wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Sinaunang Paniniwalang Asyano

Total questions: 20

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Sino ang nagtatag ng pilosopiyang Taoismo?

a)

Lao Tzu

b)

Han Feizi

c)

Shang Yang

d)

Kung Fu Tzu

2.

Anong uri ng pamamahala ang itinataguyod ng Legalismo?

a)

malupit

b)

malaya

c)

marangal

d)

organisado

3.

Ano ang kahulugan ng wu wei ng Taoismo?

a)

hindi pagkilos

b)

paglilingkod

c)

pagsuko sa diyos

d)

kawalan ng karahasan

4.

Paano pinagtutuunan ng pansin ng Taoismo ang kapaligiran?

a)

Pinananatili nito ang natural na ayos at daloy ng mga bagay.

b)

Hinihikayat nito ang pagkakaroon ng mataas na uri ng kaalaman upang makontrol ang kapaligiran.

c)

Hinihikayat nito ang pagsasaayos ng mga bagay sa kapaligiran sang-ayon sa ikabubuti rin ng mga tao.

d)

Pinananatili nito ang kapaligiran sa ayos nito matapos ang ginawang pagbabago ng mga tao.

5.

Saan nagsimula ang Judaismo?

a)

Israel

b)

Palestine

c)

Qatar

d)

Turkey

6.

Ano ang nagsisilbing gabay upang matamo ang nirvana sa paniniwalang Buddhismo?

a)

Eightfold Path

b)

Karma

c)

Four Noble Truths

d)

Reinkarnasyon

7.

Anong relihiyon ang nakatuon sa Sampung Utos ng Diyos?

a)

Judaismo

b)

Hinduismo

c)

Islam

d)

Buddhismo

8.

Ano ang kahulugan ng nirvana?

a)

Estado ng kaluwalhatian at kalayaan mula sa siklo ng reinkarnasyon

b)

Estado ng kalayaan mula sa makamundong pagdurusa

c)

Estado ng pakikiisa sa tagapaglikha ng mga bagay

d)

Estado ng pagtatamo ng walang hanggang kaligayahan

9.

Ano ang kahulugan ng Islam?

a)

Kapayapaang madarama sa oras ng pagsuko kay Allah

b)

Kasaganaang matatamo sa oras na makiisa kay Allah

c)

Kapayapaang matatamo sa pagtulong sa kapwa

d)

Kasiyahang matatamo sa oras na isuko ang sarili sa makamundong bagay

10.

Alin sa sumusunod na pamamaraan ang makatutulong sa tao upang makamit ang nirvana?

a)

Pagtalikod sa makamundong pagnanasa

b)

Pagkamal ng kayamanan at mga katulad nito

c)

Paghingi ng gabay mula sa mga pinaniniwalaan

d)

Pag-aayuno araw-araw sa buong buwan

11.

Ano ang kahulugan ng titulong Mahavira?

a)

Dakilang bayani

b)

Dakilang hari

c)

Dakilang tagasunod

d)

Dakilang tagapagtatag

12.

Anong relihiyon ang nagpapaliwanag na ang buhay ay patuloy na labanan sa pagitan ng mabuti at masama?

a)

Zoroastrianismo

b)

Jainismo

c)

Sikhismo

d)

Shintoismo

13.

Alin sa sumusunod na relihiyon ang naglalayong sirain ang siklo ng reinkarnasyon?

a)

Sikhismo

b)

Shintoismo

c)

Zoroastrianismo

d)

Jainismo

14.

Ano ang ibig sabihin ng ahimsa?

a)

Ito ay ang panata sa pag-iwas sa anumang uri ng pananakit.

b)

Ito ay ang panata sa paggalang sa natural na ayos ng kapaligiran.

c)

Ito ay ang panata sa pag-iwas sa anumang uri ng pagdurusa.

d)

Ito ay ang panata sa pagpapanatili ng balanse sa paligid.

15.

Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang aral ng Zoroastrianismo?

a)

Pangingibabaw ng pag-ibig

b)

Patuloy na tunggalian sa mundo

c)

Pangingibabaw ng kasamaan

d)

Pag-usbong ng karahasan

16.

Alin sa sumusunod na relihiyon ang may mataas na pagpapahalaga sa kalikasan?

a)

Shintoismo

b)

Sikhismo

c)

Jainismo

d)

Zoroastrianismo

17.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa kahulugan ng buhay ayon sa tatlong hiyas ng Jainismo?

a)

Wastong kabuhayan

b)

Wastong pananampalataya

c)

Wastong kaalaman

d)

Wastong kaasalan

18.

Alin sa sumusunod na gawain ang dapat iwasan ng mga tagasunod ng Jainismo upang maisakatuparan ang kanilang panata?

a)

pagsasaka

b)

paglilingkod

c)

pangangalakal

d)

pagtatanghal

19.

Ayon sa Sikhismo, alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga bagay na dapat isagawa upang matamo ang kaligtasan?

a)

Pagtalikod sa nakagisnang buhay

b)

Paglilingkod sa kapananampalataya

c)

Pagninilay-nilay sa takbo ng buhay

d)

Pagsunod sa mga turo ng Guru

20.

Alin sa sumusunod ang kabilang sa pamamaraan ng mga Shinto upang isagawa ang paglilinis na panloob?

a)

Pag-aalay ng pagkain

b)

Pag-inom ng maraming tubig

c)

Paghuhugas ng mga kamay

d)

Paghuhugas ng bibig