NEW
Font size
WorksheetsREBYUWER-KUWIZ SA NOLI ME TANGERE
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Sakit ng lipunan noong panahon na isulat ni Rizal ang Noli Me Tangere.
Katarata
Kanser
Diabetes
Pangunahing layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere.
Gisingin ang damdamin ng mga Pilipino
Gisingin ang mga natutulog na Pilipino
Gisingin ang tulog
Sa kabila ng mga pagsubok, ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat ng Noli Me Tangere dahil _____.
Para maisiwalat ang maling ginagawa ng kapwa niya Pilipino
Marubdob ang pagnanais ni Rizal na mabuksan ang mga mata ng Pilipino sa kanser ng lipunan.
Upang maipakita ang husay, talento, at galing niya bilang manunulat.
Ang mga sumusunod ay sakit sa lipunan (panahon ng mga Espanyol), MALIBAN sa _____.
Pang-aabuso sa mga babae
Maling turo ng simbahan
Pagpapataya sa Jueteng
Alin sa mga sumusunod na idyoma ang may kahulugang WALANG TRABAHO.
Nagbibilang ng poste
Nangangarap nang gising
Nagtataingang-kawali
Ang mga akadang nakaimpluwensiya kay Rizal ay ang The Wandering Jews, Uncle Tom's Cabin, at ___.
Bibliya
Koran
Disyonaryo
Ano ang kondisyon ng Pilipinas nang isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
Nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila
Malayang nakapagpapahayag ang mga Pilipino
Ang mga Amerikano ang itinuturing na panginoon ng mga Pilipino
Alin sa mga sumusunod ang HINDI naranasan ni Rizal nang isulat niya ang Noli Me Tangere?
Kagipitan
Kasawian sa Pag-ibig
Pagkakasakit ng TB.
TEMA ng Noli Me Tangere.
Kalupitan ng mga prayle at ng gobyerno
Pilipinas bilang isang bansang nagkakaisa
Ako bilang ikaw
Bakit inilahad ni Rizal sa akda ang maling ginagawa ng simbahan noon?
Upang matigil na ang maling paggamit ng relihiyon
Upang sirain ang Katolisismo
Trip lang niya
Hindi lamang iisa ang pakahulugan
Denotasyon
Komisyon
Kontekstuwal na Pahiwatig
Kasingkahulugan ng paghihirap.
Pagdaralita
Pagsasalita
Pagpapasakit
Nais ipakahulugan ng “Ikaw ay araw na sumisikat,ako ay papalubog na”.
Ang isa ay bata, habang matanda na ang huli.
Kapuwa bata ang nagsasalita.
Ang araw ay sisikat na.
Ang MALING PAGGAMIT NG RELIHIYON AY NANGYAYARI PA RIN HANGGANG SA KASALUKUYAN.
TAMA
MALI
Naging instrumento ang Noli Me Tangere upang makabuo ang mga Pilipino ng PAMBANSANG PAGKAKAKILANLAN.
TAMA
MALI
“Hindi na nag-aksaya ng panahon si Elias. Sinabi niya kaagad kay Ibarra na siya ang sugo
ng mga sawimpalad. Inilahad niya nang walang pag-aalinlangan ang mga kahilingan ng
mga sawimpalad sa binata.”
Sino sa mga sumusunod ang kinakatawan ng tauhang si Elias sa Noli Me Tangere?
mga katutubong naninilbihan sa mga Espanyol upang mabuhay nang matiwasay
mga pangkaraniwang taong nakaranas ng mga pang-aabuso sa kamay ng mga Espanyol
Lugar at petsa ng kapanganakan ni Rizal.
Hunyo 19, 1861
Calamba, Laguna
Hunyo 19, 1896
Intramuros, Maynila
Naisulat ni Rizal sa edad na walo. Ito ay tungkol sa pag-ibig sa wika.
Sa Aking Mga Kabata
Sa Aking Mga Kababata
Saksi sa marubdob na pagmamahalan nina Rizal at
______________ ang Dapitan.
Leonor Rivera
Josephine Bracken
Bakit ninais ni Rizal na maging doktor?
Upang magamot ang ina
Upang kumita ng pera
Alin sa mga sumusunod na salita ang ginagamit na hudyat sa pagpapaliwanag?
dahil dito, kaya nga, at bunga nito
ako, ikaw, at siya
Ibang salita para sa asawang babae.
Maybahay
Ilaw ng Tahanan
Paano ka tutugon sa taong pinagbibintangan ka ng isang bagay na hindi mo naman ginawa?
Iiyak ako at magsusumbong sa kinauukulan.
Haharapin ko ang taong iyon at lilinawin sa kanya ang lahat.
Dapat makita sa sarili upang malabanan ang inggit.
Blessings
Problems
“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may
pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.”
-Pilosopo Tasyo
Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa:
nagpapanggap
nagpapasaya
“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may
pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.”
-Pilosopo Tasyo
Ano ang nais sabihin?
huwag laging magtiwala
lagi tayong may kaaway, mag-ingat.
“O, PAG-IBIG NA MAKAPANGYARIHAN, PAG PUMASOK SA PUSO NINUMAN, HAHAMAKIN
ANG LAHAT MASUNOD KA LAMANG. ”
Ano ang kahulugan ng kontekstuwal na pahiwatig na ito?
Ang pag-ibig ay makapangyarihan
Ang pag-ibig ay nakamamatay
“HINDI TAYO TUMUTOL NG BIGYAN TAYO NG ISANG PINUNONG ALIPIN.”
Anong ipinakakahulugan ng kontekstuwal na pahiwatig na ito?
Wala silang nagawa nang magkaroon ng pinuno na sunud-sunuran.
Lahat sila ay alipin.
Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpahiwatig ng katapangan?
tigre
pusa
”Ako ay hinog na sa karanasan para paniwalaan. Magdadalawampu’t tatlong taon na akong
kumakain ng kanin at saging. Huwag ninyo akong gamitan ng kung ano-ano at mabulaklak na
mga salita. Si Padre Damaso ay_________
mapagmataas
madasalin
Mga ginoo! Iwasan nating makabigkas ng isasama ng loob ng isa’t isa nang wala namang
dahilan. Iba ang sinasabi ni Padre Damaso bilang pari kaysa sa kanyang personal na ibig
sabihin”. Si Padre Sibyla ay _________________
duwag
matapang
“Mga Ginoo, ipagpatawad po ninyo kung gamitin ko ang isang kaugalian mula sa Alemanya.
Hindi sa ibig kong dalhin dito ang kaugaliang iyon ngunit hinihingi ng pangyayari na kapag
dumalo ang isang tao sa isang pagtitipon at wala siyang kakilalala rito, siya na mismo ang
magpapakilala sa kanyang sarili”.
Sinong nagsabi?
Crisostomo Ibarra
Simoun
Pinagbintangan nila si Crispin! Ang mabait kong si Crispin. Palibhasa’y maralita tayo kaya tayo
napagbintangan. Lahat ay maari nilang sabihin sa atin”.
Kaninong pahayag ito?
Sisa
Maria Clara
Linya ni Pilosopo Tasyo.
Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw lalong pag-
ingata’t ito’y kaaway na lihim”
“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan! Kayong nakamamalas sa kanya, batiiin ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangabulid sa dilim ng gabi.”
Kasingkahulugan ng pagbubukang-liwaway...
kinabukasan
kahapon
nangabulid sa dilim ng gabi ...
bayani
kawatan
Nahihinuha sa pahayag ng nagsasalita na siya’y may katangiang______________.
maalalahanin
mapagmahal
sikat
tanyag
hindi kilala
mahusay
magaling
mahina
bayani
dakila
mahina
Tukuyin kung ang pahayag ay nagbibigay ng opinyon o nagpapahayag ng damdamin. Piliin ang titik A kung nagbibigay ng opinyon at titik B kung nagpapahayag ng damdamin.
Ang bagay na iyan ay hindi kapahamakan, sapagkat ang buwaya ay namatay.
A
B
Tukuyin kung ang pahayag ay nagbibigay ng opinyon o nagpapahayag ng damdamin.Piliin ang titik A kung nagbibigay ng opinyon at titik B kung nagpapahayag ng damdamin.
“Mabuti’t hindi ka naano….” ang malambing na bulong ni Maria Clara.
A
B
Tukuyin kung ang pahayag ay nagbibigay ng opinyon o nagpapahayag ng damdamin.Piliin ang titik A kung nagbibigay ng opinyon at titik B kung nagpapahayag ng damdamin.
Labis akong naninindigan na kayong mga hindi sumasampalataya ay pinarurusahan sa lupa
sa pamamagitan ng bilangguan.
A
B
Tukuyin kung ang pahayag ay nagbibigay ng opinyon o nagpapahayag ng damdamin.Piliin ang titik A kung nagbibigay ng opinyon at titik B kung nagpapahayag ng damdamin.
Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang mga magulang na pinababayaan ang
anak.
A
B
Bakit mahalaga ang paggamit ng angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng
damdamin?
Upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig ipabatid sa nakikinig.
Upang higit na maging malinabo ang mensaheng ibig ipabatid sa nakikinig.
Ito ang mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.Madalas na
ginagamitan ng pagpapaikli o pagkakaltas ng ibang titik sa salita upang mapaikli ang
salita.
Kolokyal
Kolonyal
Ang antas ng wika ay nakadepende sa ________ kung kailan ito ginamit.
Lugar,okasyon,panahon
Kausap,kalaro,kaaway
Sa panayam ng mga awtoridad sa suspek ito ay tila naglulubid ng buhangin. Ang
pariralang “naglulubid ng buhangin” ay nagsasaad ng anong antas ng wika?
Pambansa
Pampanitikan
Naiwang mag-isa si Ibarra. Wala ang may-ari ng bahay.Wala siyang malapitan upang magpakilala sa kanya sa mga dalagang panauhin.Gayunman ay napansin niyang maraming nakatingin sa kanya.Ipinasya niyang lapitan ang mga iyon. “Ipagpaumanhin ninyong malabag ko ang tuntunin sa pakikipagkapwa. Pitong taon ako sa ibang bansa at sa pagbabalik ko ay hindi ko matiis ang batiin ang pinakamahalagang hiyas ng aking bayan,ang mga babae.”
Anong uri ng pag-ibig ang nasasalamin sa teksto?
Pag-ibig sa kapwa
Pag-ibig sa Kapuwa
Ang pagpapaikli tulad ng hindi sa `di at kailan sa kelan ay ...
Balbal
Kolokyal
