloy ang pangarap niyang paaralan.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Napatay ng bangkero at ni Ibarra ang Buwayang nakapasok sa baklad.

a)

Tama

b)

Mali

17.

Nang hindi mahanap ng mga guwardiya sibil ang magkapatid na Crispin at Basilio, dinakip na lamang nila si Sisa at dinala sa kwartel ng Alperes.

a)

Tama

b)

Mali

18.

Nagsimula ang prusisyon ganap na ika-8:30 ng umaga. Ayon naman kay Pilosopo Tasyo, ang paghahanda sa Pista ay paglulustay lamang ng pera na dapat sana'y itulong na lamang sa mga mahihirap.

a)

Tama

b)

Mali

19.

Si Padre Damaso ang magsesermon sa araw ng Pista ng San Diego.

a)

Tama

b)

Mali

20.

Nais i-alay ni Ibarra sa kanyang kasintahang si Maria Clara ang ipatatayo nitong paaralan.

a)

Tama

b)

Mali