NEW
Font size
WorksheetsEDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
Total questions: 15
Worksheet time: 20mins
1. “Hindi puwede ang puwede na.” Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito?
A. Mahalaga ang mahigpit na pamamalakad.
B. Bawal
B. Bawal ang pagsasabi ng “puwede na.”
C. Nararapat na laging mahusay ang Gawain.
D. May patakarang dapat sundin sa isang kompanya o pabrika.
2. Ano ang maaaring epekto ng isang gawaing hindi pinagbuti?
A. Bababa ang sweldo ng gumawa
B. Mawawala ang tiwala ng kapwa
C. Bababa ang bilang ng produktong maaaring ibenta
D. Hihina ang gross domestic product
3. Ang maling paghawak ng pondo para sa mga pamproyektong-bayan ay kadalsang nagbubunga ng mga gawaing hindi pinagbuti. Ano ang sanhi nito?
A. Kulang na ang pondo para sa materyales na gagamitin
B. Gumamganti ang mga kontraktor sa pamahalaan
C. Nais mapabilis ang pagtapos sa mga pagawaing-bayan
D. Nais nilang makapag simula na kaagad ng iba pang Gawain
4.Ang pagkakaroon ng quality control sa mga pabrika at iba pang pagawaan ay naglalayong matiyak ang _______________.
A. Maraming produktong matatapos
B. Pagsunod sa tamang pamantayan ng bawat produkto
C. Pagbabayad ng buwis ng bawat nagawang produkto
D. Pagtalima ng mga kompanya sa itinatadhana ng Anti-Piracy Law
5.Mahalagang isabuhay ang pagpapahalagang ito para sa pagpapabuti ng Gawain
A. Pagnanais na hangaan ng iba
B. Makamit ang pagkilala ng lipunan
C. Paninindigan na makatapos ng gawain nang maayos
D. Paghahangad na kumita ng malaking pera
6.Maganda ang pagkakagawa ni Joyce sa mga bag na yari sa tetra pack ng juice. Mabili ang mga ito lalo na iyong may iba’t ibang kulay at disenyo. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasabuhay o nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
A. Nagiging malikhain ang tao sa paggamit ng kaniyang mga kakayahan
B. Nakagagawa ng pera ang tao upang iangat ang kaniyang pamumuhay
C. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan
D. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay
7.Inilunsad ng isang kilalang kumpanya ng tagapaggawa ng mga delatang ulam ang proyektong “Ang latang naitabi mo, panibagong pamatid uhaw ang dala nito sa iyo” upang makaipon ng maraming lata na ibibigay sa Tahanang Walang Hagdan. Ang programang ito ay tumutugon sa mga pagpapahalagang mayroon ang pagawaan o ang kumpanya sa paglikha ng isang produktong may kalidad at may pakinabang sa lipunan, lalo na sa mga may kapansanan. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa sumusunod ang dapat mong isaalnag-alang
A. Gumawa ng produktong kikita ang tao
B. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao
C. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao
D. Gumawa ng produktong ayon sa kalooban ng Diyos
8.Malaki ang naitulong ng mga manggagawang ito sa pagpasok ng dolyar sa bayan
A. Mga doctor at nars
B. Mga lokal na namumuhunan
C. Mga artista at mang-aawit
D. Overseas Filipino workers
9.Ito ay maihahalintulad sa isang balangkas na susundan upang mabuo
ang pinapangarap na buhay.
A. Personal na Pahayag ng Misyon sa buhay
B. Mithiin
C. Plano
D. Kaalaman
10.Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang trabaho na kinakailangan sa loob at
labas ng bansa
A. Job order
B. Job vacancies
C. Lokal at global demand
D. Lahat ng nabanggit
11.Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kanyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?
A. Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan.
B. Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip
C. Kalinawan ng isip at masayang kalooban
D. Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob
12.Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha uppang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay- sa- mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa’t-isa at makipagtulungan?
A. Makiangkop
B. Makialam
C. Makipagkasundo
D. Makisimpatya
13.Alin sa pansariling salik na dapat pagbantayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa?
A. Hilig
B. Kasanayan (skills)
C. Pagpapahalaga
D. Talento
14.Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. HowardGarner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba’t-iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang 9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais sa pagtuntong mo sa Senior High School?
A. Pahalagahan at paunlarin
B. Pagtuunan ng pansin at palaguin
C. Paunlarin para sa sarili at ibahagi sa iba para sa kabutihang panlahat
D. Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso
15. Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang track o strand para sa nalalapit na Senior High School?
A. Makinig sa mga gusto ng kaibigan
B. Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral
C. Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano
D. Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon
