wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PANANALIKSIK Review Part 2

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay siyentipikong proseso na kinapapalooban ng masusing pagpili ng datos o imbestigasyon o pagsisiyasat at pagsusuri upang makalikha ng mga bagong kaalaman.

a)

PAGSUSURI

b)

PAGSULAT

c)

PANANALIKSIK

d)

PAGBASA

2.

Katangian ng pananaliksik na tumutukoy sa pagsunod ng maayos at makabuluhang proseso sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin.

a)

KONTROLADO

b)

SISTEMATIKO

c)

EMPIRIKAL

d)

PAGSUSURI

3.

Ito ay binubuo ng mga talata bilang simula ng kabanata. Ito ay magsisilbing panghikayat upang basahin ang buong pag-aaral.

a)

BALANGKAS KONSEPTUWAL

b)

HAYPOTESIS

c)

PANIMULA

d)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

4.

Tinatalakay sa bahaging ito kung kailan nagsimula, paanong naganap at saan naganap ang suliranin.

a)

BALANGKAS TEORETIKAL

b)

KALIGIRAN NG PAG-AARAL

c)

SAKLAW AT DELIMITASYON

d)

PANIMULA

5.

Ito ay tumutukoy sa aktwal na teorya na hango sa mga naisagawang pag-aaral ng mga dalubhasang manunulat at iba pang babasahin.

a)

HAYPOTESIS

b)

PANIMULA

c)

BALANGKAS KONSEPTUWAL

d)

BALANGKAS TEORETIKAL

6.

Ito ang pokus o sentro ng pag-aaral. Ang mga katanungang inilahad dito ay nararapat na masagutang lahat ayon sa pagkakasunod-sunod.

a)

KAUGNAY NA LITERATURA

b)

BALANGKAS KONSEPTUWAL

c)

PANIMULA

d)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

7.

Ito ay pansamantala ngunit matalino at lohikal na paghinuha at pagsagot sa tiyak na tanong o suliranin na maingat na binuo bago isagawa ang pananaliksik.

a)

PAMARAAN NG PAG-AARAL

b)

PANIMULA

c)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

d)

HAYPOTESIS

8.

Ito ay naglalahad ng kahalagahan at ang magiging ambag ng isinasagawang pag-aaral sa disiplina at lipunang kinabibilangan.

a)

SAKLAW AT LIMITASYON

b)

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

c)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

d)

BALANGKAS TEORETIKAL

9.

Ito ay tumutukoy sa lugar kung saan isasagawa ang pag-aaral, panahon kung kailan isasagawa ang pag-aaral, at kung sino at ilan ang mga kalahok sa pag-aaral.

a)

BALANGKAS TEORETIKAL

b)

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

c)

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

d)

SAKLAW AT LIMITASYON

10.

Ito ang mga katawagan o terminolohiyang ginamit lalo na kung ito ay may kinalaman sa mga mahahalagang baryabol na kinakailangang masukat sa pamamagitan ng mga tiyak na instrumento.

a)

PANIMULA

b)

SAKLAW AT LIMITASYON

c)

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

d)

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

11.

Ito ay tumutukoy sa literatura at pag-aaral na maaaring hango sa lokal at banyagang impormasyon na may malaking kaugnayan sa isinasagawang pag-aaral.

a)

BALANGKAS KONSEPTUWAL

b)

PANIMULA

c)

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

d)

SAKLAW AT LIMITASYON

12.

Ito ay tumutukoy sa gagamiting metodolohiya ng pananaliksik.

a)

KALAHOK NG PAG-AARAL

b)

PANIMULA

c)

DISENSYO NG PANANALIKSIK

d)

SAKLAW AT LIMITASYON

13.

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral na may kaugnayan sa pananaliksik.

a)

KABANATA 4

b)

KABANATA 1

c)

KABANATA 2

d)

KABANATA 3

14.

Ito ay naglalaman ng paglalahad, pagsusuri at pagbibigay kahulugan sa mga datos.

a)

KABANATA 1

b)

KABANATA 2

c)

KABANATA 4

d)

KABANATA 3

15.

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng paglalagom, konklusyon at rekomendasyon ng pananaliksik.

a)

KABANATA 3

b)

KABANATA 4

c)

KABANATA 5

d)

KABANATA 2