Font size
WorksheetsKabanata 26-40
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Ang mga ito ay inihanda ng mga tao para sa kapistahan sa San Diego MALIBAN or EXCEPT sa?
a. Naglagay ng banderitas.
b. Nagtatanim sa paligid.
c. Nagsabit ng mga dekorasyon.
d. May musika at paputok.
2. Ano ang emosyon na naghahari sa Kabanata 26- Ang Araw Bago ang Pista?
Pananabik
Pag-alinlangan
Kalungkutan
Panghinayang
3. Sa Bisperas ng pista, ano ang ginawa ng mga tauhan ni Ibarra?
Kumain sa kapit-bahay
Kumanta
Nagturo ng mga bata
Naghukay, naglagay ng semento para sa paaralan ni Ibarra.
4. FSa Kabanata 26, paano inilarawan ang klaseng paaralang ipapatayo ni Ibarra?
Hiwalay ang lalaki at babae
Kasunod sa inutos ng mga pari
Maaliwalas
Para sa lahat
5. Sa Kabanata 27, ano ang ibinigay ni Kapitan Tiyago kay Maria Clara?
bagong damit
hikaw
sapatos
laket
6. Habang namasyal sina Maria Clara at mga kaibigan, may nakita siya. Ano ito?
mga pulubi
ketongin
mga maysakit sa gilid ng simbahan
basura sa paligid
7. Bakit ibinigay ni Maria Clara ang kanyang laket sa taong nakita niya?
Siya ay naawa.
Siya ay natuwa.
Siya ay na konsensya.
Siya ay masaya.
8. Ano ang ibig sabihin ng HINANDUGAN? 1-2 posibleng sagot
inalayan
kinasuklaman
pinandirian
binigyan
9. Kumpletuhin ang pangungusap.
Si Kapitan Tiyago at Maria Clara ay sumayaw at ________ it ng dalaga.
ikinasaya
ikinatuwa
ikinagalit
ikinainis
10. Para kanino nila inihandog ang prusisyon?
sa mga pari
sa mga kululuwa
sa mga santo't santa
sa mga pinuno ng gobyerno
11. Sino sa kanila ang nagsabing sayang lang ang perang ginastos para sa paghahanda sa kapistahan. Magagamit pa sana ito sa mas mahalagang bagay?
Kapitan Tiyago
Pilosopong Tasyo
Don Filipo at Pilosopong Tasyo
Don Andres
12. Sa Kabanata 30, bakit hindi sinimulan agad ang misa?
Dahil hindi pa napupuno ang simbahan.
Dahil hindi pa nagising ang pari.
Dahil hinintay pa ang alkalde na dumating.
Dahil may kaguluhan sa labas ng simbahan. Nagwala si Sisa.
13. Ano ang makikitang mensahe ipinahayag sa Kabanata 31?
Magkaiba ang mayayaman at mahirap.
Ang mga tao ay nagpakabanal kahit marami silang ginawang masama.
Hintay pantay ang pag trato nga mga tao pati sa loob ng simbahan.
Tama lahat ang nasa itaas.
14. Paano ba magbigay ng sermon si Padre Damaso?
Mataimtim at mapagdasal.
Kalmado at sagrado
Mapang-akit
May pinatatamaan at nakakaantok.
15. Sa Kabanata 33, muntik ng mapahamak si Ibarra dahil biglang kumalas ang mga kawayan sa kabriya . Ano ang tagpuan sa kabanatang ito?
sa simbahan
sa ilog
sa lugar kung saan niya pinatayo ang kanyang paaralan
sa bahay ni Elias
16. Bakit sobrang bait ni Elias kay Ibarra?
Dahil sa kabutihang nagawa ng ama ni Ibarra sa kanila.
Dahil binigyan ito ni Ibarra ng trabaho.
Dahil magkadugo ang dalawa.
Wala dito ang sagot.
17. Ano ang nangyari sa Kabanata 35?
Si Maria Clara ay nagalit kay Padre Damaso.
Si Padre Damaso ay kumausap kay Maria Clara na hiwalayan si Ibarra.
Sinunggaban ni Ibarra si Padre Damaso at muntik itong napatay.
Si Padre Damaso ay nagalit sa mga tao dahil hindi nagsisimba.
18. Bakit sobrang galit ang nadarama ni Ibarra kay Padre Damaso sa Kabanata 35?
Dahil inalipusta nito si Ibarra pati ang ama nito.
Dahil sobra na ang mga sinabi niya sa mga Indio.
Dahil wala na itong respeto sa simbahang kinatatayuan.
Tama ang lahat na sagot sa itaas.
19. Ano ang implikasyon o bunga ng nangyari nina Ibarra at Padre Damaso sa mga tao?
Hinahangaan si Ibarra sa kanyang tapang.
Kinabahan ang mga magulang dahil baka maging katulad kay Ibarra ang mga anak nila.
Unti-unti ng namulat ang mga tao sa gawain ng mga pari.
Tama ang lahat ng sagot.
20. Ang sumusunod ay nangyari sa Kabanata 40 MALIBAN sa _____?
May dula na pinanuod ng mga tao.
Nagalit si Padre Salvi dahil dumating si Ibarra.
Nakisali si Sisa sa dula.
Pinatigil ni Alperes ang musika dahil hindi sila makatulog.
