wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Q4_NOLI ME TANGERE - Unang Pagsusulit

Total questions: 30

Worksheet time: 23mins

Name
Class
Date
1.

Talasalitaan. Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

Si Sisa ay maituturing na ulirang may-bahay dahil sa ng kanilang kahirapan ay modelo siya sa pagpapalaki nang maayos at marangal ang kanyang mga anak.

(a)  

2.

Talasalitaan. Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

Ang magulang ni Crisostomo Ibarra na si Don Rafael ay naging mabuting puno at gabay para sa kanyang anak.

(a)  

3.

A.   Talasalitaan. Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

Naglakad si Ibarra sa kalye nang walang patutunguhan kahit na ang katunayan ay pupuntahan niya ang libingan ng kanyang ama na matatagpuan sa gubat.

(a)  

4.

Talasalitaan. Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

Sumuot sa makipot na daan si Basilio na naging lalong makitid dahil sa magulong kagamitan at maikling hilera ng karwahe.

(a)  

5.

Talasalitaan. Piliin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit.

1.    Dinaluhong ni Ibarra si Padre Salvi sa pag-aakalang dinala nito ang bangkay ng ama sa libingan ng Tsino kaya’t biglang sinugod siya ng katiwala upang pigilan.

(a)  

6.

Mga Tauhan. Tukuyin ang tauhan na nilalarawan sa bawat bilang.

Siya ay nagpahanda ng isang salusalo para kay Crisostomo Ibarra na dinaluhan ng maraming panauhin kahit ang mga walang paanyaya.

(a)  

7.

Matiising ina na sumisimbolo ng pagiging matatag nating mga Pilipino.

(a)  

8.

Siya ang binatang kasintahan ni Maria Clara na may makabagong kaisipan at nag-iisang anak ni Don Rafael Ibarra.

(a)  

9.

Anak ni Kapitan Tiyago na maganda, relihiyosa, masunurin, tapat at may malasakit sa kapwa.

(a)  

10.

Siya ang panganay na anak ni Sisa na tumakas sa sakristan mayor.

(a)  

11.

Siya ay kurang Pransiskano na masalita, magaspang kumilos at dating kura ng San Diego na nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael sa libingan ng Intsik.

(a)  

12.

Siya ay matapat na tinyente ng guardiya sibil at kaibigan ni Don Rafael na tanging tumulong sa kanya upang mapawalang-sala.

(a)  

13.

Siya maalam na matandang tagapayo ng mamamayan ng San Diego. Mas pinili niyang mag-asawa kaysa sundin ang ina na maging pari siya.

(a)  

14.

Siya ay pinagbibintangan na nagnakaw ng 2 onsa mula sa pari at bunsong anak ni Sisa

(a)  

15.

Siya ay anak ni Don Saturnino at kilala sa kanyang kabaitan at mabuting pakikisama lalo na sa mga tagabukid.

(a)  

16.

Bakit ikinulong si Don Rafael Ibarra?

a)

Dahil galit sa kanya si Padre Damaso

b)

Dahil siya ay napagbintangan na pumatay sa artilyero

c)

Dahil pinalo niya ng baston ang mga bata

17.

Saan nag-aral si Crisostomo at ilang taon?

a)

Amerika, 7 taon

b)

Europa, 7 taon

c)

Espanya, 7 taon

18.

Tunay na pangalan ni Kapitan Tiyago

a)

Don Anastacio delos Santos

b)

Don Filipino delos Santos

c)

Don Santiago delos Santos

19.

Saan sinabi ni Tiya Isabel na mag-usap sina Crisostomo at Maria Clara?

a)

Asotea

b)

Kwarto

c)

Salas

20.

Ano ang napansin ni Crisostomo sa pag-iikot niya sa bayan?

a)

Walang nagbago sa paligid o walang pag-unlad

b)

Yumaman na ang bayan

c)

Napalitan ng mga Pilipino ang bayan

21.

Sino-sino ang makapangyarihan sa bayan ng San Diego?

a)

Don Rafael at Padre Damaso

b)

Pilosopo Tasyo at Don Filipo

c)

Padre Salvi at Alperes

22.

Bakit sinugod ni Crisostomo si Padre Salvi?

a)

Dahil inakala niyang ito ang kurang tinutukoy ng sepulturero

b)

Dahil may gusto ang kura kay Maria Clara

c)

Dahil nagalit siya sa mga pari

23.

Bakit kinausap ni Padre Damaso si Kapitan Tiyago?

a)

Upang tutulan ang relasyon nina Crisostomo at Maria Clara

b)

Upang ilayo ang pamilya niya kay Crisostomo

c)

Upang humingi ng pera para sa sarili

24.

Ano ang balak ni Basilio?

a)

Makapagtapos sila ni Crispin ng pag-aaral at maging isang doktor

b)

Makatakas sa lugar na iyon at mamuhay nang maalwan sa ibang lugar

c)

Magtrabaho kay Crisostomo, hindi ma manahi ang ina at makapag-aral si Crispin sa Maynila

25.

Bakit gulong-gulo ang isip ni Sisa nang umalis ng simbahan?

a)

Dahil nawawala si Crispin at pinagbibintangan ang kanyang mga anak

b)

Dahil hindi tinanggap ang mga sariwang gulay na dala niya

c)

Dahil hindi siya tinatrato nang maayos ng mga tao sa simbahan

26.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang.

Anong K na sakit inihalintulad ni Rizal ang lipunan na ayon sa kanya sakit na walang lunas ang kalagayan ng lipunan noong panahon na iyon. Isang sakit na hindi mo mararamdaman sa simula subalit unti-unti ka na palang pinapatay sa loob.

(a)  

27.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang

Anong UTC ang pamagat ng aklat na pinagbatayan ni Rizal sa pagsulat ng Noli Me Tangere?

(a)  

28.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang.

Anong HMAS ang salin ng Noli Me Tangere sa Filipino na hango sa ebanghelyo sa Bibliya?

(a)  

29.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang.

Saang E na bansa sinimulang isulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?

(a)  

30.

Kasaysayan ng Noli Me Tangere. Tukuyin ang inilalarawan ng bawat bilang.

Sinong MV ang tumulong kay Rizal upang mailathala ang Noli Me Tangere?

(a)