Font size
WorksheetsDulaan: Panahon ng mga Amerikano't Hapon
Total questions: 20
Worksheet time: 43mins
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga impluwensya ng mga Amerikano sa mga Pilipino?
Pagpapatayo ng paaralan
Pagpapaunlad ng kalusugan at kalinisan
Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
Pagpapalaganap ng mga pangit na ugali ng mga Kastila
Anong batas ang nagbabawal sa mga Pilipino na magsulat ukol sa pagmamalabis ng mga layunin ng mga Amerikano dito sa ating bansa?
Ano ang ginamit na panitikan upang magpahayag ng paghihimagsik noong panahon ng mga Amerikano?
Maikling Kwento
Tula
Nobela
Dula
Anong klase ng dula ang namayagpag noong panahon ng mga Amerikano?
Moro-moro
Panunuluyan
Sarsuwela
Balagtasan
Ang sarsuwela ay sumibol noong ika-17 na siglo bilang aliwan ng mga (a) sa Espanya. (hint: may kulay ang answer)
Siya ang nagbanggit na walang idinudulot na anomang kapakinabangan sa mga manonood ang mga dulang tulad ng komedya o moro-moro sa mga Pilipino at higit na pagtuunan ng pansin ang sarsuela dahil mapagkukunan ito ng mga aral.
Severino Reyes
Aurelio Tolentino
Francisco Baltazar
Hermogenes Ilagan
Sino ang tanyag na manunulat ng Sarsuwela na ginamit itong instrumento sa pakikibaka laban sa mga kamay ng mga Kano. Hinimok din niya ang mga Pilipino na umalma sa mga mananakop.
Severino Reyes
Aurelio Tolentino
Francisco Baltazar
Hermogenes Ilagan
Ang sarsuwela na ito ang pinakakontrobersyal na binabanggit sa mga pahayagan noong 1903 hanggang 1905.
Sa Pula, Sa Puti
Walang Sugat
Kahapon, Ngayon, at Bukas
Dalagang Bukid
Ano ang mga nauso noon na panoorin na naging dahilan sa pagkawala ng mga dulaan sa tanghalan noong panahon ng mga Amerikano?
Bodabil
Bomba movies
Stageshows
Radyo
Ano ang tawag sa illegitimate show noong panahon ng mga Hapon na lubos na tinangkilik ng mga Pilipino?
Bodabil
Bomba movies
Stageshows
Sarsuwela
Ano ang isa sa mga dahilan ng Japan kung bakit nila sinasakop ang mga bansang tulad ng Indonesia, Malaysia, Vietnam at Pilipinas?
Upang mas mapalakas ang kanilang sandatahan
Dumami ang umanib sa gyera
Mapatalsik ang mga Kanluranin na sumakop
Mapalaganap ang kanilang kultura
Ang panahon ng mga Hapon ay itinuring bilang ano?
(a)
Anong polisiya ang ipinatupad ng mga Hapon sa mga Pilipino noon?
Literary Policy
Cultural Policy
Sedition Policy
Ano ang nakapaloob sa Order No. 2 noong 1942 noong panahon ng mga Hapon?
Pag-aawit ng Kimigayo bago mag-umpisa ang mga palabas
Pagpapalawig sa wikang Filipino
Pagtuturo ng wikang Hapon
Pagbabawal sa paggamit ng wikang Ingles sa mga sulatin
Alin sa mga sumusunod ang mga madalas na paksain sa mga sulatin noong panahon ng mga Hapon?
Pangingikil ng mga Kastila at Amerikano
Buhay lalawigan
Gyera na nagaganap
Panglalait sa kapitbahay
Bakit kaya lubos na namayagpag ang mga stageshows noong panahon ng mga Hapon?
Hindi ba't mayroong digmaan noong panahon na iyon?
Ano ang madalas na genre ng mga dula sa panahon ng mga Hapon?
Nakakatakot
Nakaka-iyak
Nakakatawa
Romansa
Ano ang tawag sa impormal na katutubong kasuotan ng mga kababaihan noon? (tulad ng sa larawan)
Balintawak
Baro't saya
Bahag
Barong Tagalog
Ano ang iniaawit bago magsimula ang mga palabas noong panahon ng mga Hapon?
Ai Uta
Kimigayo
Ginza No Koi No Monogatari
Ito ay uri ng dula noong panahon ng mga Hapon na binubuo ng mga kumbensyon ng pagsulat at pagtatanghal.
Illegitimate
Legitimate
