WorksheetsAP 7 QUIZ 6
Total questions: 16
Worksheet time: 8mins
Name
Class
Date
1.
NAME
4 lines
2.
1. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI tumutukoy sa prinsipyo ng komunismo?
a)
A. Pagpapairal ng diktadurya
b)
B. Pagkawala ng antas o pag-uuri-uri
c)
C. Ang produksiyon at produkto ay pag-aari ng estado
d)
D. Ang produksiyon at kalakalan ay kontrolado ng pribadong pamahalaan
3.
2. Ang lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay naghangad ng kalayaan sa pananakop ng mga kanluranin dahil sa ideya ng demokrasya. Ang pahayag na ito ay ________.
a)
A. tama, dahil ang ideolohiyang ito ang ginamit sa Timog-Silangang Asya.
b)
B. mali, dahil lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay ginamit ang komunismo.
c)
C. tama, dahil lahat ng bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya ay ginamit ang demokrasya
d)
D. mali, dahil magkakaiba ang ideolohiyang ginamit ng mag bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
4.
3. Alin sa sumusunod na ideya o kaisipan ang naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito?
a)
A. Ideolohiya
b)
B. Pilosopiya
c)
C. Polisiya
d)
D. Teorya
5.
4. Paano naipakita ng mga pinuno ng mga kilusang nasyonalista ang kanilang pagmamahal sa kanilang bayan?
1. Komunismo ang ideolohiyang niyakap at ginamit ni Ho Chi Minh para makamit ang kasarinlan ng Vietnam
2. Nagtatag si Dr. Jose Rizal ng Kilusang Propaganda upang makamit ang mga reporma sa lipunan.
3. Pinamunuan ni Achmed Sukarno ang samahang nagpalaya sa Indonesia mula sa mga Dutch.
a)
A. 1 at 2
b)
B. 1 at 3 D. 2 at 3
c)
C. 1, 2, at 3
d)
D. 2 at 3
6.
5. Alin sa sumusunod na uri ng ideolohiya ang umusbong sa China na nagbigaydaan sa paglaya mula sa kamay ng mananakop?
a)
A. Demokratiko
b)
B. Komunismo
c)
C. Sosyalismo
d)
D. Totalitaryanismo
7.
6. Ano sa palagay mo ang aspetong HINDI gaanong naapektuhan ng anumang ideolohiya sa Silangan at Timog-Silangang Asya?
a)
A. Pansining
b)
B. Panlipunan
c)
C. Pampulitika
d)
D. Pangkabuhayan
8.
7. Anong ideolohiya ang nagsasaad na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng isang tao na namumuno at ang tawag sa kaniya ay hari o reyna?
a)
A. Sosyalismo
b)
B. Monarkiya
c)
C. Komunismo
d)
D. Demokrasya
9.
8. Anong bansa sa Silangang Asya ang may ideolohiyang komunismo?
a)
A. China
b)
B. Indonesia
c)
C. Japan
d)
D. South Korea
10.
9. Sino ang pinuno ng kilusang nasyonalista sa Vietnam na nanguna sa pagkamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa ideolohiya at pamamaraang komunismo?
a)
A. Ba Maw
b)
B. Diponegoro
c)
C. Ho Chi Minh
d)
D. Sukarno
11.
10. Sino ang nanguna sa pag-aalsa sa Indonesia laban sa mga mananakop na Dutch?
a)
A. Sukarno
b)
B. Ho Chi Minh
c)
C. Diponegoro
d)
D. Ba Maw
12.
11. Ang sumusunod na pahayag ay nagsasaad ng implikasyon ng ideolohiya sa ating lipunan. Ano ang HINDI kabilang?
a)
A. Batayan ng pagkakahati-hati ng tao ayon sa estado ng buhay.
b)
B. Gabay ng pamahalaan sa pamamalakad ng nasasakupan nito.
c)
C. Nagbibigkis sa mga mamamayan upang maging isang nagkakaisang bansa.
d)
D. Kaisipan, panuntunan, o pundasyon ng sistemang pang-ekonomiya at pampolitika ng isang bansa.
13.
12. Ang sumusunod ay ideolohiya na ginamit ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya. Alin ang HINDI kasama?
a)
A. Demokrasya
b)
B. Komunismo
c)
C. Monarkiya
d)
D. Pasismo
14.
13. Ang sumusunod ay nanguna sa pagtatag ng mga kilusang nasyonalista sa Timog-Silangang Asya. Sino ang kabilang sa pangkat?
1. Achmed Sukarno 2. Ho Chi Minh 3. Jose Rizal 4. Mutsuhito
a)
A. 1, 2, at 3
b)
B. 1, 3, at 4
c)
C. 1, 2, 3, at 4
d)
D. 2, 3, at 4
15.
14. Anong paraan ang ginamit ng mga Katipunero sa Pilipinas upang maipahayag ang kanilang pagmamahal sa bayan at maisakatuparan ang hangaring kasarinlan?
a)
A. Himagsikan
b)
B. Negosasyon
c)
C. Propaganda
d)
D. Protesta
16.
15. Nakamit ng Indonesia ang kalayaan mula sa mga Dutch sa pamamagitan ng itinatag na samahan at pagyakap sa komunismo. Ang pahayag na ito ay ______.
a)
A. mali, dahil sosyalismo ang kanilang niyakap.
b)
B. tama, dahil ito ang paraan nila upang lumaya.
c)
C. mali, dahil ang bansang Indonesia ay demokratiko.
d)
D. tama, dahil komunismo ang kanilang ginamit sa pamamahala at tinanggap ang mga Dutch.
100 %
