WorksheetsKasaysayan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Siya ang pinuno na nagtatag ng pasistang pamahalaan sa Italy.
Adolf Hitler
Benito Mussolini
Georges Clemenceau
Woodrow Wilson
Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Allied Forces?
France
Great Britain
Italy
United States
Ano ang tawag sa pagsasanib-puwersa ng Germany at Austria?
Anschluss
Alyansa
Imperyalismo
Team work
Ito ang kasunduan sa pagitan ng Germany at Russia na nagsasaad ng pagiging magkaibigan ng dalawang bansa.
Non-Aggression Pact
Pact of Friendship
Treaty of Berlin
Treaty of Versailles
Ito ang pangunahing estratehiyang militar na ginamit ng puwersang Nazi upang mabilis na malupig ang kanilang mga kalaban.
Blitzkrieg
Enigma
Luftwaffe
Radar
Ito ang batas na naipasa sa kongreso ng United States na nagbibigay pahintulot sa mga Allied Forces na hiramin o upahan ang mga gamit pandigma ng United States.
Allied Law
Atlantic Charter
Lease Law
Lend-Lease Act
Ang mga sumusunod na bansa ay kabilang sa Axis Powers, maliban sa ________.
Germany
Italy
Japan
Poland
Siya ang Pranses na nagtatag ng samahan na Free France sa London na naglalayong palayain ang France mula sa kamay ng mga Nazi.
Charles de Gaulle
Franklin Roosevelt
Henri Philip PÈtain
Winston Churchill
Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
I. Sinalakay ng puwersang Nazi ang Norway at Denmark
II. Niligtas ng hukbong British ang mga puwersang Allies na nagipit sa Dunkirk
III. Idineklara ang Paris bilang isang open city
IV. Nagtatag ng isang puppet na pamahalaan sa Vichy
I, II, III, IV
I, III, IV, II
II, I, IV, III
III, I, II, IV
Noong Hunyo 22, 1940 ay humingi ng isang armistice France sa Germany at tuluyang nasakop ng Germany ang hilagang bahagi ng France. Saan nagtatag ng isang puppet na pamahalaan ang Nazi sa France?
Bordeaux
Dunkirk
Paris
Vichy
Alin sa mga sumusunod na bansa ang hindi kabilang sa Allied Forces?
Austria
France
Great Britain
United States
Ito ang pinakamalaking naval base ng mga Amerikano sa Pasipiko. Ito ay binomba at pinasabog ng mga puwersang Hapones na nagdulot ng malubhang pinsala.
Leyte
Maginot Line
Neptune Port
Pearl Harbor
Layunin ng taktika na ito na tuluyang palayain ang kanlurang Europe mula sa kamay ng mga Nazi.
blitzkrieg
D-Day
enigma
V-J Day
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Nabuo ang Liga ng mga Bansa
Isinilang ang mga malalayang bansa
Napagtibay ang simulating command responsibility
Bumagsak ang mga pamahalaang itinatag nina Hitler, Mussolini at Hirohito
Ang sumusunod ay mga naging sanhi sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig maliban sa __________.
Pag-alis ng Germany sa Liga
Digmaang Sibil sa Spain
Pagbuo ng mga Alyansa
Anschluss
Ito ay tumutukoy sa kasunduang pinirmahan nina Pangulong Franklin Roosevelt ng United States at Punong Ministro Winston Churchill ng United Kingdom. Nilalaman ng kasunduang ito ang mga demokratikong prinsipyong ipinaglalaban ng mga Allied Forces sa digmaan.
Atlantic Charter
Armistice Agreement
Non-Aggression Pact
Treaty of Zaragoza
Ito ay isang maliit na lupain na humihiwalay sa Silangang Prussia at Germany.
Danzig
Dardanelles Strait
Dunkirk
Polish Corridor
Siya ang lider ng Nationalist Front sa naganap na digmaang sibil sa Spain.
Benito Mussolini
Edouard Daladier
Francisco Franco
Haile Selassie
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga naging sanhi ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Digmaang Sibil sa Spain
Pagbuo ng mga alyansa
Paglusob ng Germany sa Poland
Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa
Kailan opisyal na nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
1914
1935
1939
1941
